CHAPTER FOURTEEN

1732 Words
Parehong napatigalgal si Letson at Patrick sa kanilang nalaman. Sinabi na kasi ni Izel ang nangyari sa pagitan nila ni Cindy kaya walang masabi itong dalawa. "Naputulan na ba kayo ng dila kaya hindi kayo makapagsalita?" sarkastikong tanong ko sa kanila. "B-bro..." iniangat ni Letson ang kaniyang tingin kay Izel, "N-nagbibiro ka ba?" umiling lamang si Izel bilang pagtugon habang si Letson ay napakagat sa hawak-hawak niyang apple na hindi pa nababalatan. "Izel..." nilingon ko si Patrick na nakatingin sa kawalan, "Alam mo namang... magkarelasyon sila ni Azrael 'diba?" napayuko si Izel at napakagat sa kaniyang ibabang labi. "Alam ko-" "'Yun naman pala eh!" napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumigaw si Patrick. Padabog siyang tumayo at kwinelyuhan si Izel, "Malaki ka na, Izel! Alam mo ang tama at mali pero ginawa mo pa rin 'yon?!" "I'm don't regret it, Patrick," Mariing sabi ni Izel sa mismong harap ni Patrick. Napa igting ang panga ni Patrick at mas lalo niyang diniinan ang paghawak sa kwelyo ni Izel dahilan para makita ko na ng todo ang buto at ugat sa kaniyang kamay. "Nahihiya ako para sa'yo..." nanggigigil na sabi ni Patrick ngunit mahina lamang ito. Padabog niyang binitawan si Izel. Agad namang nawalan ng balance si Izel, ngunit mabuti na lang ay nakahawak siya sa kama ko. "Aalis na 'ko," kinuha ni Patrick ang kaniyang kulay itim na maliit na bag tsaka padabog na lumabas ng kwarto. Saktong-saktong paglabas ni Patrick ay bumalot ang katahimikan sa silid. Ang tanging maririnig ko lang ay ang tunog ng aircon at machine. Wala ni isang nagbalak na magsalita sa amin. Lahat ay nakikiramdam kaya habang tumatagal nang tumatagal ay na-a-awkward na ako sa pagitan namin. "Kung gusto niyo nang umalis, umalis na kayo," sabi ko sa kanila at nahiga na sa kama ko tsaka tinakluban ang sarili ng kumot. "M-Mag pagaling ka," rinig kong sabi ni Letson. Narinig ko ang mabibigat niyang yapak hanggang sa bumukas ang pinto at sumara ito. Kahit 'di ko lingunin ang likod ko ay alam kong nandidito pa rin si Izel sa tabi ko. Biglang gumalaw ang upuan na nasa gilid ko kung saan doon din naupo kanina si Letson, "Dito lang ako," mahinang sabi ni Izel. Naramdaman ko ang kaunting pag galaw ng kama ko sa bandang batok ko. Dahil sa kursyonidad ay gusto kong lingunin ito kaso nakakaramdam ako ng hiya kay Izel kaya 'wag na lang. Ipinikit ko ang mata ko, umaasang makakatulog ako, ngunit dahil sa kursyonidad na gumugulo sa isipan ko ay hindi ako makatulog. Fine! Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakatakip sa ulo ko tsaka maingat na nilingon ang likod ko. Bumungad sa akin ang nakaupong si Izel at ang ulo niya na nasa ibabaw ng kama ko. Nakatagilid ang kaniyang ulo habang ang kaniyang braso ang nagsisilbing unan niya. Kung matutulog ka lang din, sana umuwi ka na. Muli ko siyang tinalikuran at ipinikit na ang mata ko. "Napaka bata mo pa para umaktong matapang sa harap ko," lumuhod siya sa harap ko upang magpantay kaming dalawa. Maaliwalas ang paligid ngunit kadiliman ang ibinibigay niyang awra sa akin. Itinaas niya ang hawak niyang matalim na kutsilyo tsaka niya ito pinadausdos sa pisngi ko pababa sa leeg ko, "Mukhang hindi mo kilala ang taong nasa harap mo...." Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at unti-unting umukit ang nakakatakot niyang ngiti, "Ako... ang... papatay sa'yo." "Hoy!"napalingon ako sa kaniyang likod, gayundin siya. Napadpad ang paningin ko sa isang malaking lalaki na naka purong itim. May hawak siyang palakol sa kaniyang kanang kamay at may peklat ang kanan niyang pisngi,"Nakalimutan mo ba ang deal natin?" maangas niyang sabi tsaka lumapit sa harap ng lalaki. Tumayo naman ang lalaking may hawak ng kutsilyo at iniangat ang kaniyang paningin sa malaking lalaki, "Hindi mo papatayin ang bata'ng 'yan hangga't hindi natin nakukuha ang pera!" "Wala akong pakielam sa pera..." sambit ng lalaki na may hawak na kutsilyo, "Baka gusto mo'ng isunod kita sa kaniya?" "Gago ka ah!" tinaas ng lalaki ang hawak niyang palakol, ngunit sa di malamang dahilan ay huminto ang kaniyang braso sa ere at dahan-dahan niya muli itong ibinaba. "Makinig ka..." mahinahong sabi ng lalaking may hawak na palakol, "Alam mo ba kung para saan 'to?" Itinaas niya ang kaniyang palakol, "Malaki ang kinikita ko sa t'wing nagbebenta ako ng laman-loob ng bata. Kung idadagdag mo pa ang yaman ng pamilya nila, siguradong magiging milyonaryo tayong dalawa!" "Uulit-ulitin ko pa ba ang sarili ko? Hindi. Ako. Interesado. Sa. Pera!!!" napa atras ang malaking lalaki na nasa kaniyang harap. Umalingawngaw ang sigaw ng lalaki sa paligid habang ang malaking lalaki ay hindi nakapagsalita, ngunit mababakas mo ang inis sa kaniyang mukha. Ang susunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Iniangat ng malaking lalaki ang kaliwa niyang kamay at buong lakas niyang sinuntok ang mukha ng lalaki dahilan para bumagsak ang lalaki sa lupa. Humagikgik ang malaking lalaki habang nakatingin sa walang malay na katawan ng lalaki at matapos ang ilang Segundo ay dumapo ang paningin niya sa akin dahilan para mapatigil siya sa kaniyang tawa. "Sa oras na 'to... bukas na bukas, mahahanap ng mga pulis ang bangkay mo sa ilog..." nilingon niya ako mula ulo hanggang paa, "Wala silang makikitang utak... mata... at lamang loob mo." itinaas niya ang kanang kamay niya na may hawak-hawak na palakol. Hinintay ko ang paglapit ng kaniyang palakol sa akin at nang malapit na ito ay buong lakas akong umikot dahilan para ang matamaan ng kaniyang palakol ay ang tali na nakatali sa kamay ko, "SIRAULO!" Hindi ko siya pinansin at dali-daling tinanggal ang AI contact lense ko at saktong paglingon ko ay nagtama ang paningin namin habang ang kaniyang palakol ay ilang sukat na lang sa ulo ko. Bago pa tuluyang madapo ang palakol sa ulo ko ay hinampas ko patagilid ang hawakan nito. Lumipad ang palakol sa gilid at dali-dali ko muling nilingon ang lalaki ngunit... Napapikit ako nang tumalsik ang dugo sa damit ko at mukha ko. Para na akong naligo ng dugo dahil sa biglaang pag sabog ng kaniyang katawan sa harap ko. Hindi mo makikita ang lamang-loob niya sapagkat bawat piraso ng kaniyang katawan ay tila ba naging abo na sa nipis nito nang sumabog sila. Muli kong sinuot ang contact lense ko at tumayo, ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang magtama ang paningin namin ng isang lalaki na pinatumba nung lalaking may hawak na palakol. Maski ang kaniyang mukha ay nadapuan ng dugo, ngunit walang reklamong maririnig sa kaniya. "Ikaw... sino ka?" "L.A.!" Napaupo ako mula sa kinahihigaan ko habang habol habol ang aking hininga. Ramdam ko rin ang pawis ng likod at leeg ko habang ang puso ko ay tila ba may mga kabayong nagkakarera sa loob. Nang unti-unting gumaan ang pakiramdam ko ay nilingon ko ang gilid ko. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Izel, "Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo!" aniya at padabog na bumalik sa kaniyang kinauupuan, "Paano pala kung wala ako dito? Sinong gigising sa'yo? Wala! Mabuti na lang talaga nagpa iwan ako," aniya at inirapan ako. Sasagutin ko na sana siya nang dumapo ang paningin ko sa isang kulay itim at oblong na bagay sa ibabaw ng mesa. May earphone na naka kabit doon at ... halatang luma na. "Ano 'yan?" kunot noong tanong ko habang nasa paningin ko pa rin ang bagay na 'yon. "Ah, ayan?" binaling ko ang tingin ko kay Izel. Kung kanina ay nakasimangot siya ngayon ay mas lalong sumimangot ang kaniyang mukha, "Dumaan dito kanina si..." bumuntong hininga siya, "Azrael." "Eh?" Bakit naman siya pumunta rito? Para bisitahin ako? Eh 'di naman kami close. "Ang sabi niya sa akin ibigay ko raw sa'yo 'yang Mp3 player na 'yan. Ewan ko nga sa lalaking 'yon, 2021 na ngayon tapos magbibigay pa siya sa'yo ng ganiyan," napangiti ako sa kapilyuhan ni Izel. "Paabot nga," utos ko sa kaniya. "May paa't kamay ka naman 'diba? Ba't 'di mo abutin ng mag-isa mo?" napangiwi ako. "Edi don't," natatawang sabi ko. Tatayo na sana ako nang biglang tumayo si Izel at kinuha niya iyong mp3 player tsaka nilagay sa ibabaw ng kama ko sa bandang gilid ko, "Tignan mo 'tong lalaking 'to," bulong ko sa sarili ko. "Sigurado ka bang... papasok ka na bukas?" ibinaling ko ang paningin ko sa kaniya. "Oo naman, bakit naman hindi 'diba? Tsaka huwag kang mag-alala, hindi ko ipagkakalat-" "Hindi naman 'yon yung tinutukoy ko eh," naiinis niyang sabi tsaka iniwasan ang paningin ko, "Nag-aalala lang ako dahil..." napahilamos siya sa kaniyang mukha gamit ang palad, "Ah, bahala ka sa buhay mo," napahalakhak ako sa kaniyang inasta. Bigla siyang lumipat sa kama ko at walang pasintabi na nahiga roon, "Naputol ang tulog ko dahil sa'yo. Ang sakit pa ng likod ko," Aniya at tinakluban ang sarili ng kumot. Napailing na lamang ako sa kaniya at hinintay na makatulog siya. Maya-maya'y inalis ko ang kumot na tumatakip sa kaniyang ulo at sinuri ang kaniyang mala-anghel na mukha, "Ano naman kaya ang nagustuhan mo kay Cindy?" mahinang tanong ko sa kaniya kahit na alam ko namang hindi siya sasagot, "Hmmm... maganda nga siya pero napakasama ng ugali niya. Ah! Baka yung ugali niya ang nagustuhan mo? Yung mala bad girl ba?" pang-aasar ko tsaka mahinang humagikgik. Para akong tanga dito. Lalayo na sana ako sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang braso ko at dahan-dahang bumukas ang kaniyang mata hanggang sa nagtama ang paningin namin. "Do I need a reason to like someone?" hindi ako nakasagot. Akala ko ba tulog na siya?, "L.A. I'm asking you." "H-huh? T-tsk! Malay ko ba sa'yo!" lalayo na sana ako nang hilain niya ako muli palapit sa kaniya, "Ano ba!" nakakainis na ang lalaking 'to. Baka mamaya may makakita sa amin. Alam mo naman ang isip ng mga tao. "You know nothing how much I'm confused right now," Magaspang ang kaniyang boses ngunit mahina lamang ito sapat na para marinig ko. Hindi ako makagalaw ni makahinga. Kaya kong tagalan ang pagtitig sa kaniyang mata kahit na tila ba nanghuhugot ito ng kaluluwa, "L.A...." hinawakan niya ang kamay ko at maingat niya itong pinatong sa kaliwang dibdib niya dahilan para maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso, "I don't know what is this kind of feeling... every time I see you, I always feel these strange emotions, and I don't know why... but I can't deny the fact that... I like it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD