Geneva, Switzerland
Nagkalat ang mga royal guards sa loob at labas ng hotel. Ang ilan ay nakasuot hotel staff uniform, ang ilan naman ay nakasuot ng pansibilyan. Habilin ng hari na siguraduhin nila na hindi makakalusot sa kanila ang kahit anong masamang balak ni Ji Pyo.
Ang mga tauhan ni Ji Pyo ay nagkalat din, inaabangan ang kung anuman na pangyayari na hindi dapat.
Nakaupo si Arturito sa skyline tower sa tapat ng hotel, gamit ang thermal telescope ay pinapanuod niya ang bawat galaw sa kwarto kung saan nag-uusap ang pamilyang Afonso at ang mga kasamahan ni Maribela sa yate.
“Ferdinand, the bear is on loose,” sambit ni Arturito sa radiophone na nakakonekta sa iba pang royal guards na naruroon. Bago pa man pumunta sa Switzerland ay inaral na nila ang bawat profile ng mga tauhan ni Ji Pyo sa tulong ng palace agents and hacking team.
“Sir, the rabbit is taking the stairs,” anunsyo naman ng isa sa mga kasamahan nila. Dinig ang bawat pigil na tawa ng mga royal guards sa radiotelephone, napailing nalang si Arturito. Uri ng hayop ang napili nilang sekretong code para sa tauhan ni Ji Pyo.
“Commando, take the roof. Skyline is clear,” utos ni Arturito nang makita na libre ang taas ng hotel mula sa mga Korean bodyguards.
Nakaposisyon na ang lahat. Maingat. Propesyunal ang bawat galaw. Buhay ng matataas na lider ang nakasalalay. Isang buong bansa ang babagsak sa kaonting pagkakamali.
“I don’t mean to offend you, your highness,” panimula ni Jennie. Tinapunan niya ng makahulogang tingin ang ama bago simulan ang kasinungalingang binuo nilang dalawa. “Maribela is not a Saint; She is outgoing. Do parties here and there.”
Pinipigilan ni Pietro ang sarili na barahin si Jennie. Kanina pa niya hindi magustohan ang babae. Hindi niya lubos maisip kung bakit naging kaibigan ito ng anak. Nagsusumigaw sa mukha nito ang hindi pagiging totoo. Kung may pagkakataon lang ay puputulan niya ito ng dila.
“You are her friend; you have a very strong influence to her.” Nais iparating ni Pietro kay Jennie na mukhang siya ang masamang impluwensya kay Maribela. Mabuting bata si Maribela nang umalis ito sa Portugal. Lahat ng nais nilang mag-asawa ay sinusunod niya. Ni minsan ay hindi ito sumalungat ngunit biglaan nalang mangyayari ang mga ganitong bagay.
“That’s not true, your highness. You can ask Dia and Emerald. Maribela is uncontrollable. She’s been in a multiple realationships with guys who doesn’t even go to the University.” Pinandilatan ni Jennie ang dalawang kaibigan. Kapwa tahimik ang mga ito kanina pa. Si Emerald ay pinipigilan ang sarili na maihi sa salawal niya samantalang si Diana ay may kung anong tinik ang tumarak sa puso niya.
Sa kanilang apat si Maribela ang marunong tumigil kapag alam niyang papunta na sa hindi maganda ang kanilang ginagawa. Higit sa lahat ng mabuting katangian na mayroon siya ay mabuti siyang kaibigan. Sa lahat ng oras ay maaasahan ito. Sa puso ni Diana tukoy niyang kung si Maribela ang nasa sitwasyon niya ay hindi ito magsisinungaling para sa ikakapahamak ng isang kaibigan.
“We can’t tell her what’s the right thing to do. She will get mad if you point out her mistakes.” Iniligtas na ni Emerald ang sarili, wala siyang kasalanan kung bakit nawawala si Maribela kung kaya’t gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya na huwag maging responsible sa biglang paglaho nito.
“T-that’s all true, your highness.” Naging mahirap para kay Diana ang ginawa. Iyon lang ang kanyang sinabi pero naging hindi siya komportable, naiiyak siya at nasasaktan. Kailanman ay hindi niya naisip na magagawa niya ito kay Maribela. Mailap ang kanyang mata, kanina pa siya hinuhuli ng tingin ni Demetri ngunit hindi niya ito matignan ng deretso sa mata.
Mapanuri si Demetri simula pa kanina, nakikita niya ang pagkailang na mayroon si Diana. Malamig ang kwarto ngunit namamawis ang babae at kanina pa hindi mapakali sa kinauupoan. Ano ang mali sa babaeng ito? ‘Yon ang nais na alamin ni Demetri.
“You see? I’ve been telling the truth all this time,” napuno ng excitement ang boses ni Jennie. Natutuwa siya na maayos na nailahad ang kwento na dinala nila. Para siyang isang artista, iyon ang tingin niya sa sarili niya.
“Do you have evidence to support you claim?” Nabaling ang mga tingin kay Demetri. Hindi man siya kasing talino ni Topaz ay magaling siyang kumilatis ng tao lalo na ng babae. Napakuyom si Lucian nang wala manlang siyang narinig na pagsaway mula sa ama.
“Yes, we have evidence.” Nakahanda na rin ang pekeng ebidensya na mayroon sina Ji Pyo, inakala niya kanina na hindi na iyon magagamit. Inabot ni Jennie ang bag ni Maribela na may lamang personal na gamit. Kinuha iyon ni Lucian at ibinigay sa ama.
Sa harap ng lahat ay inisa-isa ni Pietro ang laman ng bag ni Maribela. Papeles, telepono at iba pang personal na bagay ang laman niyon. Napahigpit ang hawak ni Pietro sa bibliya na nakapaluob doon, regalo n’ya iyon kay Maribela kahit saan magpunta ang anak ay dala niya iyon. Kalakip sa bibliya ang isang sulat, binuksan iyon ni Pietro at tinignan ng maigi.
“Maribela told me to give it to you personally, your highness.”
Nagbingi bingihan si Pietro, ayaw na niyang makarinig ng kahit ano mula sa labi ni Jennie. Tahimik na nakikibasa sa sulat ang kanyang tatlong anak. Sulat kamay ni Maribela ang nakaukit sa papel.
“Papi, are you alright?” pag-aalalang usal ni Lucian nang mapansin ang pagkapit ng mahigpit ng kanyang ama sa kinauupoan nito.
“I am, lead them outside,” nahahapong anas ni Pietro. Nais niyang paniwalaan si Maribela ngunit ngayon hindi niya alam kung ano ba ang tama.
“Prime Minister, thank you for your time. Please excuse yourself,” anas ni Lucian sabay sa pagbukas niya ng pinto.
Nasisiyahan si Ji Pyo sa naging resulta nang pagkikita nila. Maluwag na ang damdamin niya, ngayon ay wala na siyang iisipin pa. Nakabawi na siya sa bawat pang-iinsulto ni Pietro sa kanya.
“My atmost honor, Prince Lucian.” Ikinagulat ni Lucian ang pag-address sa kanya ni Ji Pyo. Kahit sa pagiging Duke ay hindi pa siya naitatalaga, ang tawaging Prinsepe ng isang Prime Minister ay isang karangalan. Binasa niya ang ngiti sa labi ni Ji Pyo hindi mawari ni Lucian kung ito ba ay pagkilala o pangungutya.
Nakalabas na ang lahat, nakaupo ang tatlong anak ni Pietro sa kanyang harapan. Hawak niya parin sa kanyang kamay ang sulat ni Maribela.
“Step outside,” matamlay na anas niya. Walang pagprotesta sa kanilang tatlo, kaagad silang tumayo at handang lumabas.
Nasa harap na sila ng pintuan nang muling magsalita si Pietro. “I need to discuss something with you, Demetri.” Napatigil silang tatlo, nagpalitan ng tingin. Bakas sa mukha ni Lucian na nais niyang magreklamo ngunit wala siyang nagawa nasara sa mukha niya ang pinto at nawalan siya ng pagkakataon para alamin ang nais pag-usapan ng ama.
Nagulohan at nabahala si Demetri. Ngayon lang siya kakausapin ng ama ng mag-isa hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat na asahan.
“Papi?” lakas loob na sambit ni Demetri.
Nilahad ni Pietro ang sulat sa harap niya, inabot niya iyon at muling binasa.
“What do you think, Demetri?”
Ang panlulumo ay nawala na ng tuloyan sa mukha ni Pietro, tanging pag-asa ang naroon.
“Do you believe she wrote this letter, Papi?” tanong ni Demetri. Makailang beses niyang paulit ulit na binasa ang sulat, may kung ano sa loob niya ang nagsasabi na hindi si Maribela ang sumulat niyon.
Pinagkrus ni Pietro ang kanya binti, tumingin sa kisame bago muling hinarap ang anak. “You tell me, hijo.”
Mahigpit man si Pietro at hindi nagpapakita ng pakialam sa mga anak na lalaki ay lubos niyang kinikilala ang kakayanan ng bawat isa sa mga ito. Sa sitwasyon na kanilang kinakaharap ay inaasahan niyang si Demetri ang makakatulong sa kanya na tuklasin ang kung ano ang mayroon sa paglaho ni Maribela.
“I don’t believe it hundred percent,” tapat na saad ni Demetri. Napangiti si Pietro, kaonting liwanag sa madilim na kinakaharap niya.
Sulat kamay nga ni Maribela ang nababasa nila ngunit kung para sa ama ay hindi ito magsusulat ng purong Ingles. At may mga salita na kalakip niyon na kailanman ay hindi ginagamit ni Maribela.
“I want to know everything, Demetri. Befriend one of those girls, stay here in Geneva or spy them. Do what you always do, I don’t care as long as it is safe. Milk some information about your sister.”
“This is an honor, Papi.” Malaking bagay para kay Demetri ang pagkatiwalaan siya ng kanyang ama. Hangad niya ang maging kapantay ni Maribela ngayon ay unti unting naisasakatuparan na ang lahat.
“Demetri, I hope there is no details that will not be directed to me. Keep all the information away from your mother or Lucian.” Sunod sunod ang pagtango ni Demetri bilang pagsang-ayon. Mahalaga sa pagkatao niya ang misyon, hindi siya kagaya ni Lucian na ginagawa ang lahat para sa isang trono. Ang pangarap niya ay makuha ang mataas na tingin ng ama.
Tila sinisiliban ng apoy ang pwet ni Lucian, hindi siya mapakali sa kanyang kinauupoan. Sakay sa pribadong eroplano ng kanilang pamilya ay nasa himpapawid na sila pauwi sa Portugal. Naiwan si Demetri sa Geneva sa dahilang kahit sino sa kanila ni Topaz ay walang alam.
Nawala sa landas niya si Maribela ngunit pumalit naman si Demetri na may balak yatang sulotin sa kanya ang trono. Iyon ang huling bagay na pahihintulotan niya. Dadaan muna ang kung sino sa ibabaw ng kanyang bangkay bago mangyari na hindi siya ang itatalaga bilang sunod na hari.
“Is there any news?” Ilang beses na niyang tinanong si Topaz kung may balita na ba ito kay Demetri.
“No,” may pagka-inis na sagot ni Topaz. Nakapatay ang telepono ni Demetri kung kaya’t wala siyang masagap na balita na maibibigay kay Lucian. Siya ang pinag-iinitan nito kaya naiinis na rin siya kay Demetri.
“Useless corno,” nanggigigil na usal ni Lucian. Kung magkaharap lang sila ay sinakal na niya si Demetri, nabubuhay ang pagkabahala sa loob n’ya.
“Jesus!” Napaiwas si Topaz nang ibagsak ni Lucian ang hawak na baso na may lamang rum na kamuntik ng mabasag. “Chill out. You will wake Stoick.” Sa halip na tuluyang magalit ay natawa si Lucian. Likas kay Topaz ang pagbibigay ng palayaw sa mga taong nakapalibot sa kanya, kahit ang sariling ama ay hindi nakaligtas. Para nga talagang si Stoick ang ama sa buhay niya, sumasalungat sa lahat ng gusto niyang abutin.
Mapanganib ang mundo, sa Portugal ay walang makakapanakit sa iyo. Ang mga katagang iyon ang palaging sagot sa kanya ng ama kapag nagpapaalam na mag-aral din siya sa ibang bansa kagaya ni Maribela. Pinapanalangin na lang ni Topaz na sana ay matauhan na ang kanyang ama at hayaang matuklasan ang naka tadhana sa kanya.
“Do you think Papi will give Demetri the throne?” seryosong tanong ni Topaz. May kuryusidad din sa katawan n’ya sa kung bakit pinaiwan sa Geneva si Demetri. Kung ano man ang dahilan ng ama ay malaki ang kinalaman niyon sa kahahantungan nila ni Lucian.
Napapikit si Lucian. Sapat na sa kanya na nasira ang pagiging magkapatid nila ni Maribela kung maging si Demetri ay makakalaban niya tuluyan na nga talaga siyang nilamon ng mga hangarin niya. Nais niya ang kabutihan ng Portugal, kung siya ang mauupo ay mararating ng bansa ang tuktok at paniguradong titingalain ng mga karatig nila na maliit ang tingin sa kanila.
“I don’t know, but soon it will be reveal.” Ang pagtalaga ng Duke ng Braganza-Saxe-Coburg at Gotha ay isa sa pinakamahalang kaganapan sa Portugal, isa iyong anunsyo sa mundo kung sino ang susunod na hari. Sa sitwasyon ngayon ay tila walang kasiguradohan kung sino ang pipiliin ng kanilang ama. Ilang beses ba dapat na makipagkompitensya si Lucian?
“I hope it will be you. It’s doomsday if Demetri will take over. Women all around the palace, Jesus. Can you imagine that?” nandidiri ang bawat bigkas ni Topaz. Ang pagkahilig ni Demetri sa babae ay parang isang addiction, hindi makawala at walang tigil.
Sampung taon pa lamang si Demetri ay nagpapaulan na ito ng matatamis na salita sa kababaihan. Gaya ng kanyang ginagawa ngayon ay punterya rin niya noon ang mga dalaga at magandang tiga-silbi ng palasyo. Si Topaz ay walang hilig na makipaglokohan sa babae, ang maging tanyag na manggagamot ang pinagtutuonan niya ng lakas at oras.
Natawa nanaman si Lucian. Nakikita na niya ang suliranin sa palasyo kung si Demetri ang hari. Mag-aaway ang mga babae kung sino ba ang tunay na reyna. “It will be horrible than Maribela.” Babae si Maribela, mahina at walang paninindigan. Dudurogin lang siya ng iba at malalagay sa alanganin ang kanilang bansa.
“I hate Maribela. He ripped my chances on going to Ukraine.” Balak ni Topaz na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Ukraine. Hinihintay niya ang oras na maitalaga na si Maribela bago magpaalam. Paano na ito ngayon? Sa ginawa ni Maribela ay baka ikadena na silang lahat sa loob ng palasyo.
“If I became the Duke of Braganza, I will convince Papi to let you go.” Naiintindihan ni Lucian ang pagnanais ni Topaz. Magkapareho ang kanilang pagnanais na maabot ang kagustohan sa buhay.
Sumigla ang mukha ni Topaz, hindi lang tungkol sa pag-aaral ng medisina ang pakay niya sa Ukraine. Nais niyang sundan ang babaeng nakakuha ng kanyang puso. “You really mean that?” Kahit pa may isang salita si Lucian at tumutupad ito sa usapan ay hindi ganap ang paniniwala ni Topaz. Iniisip niya na niloloko lang siya ng kapatid.
“Yes. It will be my assurance that you will not betray me and rob the throne away from me,” pabirong saad ni Lucian na ikinatawa ng bahagya ni Topaz.
“But if you don’t stand on your words, I’ll drag you out of the throne. Let alone be your biggest nightmare,” sakay ni Topaz sa biro ng kapatid.
Napuno ng tawanan nina Topaz at Lucian ang eroplano. Sandali ay nakalimut sila sa kung ano ang dahilan ng pananatili ni Demetri. Kung sana ay sa lahat ng panahon magawa nilang tawanan ang nangyayari sa buhay. Kung sana hindi sila kainin ng pagnanais. Ang saya nilang pagmasdan, na sa kabila ng problema at awayan makikitaan ng pagmamahal at pagpapahalaga sa isa’t isa. Sa huling dako ay magkapatid sila; na kahit ano man ang pagdaanan ay kakailanganin nila ang yakap ng bawat isa.
Tahimik na umiinom si Emilda Afonso sa garden gazebo. Nakatanaw s’ya sa malawak na golf course. Nasa Syria siya at tumutulong sa mga naapektuhan ng gyera nang makarating sa kanya ang balita mula sa mayordoma ng palasyo na sumama si Maribela sa hindi kilalang lalaki. Sa pagkamatay ng kanyang asawa; ang ama ni Pietro, ay ibinigay ni Emilda ang buhay sa pagtulong sa mga tao lalo na sa mga refugees. Nalibot na niya ang buong mundo para magbahagi ng pag-asa ngunit sa edad na nubenta ay hindi pa siya kontento sa nagawa niya sa buhay.
Malakas at elegante ang dating reyna.
Suot ni Emilda ang mahabang damit na kulay berde; tumingkad siya at lalong lumabas ang kulay nyebe niyang balat. Pinagbiyak na bunga sila ni Maribela, dahilan para maging malapit siya ng lubos sa kaisa isang babaeng apo.
“Mama Emilda, do you need something?” tanong ni Sopia ng makalapit siya sa byenan. Matagal na silang magkasama ni Pietro, kahit hindi pa man sila kinasal ay nakilala na niya si Emilda ngunit hindi niya magawang mapalapit sa dating reyna. Naiilang siya at natatakot na magkamali sa harap ng matanda.
“No. You don’t have to worry about me Sopia. I live here for so long, I know my way,” tugon ni Emilda.
Napahigpit ang hawak ni Sopia sa kanyang damit. Napahiya siya. Tumalikod na siya at hahayaan na mag-isa ang matanda nang hawakan siya nito sa laylayan ng kanyang damit.
“I will appreciate if you will accompany me. Let’s talk while waiting for Pietro.”
Nagdalawang isip si Sopia. Mabait si Emilda, hindi ugali nito ang dahilan kung bakit naiilang siya. Talagang wala lang makita si Sopia na bagay na maaaring pareho sa kanila, kahit pa man perpekto rin ang tingin sa kanya ay tila isa siyang dumi kung ididikit sa ina ng kanyang asawa.
Kahit may alinlangan umupo parin si Sopia sa tabi ng byenan. Ang huling gagawin niya ay bastusin ito.
“How is everything here, Sopia?”
Nakuha niya ang ibig malaman ni Emilda. Tungkol ito sa mga anak niya, nais malaman ng matanda ang kalagayan ng mga bata. Nakalimutan ni Sopia ang huminga ng mabuti. Nanikip ang dibdib niya. Humantong na ba sila sa sitwasyon kung saan pipintasan ng byenan kung sa paano niya pinalaki ang kanyang mga anak?
“Lucian is doing duties in the palace. Pietro is yet to decide which land he will let him to rule.” Lahat ay bibigyan ng duchy(territory) ngunit isa lang ang maaaring mamuno ng Braganza. “Topaz is pursuing his career in medicine.” Napangiti si Emilda, nakikita niya ang dating asawa kay Topaz. Matalino at mataas ang pangarap. “Demetri still plays around and Lucius is good at being a great kid in school.” Marami ang humahanga sa paraan ng pagpapalaki ni Sopia sa mga anak. Ang kabutihan ng kanyang mga anak ay repleksyon ng pagiging mabuti niyang ina.
“Me diga mais (Tell me more), Sopia.” Ina rin si Emilda dama niya ang kinikimkim ni Sopia sa loob n’ya.
May puwang sa puso ni Sopia, taliwas sa nakikita ng iba hindi perpekto ang kanyang pamilya. “Voce ve dentro de mim (You see within me), Mama.” Napayuko siya. Nabigo siya sa pagiging ina.
“My sons are happy their sister is gone.” Hinawakan ni Emilda ang kamay ni Sopia na nakapatong sa mesa. Ginawa nito ang lahat, hindi niya masisi ang manugang sa ugali ng mga apo.
“Tudo e um desafio, Sopia. (Everything is just a challenge, Sopia.)” Kinulong ni Emilda sa kanyang yakap si Sopia. Magkaiba man sila ng pinagdaanan ay naiintindihan niya ito. May isa pa siyang anak maliban kay Pietro, nawala rin ito sa kanya. Pinatay ang kanyang puso sa pagkawala ng isang anak, ano pa kaya ang nararamdaman ni Sopia na nawalan ng dalawang anak.
“Seja forte, voce e uma mae. Voce nao tem permissao para sair. (Be strong, you are a mother. You are not allowed to quit.)”
Higit sa materyal na bagay o trono ang pinakamahala ay ang pamilya.Sa masakit na paraan iyon natutuhan ni Emilda. Sanggol pa lamang ng mamatay ang una niyang anak at hilaw pa ang araw ng kinuha ang kanyang asawa. Walang kahit anong ginto ang maipapalit sa pagiging matibay ng pamilya.
Kung sino man ang umalis ay mahahanap ang landas pabalik. Bukas ang pinto ng pamilya sa pagbabalik ni Maribela. Magkarugtong ang buhay ng bawat myembro ng pamilya, sa kagipitan at kasiyahan ay dapat na magkaagapay.
“Maribela will be back. Lucian will understand why he is not the rightful person to the throne,” dagdag na panambitin ni Emilda.
Pinahid ni Sopia ang kumawalang luha. “I am afraid he will become a monster Mama.” Tunay ang kanyang pagkabahala sa pinapakita ni Lucian. Nakikita niya ang apoy ng galit na mayroon ito para kay Maribela.
“We need to take our chances, Sopia. I can’t afford to lose any child within this family again.” Sa pagkamatay ni Zacharias pinangako ni Emilda sa sarili na ang apo na ang huling Afonso na uupo sa trono. Bigay ng maykapal si Maribela sa kanila, kauna-unahang anak na babae mula sa Afonso sa higit isang siglo; ang pinto palabas sa sumpa na mayroon ang kanilang pamilya.
Kumuha na ng maraming buhay sa pamilya nila ang Maldicao Dos Bragacas (sumpa) kasama ang mismong una niyang anak. Nabubuhay siya ng matagal si Emilda para makitang maputol iyon.
“Maribela is gone Mama. What should we do now?” Ang e-sakripisyo ang magiging anak ni Lucian ay hindi kaya ni Sopia. Gusto niyang pigilin na pagdaanan ng anak ang sakit na dinanas niya dahilan na mawalan ng anak. Lingid sa kaalaman ng mga anak ang tungkol sa sumpa; isang bawal na bagay na banggitin iyon sa palasyo kung kaya hindi niya masisi kahit si Maribela sa makasariling desisyon niya.
“Maribela e uma pricesa. Ela tem direito a coroa. Ela vai voltar para e seu destino.” (Maribela is a Princess. She is rightful to the crown. She will come back for her destiny.)