Dallas, Texas, USA Malaki ang bawat hakbang ni Taurus papasok sa opisina ng kanilang team owner, wala siyang ideya sa kung ano ba ang dapat niyang asahan ngunit hindi na siya nagulat nang makita sa loob na nakaupo maging ang kanilang head coach. "Oh, there he is. How are you Tau?" malapad ang ngiti ni Mister Cuban nang makita siyang pumasok sa pinto. "Sir, Coach," bati ni Taurus sa dalawa tsaka lumapit at kinamayad ang team owner habang sandali naman silang nagyakapan ni Coach Sean. "How is your vacation Tau?" Napakamot ng ulo si Taurus bago maupo sa birong naging tanong sa kanya ni Coach Sean, pareho nilang alam na hindi bakasyon ang pinunta niya sa isla. "How's the island Tau?" dagdag naman ni Mister Cuban na tudyo sa kanya. "Like a paradise, Sir," tapat na sagot niya. Mul

