"BESTIE! Ano'ng nangyari?" Bakas ang labis na pagaalala sa mukha ni Carly. Pinuntahan niya ito sa condo unit nito dahil ilang araw niyang hinihintay umuwi si Johann pero talagang pinanindigan nito ang sinabi. Panay ang padala niya ng text dito at tawag ngunit ni isa ay wala itong sinagot. Pakiramdam niya mababaliw na siya sa kalungkutan na nararamdaman. "Carly, i'm inlove with him," umiiyak na sumbong niya rito at niyakap ito. Umupo ito sa tabi niya at hinahagod ang likuran niya. "Matigas din talaga ang ulo mo, eh. Sinabi ko na nga sa'yong masasaktan ka lang kapag si Kuya Paul ang minahal mo. Hindi kayo talo 'nun." Bagamat nanenermon naroon ang simpatya nito sakaniya. Hilam sa luha na tinignan niya ito. "Carly, it's not Paul anymore! Si Johann na ang mahal ko," Nagliwanag ang mukha nit

