Professor Zhaiminous' Point Of View
Nasa gilid ako ng kama kung saan natutulog ng mahimbing si L.A.
"The suspect is in critical condition," ibinaling ko ang tingin ko kay James. Si James ang director ng ospital na ito at siya rin ang panganay na kapatid ng asawa ko, "And according to Leo..." nilingon niya ako, "The suspect shot your daughter," Matik na nangunot ang noo ko, "By the way, it's a joke," nawala ang pagkakunot ng noo ko at napailing na lang tsaka nilingon ko si L.A.
"L.A. did that to herself," ika ko habang may maliit na ngiti sa labi, "She always hurt herself... just because... she doesn't feel pain," my smile faded away, "This is it... this is the reason why I'm scared to know the reason why she became like this. N-natatakot ako na baka... kapag napagod na siya sa buhay..." napabuntong hininga ako. Hindi ko masabi ang mga katagang 'yon. Natatakot ako na baka magkatotoo iyon. Hindi ko kaya.... May nawala na sa akin at ayokong sumunod pa siya.
"That's why you need to look after her," napalingon ako kay James. Nakatingin siya sa natutulog na si L.A. "Make her feel special. Treat her like how you treat Eirene," aniya sabay lingon sa akin.
Sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok.
"Her friends are here," muli kong nilingon si James. Ngumiti siya sa akin at naglakad palapit sa pintuan tsaka iyon binuksan.
Bumungad sa akin ang tatlong lalaki. Ang isa sa pinakamatangkad sa kanila ay may dala-dalang mga prutas na nakalagay sa basket.
"Come in."
"S-salamat po," naiilang na sabi ng lalaking may katabaan. Pumasok na sila sa loob at inilapag ang basket sa table at lumapit sa kabilang gilid ni L.A.
"You're L.A's friend?" tanong ni James.
"Opo," nahihiyang sagot ng lalaki na may kapayatan.
"E-Excuse me po," nilingon ko ang lalaking matangkad, "K-kaano-ano niyo po si L.A.?"
"Baka tatay ni L.A. yung isa sa kanila," rinig kong bulong ng lalaking mataba sa katabi niyang lalaki na payat.
"Ano ka ba! 'diba sabi ni L.A. wala na raw siyang magulang?" napamaang ako sa sinabi ng lalaking payat. Nangunot ng todo ang noo ko tsaka nilingon si James na nakakunot rin ang noo. Malamang nagtataka rin siya kung bakit sinabi iyon ni L.A.
"S-Sinabi niya 'yon?" tanong ko sa kanila.
"Opo," tumango yung lalaking pinaka matangkad sa tatlo, "Matagal na po niyang sinabi sa amin na patay na ang magulang niya. Wala rin daw po siyang kakilalang kamag-anak kaya nakatira na lang po siyang mag-isa," Dagag pa niya.
"Nakapagtataka nga po eh," nilingon ko yung payat na lalaki, "Mag-isa lang po siya at wala siyang trabaho kaya po nagtataka kami kung paano niya nababayaran ang tuition fee niya at renta niya sa bahay niya."
"T-tinanong nyo ba siya tungkol do'n?"
"Sa t'wing tinatanong po namin siya lagi po niyang iniiba yung topic," sagot nung lalaking mataba.
'Masyadong maingat ang babae'ng 'to na pati ako dinamay niya sa kalokohan niya'
"Sige, maiiwan ko muna kayo," nakangiting sabi ko. Nilingon ko si James at tinignan na may malalim na kahulugan. Agad naman niya itong nakuha at sabay kaming lumabas.
"Wow, your daughter is very... secretive," natatawa niyang sabi. Kahit ako ay natawa na lang din ngunit natigilan ako nang aksidenteng nabaling ang tingin ko sa isang babaeng nakatayo sa gilid ng pader habang nakatingin sa kaniyang phone.
Bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ko maigalaw ang parte ng katawan ko.
B-Bakit siya nandito? A-Anong ginagawa niya dito?
Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang paningin hanggang sa... dahan-dahan na nagtama ang paningin namin.
"HEY!" gulat akong napalingon kay James, "Ayos ka lang ba?" hindi ko sinagot ang kaniyang tanong at muling binalik ang tingin ko sa babaeng nakita ko ngunit nabigo ako nang hindi na siya mahanap ng paningin ko.
"Y-Yung babae kanina..." ika ko sabay tinuro ang lugar na kinatatayuan ng babae kanina gamit ang aking hintuturo, "B-Bigla siyang nawala, kailangan ko siyang mahanap," Aligaga kong sabi tsaka nilingon muli si James, "I need to check your CCTV footage-"
"Luis." Mariin niyang sabi dahilan para mabalik ako sa katinuan ko. Umatras ako palayo sa kaniya at nang mapagtanto ko ang ginawa ko ay nasapo ko na lamang ang noo ko.
"A-Aalis na muna ako," walang gana kong paalam tsaka siya tinalikuran.
'I hate my self'
L.A.'s POV
He met that woman... again.
"Bro..." walang gana kong binaling ang tingin ko kay Patrick, "Kanina ka pa nakatingin sa labas ng pinto. May hinihintay ka ba?" bigla siyang sinagi sa tagiliran ni Letson at nagtinginan ang dalawa na para ba'ng nag-uusap sila sa kanilang isip.
"Bakit pala kayo nandito?" tanong ko tsaka ibinaling ko ang tingin kay Izel. Natama ang paningin namin pero agad niyang iniwas ang kaniyang tingin sa akin kaya binalik ko ang tingin ko kay Patrick.
"L.A. siguro mas mabuti kung dito ka muna pansamantala mag pahinga sa ospital," nangunot ang noo ko sa suhenstyon ni Patrick. Sa pangalawang pagkakataon ay sinagi nanaman siya ni Letson. Nagtataka na ako sa dalawag 'to. Para ba'ng ay tinatago sila sa akin.
"Let her rest," komento ni Izel tsaka lumapit sa mesa at may kinuhang prutas sa loob ng basket. Nakisiksik siya kay nila Patrick at Letson tsaka niya sa akin nilahad ang isang mansanas. Tinignan ko ang mansanas at itinaas ang kaliwang kamay ko ngunit nang aabutin ko na ito ay nilayo ni Izel ang mansanas sa akin dahilan para mangunot ang noo ko.
Pinagti-tripan ba ako ng lalaking 'to?
"Babalatan ko muna," walang emosyon niyang sabi at naglakad patungo sa sink. May kinuha siyang kutsilyo doon at isang chopping board at maliit na bowl.
Habang hinihintay si Izel ay nilingon ko si Letson pero agad niyang iniwas ang paningin niya sa akin kaya sunod ko na nilingon si Patrick ngunit katulad ni Letson ay agad rin niyang iniwas ang paningin niya sa akin.
"May problema ba kayo sa akin?" naiinis na tanong ko. Agad naman silang nagbaba ng paningin kaya mas lalong lumaki ang pagdududa ko na may tinatago silang tatlo.
"Here," akala ko ay iaabot sa akin ni Izel yung bowl na may mansanas pero nangunot ang noo ko nang makita na ang telepono niya ang inaabot niya sa akin.
"Anong gagawin ko diya'n? kakainin ko?" sarkastiko kong tanong. Napabuntong hininga siya at may pinindot sa kaniyang phone tsaka hinarap niya ito sa mukha ko.
Bumungad sa akin ang buong library at may tatlong estudyante ang nasa video. Kaharap nung babae yung isang lalaki na pinupunasan ang kaniyang mukha gamit ang isang pulang panyo habang yung isang lalaki ay nakatayo lang sa harap nila at halatang gulat na gulat.
Pero teka... pamilyar 'to ah?
Napadpad ang tingin ko sa title ng video.
' GRADE 12 STUDENT FLIRTING WITH AZRAEL DELA VEGA AND IZEL COHEN!!!'
Muli kong binalik ang tingin ko sa video at habang patagal nang patagal ay doon ko napagtanto kung sino-sino ang nasa video.
"You need to stay in this hospital," kunot noo kong nilingon si Izel, "I'll solve this problem immediately before you'll fully recover-"
"Teka," natatawa kong sabi sa kaniya, "Parang pinaparating mo rin sa akin na talagang totoo 'yang chismis na 'yan?" sunod kong nilingon sina Patrick at Letson, "kaya ba ganyan kayo umasta sa harap ko?" sabay silang nagbaba ng kanilang tingin, "Huwag niyo sabihing pati kayo naniniwala diya'n?" hindi sila sumagot. Nanatili lang silang tahimik habang nakababa ang tingin, "Bukas na bukas papasok ako at wala akong pake sa kanila. Sisiguraduhin ko na ako mismo ang mag-aayos ng problema na 'yan."
"You can't," kunot noo kong nilingon si Izel, "You need to rest. Bugbog na 'yang katawan mo, L.A. Maawa ka naman sa sarili mo!" para siyang tatay ko na pinapagalitan ang kaniyang anak.
"Bakit Izel?" unti-unting umangat ang gilid ng labi ko, "Takot ka ba na malaman nila ang sikreto mo kaya... Ayaw mo akong palabasin dito?"