Kabanata 27 Third Person's Point Of View Frustrated na ginulo ni Dark ang kanyang buhok nang biglang sumulpot si Elrah sa loob ng kanyang kwarto at biglang sinabi na kailangan na nyang ilayo si Caliyah. Oo, buo na ang pasya nya na ilayo si Caliyah sa lugar na ito, pero hindi pa sya handa lalo pa't nakikita nya ang paghihirap ng kalooban ni Knight. Ayaw nyang mas magdusa ito habang sya ay nakatingin lamang. Ayaw nyang mas pahirapan ang kanyang pinsan. Oo nga at kahawig ni Caliyah si Aliyah pero hindi nya nararamdaman kay Caliyah ang nararamdaman nya noon para kay Aliyah. Para bang may nag-iba. Parang hindi nya kilala si Caliyah. Hindi nya nakikita si Aliyah dito bukod sa pagiging magkahawig nito. Naalala nya kagabi na dalawamput't-isang taon na simula nang maghiwalay sila ni Aliyah kaya

