Taurus is disappointed; wala siyang nakuhang sagot mula kay Maribela kahit nang umalis na siya sa silid nito nang madaling araw para mag-ayos ng dadalhin sa pag-uwi sa Russia. "Bro, where did you sleep last night?" tanong ni Vladimir. Tumigil siya sa pag-empake ng kanyang gamit; he looked at his brother with frustrated eyes. "I'm with Maribela," pag-amin niya. "Why do you look so sad? Hindi ka ba pinagbigyan?" Pagbibiro ng kanyang kapatid. Napabuga siya ng hangin; sana ganoon nga lang kababaw ang problema niya ngayon. Ang sakit sa puson pwede niyang masulosyunan pero ang sakit sa puso parang ikakabaliw niya. Nagpunta siya sa Portugal na puno ng pag-asa pero uuwi siya na may dala na namang bagong problema. "I don't think I am ready to go home, Imir." Nanlaki ang mga mata n

