CHAPTER ELEVEN

1543 Words
Naunang umalis ang propesor dahil may pupuntahan pa raw siya. Ang sabi naman niya ay dito muna ako matulog sa mansiyon niya para makapag-usap kami ng maayos tungkol sa nagaganap na p*****n sa school namin. Nakaupo pa rin ako sa couch sa kaniyang opisina habang si Eirene ay nakatayo sa gilid. Wala sa aming nagsasalita at isa pa, mas mabuti nang ganito dahil baka mamaya may kung ano-ano pa siyang sabihin sa akin dahilan para masapak ko ang pagmumukha niya. Nakarinig ako ng yapak sa gilid ko na agad ko namang nilingon. Naglalakad si Eirene papunta sa upuan ng propesor. Hinila niya ang upuan upang makaupo siya. Nang maka upo siya ay inilapit niya ang upuan sa mesa at ipinagkrus ang braso tsaka tinignan ako muli mula ulo hanggang paa. 'Ano nanamang problema ng babae'ng 'to?' "So, you are the daughter of the one and only Luis Zhaiminous. I wonder why would you run despite all of..." inilibot niya ang kaniyang mata sa paligid tsaka muling tumingin sa akin, "These." Matunog akong napangisi, "People like you don't deserve to know my history," Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay at sumandal sa silya. "Wow... I can't believe that you just look down on me." "Oh, coming from you? What a shame-" nabigla ako nang tumayo siya at malakas niyang hinampas ang ibabaw ng mesa. Sobrang lakas ng tunog na nilikha nito at halos umalingawngaw ito sa kabuuang opisina. "Don't you dare steal everything from me! Yes, you are Professor Zhaiminous' daughter, but you left, remember? That's why she adopted me and treat me like her own daughter." "Ha.." napakamot ako sa dulo ng kilay ko sa inis. Nababaliw na ang babae'ng 'to. Mukhang nagkamali ang propesor ng inampon niya. Muli ko'ng ibinalik ang tingin ko sa kaniya, "Keep dreaming," ika ko. Napatigalgal siya dahil sa 'di niya inaasahang pag sagot ko. Tumayo ako at tinapik ang kaniyang balikat tsaka lumabas na ng opisina. Dumiretso ako sa pangalawang pinto malapit sa hagdan. Hinawakan ko ang doorknob at sinubukang pihitin ito pakanan, inaasahang bukas ito. Napangiti naman ako nang mapagtantong bukas ang pintong ito. Tuluyan ko itong tinulak papasok sa loob. Nanliit ang mata ko dahil hindi ko masyadong makita ang itsura ng kwarto gawa ng nakapatay ang ilaw. Kinapa ko ang gilid ng pader sa bandang itaas upang hanapin ang switch. Nang maramdaman ko ang switch ay dali-dali ko itong pinindot at bumulaga sa akin ang napaka linis at maaliwalas kong kwarto. Kumurba ang maliit na ngiti sa labi ko nang makita ko ang kwarto'ng ito. Nakakatuwa dahil nandito pa pala ang mga gamit ko at hindi pa rin pinapagalaw ng propesor ang kwarto ko. Simple lang ang kwarto ko. Malambot na kama, puting pader, may closet sa gilid ng kama ko, may bintana sa kaliwang bahagi ng kwarto ko, at study table. Boring kung titignan, pero para sa akin espesyal ito. Hindi man ito gaanong kalaki o kagarbo, pero ang kwarto'ng ito ay saksi sa lahat ng pinagdaanan ko. Noong bata ako, lagi akong tumatalon sa ibabaw ng kama ko dahil sa tuwa o kaya naman para maglaro. Dito rin ako nag aaral sa study table ko. Minsan kapag maayos ang mood ko, sumasayaw ako ng mag-isa o kumakanta. Minsan naman kinakausap ko ang sarili ko sa harap ng salamin, at syempre... saksi rin ang kwarto'ng 'to sa t'wing umiiyak ako. Lagi kong sinasara ang pinto ng kwarto ko. Sisiksik ako sa ibaba ng kama ko sa bandang gilid at doon umiiyak ng todo. Ang sulok na iyon... siya ang pinaka espesyal na parte ng kwartong ito para sa akin. "Feel nostalgic?" agad kong inalis ang ngiti sa labi ko at nilingon ang likod ko. Nangunot ang noo ko nang makita ko siya dito. Akala ko ba may pupuntahan siya? "You're so transparent, you know?" ika niya tsaka sumandal sa pader sa labas ng kwarto ko. Ipinasok niya ang pares niyang kamay sa loob ng kaniyang bulsa at tumingin sa itaas, "I lied." Napangiwi ako. Sabi na nga ba, "Gusto ko kasing magkaroon ng time kayong dalawa. Sa totoo lang, nanonood ako mula sa control room. Pinapanood ko kayong dalawa at mukhang..." mahina siyang natawa, "Hindi maganda ang una niyong pagkikita." "Tss..." isinara ko ang pinto ng kwarto ko at sumandal doon tsaka pinag krus ang braso ko, "Alam mo naman na siguro ang totoong ugali ng inampon mo, hindi ba?" tanong ko tsaka nilingon siya. Nakita ko ang pag-ngiti niya at marahan niyang pag-tango. "Maayos ang pakikisama niya sa'kin mula nang ampunin ko siya hanggang ngayon. Nalaman ko lang ang tunay niyang ugali nang magsumbong ang katulong namin dahil sa paraan ng pagtrato niya sa kanila. Noong una hindi ako naniwala hanggang sa nakita ko yung CCTV sa loob ng mansiyon." "At wala ka'ng ginawa?" kunot noong tanong ko. "I confronted her, but she keeps making excuses." "Mmm.." tanging sabi ko habang tumatango. Tumingin ako sa kisame at dinugtungan ko ng pagbuntong hininga. "How 'bout you? Are you doing well?" Tumango ako, "Syempre naman. Ako pa?" narinig ko ang mahina niyang pag-tawa. "How 'bout school?" aligaga akong napatingin sa kaniya, "Ang sabi sa akin ni Leo..." unti-unting nanlaki ang mata ko. Huwag niyang sabihin na... "Nakulong ka raw?" aniya sabay lingon sa akin na may seryosong mukha. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kaniya at pilit na tumawa. "H-HAHAHA! A-ako makukulong? Sus! Imposible!" "Don't deny it, L.A." Dahil mukhang hindi ko naman na maitatago pa sa kaniya ay unti-unti akong napangiwi. "Tsk! Naaantok na 'ko. Pasok na 'ko-" "Tell me what happened," napa irap ako tsaka bumuntong hininga at inis siyang binalingan ng tingin. "Hindi mo na gugustuhing marinig pa ang dahilan kung bakit ako nakulong," walang gana kong sabi hindi dahil pagod ako o naaantok na ako kundi dahil alam ko ang magiging reaksyion niya at baka makaramdam pa ako ng pagkabigo. "Just tell me." "Hindi na nga 'diba," mariin kong sabi. "Please L.A.!" aniya at pumunta sa harapan ko. Agad ko namang iniwas ang paningin ko, "Just this once! Gusto ko namang maramdaman na... na isa akong tatay... na may anak ako na kailangan kong alagaan at pakinggan ang mga problema niya. Just this once L.A... please..." Napakamot ako sa dulo ng kilay ko sa bandang kanan tsaka inis siyang tinignan sa mata, "Gusto mo'ng maramdaman na may anak ka? Gusto mo'ng maramdaman na anak mo 'ko? Ganun ba?" natatawa kong sabi, "Then let me tell you this Professor Zhaiminous, start from the very start... you already disowned me," Kitang kita ko ang nakakatuwa niyang reaksyon. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan at hindi makasalita sa sinabi ko, "Remember?" itinaas ko ang kamay ko at tinuro ang kaniyang dibdib gamit ang hintuturo ko, " You. Were. Scared. Of. Me. You! Were scared of your own child!" ibinaba ko ang kamay ko, "I wonder... if until now you're still scared of me," tinignan ko siya mula ulo hanggang paa tsaka tinalikuran na siya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at aad na pumasok sa loob tsaka padabog itong sinara. Eirene's Point Of View I'm standing outside of Professor Zhaiminous' office while watching the father-and-daughter talks. I cannot hear what they are talking about, but I'm pretty sure that it's about their conflict. 'And yes, I'm jealous' My mother was a drug addict, and my father always abused us, especially me. That's why when Professor Zhaiminous adopted me, at first I doubted him, but he seemed very competent to prove himself to be a better father to me. He never talked about that girl- I don't know what's her real name, because Professor Zhaiminous looks like he's just playing with me- that's why I'm surprised that... he has a daughter. I don't really hate Professor Zhaiminous' daughter. I'm just scared that... she might steal Professor Zhaiminous' attention away from me. And I don't like that. "Eirene!" I came back to reality when someone called me. Ang propesor lang pala. He walked towards me with knitted eyebrows, "Why are you still here?" he asked. "Uh.." I forced a smile, "I... I just want to talk to you- I thought you left?" he chuckled. "I lied," my eyebrows knitted. Why would he do that? "I just want you two to talk, anyway, why do you want to talk to me?" "About... your daughter." "Oh! L.A.? What about her?" So, her real name is L.A.? Or it's just her nickname? "L.A. is her... real name?" I ask out of curiosity. "You really don't get it, don't you?" "What do you mean?" "Eirene..." he placed his right hand on the top of my shoulder, "Let me ask you a question... do you hate L.A.?" "W-What? N-no-" "Really?" "Y-yes..." "Hmm... you might have an attitude, but I believe you're telling the truth, right?" I slowly nodded, "You said that it's hard for you to sleep at night, right?" "Yes...?" I don't really know what he wants to say. He's so unpredictable. "Do you want me to tell you a fairytale story?" "What-" "I'll make sure that you'll sleep well after this" "But, I still have a lot of questions about your daughter-" "Don't worry, after I tell you a story, all your questions about my daughter will be finally answered," he then gave me a wink.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD