Kabanata 26 Knight's Point of View She's not breathing and i can't do anything but to watch my mother trying to revive her. Yumuko ako. Ikinuyom ko ang aking mga kamao at hinanap sa aking sarili ang lakas na dapat ay mayroon ako pero wala. Nanghihina ako. Nanghihina ako habang nakikita ang isa nanamang babaeng binawian ng buhay sa piling ko. Hindi ko matanggap! Ganito ba ako kamalas? I swallowed hard hoping to regain my strength by swallowing the tough feeling i have inside. "Imposible!" Nag-angat ako ng tingin, sinalubong ang tingin ng aking ina na puno ng pagtataka. "Paanong may lumabas na itim na tila usok sa katawan niya? Sigurado ka ba sa nakita mo, anak?" "I saw it with my own eyes mom. L-Lumabas sa katawan ni Caliyah." Tinitigan ko siya na muling ibinalik ang atensyon kay C

