CHAPTER TWELVE

2851 Words
L.A.'s POINT OF VIEW Sunod-sunod ang pagbuntong hininga ko dahil sa inis. Kapag talaga nakita ko 'yang Patrick na 'yan masasapak ko siya sa mukha. Kanina kasing umaga, nag text si Patrick sa akin na magkita raw kami sa library dahil may importante raw siyang sasabihin. Maupo raw ako sa mesa na may pulang libro at nung pag pasok ko sa library, wala akong natanaw maski ni anino ni Patrick. Akala ko nag cr lang siya o may pinuntahan kaya hinanap ko nalang yung mesa na may pulang libro. Hindi naman naging mahirap ang paghahanap ko dahil iyon lang nag bukod tanging mesa na may libro sa ibabaw. Habang nag hihintay ako ay bumukas ang pinto ng library. Akala ko si Patrick na ang dumating. Pero ang mas nakakaloka, si Izel pa talaga ang nakita ko. Nililibot niya ang paningin niya na para ba'ng may hinahanap. Nagtama ang paningin namin kaya agad akong tumingin sa ibang gawi. Ilang saglit ay biglang umupo si Izel sa harap ko. Akala ko tinext rin siya ni Patrick pero limang minuto na kaming naghihintay dito at hindi pa rin dumadating si Patrick. Sinubukan kong tawagan siya o i-text pero hindi niya ako sinasagot. Doon ko lang napagtanto ang kahayupang ginawa niya. SINET-UP NIYA KAMI NI IZEL PARA MAKAPAG-USAP. Ilang minuto na kaming tahimik at nakikiramdam lang sa paligid. Wala akong balak magsalita at mukhang ganun din siya. Naiinis ako sa kaniya dahil sa nakita ko noong kahapon sa lugawan. Idagdag mo pa 'yang pagkampi niya sa bruhang 'yon. Alam naman ni Izel na may relasyon si Cindy at Azrael kaya sana isinantabi na lang niya ang nararamdaman niya, hindi 'yung... ' Hay nako...' Nilingon ko si Izel na nakatingin sa mga nagbabasa sa kaniyang kanan, "So, kalian pa?" buong lakas ko'ng tanong. Agad naman niya akong nilingon at dahan-dahang nangunot ang kaniyang noo. "What do you mean?" Maang-maangan ka pag hinayupak ka. Ulol 'wag ako. "Izel, hindi mo 'ko maloloko," mahina ngunit seryoso kong sabi sa kaniya, "Alam ko at alam mo ang tiutukoy ko." "Paano ko malalaman kung 'di mo sasabihin?" naiinis niyang tanong sa akin. "Maglolokohan ba tayo dito, Izel?" pinatong ko ang kanan kong kamay sa ibabaw ng mesa, "Ikaw.." tinuktok ko ang mesa gamit ang hintuturo ko, "At si Cindy..." unti-unting nagbago ang kaniyang reaksyon. Nanlalaki ang kaniyang mata at naging sunod-sunod ang kaniyang pag lunok, "Ay may relasyon..." "L.A..." "Tama ba 'ko?" "I-I.. Ha!" napahilot siya ng kaniyang sentido, "Listen first okay-" "Whatever your reason is... what you did was wrong," ika ko tsaka tumayo. Balak ko na sanang umalis nang hulihin niya ang braso ko upang tigilan ako sa pag labas ng library. Pag lingon ko sa likod ko ay nakatayo na siya at naluluha na ang kaniyang mata. "L.A. please..." "Bitaw," utos ko sabay tingin sa ibang gawi. Hindi ko matagalan na tignan siya sa ganiyang lagay. Nakakaramdam ako ng guilt at naiinis ako sa pakiramdam na 'yon. 'Pero siya naman ang may kasalanan kaya buti nga sa kaniya. Magdusa siya.' "L.A.... nakikiusap ako..." dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya, "N-nakikiusap ako... h-huwag mo munang sabihin sa iba l-lalo na kay Azrael. H-Hahanap kami ng tsamba ni Cin-" nangunot ang noo ko nang matigilan siya sa pagsasalita. Nakatingin lang siya sa mata ko at para ba'ng nakakita ng multo. 'Ngayon lang ba niya na-realize na napaka ganda ko?' "Hoy-" doon ko naramdaman na para ba'ng may likidong tumutulo sa pisngi ko. Biglang kumabog ang dibdib ko at nanginginig kong hinawakan ang pisngi ko. Pag tingin ko sa kamay ko ay lumaki ang mata ko nang mapagtanto ko na lumuluha nanaman ako ng itim na likido. Agad kong hinila pabalik ang braso ko mula kay Izel tsaka kinapa ang palda ko para hanapin kung may panyo ba ako, pero naalala ko na tinapon ko nga pala yung panyo ko sa basurahan sa banyo ng Big Day. 'Bakit ba napakamalas ko?! Wala naman akong balat sa pwet ah!' "L.A..." Alinlangan akong napatingin kay Izel. "W-Wala lang 'to-" nagulat ako nang alisin niya ang kaniyang coat at ibibigay niya na sana sa akin nang biglang may kung sinong nag abot sa akin ng kulay pulang panyo. Iniangat ko ang paningin ko sa kanan ko para lingunin kung sino ang nag-abot nito. Doon ko napagtanto na si Azrael lang pala ito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil natatakot ako na baka marinig niya ang pinag uusapan namin ni Izel. Nabalik lang ako sa wisyon nang hawakan niya ang batok ko at maingat niyang pinunas kaniyang panyo sa pisngi ko. "I know that you're not sick, so maybe..." itinigil niya ang pagpunas ng panyo sa pisngi ko at tinignan ang mata ko dahilan para magtama ang paningin namin, "It's part of your secret, just like the One hundred Thousand on the other day," agad kong hinablot ang panyo niya at lumayo sa kaniya dahilan para maibaba niya ang kaniyang kamay na nakahawak sa batok ko. Agad kong pinunasan ang pisngi ko pero pakiramdam ko ay tuloy tuloy pa rin ito sa pag tulo kaya naman tumakbo ako palabas ng library at dumiretso sa restroom. Mabuti na lang at walang tao sa loob ng restroom. Agad akong humarap sa salamin at tuloy-tuloy na pinunasan ng panyo ang itim na likidong tumutulo sa mata ko dahil baka biglang may pumasok, ngunit kahit ilang beses kong punasan ito ay patuloy pa rin ito sa pag tulo kaya naman inilagay ko sa magkabilang gilid ang magkapares kong kamay at yumuko tsaka hinayaan na tumulo ang itim na likido patungo sa sink. 'Bahala na kung sinong makakita. Sabihin ko nalang nireregla ako sa mata. Makalipas ang ilang oras ay hindi na siya masyadong tumutulo. Iniangat ko ang paningin ko sa salamin. Gusto kong matawa sa itsura ko dahil para akong panda sa sobrang itim ng ibabang mata ko. Pinunasan ko ng panyo ni Azrael ang pisngi ko tsaka nag hilamos. Pumunta ako sa basurahan at tinapon iyon doon tsaka lumabas na ng restroom. Pag bukas ko ng pinto ay bumulaga sa akin ang nakatalikod na si Azrael at sa harap niya ay may limang babaeng nakapila at halata ang inis sa kanilang mukha. "Ano ba! Bakit ba ayaw mo kaming papasukin sa loob!" sabi ng babaeng nasa unahan. "Oo nga naman.." bulong ko kay Azrael. Napa talon siya sa kaniyang gilid at gulat akong nilingon. "N-nakalabas ka na pala," tatanungin ko na sana siya kung anong ginagawa niya nang harapin niya yung mga babaeng nakapila at nginitian. Gumilid siya at inilahad ang kaniyang palad sa loob ng restroom, "You may come In now," nakangiti niyang sabi. Padabog namang nagsipasok ang mga babaeng kanina pa'ng nakapila. Nang mawala na sila sa paningin ko ay natatawa kong nilingon si Azrael. "Ano 'yon?" natatawa kong sabi. Nag iwas siya ng tingin sa akin at napakamot sa kaniyang batok habang nakanguso. "E-Eh, 'diba sabi mo secret lang 'yon? K-kaya..." mabilis niya akong nilingon pero agad ding iniwas ang kaniyang paningin sa akin, "Hindi ko muna sila pinapasok." Pinagkrus ko ang braso ko. Tumingin ako sa kaniya na may ngiti sa labi habang nakakunot ang noo, "Seryoso ka?" natatawa kong tanong. "O-Oo nga! Tsk!" inilahad niya ang kaniyang kamay, "Asan na yung panyo ko?" "Ah, yun ba..." inilagay ko ang magkapares kong kamay sa loob ng bulsa ng palda ko, "Bibil'han nalang kita ng bago," ika ko at tsaka siya tinalikuran. Dumiretso ako sa classroom ko at sakto namang kasabay ko lang pumasok ang teacher namin. "Good morning class," bati ni sir Jericho. Ang science teacher namin. "Good morning, sir!" bati rin namin sa kaniya. "I would like to announce that my schedule will be used for your consultation in the guidance office," nangunot ang noo ko. "Hala sir! Bakit po?" tanong ni Reneigh. Ang top 1 ng class namin. "Alam niyo naman ang nanyayaring p*****n sa school natin. Syempre, pagod na nga tayo sa schoolworks, idagdag mo pa itong p*****n ng estudyante, kaya naman naisip ng guidance counsellor natin na mag laan kami ng time para sa mga estudyante namin at para rin makatulong ang ating guidance counsellor. Sya nga pala, ang sabi ng guidance counsellor, may bago raw kayong magiging kaklase. Siguro bukas darating na sya rito," umalingawngaw ang bulungan ng mga kaklase ko. Ang iba ay excited habang ang iba naman ay nagtataka kung bakit may mag ta-transfer pa raw eh malapit na nga ang exam namin. Pinapila kami ni sir sa labas. Sakto namang tanaw tanaw ko si Patrick kahit nasa pinaka dulo pa siya habang si Letson ay nasa pangapat na linya. Si Izel naman ay nasa pangalawa na katabi lang si Letson. "Hoy," tawag ko kay Patrick. Nilingon naman niya 'ko, "Kala mo hindi ko alam yung ginawa mo?" imbis na matakot ay nginisian pa niya 'ko, "Aba gag-" "Let's go!" nagsimulang maglakad ang mga kaklase ko kaya bago pa umabot ito sa akin ay sinamaan ko ng tingin si Patrick at nagpatuloy na sa paglalakad. Narinig ko pa ang bungisngis niya kaya pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. 'Mamaya ka sa'king unggoy ka. Sisiguraduhin kong magiging king kong ka mamaya.' Kung ang iba'ng paaralan ay binabase sa tangkad ang pila, dito sa amin ay binabase sa unang letter ng apelyido mo. At syempre dahil ako lang ang walang apelyido dito ay ako ang nasa unahan. Pag dating namin sa labas ng opisina ng guidance counsellor ay tatlong babae at tatlong lalaki muna ang pinapapasok sa loob. Malaki ang loob ng opisina ng Guidance Counsellor's Office kaya kasyang kasya kami sa loob. "L.A. you're first," utos sa akin ni sir. Lumapit ako sa harap ng kurtina at hinawi iyon. Bumungad sa akin ang dalawang upuan na magkaharap sa isa't isa at sa bandang kaliwa ay nakaupo roon si Mr. Erik Santos, ang Guidance Counsellor. "Good morning po," mahina kong pagbati. Nakangiti naman siyang tumango at inilahad ang kaniyang kamay patungo sa isang bakanteng upuan na nasa harap niya. Inayos ko muna ang palda ko tsaka naupo. "So... how was your day?" "A-ayos naman po," pagsisinungaling ko. Kung ikaw ba naman ang nasa posisyon ko sa tingin mo magiging maganda ang araw mo? Sunod-sunod na kamalasan ang na-e-engkwentro ko. May masama akong balita na nalaman tungkol sa propesor, naiinis pa rin ako kay Izel dahil sa kawalanghiyaan niya, nakita pa nila ni Azrael yung pag tulo ng luha ko. Bwiset na buhay na 'to. "Really?" kunot noong tanong ng Guidance Counsellor. Para ba'ng hindi siya naniniwala sa akin. "Don't worry L.A., I'll keep it a secret." Napabuntong hininga ako, "Meron po kasi akong kaibigan-pero hindi po siya dito nag-aaral-" tumango tango siya, "Tapos meron po akong kakilala na may girlfriend na, tapos napag alaman ko po na yung kaibigan ko ay may lihim na relasyon sa girlfriend ng kakilala ko. Eh 'yung kakilala ko po napaka bait no'n tsaka naaawa ako sa kaniya. Sa t'wing nakikita ko siya, naaawa ako at na gui-guilty dahil hindi ko masabi sa kaniya ang nalalaman ko. Sa kabilang banda, kapag sinabi ko ang nalalaman ko sa kaniya baka magalit sa akin yung kaibigan ko at... mawala siya sa 'kin," ika ko tsaka agad na nagbaba ng tingin dahil nahihiya ako sa sinabi ko. "Iha..." inangat ko ang paningin ko, "Sa pagkakaintindi ko, hindi mo alam kung sasabihin mo sa kakilala mo na may nalalaman ka o hindi, 'diba?" tumango ako, "Matanong nga kita, ilang araw mo nang alam na may relasyon ang kaibigan mo at girlfriend ng kakilala mo?" "Isa't kalahating araw pa lang po" "Mmmm... kung ako ang nasa posisyon mo-" "KYAAAAHHHHHHH!!!" Gulat akong nabaling sa kurtina. Agad akong tumayo at hinawi ko ang kurtina tsaka tatakbo na sana ako palabas ng pinto nang biglang bumukas ito at bumungad sa akin ang isang armadong lalaki. May silencer ang kaniyang baril at nakatutok iyon kay Izel. Naka purong itim siya at natatakpan ang kalahating mukha niya ng itim na mask kaya tanging ang mata lang niya ang nakikita ko. Bumaling ang tingin ko kay Izel na nakatutok ang baril ng lalaking naka itim sa kaniyang sentido. Nangangatog ang kaniyang tuhod at namumutla ang mukha. Sunod-sunod na rin ang kaniyang paghinga at para bang hihikain na siya. "NASAAN NA SI L.A.! IHARAP NIYO SIYA SA'KIN!" Nangunot ang noo ko. Anong atraso ko sa kaniya? "Anong kailangan mo?" kalmado kong tanong habang may halo itong pagtataka. "Ikaw ba si L.A.?!" Tanong niya sa akin gamit ang kaniyang malalim na boses, "Tama... ikaw nga..." bigla niyang tinutok ang hawak niyang baril sa ulo ko. Lalong nagsihiyawan ang mga kasamahan namin at nagkumpulan sila sa iisang sulok. "Sir... calm down," kalamdong sabi ng Guidance Counsellor, ngunit hindi niya ma-itatago ang panginginig ng kaniyang kalamnan at boses. "TUMAHIMIK KAYO KUNG AYAW NIYONG IDAMAY KO KAYO!" Sigaw niya. Agad namang nagsi tahimik ang mga kaklase ko. Paano naman kaya nakapasok ang lokong 'to? "Malamag hindi mo ako kilala at hindi mo rin alam kung ano ang pakay ko sa'yo kaya naman ipapaalam ko sa'yo ang lahat!" muli niyang tinutok ang kaniyang baril sa sentido ni Izel, "Hindi ba't ikaw ang pumatay sa mga ka-grupo ko?" nangunot ang noo ko. Anong pinagsasabi niya? "PINATAY MO ANG MGA KA-GRUPO KO AT PINALABAS MO NA CAR ACCIDENT ANG DAHILAN NG PAGKAMATAY NILA!!" Unti-unting nanlaki ang mata ko. Ang tinutukoy ba niya ay yung.... Mga kumidnap sa amin? "DAHIL SA'YO NAWALA ANG PINAKAMALAPIT NA TAO SA BUHAY KO! KAYA IKAW ANG ISUSUNOD KO!" bago pa man niya pindutin ang gatilyo ay agad akong lumuhod sa kaniya dahilan para matigilan siya. "P-Pakiusap... h-huwag dito," nilingon ko si Izel na nanlalaki ang mata at hindi makapaniwala sa ginagawa ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa lalaki, "H-hindi ko alam ang b-binibintang mo s-saakin p-pero kung papatayin mo ako.... N-nakikiusap ako, huwag dito. A-ayokong... makita ng mga kaibigan ko ang p-pagpatay mo sa akin..." namuo ang katahimikan sa paligid nang bigla niyang hilain ang buhok ko dahilan para agad akong mapatayo. Kinaladkad niya ako palabas hanggang sa maka abot kami sa parking lot. "Ngayon... sisiguraduhin ko na ito na ang magiging huling lugar na makikita mo," mayabang niyang sabi at binitiwan ang buhok ko tsaka tinulak ako dahilan para mapaupo ako sa sahig. Tinutok niya ang baril niya sa akin ngunit imbis na luha ang lumabas sa mukha ko ay ngisi ang pinakita ko sa kaniya, "Nang-aasar ka pa'ng babae ka ah!" nang kalabitin niya ang gatilyo ay walang kahirap-hirap kong iginilid ang katawan ko para iwasan ang bala na tatama sa akin dahilan para tumama ang bala sa pader ng parking lot. Itinaas ko ang kaliwang paa ko tsaka sinipa ang hawakan niyang baril patungo sa uluhan ko. Agad ko itong sinalo tsaka nilingon ang apat na CCTV at walang kahirap-hirap itong pinaputukan. "Anong ginagawa mo-!" agad kong tinutok ang baril sa kaniyang noo. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan at nanlaki ang mata. "Masyado kang madaldal..." tinapon ko ang baril sa gilid namin hanggang sa mapunta ito sa ilalim ng pulang kotse, "Eh kung putulin ko nalang kaya yang dila mo?" ika ko tsaka inilabas ang swiss knife ko na nakatago sa loob ng sapatos ko at nakangisi ko itong iwinagayway sa pagmumukha niya. Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko tsaka humakbang palapit sa kaniya. Magsasalita na sana ako nang makarinig ng mabibilis na yapak 'di kalayuan sa amin. "Mukhang mapuputol ang kasiyahan natin ngayon. Sayang," umakto akong nanlulumo habang siya ay hindi makapagsalita, "Hindi mo naman ipagsasabi sa iba kung anong nakita mo 'diba?" aligaga siyang umiling, "Hmmm... mukhang hindi kita makakapagtiwalaan-" "P-PROMISE! H-HINDI KO IPAGSASABI SA IBA!" Aligaga niyang sabi. Itinaas pa niya ang kanan niyang kamay. "Kung gano'n..." inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, "Tumakbo ka na," wala siyang sinayang na oras. Agad niya akong tinalikuran at dali-daling tumakbo, pero bago siya makalabas sa Parking lot ay tinutok ko ang swiss knife sa batok niya at ipinikit ang isa kong mata tsaka buong lakas kong ipinalipad ang swiss knife ko patungo sa kaniyang batok. Natigilan siya sa pagtakbo at biglang napa luhod sa semento at maka ilang saglit ay dahan-dahang natumba ang kaniyang katawan sa malamig na semento. Bago pa ako maabutan ng mga papunta sa parking lot ay tumakbo ako patungo sa pulang kotse at bago ako tuluyang makalapit dito ay pinadulas ko ang sarili ko hanggang sa makapasok ako sa ilalim ng kotse. "NASAAN NA SILA?!" Rinig kong boses ng isang lalaki. Hindi ko sila pinagtuonan ng pansin. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng jogging pants ko-Dahil P.E. day namin ngayon- at dinial si Tito Leo. "Pumunta dito yung isang kasamahan ng mga lalaking kinidnap ako. Pumunta ka dito sa school sa parking lot. Alam mo naman na ang gagawin mo. Bye." "Sag-" Ibinalik ko ang telepono ko sa loob ng bulsa ng jogging pants ko at kinuha ang baril na nasa gilid ko at tinutok ito sa kanang balikat ko. "L.A.!" "L.A.! NASAAN KA NA!" "MAY LALAKI DO'N SA DULO!" Hinintay kong makarating sila sa dulo at nang masiguro kong nasa dulo na silang lahat ay walang pag aalinlangan kong pinindot ang gatilyo ng baril.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD