Kabanata 40 Third Person's Point Of View Agad na sumulpot si Dark sa harap ni Elrah na palakad lakad habang hindi mapakali. Napanaginipan nya ang nangyari kay Caliyah, kailangan nilang iligtas si Caliyah. Pero kailangan muna nilang mahanap si Light. Hinawakan niya ang kaniyang ulo, hindi niya alam kung alin ang uunahin niya. Si Caliyah na nanganganib ngayon, si Light na nawawala o ang magpipinsang Caspian na pinagtutulungan ngayon ng council sa Europe? "Elrah" tawag ni Dark dito. Mabilis na nilapitan ng dalaga si Dark. “Dark..” kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi. "A-Anong nangyayari Elrah? Nasaan sina Caliyah at Light?" nanlulumong tanong ni Dark. Napatungo si Elrah, hindi nya inaasahan ang nangyari, sana ay hindi nalang muna sya umalis para hindi napahamak sina Caliyah at Lig

