Hills of Sentra, Near Lisbon, Portugal
“I heard Maribela runaway from her guards. She’s really irresponsible,” pagputol ni Lucian sa katahimakan ng kanilang umagahan kasama ang buong pamilya. Kinaugalian na ng mga Afonso and magsabay na kumain tuwing umaga.
Maaga pa nang ibinalita kay Lucian ng kanyang personal na katulong ang pagtakas na ginawa ni Maribela. Pinapamukha n’ya sa kanilang ama ang kawalang gana ni Maribela sa tungkolin na mayroon ito para sa kanilang bansa.
“Is it true? That’s what she learns from those white cows,” paggatong ni Topaz sa sinabi ni Lucian. Masama pa rin ang loob n’ya sa kung bakit si Maribela lamang ang binigyan ng pagkakataon ng kanilang ama na makapag-aral sa ibang bansa. Matalino s’ya at nangunguna hindi lamang sa unibersidad na pinapasukan n’ya kundi maging sa buong bansa ngunit tila hindi sapat iyon para mapatunayan ang sarili sa kanyang mga magulang. Hindi siya binigyan ng tiwala ng kagaya ng binigay ng mga magulang kay Maribela.
“Maribela is on vacation,” pagsali ng inosenteng si Lucius sa naging usapan nila. Sa kanyang alam na paraan ay nais n’yang ipagtanggol si Maribela. Noong nasa Portugal pa si Maribela ay binibigyan s’ya nito ng panahon para maglaro o mamasyal, nang makarating ito sa London ay hindi rin ito nakalimut na padalhan s’ya ng mga tsokolate at laruan.
“Shut up, moron. We’re not talking to you.” Napayuko si Lucius sa sinabi ni Topaz, palagi nalang siyang tinatawag na walang alam ng kapatid. Mahina siya kompara sa kanilang lahat ngunit malakas ang kanyang katawan at talagang nagpapakita ng angking galing sa basketbol sa kanyang murang edad.
Pinagdikit ni Lucius ang dalawang kamay, hinahanda n’ya ang sarili. Mamaya ay makukuha nanaman n’ya ang kaparusahan mula sa mga kuya dahil lamang sa pagtatanggol kay Maribela.
Napuno na ang balde ng pasensya ni Pietro para sa mga anak. “Silencio!” sigaw niya tsaka napatayo at ibinagsak ang dalawang kamay sa itaas ng mesa.
Napatigil silang lahat sa pagkain. Napaupo ng tuwid ang kanyang mga anak. Ang mga tiga-silbi ay natayo ng deretso. Kinilala ng buong silid kainan ang otoridad na mayroon ang hari.
Hinawakan ni Sopia ang kamay ni Pietro, ang mag-away o magalit sa harap ng pagkain ay hindi tamang gawin. Inalis ni Pietro ang kamay ng kanyang asawa bago tumalikod at tuluyang lumabas patungo sa silid aklatan ng palasyo. Mas kinakagalit n’ya kapag nakakarinig ng kahit anong tungkol sa pagtakas ni Maribela.
Pakiramdam niya ay nagkulang siya sa pagpapalaki ng tama sa kaisa-isang anak na babae.
Lihim na napangiti si Lucian sa inasal ng ama, unti unti ay makukuha n’ya ang trono na sa una pa lamang ay nararapat sa kanya. Si Topaz at Demetri ay pinagbundol ang mga kamao sa ilalim ng mesa, kahit sila ay nasisiyahan din na sirain si Maribela. They are enjoying the situation; the disappointment in their fathers' eyes.
“You need not to talk about your sister in front of your father,” utos ni Sopia sa mga anak. Pantay ang pagtingin n’ya sa mga anak. Kung sino ang may sala ay siyang dapat parusahan ngunit kahit pa tumakas si Maribela ay hindi iyon dahilan na pagsalitaan s’ya ng masama.
Bilang ina ay mahalaga para kay Sopia na panatilihing buo at magkakasundo ang kanyang mga anak ngunit malayo iyon sa nangyayari simula nang hayagang pinaalam ni Pietro sa kanilang mga anak na si Maribela ang napili niya bilang susunod na uupo bilang tagapamahala ng trono.
“We’re just stating facts, Mami.”
“Wether it is a fact Topaz; you should not mention anything about it. Not in front of your father or other people. This should not be heard by the media.”
Pamilya sila, isa sa responsibilidad nila ang protektahan ang imahe ng bawat isa. Ang kasiraan ni Maribela ay kasiraan ng tiwala ng tao sa monarkiya.
Tumayo na rin si Sopia, nawalan na s’ya ng gana sa inasal ng mga anak.
Paikot-ikot at mahaba ang daan, tanaw sa kabilang bahagi ang karagatan habang ang kabila ay ang malawak na lupain. Sa tuktok ng burol ay ang palasyo ng Braganca, sa likuran nito ay may bangin na kung saan nakakonekta ang karatagang atlantiko.
Napapalibutan ng mataas na pader na may matutulis na metal sa itaas na bahagi ang buong animnapung hektarya ng lupain sa bakuran ng palasyo. Malawak na hardin at palaruan ang tatahakin bago makapasok sa mismong pinto ng Palasyo.
Engrande, may higit dalawampung talampakan ang taas at tatlumpung talampakan ang lawak ng unang pinto ng palasyo kung saan ito rin ay gawa sa tunay na ginto. Pagbukas ng pinto ay bubungad ang painting ng lahat ng dumaang hari ng portugal at sa iyong pagtingala ay makikita ang chandelier na gawa sa dyamante.
Puno ang pader ng bawat pasilyo ng mga imahe na ginuhit ng tanyag na Portuguese painter na si Julio Pomar. Ang bawat sulok ay may mamahaling vase antiquites at bonsai plants.
May limang daan at animnapu't anim ang mga silid sa loob ng palasyo, dalawang daan at tatlumpo ang hagdanan na gawa sa perlas ang hawakan.
Sariling museum, silid aklatan at Olympic size swimming pool, Salle de 'Armes, Auditoria lectures classroms; ilan sa mga silid na matatagpuan sa loob mismo ng palasyo.
Rancho ng kabayo, outdoor swimming pool, shooting range, golf field naman ang ilan sa pwedeng paglibangan sa palibot ng palasyo.
Pasikot-sikot ang palasyo, maraming mga sekretong lagusan tungo sa labas ng bakuran at may pinto patungo sa tunnel na lulusot sa mismong siudad ng lisbon.
“I have an important news to the King.”
Nakatayo ng tuwid ang isang lalaki na may suot na black suit and tie sa harap ni Arturito sa labas ng bakal na pinto ng bakuran ng palasyo.
Limang bulletproof na sasakyan ang magkasunod na nakaparada sa labas. Nang tanungin ng gwardya na nakabantay sa harap ng palasyo ang kanilang sadya ay wala silang sinabi maliban sa nais nilang makausap ang mismong hari ukol sa balita na kanilang dala.
“You have to tell it to me first. I will decide if it is worthy of the kings’ time,” mahinahon na paliwanag ni Arturito. Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. Ang dala ba nito ay panganib o kaluwalhatian? Inihanda niya ang sarili sa maaaring susunod na gagawin nito.
Tumalikod ang lalaki, lumapit ito sa pinakahuling sasakyan at may kinausap sa loob. Bumaba roon ang isang matandang lalaki na sa kabila ng puti nitong buhok ay nagsusumigaw ang kanyang bawat lakad ng kapangyarihan.
Lumabas na ng tuluyan ang iba pang lulan ng mga naunang sasakyan. Lahat ng royal guards ay naging alisto, pumisisyon sila ng pahalang na tila pinoprotekhan ng maiigi ang bakuran ng palasyo. Handa silang saluhin ang bala at suongin ang panganib na dala ng mga banyaga.
“We are not here to bring war; we are here to bring news to the King about his daughter.” Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Arturito, kahit pagkurap ay hindi niya nagawa ngunit sa loob n’ya ay kinabahan s’ya. Ano ang nangyari sa kanyang pamangkin? Kung may masamang nangyari kay Maribela ay hindi na n’ya mapapatawad ang kanyang sarili. Dalawang pamangkin na ang hindi n’ya nagawang iligtas sa kapahamakan.
“I will let you in, but no other person is allowed to come with you.” Kung ano ang dalang balita ng banyaga ay kailangan na marinig iyon ng Haring Pietro.
“No---
Magpoprotesta pa ang isa sa tauhan ng matandang dayuhan ngunit agad niya rin itong pinigil. Sa kanyang kamay nakasalalay ang pananatili ng kapayapaan ng buong mundo. Isang pagkakamali ay sisiklab ang digmaan sa pagitan ng Portugal at South Korea. Hindi sekreto ang namumuong usapan sa pagitan ng Russia at Portugal. May bukas na alyansa ang South Korea at America, kaya ang digmaan sa pagitan ng Portugal at South Korea ay magiging pinto lamang ng paglala ng Cold War sa pagitan ng America at Russia.
Usaping deplomasya ang pinunta ng matanda kaya iyon ang gagawin n’ya roon.
“Your highness, there is someone who needs to talk to you.” Nakatutok ang lahat ng atensyon ni Pietro sa pag-aayos ng mga papeles nang pumasok si Arturito sa kanyang tanggapan.
Napatingala siya, kung hindi mahalaga ang sasabihin ng panauhin ay hindi ito makakalampas kay Arturito. “Let him in,” agad na utos niya.
Napakunot ang noo ni Pietro. Binaba niya ang hawak na lapis tsaka tumayo sa kinauupoan. Nakilala n’ya kaagad ang dayuhan na pumasok sa loob ng kanyang tanggapan; ang Prime Minister ng South Korea.
“To what do I owe this close door visit?” pang-iinsulto ang lumabas sa bibig ni Pietro hindi pa man nakakaupo si Prime Minister Kwon Ji Pyo.
Inaakala ni Pietro na padala ng amerika si Ji Pyo para kumbinsihin s’ya na sumama sa alyansa nila at iwanan sa ere ang Russia. Isa siyang tapat na hari, hindi lang sa sinasakupan kundi maging sa mga salitang nabitiwan na niya. Isang insulto para sa kanya ang hangarin na mayroon si Ji Pyo.
“I need to talk to you in private.” Napaigtim ang bagang ni Pietro, hindi siya isang traidor at mas lalong hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang mga ganid na kano na alipinin ang mga Portuguese.
“Tell this to your boss; I will not withdraw my alliance from Russia,” deretsa niyang saad kay Ji Pyo. Nasa loob siya ng palasyo kung may dapat kabahan hindi si Pietro iyon.
“No, no you misunderstood, your highness.” Pilit man sa loob niya ay pinipigil ni Ji Pyo ang sarili na patulan si Pietro. Nararapat lang na bigyan n’ya ng nararapat na pagkakakilanlan ang hari na nasa harapan n’ya.
Kung may ibang paraan ay hindi gagawin ni Ji Pyo ang biglaang pagpunta sa Portugal. Masama ang kanyang timpla kay Pietro, makailang beses nang nagtagpo ang kanilang landas. Sa ilang beses na iyon ay itinuring siyang dumi ng hari, mababa ang tingin sa kanya. Nasusuya siya na tignan ito ngayon lalo na at nadikit ito sa Russia.
“This is about your daughter.” Napatigil si Pietro na may balak ng itaboy si Ji Pyo. Tinignan niya si Arturito na kaagad nakuha ang nais ng hari na lumabas siya.
“What about Maribela?” usal kaagad ni Pietro nang sila nalang dalawa ang natira sa loob ng silid.
Sa loob n’ya ay natuwa si Ji Pyo, ngayon ay nakuha na niya ang atensyon ng hari liban dito ay para pa itong maamong tupa. Kapag usapin tungkol sa unica hija ay tumitiklop si Pietro.
Tumikhim si Ji Pyo, pinipigil niya ang sarili na matawa. Puno ng kayabangan kanina si Pietro ngunit tignan mo naman ngayon, tila nawalan ito ng dugo sa mukha. “Together with my daughter they sail across South China Sea,” panimula ni Ji Pyo. Nais niya na gulatin si Pietro ngunit taliwas iyon sa nauna niyang plano. Mas masarap namnamin ang panalo ng paunti-unti.
“I already knew about it.” Nasundan ng mga tauhan ni Pietro hanggang Thailand si Maribela, may kaalaman siya sa ginawa nitong pagsakay sa yate kasama ang mga kaibigan. May kakayahan siyang pigilin ito ngunit hindi niya ginawa. Mahirap ang maupo sa trono, isang bansa ang umaasa na gumawa siya ng tama. Binigyan niya ng oras si Maribela para sa sarili sa tiwala na babalik din ito at gagampanan ang tungkolin.
“She runaway with a man.”
Namumuo ang tension sa pagitan ng royal guards at mga tauhan ni Ji Pyo. Mata sa mata ang kanilang tinginan. Ilang oras na ang nakalipas ngunit kahit isang galaw ay walang ginawa ang kahit isa sa kanila. Isang maling galaw ay handa ang bawat isa sa pagbunot ng baril o pagsalo ng bala.
Sa harap ng tanggapan ng hari ay kanina pa pabalik balik ang lakad ni Reyna Sopia. Napag-alaman niya mula kay Arturito na tungkol kay Maribela ang sadya ng Prime Minister ng South Korea.
“Your majesty.” Yumuko si Ji Pyo nang magsalubong sila sa paglabas nito sa tanggapan ng hari. Nagsalubong ang kanilang tingin, isang malapad na ngiti ang namutawi sa labi ng Ji Pyo. Hindi maitatanggi ang kakaibang angkin na ganda ni Sopia, hinagod siya ng tingin ni Ji Pyo mula ulo hanggang sa talampakan.
“Prime Minister.” Balik na pagbati ni Sopia bago kinamayan si Ji Pyo na lihim na hinangaan ang malambot niyang kamay. Para sa babaeng may anim na sanggol na ang inilabas ay napakabata niyang tignan. Kung ganito ang katangian ng asawa ni Ji Pyo ay hindi na dadami ang kanyang mga babae.
“I would love to give some time for tea but I need to talk to the king,” pinanatili ni Sopia ang casual at magalang na pananalita sa kabila ng malaswang mga tingin sa kanya ng kaharap.
“It’s okay, your majesty. I also need to go now, there’s load of work waiting for me.”
“Arturito lead the Prime Minister his way.” Nagkamay silang muli bago maghiwalay ng landas.
Nauna sa paglalakad si Arturito kaya nagkaroon ng pagkakataon si Ji Pyo na bigyan ng huling malaswang sulyap ang likuran lalo na ang pang-upo ni Sopia.
Nanlulumo si Pietro nang maabutan siya ni Sopia. “What happened, meu amor?”
“That Maribela, she is a disgrace.” Napaurong sa paglalakad si Sopia. Ikinagulat n’ya ang mga salita na lumabas sa bunganga ni Pietro. Kahit minsan ay hindi niya narinig na nagpakawala ng masamang salita si Pietro laban sa kanilang nag-iisang babae na anak.
“W-what are you talking about, Pietro?” napautal si Sopia, nakailang lunok na rin s’ya. Parang may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Isa lang maaaring dahilan na magkakaganito ang asawa.
“She runaway with some monte de merda!” Iba ang inasahang dahilan ni Sopia ngunit ang naglayas kasama ang lalaki, nabuntis na hindi pa kasal, kahit alin pa roon ay kahihiyan ang ginawa ni Maribela.
“You take the responsibility of this Pietro.” Naiiyak ni Sopia. Malakas ang pagtutol niya nang payagan ni Pietro ang kanilang anak na mag-aral sa ibang bansa. Ngunit mas malakas ang pagkumbinsi ni Maribela kesa sa pagtutol niya.
“Sopia, I can’t believe this. Maribela will never do such nonsense.” Nalulungkot si Pietro, ayaw tanggapin ng kanyang isip ang impormasyon tungkol kay Maribela. Nagalit man siya sa anak ay dala lang ‘yon ng pagkagulat.
Si Sopia ay may kaunti ring pag-aalinlangan. Maraming dahilan para magsinungaling sila. Ngunit ano ba talaga ang katutohanan?
“We should do something.” Nakabawi na si Pietro. Maniniwala lang siya kung may matibay na ebidesya ang nakalatag sa kanyang harapan. Wala siyang tiwala kay Ji Pyo lalo at salita lang ang dala nito.
Nilapitan ni Pietro ang asawa, hinawakan niya ang mga kamay nito. Humugot siya ng lakas kay Sopia. Palagi silang magkaramay sa lahat ng pinagdaanan nila. “We both know our daughter. We need to trust her.”
“Meu amor.” Hinaplos ni Sopia ang mukha ng asawa. Nang mawala ang kanilang panganay na anak na si Zacharias dahil sa pagkalunod ng barkong sinasakyan nila ay mas pinahalagahan ni Pietro ang pamilya. Kakayanin niyang isuko ang trono para lamang sa kanilang mga anak.
Likas ang pagiging matigas ni Pietro, gusto niyang mapabuti ang lahat ng nasa paligid niya.
Ginawaran ni Pietro ng halik ang kanyang asawa bago ito humiwalay. “Prepare my things. I will call the administrator. I’ll get to the root of this.”
Nakabalot ng kumot ang hubad na katawan ni Demetri. Tanghaling tapat na ngunit nakagulong padin siya sa kanyang higaan. Mainit ang naging nakaraang gabi n’ya. Nahulog mula sa bitag patungo sa kanyang kamay ang bagong personal na katulong niya. Ilang beses na bang pinalitan ng kanyang ina ang mga personal na katulong niya? Hindi na mabilang pa.
“Merda,” napamura siya ng malutong nang may malakas na humila ng kumot n’ya dahilan para gumulong siya pababa mula sa higaan.
“Wake up, p**n star,” si Topaz.
Tinignan ni Demetri ng masama si Topaz. Makailang ulit na n’ya itong pinagsabihan na huwag s’yang tawagin sa palayaw na ibinigay nito sa kanya ngunit tila wala sa isip ng kanyang kapatid ang sundin siya. Likas sa kanya ang maglaro ng apoy sa iba’t ibang babae kaya naman walang katapusan ang pangangatyaw sa kanya ni Topaz na isa nga talaga siyang naglalakad na porno.
Tumayo siya at nagtangkang bumalik sa higaan. “Damn! It’s still up? You’re really a p**n star,” puna ni Topaz sa p*********i niya na nakabandera.
Ngumisi siya. Sa mukha at katawan ay pantay lang silang magkakapatid ngunit ang sa p*********i ay panalo siya.
“What do you want, bud?” sa halip ay tanong n’ya nang maulinagan niya si Lucian na tahimik na tumatawa sa likoran ni Topaz.
“Get up. Maribela runaway with some corno. That stupid woman doesn’t think.” Nasiyahan si Lucian na mawala si Maribela sa eksena ngunit ang kahihiyan na idudulot n’ya ay maapektohan ang buong pamilya nila. Marami na ang salungat sa monarkiyang pamamalakad sa Portugal, marami na ang nagnanais ng demokrasya kapag nakarating sa kanilang sinasakupan na ipinagpalit ni Maribela ang trono para sa isang lalaki ay mas mawawala ang tiwala ng tao sa kanila.
Napakamot si Demetri sa kanyang batok, malapit sila ni Lucian kumpara sa kanila ni Maribela ngunit kung minsan ay hindi niya makuha ang nasa isip ni Lucian. Dese-otso lang siya, ang mga laro na nais laruin ni Lucian ay hindi pa para sa kanya. Ngunit wala siyang magawa, kahit si Topaz na pinanganak at biniyayaan ng lahat ng katalinuhan sa mundo ay sunod sunoran kay Lucian. “What do you want me to do? Kill the dude?” nagugulohang tanong n’ya.
“No. We will go to Switzerland.” Maayos na ang lahat. Nasa plano na naayun kay Lucian ang lahat. Ayon sa pinag-usapan walang bodyguard o royal guard ang maaari sa lugar na pagkakakitaan ni Ji Pyo at Pietro kaya naman silang tatlo ang sasama sa kanilang ama.
“What will we do there?” hindi parin pumapasok sa isip ni Demetri kung ano ba talaga ang gagawin nila. May papatayin ba? Kasi kung ganoon ay labas siya. Kagustohan iyon ni Maribela, hindi siya papatay dahil lang doon.
“Just get up porno. We’re leaving in two.” Maraming katanungan sa isip ni Demetri. Walang plano o paliwanag mula sa kanyang mga kapatid ngunit bilang sunod sunoran ay mabilis siyang tumayo at nagsimulang mag-ayos.
Sabay na naglalakad sina Lucian, Topaz at Demetri. Kalmado ang kanilang amang hari na si Pietro sa harap nila habang papasok sa maliit na kwarto sa hotel malapit sa Lake Geneva.
Neutral na bansa ang Switzerland ngunit hindi iyon sapat para pagkatiwalaan ni Ji Pyo at Pietro ang isa’t isa. Muli silang maghaharap ngunit sa loob ni Pietro ay hiling niya na ito na ang huli. Ang presensya ni Ji Pyo ay hindi niya lubos na magustohan.
“Your highness.” Tumayo at sabay na yumuko si Ji Pyo kasama ang tatlong babae at isang lalaki bilang pagbibigay galang sa royal family.
Higit apat na taon na simula nang maging kaibigan nina Jennie, Diana at Emerald si Maribela ngunit ito ang unang pagkakataon na makilala nila ang ama nito o mga kapatid.
“Sit down,” utos ni Pietro.
Naunang umupo si Pietro. Nanatiling nakatayo sa kanyang likuran ang mga anak na lalaki. Agad na nakuha ng atensyon ni Demetri ang mahaba at maputing binti ni Diana.
Tumikhim si Ji Pyo. Matagal silang naghintay sa pagdating nina Pietro, naiinip na siya. Naghihintay sa kanya sa Casa sa labas lamang ng bayan ng Geneva ang bagong babae niya. Mas bata pa iyon sa anak n’yang si Jennie kung kaya’t nasasabik siya.
“Captain,” pagkuha ni Pietro sa atensyon ng lalaking kanina pa tahimik. Namamawis ang mga kamay ng kapitan ng yate. Kinakabahan siya. Marami na siyang nakaharap na matataas na tao ngunit ngayon ay iba; isang hari ng bansa ang kaharap niya at gustong makuha ang katotohanan mula sa kanya. Tinakot siya ni Ji Pyo gamit ang buhay ng kanyang pamilya dahilan para sumama siya sa pagkikita.
“What happened?” hiling ni Pietro ng katotohanan. Sadyang nakakatakot ang presensya na mayroon si Pietro, kahit kalmado ay umaapoy ng kapangyarihan ang kanyang mala-abo na mata. Mapanuri ang bawat tingin ng hari, naninindak, nagbabanta na huwag siyang pakasinungalingan.
“Your highness, I was called on to stop the yatch. My crew informed me that a helicopter is above us. It fetches someone, that on that moment I didn’t know who.” Para makumbinsi ang pamilya ng babaeng nawawala ay pinaniwalaan ng kapitan ang sariling kasinungalingan. Ang paglabas ng katotohanan sa kanyang labi ang huling bagay na nanaisin niya.
Alam na ng panig ng hari ang sitwasyon ngunit hindi maiwasan ang magulat. Malayo sa pagkakakilala nila kay Maribela ang tumakbo kasama ang lalaki. Ngunit napapatanong si Pietro sa sarili, lubos nga ba niyang kilala ang kanyang anak? Ilang taon itong nanirahan sa dayuhang bansa, malayo sa kanila maaari itong magbago.
“You didn’t ask who is it in the helicopter?”
“Lucian,” mahina ngunit puno ng otoridad ang pagtawag ni Pietro sa pangalan ng anak. Maari lang na magsalita ang mga ito kung bibigyan niya ng pahintulot.
Mapanuya nanamang natawa si Ji Pyo sa kanyang isip, nalilinlang nila ang hari. Malayo sa katotohanan ang dala nilang balita. Ideya ng kanyang anak na si Jennie ang huwag sabihin ang katotohanan sa pagkawala ni Maribela samantalang ideya naman niya ang gawa gawang kwento ng paglayo ni Maribela.
“Captain, did you know anything about Maribela?” sa muli ay tanong ni Pietro. Nasasaktan siya. Dinudurog ang kanyang buong pagkatao. Nabigo siya, isa siya sa dahilan kung bakit napunta sa maling landas ang nag-iisang babaeng anak. Ngunit saan siya nagkulang? Ibinigay niya ang lahat para kay Maribela. Ang mga hiling nito at kagustohan.
May sagot ang kapitan sa katanongan ni Pietro. Ilang beses niyang inaral ang script na ibinigay sa kanya sa harap ng salamin. Para siyang isang actor na pinaghandaan ang role na nais niyang makuha. Sa kahihiyan para sa sarili ay napatingin s’ya sa malayo bago pa man sumagot. “No, your highness. I only knew everything just now.”