"ANO'NG GINAGAWA mo rito, Corey?" Malamig na tanong ni Johann sakaniya. Tama ang hinala niya, nasa bahay ito ng magulang nito. Nadatnan niya ito sa kuwarto nito na umiinom. Matapang na hinarap niya ito. It's now or never. "Ano sa tingin mo kung bakit ako naririto?" "Hindi ko alam," Lumapit siya patungo rito. Tulad niya, alam niyang hindi rin nagkaroon ng maayos na tulog ang asawa. Malalim ang paligid ng mata nito at nagkaroon ng balbas sa mukha. Gayunman, hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhang taglay nito. Itinaas niya ang mukha nito. "Bakit hindi mo inaming ikaw ang nagligtas saakin sa sunog? Ikaw ang lalaking sinabi saakin ng matanda noon! Nasayo ang signs. Bakit hindi mo kaagad sinabi saakin?" "Why, Corey? Does it matter kapag sinabi ko sa'yo? Magugustuhan mo ba ako kapag sinabi ko sa'

