American Airlines Center Arena
Victory Park, Dallas, Texas, USA
Today is not the day to fail. Maingay ang buong arena, hindi mahulogan ng karayom sa dami ng tao. Ngayon na ang huling laro para malaman kung sino nga talaga ang tunay na kampyon. Dallas Mavericks kontra sa kanilang rival team na Miami Heat. Pantay ang standing ng bawat team, pareho silang may tatlong panalo. Kung sino ang mananalo ngayong gabi ay tatawaging champion.
Sa halip na warm-up ang gagawin tahimik na nakaupo sa team bench si Taurus. Lihim niyang inaaral ang bawat galaw ng rival player na si James Porter. Noong nakaraang season ay parang ganito din ang nangyari, sila din ang magkaharap sa finals. Buong taon siyang nagsanay ng double, inaral ang bawat galaw at kung sa paano niya babantayan si Porter.
“Tau, manage your temper.” Umupo sa tabi niya ang head coach nila na si Sean Murphy. Apat na taon na siya sa NBA, simula ng e draft siya sa team ng Dallas ay malaki ang pinakita niyang potensyal para manalo. Katunggali niya sa pagiging Rokie of the Year noon si Porter at siya ang nakasungkit ng award, noong nakaraang season kahit natalo ay naging overall MVP naman siya. But he will not stop to that, gusto niyang mas ipamukha sa rival na siya talaga ang mas magaling.
“You have to keep your cool,” dagdag na bilin ni Murphy. Mainit siya sa loob ng court, malambot ang expression ng kanyang mukha maging ang kanyang berdeng mata pero sa paglalaro ay nagiging mabangis na hayop siya.
“No need to remind me coach,” bakas sa tinig niya ang kanyang Russian accent.
Tumunog ang whistle ng referee senyales na magsisimula na ang laro. Tumayo si Taurus sa kanyang kinauupoan. Sa tangkad niyang 6’7 at broad shoulders, idagdag pa ang kanyang sweet and innocent features ay halos mabaliw ang mga kababaehan sa pagsigaw ng kanyang pangalan.
Sinalubong siya ng kakampi at matalik na kaibigan na si Kriz Wolowitz. Isang fist bump at tapik sa likod ang ginawad nila sa isa’t isa.
“Let’s win this Shooter!” sigaw sa kanya ng kanilang African center player na si Fritz Iguadala.
Nakaposisyon na silang lahat, handang harapin ang kalaban. Walang gustong matalo sa laro. It is a do or die game. Sa pagtapon pa itaas ng referee ng bola ay mabilis na tumalon ang dalawang center player. Siniko ni Porter si Taurus dahilan para mapaatras ito at makuha ni Porter ang bola. Taurus is aware that Porter did it on purpose pero wala siyang panahon para intindihin iyon.
Hindi pa umiinit ang laban, it is only the start. Ayaw nilang magpatalo sa bawat isa. They are getting on each others nerves. Nagsasagutan ang bawat tira nila.
“Russian shooter for three!” anunsyo ng commentator. “And the arena went wild.”
“The American transporter answers….”
“It’s raining three points here in American Airlines Arena, Victory Park, Texas!”
No one can predict who will win. Papalit palit lang sa paglamang ang dalawang koponan. Game half time. Pumasok ang dalawang team sa kani-kanilang locker room.
“You need to rest for five minutes.” Kumunot ang noo ni Taurus sa sinabi ni Coach Murphy. Pinahid niya ang pawis sa kanyang mukha pati sa kanyang buhok.
“Coach, I can still play.”
“You look exhausted, Tau. They will put Porter on rest. The next quarter is not the most crucial part of the game.”
Walang nagawa si Taurus. Tama nga ang coach nila, gaya niya pinapahinga din ng Miami si Porter. May tiwala siya sa sariling kasamahan pero he is also aware of the dirty tactics of the other team. Napapakuyom siya sa kanyang kamao sa tuwing nakikita niya ang pasimpleng p*******t ng kabilang koponan sa mga kasamahan. He wants to protest but he will surely have a technical foul. It will be done kapag hindi siya makakapaglaro.
“Tau, prepare yourself. Porter will be in.”
Tumayo na kaagad si Taurus. Sa pagpasok ni Porter ay pumasok din siya sa court. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin, nanatiling walang expression ang mukha ni Taurus habang si Porter ay may mapanuyang ngiti.
“Ready to lose?” bulong ni Porter sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon isang suntok ang ibibigay niya dito ngunit alam niya na gusto lang siyang galitin ni Porter.
Sa muling pagharap nila ay nagsagutan muli ang score nila. Naging personal na ang kanilang laro. Losing is not an option. Hanggang sa lapag ay nag-aagawan ng bola sina Taurus at Porter. Kaonti nalang ay magpapalitan na sila ng mukha.
They are both tired. Huling limang segundo. Hinahabol ni Taurus ang kanyang paghinga. Wala siyang balak sumuko, abot na niya sa kanyang mga daliri ang inaasam na unang championship. Tie ang kanilang score, parehong may score na 101 ang dalawang team. Nasa team ng Dallas ang ball advantage, sa puso ni Taurus ay masayang masaya na siya.
“They will surely guard you hard,” sabi ni Kriz.
“I’ll bet my leg,” sang-ayon ni Taurus.
Ang Miami ang nagtawag ng time out. Naiisip na ni Taurus ang balak nilang gawin. Sigurado siyang kukuhanan ng Miami ng intentional foul ang kanilang center, walang shooting si Fritz sasamantalahin iyon ng Miami.
“Coach, we don’t need a center player. We need more shooters inside.”
“Okay then.”
Si Kriz ang may hawak ng bola mula sa labas, pinasa niya ito sa second lead shooter nila na si Paul Yocova na nakaposisyon sa tres. Pagtira nito ng bola ay malas na hindi ito pumasok. Mabilis ang paggalaw ni Taurus, mula sa free throw line ay mataas ang pagtalon ni Taurus. Sabay silang tumalon ng center player sa kabilang team ngunit naipasok ni Taurus ang bola bago pa man pumutok ang buzzer.
Napasuntok si Taurus sa hangin habang nakahiga padin sa lapag. Panalo sila. Sa kanyang pag-aakala. Natahimik ang buong arena, walang kahit isang lobo ang nalaglag.
“Coach, what’s going on?” takang tanong niya. Nakatingala ang buong coaching staff maging ang mga kasamahan niya sa malaking monitor kung saan pinapalabas ang pagreview sa nangyari.
“Foul for number seventy-seven!” sigaw ng referee. Nabingi si Taurus ng marinig ang kanyang jersey number.
“What the! Coach, do something!” Namumula ang tenga ni Taurus. Alam niyang wala siyang ginawang mali. Kahit si Coach Murphy ay hindi maalis ang mga paa sa kanyang kinatatayuan.
Nagbabaga ang mga mata ni Taurus na sugorin ang referee nang sa muli ay ibalik ang oras sa two seconds. Nakaposisyon na ang center player para sa free throw. Naipasok nito ang isang tira, lamang na ang Miami sa isang puntos.
“Are you out of your mind?!” Dinuro ni Taurus ang mukha ng referee. Ito na ang huling hibla ng kanyang pasensya, naputol na iyon. He doesn’t give a f**k. Dinaya sila, if no one will point that out siya ang gagawa ng paraan.
“Zasranec! You f*****g fool!” Sumisigaw, nagwawala na si Taurus. He’s like a raging bull. Tumawag si coach Murphy ng time out pero wala na si Taurus sa tamang pag-iisip.
“Control your player,” mahinahong sambit ng referee.
“Calm down!” Tumaas na ang boses ni Coach Murphy dahilan para huminahon ng kaonti si Taurus.
Tumalikod na si Taurus, pabalik na sila sa kanilang bench. May oras pa, maipapanalo pa nila ang laro. He has to put on some senses. Ang isang puntos na lamang ay kayang kaya niya, as long as he will clear his mind and put everything on the game.
“What a losser.”
Nandilim ang paningin ni Taurus. Mabilis siyang umikot at isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ng referee. Dinaanan ng anghel ang buong arena. Hindi pa tapos si Taurus. Walang nakapigil sa kanya ng sugorin niya ang kinaroroonan ni Porter at binigyan din ito ng suntok. Nagbuno silang dalawa sa lapag, ang basketball ay napalitan ng pagbubuno ng dalawang ace player.
“You f*****g asshole! I will rip your throat!” nanggagalaiti si Taurus. Mas matangkad at malaki si Porter pero isang trained military si Taurus. Bago pa man siya makapaglaro sa NBA ay dumaan siya sa military training, ninais ng kanyang ama na Minister of Defense sa Russia na sumunod siya sa yapak ng dalawa niyang kuya na parehong fatal marines. Nagkataon lang na ang puso niya ay dinala siya sa pagiging professional basketball player.
“Tau! Enough!”
“Get off me!”
“I’ll kill you!”
Napuno ng dugo ni Porter ang kamao ni Taurus. He is usually hot tempered, mahilig siyang makipagtalo sa referee but today is different. It is his first time na makipagsuntokan sa loob ng court. He didn’t stop until he can’t no longer lift his arms.
“Coach….”
“Tau, today is not the right time.”
Magkaharap sa isang room sa arena clinic sina Coach Murphy at Taurus. Nakahiga si Taurus at walang suot na t shirt. Dumaan siya sa C-Scan para tignan kung may natamo ba siyang pinsala.
“I’m sorry coach,” paghingi niya ng paumanhin. He came to his senses. May pag-asa pa silang manalo kanina. Sa ginawa niya hindi lang sila natalo, binigyan pa siya ng multa at may chance na hindi makakabalik sa laro sa loob ng isang taon.
“I will not say that you did the right thing but I understand you,” panimula ni Coach Murphy. “Just fix your self, Tau.”
“Thank you coach.”
Sumaludo lang si Coach Murphy sa kanya bago naglakad palabas sa pinto. Bago pa man siya tukoyang makalabas ay hinarap niyang muli si Taurus. “That asshole deserves what you did to him.”
Napangiti si Taurus sa sinabi ni Coach Murphy. Porter is arrogant. He deserves some good punches.
“Can I go now?” pagbaling ni Taurus sa rescident doctor ng kanilang team. Kanina pa nito sinusuri ang katawan ni Taurus.
A sweet smile is formed on the face of the doctor. “You’re good to go.”
Sinuot ni Taurus ang kanyang t-shirt, tutulongan sana siya ng doctor ng hawakan ni Taurus ang kamay nito at tinulak ng marahan.
“Alice,” mapaghiwatig na sambit ni Taurus. “It’s just a one-time thing. Let it go.”
A month ago before the season finals they hooked up. It was a drunk night for Taurus pero kay Alice na matagal ng may gusto sa lalaki ay kakaiba iyon.
“You’re suspended for the next season. You have time to date.”
Nandilim ang paningin ni Taurus sa paraan ng pagkakasabi ni Alice. That’s the truth pero ayaw niya ang tono nito na parang nagugustohan pa nito ang naging resulta ng kanyang kamalian.
“I’m not interested,” seryosong salita niya.
“You can come over to my place and decide later,” malanding anas ni Alice. Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang braso ni Taurus. Hinawi ni Taurus ang daliri ni Alice tsaka tumayo mula sa higaan.
“I already f**k you once, there will be no second time.”
Ilang oras pa lamang ang nakakaraan, hating gabi sa Dallas, USA. Kung gaano kabilis ang pagdapo ng kanyang kamao sa mukha ni Porter ay ganoon din ang balita.
“Utang na loob Nikolai! For the love of our ancestors!” Nagliliyab sa galit ang ina ni Taurus na si Nina. Pagkarinig niya ng balita mula sa katiwala nila ay agad siyang lumipad mula Russia para harapin ang anak. Isang malaking eskandalo ang ginawa ni Taurus. Kilala ang kanilang pamilya sa Russia. They are respectable people, the live with honor.
“Mommy, I’m sorry,” anas ni Taurus. Wala siyang ibang masabi sa ina. He knows what he did is very unreasonable. He is trained to protect someone not to harm.
“Ispol’zuy svoy mozg! (Use your brain!) Are you planning to be a disgrace? Bakit hindi ka nalang sumali sa sindikato? Involve yourself to the Mafia or better yet maglakad ka ng nakahubad.” Namumula ang tenga ni Nina at naghahalo ang Russian, English at Tagalog niya senyales na galit nga talaga siya. Gustong magdahilan ni Taurus, his mom is over reacting but it will just make things worst kung sasagutin niya ito. He can’t take it if his mom will have a heart attack.
“Izvini,” sambit ni Taurus. Wala siyang ibang masabi maliban sa paghingi ng tawad. He respects his mom, kahit naririndi na siya sa mga sinasabi nito ay wala siyang balak na bastosin ito.
“You are all over the news in Russia, Nikolai. Marami na ang problema ng daddy mo, proud ka ba sa ginawa mo?”
“No,” parang batang paslit na sagot ni Taurus. Kulang nalang ay maiyak na siya. Hindi niya magawang tignan ang ina sa mga mata nito, he can see disappointment at iyon ang isang bagay na ayaw niyang maramdaman ng ina. He can take the anger, but sadness and disappointment is another story.
“Nikolai, I talked to your dad before going here. We decided to give you an option, go see a doctor that can help you with your temper or manage it on your own but you have to stay sa Isla Paghigugma.” Napatingala si Taurus. Tinignan niya ng taimtim ang ina, hindi namumula ang ilong nito. She is not bluffing.
“Mommy, please…”
“I want you to be a doctor Nikolai, you know that. Your father sees so much potential on you. Ikaw ang mas nakikita niyang susunod sa kanya. We respected your decision, Nikolai. Now, you have to accept the consequence of your action.” Umupo na si Nina sa tabi ni Taurus. She held the hand of her son, mahal niya ito. She can’t let her son to take the wrong path.
Nag-iimpake na ng kanyang mga damit si Taurus. He accepted his mistakes pero masyado siyang stubborn para humingi ng tulong sa ibang tao to fix his attitude. He is positive that he can do everything on his own, kahit pa ang mamuhay ng mag-isa sa isolated island ay gagawin niya.
Isla Paghigugma is a paradise. It is a gift from his dad to his mom. It is named by his Filipina grandmother, from a Filipino dialect paghigugma which means love. The Island literally means love island.
“Are you ready?” tanong ni Nina habang nakadungaw sa pinto ng kwarto ni Taurus. Pagkatapos nilang mag-usap ng masinsinan ay hinayaan niyang magpahinga ang anak bago ito tumungo sa Isla Paghigugma.
“Yes, mom.”
Lumapit si Nina sa anak. Sa edad na sixty, sa kabila ng mga linya sa noo at mukha niya bakas padin ang kagandahan na mayroon siya noong kabataan niya. Isa siyang modelo, noong ikasal siya sa ama ni Taurus ay sinakripisyo niya ang career para maging mabuting asawa at ina. Tatlong lalaki ang anak niya, she never had a headache because of her boys ngayon pa lamang.
“I love you, Nikolai.” Niyakap ni Taurus ang ina. He knows he mess up at sa lahat ng ito ay ang ina ang mas affected.
“I love you too, mom.”
Nakahiga si Taurus sa kama sa loob ng nag-iisang kwarto sa kabina. Dalawa ang palapag ng kabina, sa baba ay tanging kusina at sala ang naroroon. Sa itaas na bahagi ay ang kwarto na kanyang tinutuloyan at banyo.
“Calm down,” kausap niya sa sarili. He is left alone on the island. He needs to discipline his self dahil walang ibang gagawa niyon para sa kanya.
Umupo siya. Mula sa malawak na glass window nakikita niya ang bughaw na karagatan. It is peaceful. Ang langit ay walang kahit isang ulap na nakaharang. Sa likorang bahagi ng kabina ay gubat at bundok. Sa bawat paghampas ng alon ay ang pagsagot ng huni ng mga ibon. His mom is right; the island is a paradise.