bc

Throne: Duchess

book_age16+
2.1K
FOLLOW
5.5K
READ
fated
arrogant
independent
princess
royalty/noble
heir/heiress
drama
tragedy
royal
athlete
like
intro-logo
Blurb

Dinala ng alon si Maribela sa isla kung saan naroon si Taurus. Tila tadhana ang nagdikta na pagtagpuin ang landas nilang dalawa. Magkaibang mundo ang pinanggalingan nila, si Maribela ay isang Prinsesa na may tungkolin sa kanyang bansa samantalang si Taurus ay isang basketbolista na pilit pinapatunayan ang kagalingan sa liga.

Saan sila dadalhin ng kanilang kapalaran?

-----

"Bela. Why are you here?" sambit ni Taurus nang maabotan na siya nito.

Sinamaan niya ito nang tingin nang kahit saan siya dumaan ay hinaharang ni Taurus ang kanyang katawan. "Get out of my way!" bulyaw niya.

Nanlaki ang mga mata ni Taurus, ito ang unang beses na makita niya si Maribela na halos pumutok ang ugat sa leeg sa pagsigaw.

"Answer me. Why are you here and why are you with Kriz?" iritableng tanong ni Taurus nang makabawi na siya sa gulat ng pagbulyaw sa kanya ni Maribela.

"Ha?" hindi makapaniwalang anas ni Maribela at natawa siya ng nakakasuya. "Why do you care? Why don't you go back inside and keep flirting with that--- that---

Hindi matapos ni Maribela ang sasabihin, hindi niya ugali ang tawagin ng masamang salita ang kung sinoman at mas lalong ang kagaya niyang babae.

"Are you jealous?"

"You are asking me that?" Namewang na si Maribela ang kanyang mga mata ay nagpapahiwatig ng maraming bagay; inis, galit, lungkot at tuwa. Gaano man siya ka irita sa nasaksihan ay hindi mapagkakaila na lumulundag sa tuwa ang puso niya nang makitang muli si Taurus. "I fly 4, 758 miles from Portugal. I came here without a single plan. I deal with so much risk just to see you. And you will ask me if I'm jealous? Monte de Merda! I am not jealous! I am hurt!"

"Bela...."

"Don't Bela me! I am not your Bela anymore! I hate you! You cheating-lying-t**t!"

chap-preview
Free preview
Unang Pahina - Maribela Afonso
Malet St., London, UK A sunny day. A beautiful day. It is already seven in the evening pero mataas padin ang sikat ng araw. Sinapo ni Maribela ang kanyang noo, she feels nauseous. Nakaupo siya sa pang-isahang sofa, sa harap niya ay ang tasa ng kape na malamig pa sa bangkay at kanina pa nilalanggam. She is still wearing her pajama from yesterday night. Napalinga siya sa loob ng kanyang micro-apartment sa labas lamang ng University of London kung saan siya nagtapos sa kanyang degree in Economics. Walang pagbabago sa loob ng kanyang apartment, tanaw padin niya sa labas ng bintana ang busy street ng Malet. “Prinsesa, Voce precisa in para casa,” (Princess, you need to go home.) sabi ng isang royal guard. Dalawang royal guards ang bigla nalang sumulpot sa kanyang harapan ilang minuto pa lamang ang nakakaraan. Parehong may matikas na pangangatawan ang dalawa. Napahilot siya sa kanyang sentido, para nanaman siyang masusuka. “Merda,” mura niya. Ikinagulat ng dalawang royal guards ang kanyang pagmura pero walang lumabas na salita sa mga bibig ng mga ito. Pinasadahan niya ng tingin ang guard na kahit isang galaw ay hindi nagawa kanina pa, si Ferdinand. Halos kasing edad niya lang ito, ngunit alam niya ang capacity nito. Hindi madali ang pinagdaanan ng mga ito para maging royal guard, she is aware that the man standing on her door step is dangerous. “Get out, I need to change my clothes,” anas niya. Kanina pa nakasunod sa kanya ang isa pang guard, si Arturito. Sa itsura nito ay hindi mapagkakamalan ang kanyang tunay na edad. Mabilis padin ito at double ang panganib na dala kompara kay Ferdinand. Sa paglabas ni Arturito ay hindi niya tuloyang sinara ang pinto dahilan para masilayang ni Ferdinand ang makinis na likuran ni Maribela habang nagbibihis ito. Pinanlakihan siya ng mata ni Arturito, mabilis na umiwas ng tingin si Ferdinand. Si Arturito ay ang sunod na kinatatakotan ng mga gwardya sa palasyo kasunod ng hari, kapatid ito ng reyna at talagang pinagkakatiwalaan dahilan para maging head guard. Kanina pa hindi makahinga si Maribela, tinutulak nalang niya ang sarili na ayusin ang kanyang mga gamit. Kung kaya lang niyang itarak ang kutsilyo sa kanyang puso ay ginawa na niya. It is the end of her freedom, pinapauwi na siya ng ama. Naghihintay sa kanya ang tungkolin bilang Duchess ng Braganza-Saxe-Coburg at Gotha, isa itong paghahanda para maging Prinsesa ng Serenissima Casa de Braganca hanggang sa maging Reyna na siya ng Portugal. Ilang beses niyang tinignan ang sarili sa salamin. Bagay sa kanya ang suot na mahabang dilaw na damit. Nakailang buntong hinga na rin siya. She already forgot how to act as a Princess. She is naturally demure, classy and sophisticated pero it will never be enough kailangan niya parin na maging perpekto. Bitbit ang kanyang mga baggage ay lumabas na siya sa kanyang silid. Nakatayo parin si Ferdinand sa pinto habang si Arturito ay mabilis na lumapit sa kanya para kuhanin ang kanyang baggage. “Let me carry your luggage, Prinsesa.” Napakunot nanaman ang kanyang noo. She feels disgusted at parang hinukay ang kanyang kalamnan. “Don’t call me that,” suway niya. “I am no one on this land, tiyo.” Ayaw niyang ikabit sa kanyang pangalan ang kahit na anong titulo. Sa London, siya lang si Maribela. A simple girl who has capabilities of her own. Wala ng natitirang lakas si Maribela para magprotesta nang mabilis na bitbitin ni Ferdinand ang kanyang bagahe nang makababa sila sa kotse at pumasok na sa loob ng paliparan. Gusto niyang magwala, hindi manlang nag-aksaya ng panahon ang ama. May safe distance sa pagitan nila ni Arturito habang naglalakad, si Ferdinand ay tahimik lang na nakasunod sa kanila. Naaasiwa nanaman siya, kahit anong layo niya ay pinanatili padin ng mga ito ang distansya sa kanya. It seems like they are so afraid to lose her. Nais niyang magreklamo at sabihing kaya niya ang sarili pero alam niyang mag-aaksaya lang siya ng laway. “Tiyo, I need to use the lo.” Sa apat na taon ng kanyang pananatili sa London ay nakuha na niya ang pananalita ng mga Briton. Wala siyang inaksayang sandali, hindi pa man nakakasagot ang tiyo ay mabilis siyang naglakad patungo sa pinakamalapit na ladies room. She didn’t mind the fact that Ferdinand is also walking right behind her, para saan pa na magreklamo pa siya. Laking pasalamat niya ng marating ang ladies room ay walang ibang tao. Kulang nalang ay ilublob niya ang mukha sa lababo, nasusuka siya, masakit ang ulo niya, hindi siya makahinga. It is because she is too anxious, hindi niya alam kung ano ang dadatnan sa kanyang pagdating. She will not get surprised kung ipapakasal din siya ng ama sa lalaking hindi niya kilala. “Greetings, your Royal Highness.” Napatalon si Maribela sa gulat ng may tatlong babaeng bigla nalang sumulpot mula sa isang cubicle. Lumiwanag ang kanyang mukha when she realized who are those people. Ang mga kaibigan niya ito na mula sa University. Si Jennie Kwon, malapad ang ngiti nito na abot hanggang sa bilogan at maliit na mga mata niya. Kitang kita din ang diamond necklace nito na nagmula sa kanyang ama na Prime Minister ng Korea. Si Diana Sariwat, isang Thai hospital heiress. At si Emerald Chu, Chinese-Filipina na ang negosyo ng pamilya ay fastfood chains. Sa kanilang apat ay siya lang ang hindi Asian, sa dahilang noong unang taon niya sa University ay iniiwasan niya ang mga mag-aaral na may lahi o nagmula sa mga bansa malapit sa Portugal sa takot na baka may makakilala sa kanya. Noong una ay buo ang loob niya na makapagtapos na walang nakakaalam kung ano ba talaga siya, but later on her Asian friends gain her trust. Maliban sa tatlo ay wala ng nakakaalam na isa siyang napakahalagang tao sa kanyang pinagmulan. “What are you doing here girls?” mahinang tanong niya. May takot siyang nadarama na baka biglaan nalang pumasok sa loob ng ladies rest room si Ferdinand. She doesn’t want to cause panic sa ibang babaeng papasok sa banyo. Kapag nagkataon ay maeeskandalo siya, ayaw pa naman niyang magpakilala o magpaliwanag ng tunay niyang kataohan. Napabuga si Diana ng hangin at ganoon nalang ang pag-ikot ng bilogang mata ni Jennie na para bang napakatanga ng kanyang tanong. “What else?” Si Emerald na ang sumagot na halos hindi na makita ang mata sa haba ng fake eyelashes na mayroon siya. “We are about to rescue you, Your Highness,” dagdag ni Diana. Kung sa ibang pagkakataon ay sumasama ang timpla niya sa pagtawag sa kanya gamit ang kanyang titulo ngayon ay tanging excitement ang kanyang nadarama. “And how will you do that?” She is excited and curious at the same time. Tama, ang idea na ito ay talagang patungo sa pagsuway at disappointment ng ama but it will make her happy. This will be the last, gusto na niyang samantalahin iyon. Isang makahulogang ngiti ang gumuhit sa mukha ni Jennie, sa paraan ng pagtakas ay wala ng mas eksperto pa sa kanya sa kanilang apat. She is used to sneaking out dati pa. Anak siya sa labas kaya naging hobby na niya noon pa man ang takasan ang ina para puntahan ang kanyang ama na sa kalaunan ay kinilala din siya. “Do the honor,” sambit ni Jennie. Tinulak niya ang maliit na bintana na magiging daan nila palabas. Nakabantay si Emerald sa pinto habang si Diana ay tinutulongan si Maribela na makaakyat sa bintana. Malakas ang kabog ng puso ni Maribela habang sinusubukang ilusot ang katawan sa maliit na bintana. Malaki siyang babae, maliit lamang ang bintana ngunit dahilan siguro na desperado na siya ay nailusot niya ang kanyang katawan. She closed her eyes as the wind touches her face sabay ng pag-apak ng kanyang mga paa sa labas ng airport building. She can feel her freedom right on her palm. “Keep going, Mary!” utos sa kanyang ni Jennie nang sa wakas ay nakalabas na silang lahat. “You’re not totally free yet.” Lakad takbo ang ginawa nilang apat, naiiyak siya na natatawa sa kalokohang ginagawa. Winaksi niya sa isip niya ang imahe ng ama, now, she will only think of herself. She prays na sana ay maintindihan ng ama ang kaonting selfishness na gagawin niya. “Merda!” Bulyaw ni Maribela habang unti unting hinubad ang suot na sapatos. “This shoe is murdering me.” Mahaba ang kanyang damit at mataas ang suot niyang sapatos. Ito ang napili niyang isuot sa kagustohan na magmukhang presentable kapag nakita siya ng ama. Kung alam niya lang sana na ganito ang mangyayari at nagsuot siya ng mas komportableng damit at sapatos. “Run slowly Princess. You’ll trip!” Para bang si Kamatayan ang tinatakbohan ni Maribela, tuloyan na niyang tinapon ang sapatos sa gilid ng kalsada. Ikinatawa ng kanyang mga kaibigan ang ginawa. Walang halaga sa kanya ang kahit na anong material na bagay, ang tanging gusto niya lang ay extension sa oras ng kalayaan. “Thank you, girls.” Isang mahigpit na yakap at halik sa pisngi ang ginawad ni Maribela sa kanyang mga kaibigan ng sa wakas ay makapasok na sila sa loob ng limousine na kanina pa sila inaabangan sa labas ng airport. “Everything for you, Princess.” Isang batok ang ginawad niya kay Diana na dahilan para balutin ng tawanan ang loob ng limousine. Kanina pa siya nagtitimpi sa pagtawag sa kanya na Royal ng mga kaibigan. Mahigit sampung minuto na ang nakalipas, walang Maribela ang lumabas mula sa palikuran. Nagsimula ng makaramdam ng pagkabahala si Ferdinand, napaisip siya kung nahimatay ba si Maribela sa loob. Alam niyang kagagalitan siya ni Maribela sa gagawin pero gusto niyang makasiguro na maayos lang ang lagay ng babae kaya pinasok niya ang loob ng palikuran. “Dios!” Napasinghap si Ferdinand, wala siyang makitang Maribela kahit hinalughog na niya ang bawat sulok ng rest room. Kamatayan ang kanyang kakaharapin kapag may masamang nangyari sa anak ng Hari. “What happened?” tanong ni Arturito ng sa pagharap ni Ferdinand sa kanya ay mukha itong balisa. “Sir…” “What happened?!” Ngayon ay may halong pangamba na ang tanong ni Arturito. Napatayo na din siya sa kanyang upoan, hindi niya makita si Maribela. “Sir… Prinsesa Maribela is gone.” “Merda!” Kulang nalang ay baliktarin ni Arturito at Ferdinand ang buong paliparan ngunit kahit anino ni Maribela ay hindi nila nakita. Handa na silang harapin ang kanilang katapusan ng bumalik sila sa Portugal na ang balitang pagkawala ni Maribela ang tanging dala. Inako ni Arturito ang lahat ng kasalanan sa pagtakas ni Maribela. “Monte de merda! You are useless! How could you let this happened?!” Nakaluhod sa harap ng hari si Arturito habang si Ferdinand ay nakatayo sa gilid at nanatiling nakayuko. Ang lahat ng katiwala sa palasyo ay napatigil sa kanilang ginagawa ng marinig ang malakas na boses ng hari. “You were trained, Maribela is just a tiny person.” Galit na galit si Haring Pietro. He is furious, hindi niya lubos akalain na magagawa ni Maribela ang tumakas. Kung hindi dahil sa kuha ng CCTV sa labas ng airport ay paniguradong magkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang United Kingdom at Portugal. Knowing his daughter without evidence ay mag-iisip nalang ang hari na dinukot ang anak, paniguradong ang United Kingdom ang kanyang sisisihin. “Meu Amor, don’t be too hard with them. Nobody told Maribela to run away. Let the mistake be owned by her,” ani Sopia. Nag-iisang anak na babae lamang si Maribela, kahit ang kanyang inang reyna ay nahihirapang e proseso ang kanyang pagtakbo. Maribela is known for being responsible, the things she did is unexpected and no one saw it coming. “Sopia….” “Meu Amor, I can’t let others suffer because of my daughters' mistake.” Masama ang loob ni Sopia pero kailangan niyang mag-isip ng tama para sa ikabubuti ng lahat. Maliban sa pagiging kapatid ay pinagkakatiwalaan nila si Arturito, ayaw niyang mawalan ng mahalagang tao dahil lang sa walang kwentang pagkakamali. Pietro is a powerful king, nirerespeto siya at kinakatakotan. Bilang isang ama siya ay malambot, puno man ng pag-aalala ay naiintindihan niya ang katwiran ng asawa. Magiging reyna si Maribela, kailangan nitong matutunan ang isa sa pinakamahalagang leksyon ng pagkakaroon ng dugong maharlika. She has her responsibility and she needs to stand by it. “Boa tarde, Mami.” (Good afternoon) Isang matamis na halik ang ginawad ni Lucius sa pisngi ng kanyang ina na si Sopia. Namimitas ng prutas ang reyna kasama ang personal na katulong. Tumigil sa kanyang ginagawa si Sopia. Pinahid niya gamit ang kanyang palad ang pawis sa mukha ng bunsong anak. Sa anim na anak kasama ang namatay niyang panganay sa paglubog ng sinasakyang barko, si Lucius ang pinakamalambing. “Boa tarde, meu lindo garotinho.” (Good afternoon, my handsome little boy.) Hindi maiwasang haplosin ni Sopia ang mukha ni Lucius, kamukhang kamukha nito ang kanyang Kuya Zacharias. Isang malungkot na ngiti ang namutawi sa mga labi ni Sopia, sa paglalayas ni Maribela ay naalala nanaman niya ang hindi niya pagligtas sa unang anak. Kahit na ba may sumpang pinaniniwalaan (Maldicao dos Bragacas) sa palasyo; ang unang anak na lalaki ay hindi mabubuhay ng matagal na sapat para maupo sa trono; ay sinisisi parin niya ang kanyang sarili. “Is Maribela inside?” tanong ni Lucius. Sa pagkawala ng kanilang kuya Zacharias ay natuon ang lahat ng atensyon kay Maribela dahil siya na ang makakakuha ng trono, napuno ng inggit ang puso ng tatlo pa nilang kapatid ngunit kay Lucius tanging pagkagiliw lang ang nadarama sa kanyang ate Maribela. “She’s still on vacation Hijo. She needs it, soon she will not have a time for herself,” paliwanag ni Sopia. Tumango lang si Lucius, kahit na ba mas nakakasama niya ang mga kuya mas malapit ang kanyang loob sa kanyang ate Maribela. Tinatawanan siya ng mga kuya samantalang ang ate niya ay nakasuporta sa pangarap niyang maging tanyag na basketbolista. “Mami, are you sad?” Napansin ni Lucius ang kalungkotan sa mukha ng Ina. Maraming problema si Sopia, iniisip pa niya ang paglalayas ni Maribela idagdag pa ang mas tumitinding pagkaselos ng tatlo pa niyang mga anak. Si Lucian, ang ikalawang anak. Malakas ang personalidad nito kaya palaging nagkakabanggaan ang landas nila ni Maribela. Hangad ni Lucian na maging sunod na hari, noong ipahayag ng ama ang kagustohan na si Maribela ang maupo sa trono ay labis na pagkamuhi ang naramdaman niya at hindi na muling kinausap pa ang kapatid na babae. Si Topaz, isang taon lang ang tanda ni Maribela sa kanya. Pangarap niyang mag-aral ng medisina sa ibang bansa kaya labis na selos ang mayroon siya kay Maribela ng payagan ito ng kanilang magulang na makapag-aral sa ibang bansa samantalang siya ay sa Portugal balak na bulukin ng ama. Pakiramdam niya ay walang tiwala ang ama sa kanya. Si Demetri, noong una ay gusto lang talaga niyang marecognized din sa palasyo ang kanyang kakayanan ngunit kalaonan sa influence ni Lucian ay nagkaroon din siya ng inggit para kay Maribela. Parang mapupunit ang mukha ni Maribela sa lapad ng kanyang ngiti. Iniwan niya sa daungan ng Phuket, Thailand ang lahat ng aalalahanin. Mataas ang sikat ng araw, masakit ang derektang tama nito sa kanyang balat pero hindi niya iyon alintana. Gusto niya ang manatili sa upper deck mas nararamdaman niya ang freedom na pinaghirapan niyang makuha. “Mary, let’s go down. The sun will burn your skin!” sigaw ni Diana sa kanya mula sa silong. “Don’t mind me, just go down.” Napuno ng katahimikan ang kanyang kinaroroonan. The sky is blue, walang kahit anong ulap ang nakaharang. Payapa ang puso ni Maribela, malayo na siya sa obligasyon na naghihintay sa kanya. “Mary!” Napabalikwas siya ng sa muli ay narinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan, si Jennie. Sa tabi nito ay isang amerikanong lalaki na nakaakbay sa kanya. Bago magsimula ang asia sailing nila ay may sumabay na iba pang mga kaibigan ni Jennie, isa na dito ang boyfriend nito na nasa tabi nito ngayon. “What?” tanong niya ng magkaharap na silang tatlo. “You’re missing the fun. Come on.” Huli na para magprotesta pa siya, hinatak na siya ni Jennie pababa sa ikalawang palapag ng yate. Maaga pa pero nagsisimula na ang kasiyahan, napuno ng ingay ang yate at umuulan ng inomin. Nailang si Maribela ng makita ang babaeng nakahiga sa lamesa at nilalantakan ng dalawang lalaki. Nanayo ang balahibo niya sa katawan, she didn’t expect things to go this wild. “Hi, drink?” Ayaw ni Maribela na magmukhang party pooper kaya tinanggap niya ang inalok sa kanyang alak ng isang lalaki. Sa mukha naman nito ay tila harmless din naman ito. Nagsimula sa isang shot hanggang sa nasundan ng nasundan. Everything is a mess, gusto ng umalis ni Maribela sa sentro ng party bago pa man maging huli ang lahat para sa kanya. Tahimik siyang naglakad paakyat sa upper deck. Hawak niya ang bote ng beer at inisang inom. “Dius, does it need to be me?” Nagsisimula ng maging emosyonal si Maribela. Ang buong sistema niya ay puno na ng alak. Kung kaya niya lang sanang tanggihan ang ama ay matagal na niyang ginawa. She is sad, umagos ang luha sa kanyang mukha. He is struck with reality like it’s a lightning, wala na siyang kawala. She needs to do her obligation. “You’re a bastard Zach! Why did you die so early!” She cursed her brother, kung buhay lang ito ay sana may kalayaan siya sa kung ano ang magiging kapalaran niya. Namumula na ang pisngi ni Maribela sa kalasingan. Nakaramdam siya ng kakaibang init. Unti unti niyang hinubad ang kanyang suot na damit at tanging panloob na damit ang natira. Sa kanyang pagdungaw sa baba, isang baliw na ideya ang dumaan sa isip niya. “Freedom!” sigaw niya bago tuluyang tumalon sa tubig sa pag-aakalang swimming pool iyon. Una ang kanyang paa sa pagtalon habang yakap ang flamingo floatie. Bumagsak ang kanyang katawan sa tubig, hindi manlang nawala ang kanyang kalasingan kahit na ba parang yelo sa lamig ang karagatan. Natawa siya sa kanyang sarili, kahit ginaw na ay hindi parin siya mahimasmasan. She is still lucky, kung tumama ang kanyang ulo sa kahit na anong bahagi ng yate ay kakainin nalang siya ng isda ng walang may alam. Hinatak niya ang kanyang katawan hanggang sa tuloyang makasampa sa floatie. “I don’t want to be a queen, Papi. I want a normal life.” Tumingala siya sa langit, para bang kinakausap ang bituin na bigyan siya ng isang himala. Sumuka siya ng ilang ulit hanggang sa manghina at nawalan ng malay habang palutang lutang. Nakatigil ang yate sa kawalan, masyadong maliwanag at maingay iyon na siyang nakatawag ng pansin ng mga coast guards sa area. Nakapaloob ang dagat na kinaroroonan nila sa lugar na pinagtatalonan ng Vietnam, Malaysia, China at Philippines. Unang nakita ng Chinese coast guard ang yate kaya nauna nilang kuhanin ang atensyon ng kapitan. “This is the Chinese coast guard. We speak to the captain, maneuver the yatch away from the area.” Dalawang beses inulit ng Chinese coast guard ang pagradyo bago tuloyang pinaandar ng kapitan ang yate palayo sa despute area. “Party poopers!” “Boooo!!” Hindi magkamayaw ang sigaw ng mga lasing na lulan ng yate. Sa halip na pansinin ang kalasingan ng mga ito ay tinulongan pa sila ng mga coast guard para makalabas sa despute area. Ang pagkawala ng presensya ni Maribela ay hindi napansin ng mga kasamahan niya. Sa dilim ng karagatan kahit na ang nakarondang mga coast guards ay walang nakakita sa kanya. Kagaya ng kasamahan wala rin sa kamalayan si Maribela na nasa kawalan siya at patuloy na inaalon ng tubig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook