Ika-Tatlong Pahina - Isla Paghigugma

2302 Words
Kalayaan Islands, West Philippines Sea Madilim ang kapaligiran. Ang buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa buong Isla. Nakailang ikot na si Taurus sa pagtakbo. Sabay sa pagtibok ng kanyang puso ang paghuni ng mga insekto sa paligid. Alas-singko ng umaga. Pagod na ang katawan ni Taurus mula sa pagtakbo sa dalampasigan. Tanging pantalon lang ang kanyang suot, kahit sapin sa paa ay wala siya. He looks like a model. Mas tumitingkad ang copper hair niya sa bawat pagtama ng liwanag. Ang pawis ay patuloy na umaagos sa matipuno niyang dibdib deretso sa pantay niyang tiyan. “More laps. You can do this,” sambit niya sa sarili. Tinutulak nalang niya ang katawan na magpatuloy. Tumigil siya sa pagtakbo ng maramdaman ang pangmamanhid ng kanyang mga paa. Napasalampak siya sa buhangin. Half of his body is getting wet, sa bawat paghampas ng alon ay natatamaan ang kanyang pang-ibabang bahagi. Tumingala si Taurus sa kalangitan. Puno ng bituin ang langit. Tinaas niya ang isang kamay, he is reaching for the star. Just like what happened, his dreams are right in front of him but he couldn't touch it. “You can do better. You are not allowed to quit.” Tumayo si Taurus. Hindi niya hahayaan ang sarili na malungkot at magmukmok sa isang sulok. Naglakad siya papasok sa gubat. Kumuha siya ng mga tuyong kahoy na gagamitin sa pagluluto. Hindi niya alintana ang mga sugat na nakukuha niya kapag nasasagi siya sa matutulis na sanga. He is a warrior. He will not cry over small scratches. Pagkatapos kumuha ng mga kahoy ay agad siyang umuwi. Nagluto siya ng kanyang pagkain. Wala na siyang magawa noong tanghali. Ang utak niya ay hindi makapagconsentrate kaya ang pagbabasa ay naging useless na din. Mataas na ang sikat ng araw. Masarap ang simoy ng hangin. Sa ilang araw niya sa isla ay hindi pa niya nasusubokan ang lumangoy sa dagat. Hubo’t hubad siya ng magpasyang tumakbo at magtampisaw sa tubig. Gutom at uhaw ang nararamdaman ni Maribela. Ilang araw na siyang palutang lutang sa gitna ng karagatan. Ang balat niya na dati ay kulay nyebe ngayon ay mahapdi at pulang pula. Unti unting tumulo ang kanyang mga luha. Isang katangahan ang kanyang ginawa kaya tinanggap na niya na bago pa man siya matagpuan ay wala na siyang buhay. “Remember me Papi, Mami. I will see Zach now,” malungkot na bulong ni Maribela. Wala na siyang lakas, kahit ang pagod ay hindi na niya maramdaman. Matindi ang kalungkotan ni Maribela. Mawawala siya sa mundo na hindi manlang nayayakap muli ang kanyang mga magulang. Kahit masama ang pakikitungo ng ng ilan sa kanyang mga kapatid ay hindi niya maiwasang isipin na sana ay nagkasundo muna sila bago siya mawala. Dahan dahang pinikit ni Maribela ang kanyang mga mata at tuluyan na nga siyang nawalan ng malay. Sa hindi kalayuan ay patuloy na lumalangoy si Taurus. Ilang oras na siyang nakababad sa tubig ngunit hindi siya nagsasawa. Palubog na ang araw. Naghahalo ang kulay asul at lila sa kalangitan. Taurus is busy appreciating the scenery when something caught his attention. Wala siyang balak pansinin kung ano ang bagay na lumulutang hindi kalayuan sa kanya. Paahon na siya ng tamaan siya ng curiousity sa katawan. Muli siyang lumapit sa tubig at lumangoy palapit sa kung anong bagay na kanyang nakita. “Jesus Christ!” anas ni Taurus. Nakatihaya si Maribela sa taas ng floatie. Tuyo ang mga labi. Namumula ang balat na nasunog mula sa matinding sikat ng araw. Hinatak ni Taurus ang floatie patungo sa dalampasigan. Binuhat niya si Maribela at pinahiga sa buhangin. “Wake Up!” anas ni Taurus. Tinatapik niya ang mukha ni Maribela pero kahit kaonting paggalaw ay wala siyang nakuha mula sa babae. Nagsimulang kabahan si Taurus, he can’t deal with a dead body. With his reputation before going to the island ay baka ibaling sa kanya ang lahat ng sisi. “Think,” utos niya sa sariling utak. Binuhat niyang muli ang babae at dinala sa loob ng kabina. Pinahiga niya ito sa taas ng mahabang sofa at kumuha siya ng yelo. Nilagyan niya ang labi ni Maribela ng yelo dahilan para gumalaw ng kaonti ang babae. “Are you alright?” tanong ni Taurus. Mahina padin ang katawan ni Maribela. Hindi niya magawang ibuka ang kanyang mga labi para magsalita. Sinubukan niyang imulat ang kanyang mata pero mabilis niya ring sinara iyon. Wala siyang makita, madilim ang paligid. Para siyang nabulag panandalian. Hinayaan ni Taurus na magpahinga si Maribela. Maluwag na ng kaonti ang kanyang pakiramdam na makitang gumalaw na din ito. Nilipat niya si Maribela sa kanyang kwarto. Bago niya pa ito binalot ng kumot ay hinagod niya ng tingin ang halos hubad na katawan nito. Nakasuot lang ang babae two-piece suit. Malaki ang hinaharap ng babae, mula ulo hanggang sa mga daliri sa paa ay makinis at kulay porselana. “What happened to you?” takang tanong ni Taurus. Kung baliw siya ay iisipin niyang langit ang gumawa ng paraan para padalhan siya ng anghel na makakasama. But it is strange, walang isla na malapit sa isla nila. Pinagmasdan ni Taurus ang mukha ni Maribela sa huling pagkakataon bago lisanin ang kwarto. Nagising si Maribela na madilim na ang paligid. Nakabawi na siya ng kaonting lakas. Tamang tama ang pagtunog ng kanyang tiyan sa muling pagpasok ni Taurus sa silid na may dalang prutas at tubig. “You’re awake,” usal ni Taurus. Sinundan ni Maribela ang bawat galaw ni Taurus. Mukhang mabait ang lalaki pero she can’t trust someone by the looks. “Eat,” utos ni Taurus kay Maribela ng hindi ito umimik. Nagdadalawang isip man ay inabot padin ni Maribela ang mansanas at kumagat doon. Ano pa bang kamalasan ang pwedeng mangyari sa kanya? She doesn’t know where she is, kung may gagawin man ang lalaki sa kanya; ang lasonin siya ay hindi ang pinakamalalang pwedeng mangyari. Pinagkrus ni Taurus ang kanyang mga binti. He is observing the way Maribela move. Kahit siya ay may pagdududa sa babae. Hindi ito pwedeng sumulpot nalang bigla ng walang dahilan. She can be a bate from a pirate or syndicate. He can’t be sure. “Who are you? Where you from?” sunod sunod ang tanong ni Taurus. He wants to intimidate the woman. Binuka ni Maribela ang kanyang mga labi, tanging hangin ang lumabas doon. She knows what to say pero walang kahit isang salita ang lumabas sa kanya. Napailing si Taurus. Old tactics. “You can’t fool me. Who sent you?!” he said with full authority. Napapitlag si Maribela, nagsimula siyang kabahan. Sumagi sa isip niya na baka psychotic ang lalaking kaharap niya ngayon. “You’ll not speak?” Taurus said while looking Maribela straight to her eyes. Nailang si Maribela, kakaibang kaba na ang nadarama niya ngayon. Napabaling si Maribela sa bukas na pinto. Kung makakalabas siya sa loob ng kwarto ay baka makahingi siya ng tulong sa kung sino sa labas. Napansin ni Taurus ang pagtingin ni Maribela sa pinto. Napangiti siya. Gaya ng inaasahan ay mabilis na tumayo si Maribela. Buong tapang siyang tumakbo ng mabilis palabas ng kwarto, pababa ng hagdan hanggang sa tuloyan siyang makalabas sa kabina. Naglakad lang si Taurus habang sinusundan si Maribela. She can’t outrun him kung gugustohin niya. But he is entertained sa determination na nakikita niya sa babae. “You can’t escape this island,” anas ni Taurus. Tumayo lang siya sa gilid ng dagat habang pinagmamasdan ang ginawang paglusong ni Maribela. Sa muli ay tumakbo nanaman si Maribela, sa kabilang bahagi, malayo kay Taurus. He is just tailing the woman who is desperate to find her way away from the island. “Onde Estou?! Quem e Voce?!” (Where am I?! Who are you?!) sigaw ni Maribela. Kumunot ang noo ni Taurus, now everything is clear to him. Banyaga ang babae, kaya pala hindi ito makasagot sa kanya kanina. “I don’t understand you,” pag-amin ni Taurus. “If you want to escape this island that’s impossible, if you want to freeze to death stay here.” Niyakap ni Maribela ang sarili, tanging bikini parin ang suot niya. “I have so much on my shoulder. You are not my problem but I am not a heartless person. You can stay on the cabin if you want.” Tumalikod na si Taurus at bumalik sa kabina. Basa ang buong katawan ni Maribela. Niyayakap na siya ng lamig. Kanina pa niya nilalakad ang isla at tama nga si Taurus, wala siyang makitang bangka o anuman na pwede niyang magamit para makaalis. Napahawak siya sa kanyang tiyan, nagugutom na siya. Nilunok niya ang lahat ng pride na mayroon siya, pinihit niya ang doorknob at marahang tinulak ang pinto. Dim light. Reflection ng kandila sa kusina ang nagbibigay liwanag sa sala. Kinuha niya ang t shirt at boxer short na nakapatong sa kumot at unan na nasa ibabaw ng sofa. Luminga siya sandali bago hinubad ang basang bikini at mabilis na sinuot ang t shirt at short. Sa pagpasok sa kusina ay hindi na naabotan ni Maribela si Taurus. May pagkain sa taas ng mesa. Hindi na siya nag-isip pa ng masama tungkol sa lalaki. Tahimik siyang kumain mag-isa. “Argh!” Ilang beses ng tumayo, umupo at humiga muli sa kama si Taurus. He can’t stop thinking about the woman downstairs. Hindi niya mapigilang mag-alala. Napapaisip siya kung may gumawa ba ng masama sa babae. “This is annoying,” puna ni Taurus sa sariling ginagawa. Bumaba siya para tignan kung pumasok ba ang babae. He is not a bad person, hindi kakayanin ng konsensya niya ang may mamatay na tao dahil hindi niya ito tinulongan. He’s like a thief walking down. Kung andoon na ang babae ay ayaw niyang isipin nito na nag-aalala siya. He doesn’t want to send the wrong signal. “Great,” saad niya ng makitang mahimbing na ang pagtulog ni Maribela. Malalim ang tingin ni Taurus sa mukha ni Maribela. He can’t blame himself. Napakaganda nga ng babae. Matangos ang kanyang ilong, mamula mula ang kanyang pisngi at labi. She is an angel; a goddess. He can’t explain his admiration to the woman. Pinilig niya ang kanyang ulo. “Stop,” suway niya sa kanyang sarili. Lalaki lang siya, nag-iisa sa isla. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagnanais kung may isang napakagandang babae ang natutulog sa kanyang harapan? Idagdag pa ang realidad na sila lang ang tao sa isla. Gumalaw si Maribela. Parang hinahabol ng mabangis na hayop si Taurus ng tumakbo siya paakyat. Ang kanyang mga hakbang ay walang ingay at malalaki. Para siyang bata na ayaw mahuli sa kalokohang ginawa. “Jesus,” wika ni Taurus habang sinasapo ang kanyang dibdib noong tuloyan na siyang makapasok sa kanyang silid. Malakas ang kalampag ng kanyang puso. Maraming babae ang literal na tinatapon ang kanilang sarili kay Taurus, kahit isa ay wala siyang binigyan ng interest. Tonight is different. He doesn’t believe in love at first sight kaya winaglit niya ang kakaibang bulong ng isip niya. The woman is lovely, he can’t deny it. But he can’t trust a woman he just met. Lalo na ang mahulog dito. It is pure lust, iyon ang pilit niyang pinaniwalaan. Nahulog si Maribela sa lapag dahilan para magising siya. Sanay siya sa malambot at malawak na kama. Hinawakan niya ang likod na tumama sa sahig. Nasa ganoong posisyon siya sa pagpasok ni Taurus mula sa labas ng kabina. Pawisan ang katawan ng lalaki. Nilayo ni Maribela ang kanyang tingin ng maramdaman ang pag-init ng kanyang pisngi. “The food is ready,” usal ni Taurus mula sa kusina. Nahihiya si Maribela pero kailangan niyang lunokin iyon kung hindi ay mangingisay siya sa gutom. Magkaharap silang dalawa habang kumakain. Tunog ng kutsara at tinidor na sumasagi sa plato ang tanging ingay na naririnig. Naunang natapos si Taurus, tumayo siya at hinugasan ang kanyang pinagkainan. “Muito obrigado,” (Thank you so much) pasalamat ni Maribela. She appreciates the help Taurus gave her. Hinarap ni Taurus si Maribela. With serious face he said,” I don’t understand any of that. If you’re cursing me, shame on you. If you’re thanking me, don’t put any color on it. I am not like what you think.” Like yesterday Maribela tried to open her mouth to speak pero walang salita ang lumabas sa kanya. Hindi niya mahanap ang dila niya. Naiintindihan niya si Taurus ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi siya makasagot sa wikang maiintindihan ng lalaki. “You can eat whatever you want inside the fridge. Bathroom and clothes are upstairs.” Tanging pagtango lang ang kayang ibigay na tugon ni Maribela. Wala pa siyang magagawa sa ngayon. She couldn’t tell him what she really needs. Hindi siya maintindihan ng lalaki. Hanggang hindi pa niya kayang magsalita ng English ay kailangan niyang magtiis sa isla. “And last thing, if you do something stupid don’t try to kill yourself. I’m not good with burying a body, I might send you to the water and let the fishes eat you.” Napahawak si Maribela sa kanyang puso sabay sa pagkawala ng bulto ni Taurus mula sa kusina. It seems like the man who saved her life sees through her. Isang katangahan ang ginawa niya noong nakaraang gabi dahilan para mapadpad siya sa isla. She is lucky na nakita siya ni Taurus. She doesn’t want to push her luck any further. The only thing she can do is wait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD