Mabilis ang mga pangyayari; isang araw matapos ipahayag ni Pietro na si Lucian na nga ang magiging Duke ng Braganza-Saxe-Coburg at Gotha ay igaganap na kaagad ang pagtalaga rito. Magulo ang buong palasyo, hindi matapos tapos ang trabaho ng mga tiga silbi, hindi sila magkamayaw sa pag-aayos at paglilinis. Ang mga royal guard ay inaayos ang lahat ng CCTV at nag-eensayo ng double sa kung ano mang panganib na maaaring dumating. Ang media; mula sa newspaper, radyo at telebisyon ay imbitado. May live telecast ng kaganapan sa buong bansa; lahat ng news outlet ay inaasahan na tanging ang pagtalaga bilang Duke ng House of Braganza-Saxe-Coburg at Gotha kay Lucian lamang ang ipapalabas nila sa loob ng dalawang oras, mula alas- otso ng gabi hanggang alas- dyes. "Maribela, are you okay with all o

