CHAPTER TEN

2047 Words
Nasa harap ako ngayon ng higanteng mala-gintong gate. May tig- iisang dalawang guard sa kaliwa't kanan ng gate bilang taga-bantay ng Mansiyon. "Magandang umaga Ma'am." nilingon ko ang kanan ko. Bumungad sa akin ang nasa middle age na lalaking body guard at may malaking ngiti sa labi. "Ano ho ang kailangan niyo?" "Si Professor Zhaiminous." pagtugon ko. Unti-unting nawala ang kaniyang ngiti at napalitan ito ng pagdududa. "M-May appointment po ba kayo kay sir?" "Wala...pero tumawag siya sa'kin, ang sabi niya makipagkita raw ako sa kaniya." "Uhm." Napakamot siya sa kaniyang batok. "Pasensiya na po Ma'am, pero mahigpit po'ng ipinagbabawal ni sir na huwag po kaming magpapasok ng kahit sinong tao basta-basta." pilit akong ngumiti. Sana man lang sinabi niya sa guard niya na pupunta ako rito. Bwiset. "K-Kaano-ano niyo po ba si sir Luis Zhaiminous?" "Hm?" napataas ang dalawang kilay ko. "K-Kamag-anak." "Ganun po ba..." aniya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Aba! Siraulo 'to ah! Palibhasa ba mayaman ang amo niya tapos ganito ako magdamit, eh huhusgahan na niya 'ko? "S-Sige ho, tawagan ko ho si sir." pilit na lamang akong tumango. Bumalik siya sa kaniyang puwesto at may pinindot pang mga numero roon tsaka niya inilapit ang telepono sa kaniyang tenga."Magandang gabi po sir! May babae po rito sa labas ng gate. Ang sabi po niya kamag-anak niya raw po kayo...po? sige po." inilayo niya ang kaniyang telepono sa kaniyang tenga at tinignan ako. "Ano raw hong pangalan niyo?" "L.A." Agad na sabi ko Inilapit niya ang telepono sa kaniyang tenga. "L.A. raw po... A-Ah, sige po. Opo." Ibinaba na niya ang kaniyang telepono at lumapit sa gate tsaka binuksan. "Pasensiya na po Ma'am. Nasa opisina raw po si sir." pilit na lamang akong ngumiti at tuluyang pumasok sa loob. Pagpasok ko ay bumungad ang dalawang water fountain sa bawat gilid ng labas ng mansyon. Iba-iba ang kulay ng tubig dahil sa ilaw na inin-stall ni Professor Zhaiminous. Amoy probinsiya rin ang paligid dito dahil sa malawak niyang hardin na kahit gabi na ay nakikita ko pa rin ang mga bulaklak sa halaman at nagsisilakihang puno na nakatamin rin sa bawat gilid. Sa gitna ay tanaw ko ang malaki at mataas na Mansiyon. Katulad ng gate ay ginto rin ang kulay ng kaniyang Mansiyon. Sa kanan ng kaniyang Mansiyon ay may isang kulay itim na limousine. Marami siyang kotse pero lahat ng iyon ay nakatago sa kaniyang parking lot. Inilabas lang niya ang kaniyang limousine dahil iyon ang madalas niyang ginagamit sa t'wing may lakad siya. Pinindot ko ang doorbell sa gilid ng pintuan. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Bumugso ang malamig na hangin sa balat ko gawa ng aircon at bumungad sa akin ang isang katulong. Bago siya sa paningin ko kaya malamang bago pa lang siyang nag ta-trabaho rito. "Nasa opisina ho sina sir." ika ng katulong at inilahad ang kaniyang kamay patungo sa loob. Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Ibig ba'ng sabihin no'n hindi siya nag iisa? Pagpasok ko ay agad na bumungad sa akin ang malaking sala. May Ron Arad stainless sofa sa gitna kung saan sa sobrang kinis ay pwede mo nang gawing salamin. Iyon ang pinaka paboritong upuan niya. Sa gitna ay may mesa na kulay itim. Kung Malabo ang paningin mo aakalain mo'ng lumilipad ang isa'ng 'to pero kung matalas ang paningin mo makikita mo ang manipis niyang paa. Sa mga normal na mesa, kadalasan ay nakapaloob ang paa nila sa ilalim ng mesa pero ito, nakalabas ito at mahaba. Manipis lang din ito kaya hindi makikita masyado. Sa kaliwa't kanan ng mesa kung saan kadalasan umuupo ang kaniyang bisita ay may nakahilerang mahabang sofa na kulay itim. Iyon naman ang paborito kong sofa dahil malambot ito at komportable ako roon. Sa itaas nila ay may malaking ginintuang chandelier. Minsan sa t'wing umuupo ako sa sala, nababahala ko dahil baka bagsakan ako ng chandelier na ikinabit niya. Sa bawat gilid naman ng sala ay may mahabang pasilyo. May tig-a-anim na pinto roon sa bawat gilid. Mayroong gym, court, meeting room, clinic, grocery store na inilagay niya para hindi na raw siya lumabas, at kung ano-ano pa'ng kalokohan niya. Mayroon ring mahabang mesa at Sa dulo nito ay makikita ang malaking kitchen kung saan sa tabi nito ay may spiral at kulay puting hagdanan papunta sa second floor. Clear glass ang nagmistulang pader ng second floor at kahit nasa baba ka palang ng sala ay makikita mo na ang iilang pintuan na karamihan doon ay ang mga kwarto. Umakyat na ako sa second floor at dumiretso sa kaniyang opisina. Madali lang mahanap ang kaniyang opisina dahil ang pinto ng kaniyang office ay mas malaki kumpara sa iba'ng pinto rito. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad ang kaniyang malaking opisina na halos kalahati na ng sala. Maaliwalas ang kaniyang opisina at pwede nang gawing palaruan ng mga bata dahil sa laki ng espasyo nito. "You're here." nagawi ang tingin ko sa gitna. Bumungad sa akin si professor Zhaiminous at isang babae na nasa kaniyang gilid at hindi man lang nagbalak na lingunin ako. Muli kong binalik ang tingin sa kaniya. May malaki at mahabang mesa sa kaniyang harap. Sa harap ng mesa sa bandang kaliwa't kanan ay mayroong puting couch na may kasamang unan na naka puwesto roon. Naupo ako sa kanan kung saan medyo mas malapit ako sa babaeng kaniyang kasama. Hindi ko kilala ang babaeng 'to. Bago kaya niyang sekretarya? Pero teka, kailan pa ba siya nag hire ng secretary? "How was your day?" tanong niya sa akin. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya tsaka ngumiwi. "Alam mo ba na hinusgahan ako ng gwardiya mo sa labas? Nung sinabi ko'ng kamag-anak kita tinignan ako mula ulo hanggang paa!" tila ba'y anak niya akong nagsusumbong dahil may umaway sa akin. Natawa siya tsaka inayos ang kaniyang buhok paitaas. "Bago pa lang sila dito kaya malamang hindi ka nila makikilala-" "That't not the point, okay? Sana sinabi mo sa gwardiya mo na darating ako." Itinaas niya ang pares niyang kamay na para bang susuko na siya. "Ok, fine. It's my fault. I'm sorry." napa iling na lamang ako. Ibinaba na niya ang kaniyang braso at may ibinigay sa aking folder. Dahil sa kursyonidad, binuksan ko ito. Bumungad sa akin ang mga katawan ng babae na naka suot ng uniform ng school namin at hindi lang 'yon ang ipinagkapareha nila, dahil ang kanilang katawan ay naaagnas na. "Ang sabi sa akin ng mga detective na nag imbestiga..." iniangat ko ang tingin ko sa kaniya. "Imposible raw na maagnas agad ang bangkay nila dahil nahagip pa sila ng CCTV na papasok sa school bago sila mamatay. Tsaka wala ring amoy ang katawan nila." nangunot ang noo ko. "Kung gano'n..." inilagay ko ang folder sa ibabaw ng kaniyang table. "Anong dahilan at pinatawag mo ako?" "Listen to me first, okay?" napa buntong hininga ako. "Ayon sa detective, noong pinanood nila ang CCTV, nakita nila ang mga biktima na pumasok sa school pero hindi na nila nakitang lumabas pa ang mga biktima sa school kaya malaki ang posibilidad na sa school pinatay ang mga biktima. Ayon pa sa mga pulis, mukhang ang salarin ay nag ta-trabaho sa school, dahil wala namang kahina-hinalang tao ang pumasok sa school noong namatay ang biktima." "And...?" "According to the forensics... may nakitang virus sa katawan ng mga biktima." agad akong natigilan. Now, this caught my attention. "Hindi nila alam kung anong virus 'to at malaki ang posibilidad na ayun ang ikinamatay ng biktima." "Eh, ano yung sinasabi mo na may taong wawasakin ang mundo?" Natatawa kong sabi. Hindi ko akalain na sasabihin ko 'yon. "May nag pabigay ng letter sa akin. Hindi siya nagpakilala pero ang sabi niya, may balak raw siyang wasakin ang mundo para gumawa ng bagong bansa na pamumunuan niya. Sinulat pa niya na kung papayag ako na sumali ako sa grupo nila para mas mapadali ang kaniyang plano. Then, I replied asking how will he do that, at ang sagot niya? May virus daw siyang ginawa kung saan kaya niyang patayin ang tao gamit ang pag-a-agnas ng kanilang katawan." "Ang ibig sabihin no'n..." "Yes, the one who sent me the letter is also the one who's behind the killings in your school. Pero nagtataka ako... kung wawasakin niya ang mundo at aalisin ang mga tao, hindi sapat ang ginagawa niya. Pakiramdam ko... meron pang mas malalim sa patayang nangyayari." "You should stop thinking. Baka sumabog ang ulo mo-anyway, anong isinagot mo?" "Of course..." isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng silya. "I declined," aniya sabay ngisi. "as you should." sakastiko kong sabi at aksidenteng napalingon sa babaeng nasa tabi pa rin niya. "Oh! I forgot, she's Eirene. Eirene Rhianna M. Delos Reyes, but now Zhaiminous." pakilala ng propesor sa babaeng kasama niya. "I adopted her..." gulat kong ibinaling ang paningin sa propesor. "Kailan pa?" "2 years ago... after you left" napa iwas ako ng tingin. "Mmm..." iyon na lamang ang nasabi ko. "S-she's actually good." muli kong nilingon ang propesor. "I tought her about martial arts, and I can say that she's a fast learner!" "Talaga?" ika ko at nilingon si Eirene. Pupurihin ko na sana siya nang makita ko ang matalas niyang tingin sa akin at ang kaniyang ngisi. Hindi ito nakikita ng propesor dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok. 'Nangangamoy sunod plastik. Biro lang.' "P-Professor Zhaiminous..." tawag ni Eirene sa propesor. Malambing at mahinhin ang kaniyang boses, kabaliktaran ng ugaling pinapakita niya ngayon sa akin. "Ang sabi niya kamag-anak mo raw siya kanina. I wonder if it's..." tumigil siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Loko 'to ah! Baka tunay niyang tatay yung guard na nasa baba? Parehong pareho sila eh. "...true?" "Oh, that?" ani ng propesor tsaka nilingon ako. Tinignan ko naman siya at pinanlakihan ng mata na para ba'ng sinasabi kong 'subukan niya' Ngunit nakakaasar na ngiti lamang ang kaniyang ginanti sa akin tsaka muling nilingon ang babae na nasa kaniyang gilid. "Eirene, meet my one and only daughter..." Kitang kita ko ang unti-unting paglaho ng kaniyang ngisi at matalas na tingin sa akin. Napalitaan ito ng pag ka awang ng kaniyang bibig at panlalaki ng kaniyang mata. Mukhang 'di niya inaasahan na sasabihin iyon ng propesor. Ano ka ngayon? Masyado kasing Judgerista ang babae'ng 'to. Ngingisian ko na sana siya para asarin kaso sa kabilang banda gusto ko ring asarin ang propesor na nasa harap ko para ipakita sa kaniya na wala akong pake sa pinagsasabi niya tungkol sa akin. "I haven't tell you about her since I adopted you, but now that she's here, maybe you should bond together." "Opo, Professor! Para na nga rin pong may kapatid ako ngayon." nakangiting sabi ni Eirene sa harap ni professor Zhaiminous. Kung 'di lang niya ginawa sa akin 'yung kanina edi aakalain ko talaga na totoo ang pinagsasabi niya. "Ang ganda ganda pa ho niya." matunog akong napangisi. Sipsip na nga plastik pa. "Ano nga po palang pangalan niya?" Gulat akong napatingin sa babae sabay lipat ng tingin sa propesor. Dali-dali akong umiling sa kaniya upang ipahiwatig na huwag niyang sabihin ang tunay ko'ng pangalan, dahil alam naman natin ang panahon ngayon. Marami na ang traydor sa paligid, pwedeng kaibigan mo o kapamilya mo, at base sa ugali ng babae'ng 'to mukhang kaya niyang traydurin ako. "Ano rin ho'ng klase ang kaniyang ugali? Magaling rin po ba siya sa martial arts tulad ko? Matalino ho ba siya?" sunod-sunod ang kaniyang tanong sa propesor pero sa likod nito ramdam na ramdam ko ang pagka sarkastiko niya. Para ba'ng sinasabi niya na mas angat siya kaysa sa akin. "You're asking too much about her." ika ng propesor sabay tawa. "Well... I can answer your question in just three words." natigilan si Eirene at nawala ang kaniyang malaking ngiti na napalitan ng kaniyang kursyonidad dahil sa sinabi ng Propesor, "You want to know what kind of girl is she, right? Well..." tumayo siya at inayos ang kaniyang coat. "... She. Is. Lethal" napa igting ako ng panga. Nakakabanas siya sagad hanggang kaluluwa. "P-po? G-ganun po ba?" pilit na sabi ni Eirene, "E-Eh, yung pangalan niya po?" Nakangiti siyang hinarap ng propesor, "I already told you my answer..." ika ng propesor tsaka ako nilingon. " That girl.... is Lethal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD