Ika-Anim na Pahina – Tell me your name

2324 Words
Isla Paghigugma, West Philippines Sea Makailang beses na bumuga ng hangin si Maribela. Yakap niya ang kanyang binti habang nakaupo sa paanan ng kabina habang pinapanuod ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan. Ano na kaya ang nangyayari sa Portugal? Marahil ay nag-aalala na ang kanyang mga magulang sa kanya. Wala siyang magawa. Ilang araw na ang lumipas simula nang mapadpad siya sa isla, ilang araw na ring hindi sila nag-uusap ni Taurus. Ano ba ang pwede niyang ibigay upang makaalis sa nakakabinging katahimikan na kanyang kinaruruonan? Para siyang hangin sa isla, kahit ang tignan ay hindi ginagawa ni Taurus. Walang salamin sa kabina kaya hindi niya matignan kung may nasira ba sa mukha niya at pumangit siya ng malala para matakot ang lalaki na tignan siya. Gusto niyang sumigaw pero nahihiya na siya. Sapat na ang abala na ibinigay niya para kay Taurus. Mataas ang sikat ng araw. Kung maglalakad si Maribela sa palibot ng isla ay masusunog maging ang kaluluwa niya. Nababagot na siya. Tumayo siya at tinungo ang likorang bahagi ng kabina. Naghalungkat siya ng bagay na pwede niyang pagtuonan ng kanyang oras. Kinuha niya ang gamit panglinis. Nakikita na niya kanina ang agiw na namumuo sa kisame. Gamit ang buong lakas ay dinala niya ang hagdanan at ibang kagamitan. Nilagay niya ang kagamitan sa gilid bago ayusin ang hagdan at umakyat para maabut ang kisame tsaka inumpisahang linisin iyon. Naliligo sa pawis si Taurus. Kahit pa sa loob ng kanyang kwarto ay hindi siya natigil sa pagwork out. Sandali siyang tumigil nang makaramdam siya ng pagkauhaw. Patakbo siyang bumaba para kumuha ng malamig na tubig. Napatigil siya sa pagbaba ng masaksihan si Maribela na pilit inaabot ang bawat alikabok na mayroon sa kabina. Suot ng babae ang puting t-shirt niya habang nakapusod ang buhok. Nakikita niya ang bawat pawis na tumutulo sa batok, braso at binti nito. Natutukso siyang lumapit at silipan ang babae. Winaksi niya ang kababoyan na iniisip. Tumikhim siya para kuhanin ang atensyon ni Maribela. Ikinagulat ni Maribela ang kanyang ginawa. Gumewang ang hagdan na pinapatungan ng babae, nanlaki ang mga mata nito bago tuloyang matumba ang hagdan kasama siya. Mabilis ang galaw ni Taurus kumpara sa isip niya. Nilukso niya ang pagitan nilang dalawa at walang alinlangan na sinalo si Maribela. Bumagsak sila sa lapag bago bumangga ang ulo ni Maribela sa ilong ni Taurus. “Blyat!” “Merda!” Sabay silang napamura. Naitulak ni Taurus si Maribela tsaka siya gumulong pagilid at napahawak sa ilong niya. Napahimas si Maribela sa noo niya, masakit iyon pero hindi kagaya ng nararamdaman ni Taurus. Pakiramdam niya ay nabali ang buto niya sa ilong. “You clumsy woman,” inis na saad ni Taurus nang makaupo siya at sumandal sa paanan ng sofa. Namilog ang mata ni Maribela ng mapansin na dumugo ang ilong ni Taurus. “Seu nariz esta sangrando.” (Your nose is bleeding) Turo niya sa ilong ni Taurus. “s**t,” mahinang mura ulit ni Taurus nang sa pagtanaw niya ay napuno ng dugo ang kamay at damit niya. Mabilis siyang tumayo at umakyat sa banyo. Inayos niya ang sarili. Marami na siyang pinagdaanan na kagaya nito pero hindi siya magkandaugaga kung saan magsisimulang gamutin ang sarili. Simula nang dumating si Maribela sa buhay niya ay nagulo siya. Hinahanap niya sa damdamin niya ang nais na paalisin nalang ang babae pero puso at isip niya ang sumasalungat sa ideya. Kailangan niya ang presensya ng babae kundi ay tuloyan siyang mababaliw sa pag-iisa. Hindi natapos ni Maribela ang paglilinis. Nakonsensya siya. Kung sana ay hindi niya naisip ang maglinis hindi napahamak si Taurus. Nakakahiya na talaga ang pinanggagawa niya. Tao siyang tinanggap ng lalaki sa isla pero puro kapalpakan ang dala niya. Pinaparusahan ba siya ng maykapal kasi sumuway siya sa magulang niya? “That woman is really unbelievable. What does she think she’s doing? Dumb woman.” Nakahiga si Taurus sa kama. May bulak ang kabilang butas ng ilong niya. Ngayon lang nangyari na nasaktan siya at hindi siya gumanti. Para siyang baliw. Naiinis siya sa ginawa ni Maribela ngunit napapangiti naman siya sa tuwing maaalala ang mukha nito nang mapagtanto na mahuhulog ito sa hagdan. Nanlalaki ang mata at hindi maipinta ang mukha ng babae ngunit hindi maitatanggi ni Taurus na labis ang kakyutan nito. Nakabukas ang pinto sa kwarto ni Taurus dahilan para makapasok kaagad si Maribela na namumula ang mukha sa kahihiyan. Sumeryoso ang mukha ni Taurus. Ano nanaman kayang katangahan ang gagawin ni Maribela? “What do you need lady?” tanong ni Taurus. Tumayo siya malapit sa bintana. Lalong namula ang pisngi ni Maribela, parang siyang may nakakahawang sakit kung makalayo sa kanya si Taurus. Nandidiri ba ito sa kanya? Naiinis? Galit? Hindi niya alam, ang tanging nararamdaman niya ay kahihiyan. “Sinto Muito. (I’m sorry) Eu so quero limpar. Eu nao tenho nada para fazer. (I just want to clean. I don’t have anything to do.)” mabilis ang bawat salita na kumawala sa labi ni Maribela. Nagsama ang takot at kahihiyan niya para kay Taurus na kumunot ang noo. Para silang mula sa magkaibang mundo; hindi magkaintindihan o magkasundo man lang. “Are you trying to say sorry?” Taurus is trying to make sense. Tumango naman si Maribela. Sinusubukan naman niya ang lahat ngunit ang mabalik sa dati ang kanyang dila ay tila malayo pa sa possible. “Okay. I’m alright, but please don’t act so stupid.” Sinasabayan ni Taurus ng galaw ang bawat pagsalita niya. Para silang dalawang bingi kung mag-usap. They are communicating through actions. Napakagat sa labi niya si Maribela. Natatapakan ang pagapahalaga niya sa kanyang sarili, tahasan siyang tinatawag ni Taurus na hangal. Masisisi ba niya ito? Malamang ay hindi. Isa siyang hangal at walang utang na loob. Isa siyang masamang tao at anak. Pinipiga ang puso niya, wala siyang nagawang tama sa buhay niya. “I’m sorry. I didn’t mean what I said. Your act is stupid but you are not.” Nabasa ni Taurus na nasaktan niya si Maribela sa una niyang sinabi kaya agad niya iyong binawi. Namumula ang mukha nito sa pagpigil na maiyak kaya naman naawa na siya. May konsensya pa naman siya kahit papano. Ngumiti lang ng malungkot si Maribela. Kahit pa anong bawi ni Taurus ay dinamdam na niya ang sinabi nito. Tama naman ang lalaki, hangal siya, kabobohan ang mga naiisip niyang gawin. Kung sana ginamit niya ang katalinohan wala siya sa isla, nasa Portugal na siya at ginagampanan ang dapat na tungkolin niya. “Jesus Christ, please stop with the sad face. I’m sorry, okay?” Tila bumaliktad ang mundo. Sa panlulumo na mayroon sa mata ni Maribela ay siyang pukaw ng konsensya ni Taurus. Sa ano ba naman na pakitungohan niya ng mabuti ang babae? Wala namang mawawala sa kanya. Kahit pa saan mapunta ang paglapit nila ay lalaki naman siya. Hindi na siya talo pa sa itsura at katawan ni Maribela. “T-tudo bem. (It’s okay)” Nabasag ang boses ni Maribela. May isang butil ng luha ang kumawala sa mata niya. Napasabunot si Taurus sa buhok niya. Kasalanan niya. Pinaiyak na niya ang babae. Nilapitan niya ito at sinubukang abutin ngunit umatras siya. Naiilang siya, nahihibang siya kung hahawakan niya ang babae. Natakot siya sa maaari niyang magawa kapag naglapat ang kanilang mga balat. Nagtatalo ang isip at puso niya. Is it right to take advantage of a vulnerable woman? Hindi sa ganoong paraan siya pinalaki ng kanyang Ina. Nakayuko at patuloy ang paghikbi ni Maribela. Nais niyang pigilin ang sarili ngunit traidor ang kanyang damdamin. Nakatitig lang si Taurus sa kanyang ginagawa. Hindi ito magalaw sa kinatatayuan niya. Hindi malaman kung ano ba ang nararapat na sabihin o gawin. “Me desculpe sou estupido e inutil. (I’m sorry. I am stupid and useless)” Napangiwi si Taurus, bakit tila piniga ang puso niya sa sinabi ng babae? Naintindihan ng puso niya ang mga salita na hindi makuha ng kanyang isip. Para bang may sariling isip ang kanyang mga kamay ng hawakan niya sa baba ang babae at patingalain ito upang magpantay ang kanilang tingin. Puno ng emosyon ang mga mata ni Maribela. Pinaparusahan niya ang kanyang sarili. Wala siyang ibang masisi kung bakit siya napunta sa kanyang sitwasyon. “Stop blaming yourself. I am okay, I am fine. Stop crying,” saad ni Taurus. Sumikip ang kwarto, nagkulang ang hangin sa loob na pareho silang nagpigil ng kanilang paghinga. Maraming bagay ang naglalaro sa isip ni Taurus, mga salitang nais niyang sambitin ngunit piniling panatilihin sa loob niya. “D-descuple..” Binitiwan ni Taurus ang mukha ni Maribela. Kaonti pa at makakagawa siya ng bagay na hindi nararapat. Ang pigilin ang sarili ay isang imposibleng bagay sa isla. Tumalikod si Taurus, binaling niya ang tingin sa glass window. “Let’s explore the island.” Tahimik silang naglalakad sa gilid ng dalampasigan. Walang naglakas ng loob na basagin ang kaluwalhatian na mayroon sila. Nauna sa paglalakad si Maribela, lihim siyang pinagmamasdan ni Taurus. Sa bawat paghampas ng hangin ay inaalon ang kanyang mahabang buhok. Tila sumasayaw si Maribela sa bawat hakbang na kanyang ginagawa. Napakuyom si Taurus sa tuwing dinadala ng hangin sa kanyang ilong ang natural na amoy ni Maribela. Inaya niya itong lumabas sa kabina dahil sa mga mapupusok na bagay na kanyang naiisip pero kahit pa nasa labas na ay hindi siya makawala sa selda ng madumi niyang isip. “I forgot to ask your name,” panimula ni Taurus nang magpantay sila sa paglalakad. Tumingala si Maribela para masulyapan ang mukha ni Taurus. Maraming lalaki ang nakakuha ng kanyang atensyon noong nag-aaral pa siya sa London ngunit isa siyang sinungaling kung sasabihin niyang mas kaakit-akit ang mga ito kumpara sa kaharap niya ngayon. Nakakasilaw ang buhok nito at tila isang pinto patungo sa ibang mundo ang mga mata nito. Ngayon lang yata siya nakakita ng tao na may berde na mata. “M-maribela,” kahit sa pagsambit sa pangalan niya ay hirap siya. Nagugulohan na talaga siya sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Napatigil si Maribela ng tumigil din sa paglalakad si Taurus. Nilahad nito sa kanyang harap ang isang kamay. “I’m Taurus, pleasure to meet you Bela.” Tinanggap niya ang kamay ni Taurus. Sa paglapat ng kanilang kamay ay napangiti siya. Nanlalamig ang kamay ni Taurus sa gitna ng init na mayroon sa isla. Kinakabahan ba ito? Apektado sa kanyang presesya? Hindi na iyon mahalaga, ang importante ay kahit papano naging magkaibigan na sila. Nagpatuloy ang katahimikan sa kanilang paglilibot hanggang sa makabalik silang muli sa kabina. Magkasama silang naghanda ng hapunan at kumain. “Bela, do you want to go backpacking tomorrow?” Nagbabakasakali si Taurus na sana ay kahit papano maintindihan siya ni Maribela. Sawa na siya sa kung ano ang mayroon sa harap na bahagi ng isla, kailangan niyang aliwin ang sarili sa pagdiskubre ng kung ano ang pwede pang makita sa isla kaysa naman si Maribela ang pagdisketahan niya. Ganoon nalang ang tuwa na kanyang nadarama ng tumango si Maribela bilang pagsang-ayon. “Alright, then. See you tomorrow. Goodnight,” sambit niya bago talikuran ang babae at umakyat sa kanyang kwarto. Nang mahiga na sa kama ay napasuntok siya sa ere. He is an asshole. Nakahiga siya sa malambot na kama samantalang si Maribela sa baba ay nagtitiis sa masikip at matigas na sofa. Nais man niyang makipagpalit ng higaan ay ayaw niyang iba ang isipin ng babae. Nakapikit na si Maribela nang magulat siya sa lakas ng pagkulog at pagliwanag ng buong paligid sa kidlat. Napatalukbong siya sa maiksing kumot. Takot siya sa kulog at kidlat. Pilit niyang winawaksi sa isip ang nangyayari. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang kumot, hindi siya makatiis. Mabilis siyang umakyat patungo sa kinaruruonan ni Taurus. “What the heck!” napabalikwas si Taurus nang biglang tumabi sa kanya si Maribela. Sinusubukan ba talaga siya nito? Napakagat si Maribela sa kanyang labi dahilan para mas ilayo ni Taurus ang kanyang sarili. “What are you doing here Bela?” nagtitimpi na wika ni Taurus. Napasiksik si Maribela kay Taurus nang sa muli ay kumidlat ng malakas. Nakuha na kaagad ni Taurus ang sagot sa kanyang katanungan kung bakit mapangahas na tumalon sa kanyang higaan ang babae. Wala siyang magawa. Nakikiusap ba naman ang mata ni Maribela sa kanya. Huminga si Taurus ng malalim at napahilamos ng kanyang kamay. “I will let you sleep here but please respect my personal space.” Kaagad niyang sinimulan ang paglagay ng unan sa pagitan nilang dalawa. Sino ba ang niloloko niya? Kahit ilang tangkas pa ng unan ang ilagay sa pagitan nila mag-iinit padin ang katawan niya mula sa katutuhanan na nagsasalo sila sa iisang higaan. Nakailang balikwas na si Taurus ngunit hindi siya makatulog. Sino ba naman ang hihimbing ang tulog kung may masarap na pagkain ang nakahain ngunit pinagbabawal na kainin? Kahit nga si Adam at Eve ay hindi magawang iwasan ang temtasyon at napakagat sa mansanas, siya pa kaya na isang makasalanang tao? “B-bela?” nauutal na pagtawag niya sa pangalan ng babae. He is crazy hoping for something to happen. Naupo siya para silipin ang babae ng hindi ito sumagot pagkatapos ng makailang pagtawag niya. Lalo siyang nanlumo ng makitang mahimbing itong natutulog. “Seriously? How can you sleep so soundly? You are really something lady,” puno ng paghanga ang panambitin niya. Inisa isa niyang tinanggal ang unan na nakaharang sa pagitan nila. Taimtim niyang pinagmamasdan ang payapang natutulog na dalaga. Maliit ang mukha ni Maribela, nasisiguro niyang kayang sakupin ng kanyang dalawang kamay ang buong mukha nito. “You are too clumsy to be an angel.” Humahanga siya sa kagandahan ni Maribela ngunit malayo ito sa mga tipo niyang babae. Masyado itong mahina, paniguradong madaling masira. Sa kanyang edad ay nais niya munang maglaro at hindi ang babaeng katabi ang klase na dapat niyang pag-aksayahan ng panahon. Isa itong apoy na maaari niyang ikapaso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD