L.A.'S POINT OF VIEW
"Strange..." napasandal si Patrick sa kaniyang upuan tsaka hinimas ang kaniyang baba habang nakatingin sa ibaba.
Nasa lugawan kami ngayon at syempre libre ni Patrick dahil ang sabi ko kanina, i-ku-kuwento ko lang ang nangyari kung ililibre nya ako sa lugawan. Ito namang si Letson tuwang tuwa. Nang marinig nga niya ang pag ring ng bell namin, dali-dali niya kaming nilapitan. Eh si Izel? Hindi sya pumasok sa dalawang natira naming subject. Ewan ko ba sa lalaking 'yon kung saan nagpunta.
"Sa pagkakatanda ko.." napalingon ako kay Letson. "Never ko pa'ng nakita silang close ah?"
"Exactly! Kaya nga nagtataka ako sa ginawa niya kanina." komento ko tsaka lumingon sa labas. Ang totoo niyan may alam ko na kung bakit gano'n ang reaksyon ni Izel. Gusto ko lang i-share sa mga kaibigan ko para naman may mabuo silang teorya na baka may gusto si Izel kay Cindy. Hindi ko kayang magtago sa mga kaibigan ko pero hindi ko rin naman kayang traydurin nalang si Izel kaya ganito na lang ang ginawa ko.
'Ang talino ko talaga'
"Paano kung..." agad akong napalingon kay Patrick. Siguraduhin mong hindi ako ma-di-dissapoint sa'yo ah. "Magkaanak pala yung dalawa?!" napakamot ako sa dulo ng kilay ko sa inis at pagka bigo.
"Oh, baka!" sunod akong napalingon kay Letson. Nanlalaki ang mata niya sa amin habang nakataas ang kaniyang kaliwang hintuturo. Para ba'ng nagkukwento sya ng isang horror story. "May gusto si Izel kay Azrael!" napahawak ako sa bunganga ko habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Letson.
'Jusko naman Letson. Unting-unti na lang eh. Sa susunod nga masubukan kong ihawin kita.'
"Paano magkakagusto si Izel kay Azrael? Eh hindi naman bakla si Izel eh!" pangongontra ni Patrick kay Letson.
"Alam niyo? Kakaiba 'yang pag-iisip niyo. Bilib nga ako eh, napapasa niyo yung grades niyo," sarkastiko kong sabi sa kanila na sinundan ko ng pag buntong hininga.
"Oh? Nandito pala kayo?" napalingon silang dalawa sa likod ko kaya naman nakigaya na rin ako sa kanila. Bumungad sa amin ang grupo ni Azrael. Sila yung nakisali sa team namin sa ML. Natatandaan ko pa kung sino-sino sila. Si Christian, Tristan, at ang nakayukong si Azrael. "Sali kami ah." nakangiting sabi ni Tristan. Hinila nya yung mesa na nasa tabi namin at dinikit ito sa dulo ng mesa namin. Isa-isa naman nilang hinila ang tatlong upuan at naupo sa tapat ng mesa na kanilang hinila.
"Ate! Tatlong lugaw po!"nakangiting sabi ni Christian sa ale. "May kasama pong itlog ah!" pandagdag pa niya.
Palihim ko namang nilingon ang tabi ko na si Azrael. Kahit hanggang ngayon ay naka yuko pa rin siya at mukhang hindi sya komportable sa tabi ko.
"May local tournament daw sa August ah." napalingon kami kay Christian. "Sali tayo."
"Pass." agad kong sabi. Matik namang nangunot ang noo nila Patrick at Letson.
"Huh? Huwag mo sabihing magbabagong buhay ka na sa August?" natatawang sabi ni Patrick "Naks, naka plano na ah." aniya at tumawa pa lalo. Inis ko naman siyang binatukan.
"Anim na buwan pa bago mag August at malamang..." kinuha ko ang baso na naglalaman ng malamig na tubig, "May mas importante akong aasikasuhin sa buwan na 'yon" ika ko at uminom.
"Ano naman?" kunot noong tanong ni Letson. Bago sumagot ay inubos ko muna ang tubig at ipinatong sa ibabaw ng mesa.
"Ewan." tugon ko na sinabayan ko ng pag bikit balikat.
Patuloy ang kanilang kwentuhan at tawanan habang katahimikan naman ang namumuo mula sa pagitan namin ni Azrael.
"Labas muna 'ko." gulat akong napalingon kay Azrael at maging sya ay ganun din ang reaksyon nang sabay naming sabihin 'yon. Napatigil naman sa tawanan ang mga kaibigan namin at lahat sila ay napatingin sa amin.
"Edi lumabas kayo." natatawang sabi ni Tristan tsaka muli silang nagtawanan.
Hindi ko na sila pinansin at lumabas nalang ng lugawan. May nakita akong bench sa gilid kaya agad akong umupo roon. Uupo na rin sana si Azrael pero mukhang nagbago ang kaniyang isip at tumayo nalang sa gilid. May espasyo pa naman sa bench kaya ba't 'di sya maupo?
Itinuon ko ang paningin ko sa kalsada. Maingay ang paligid dahil sa mga kotse at motor na dumadaan sa gitna ng kalsada. Sunod ko namang itinuon ang paningin ko sa gate ng school namin na kaharap lang ng lugaw na kinakainan namin.
"T-tungkol pala sa sinabi mo sa akin..." napalingon ako kay Azrael. 'di ko naman inaasahan na nakatingin rin pala siya sa akin dahilan para magtama ang paningin namin, "P-Paano mo nalaman... A-ang tungkol sa pagkamatay ng k-kaibigan ko?" matunog akong napangisi at muling nilingon ang kalsada.
"Narinig ko na... nagpakamatay ang kaibigan mo noong 4th year highschool kayo." ipinag krus ko ang braso ko at sumandal sa sandalan ng bench. "At sinisi mo ang sarili mo dahil nag-away kayo noong oras na 'yon bago siya mamatay." wala akong narinig na tugon sa kaniya."Pasensya na kung nasabi ko sa'yo 'yon. Gusto ko lang malaman mo na..." sinulyapan ko sya at muling nagtama ang paningin namin. "Hindi ako basta-basta. Na sa oras na ipagkalat mo ang narinig mo mula sa akin, hahanapan kita ng baho." ibinaba ko ang paningin ko papunta sa kaniyang adam's apple. Nakita ko ang kaniyang pag lunok na nagpangisi sa akin.
"M-Masyado kang misteryoso." aniya at pilit na ngumiti. "Gusto ko'ng malaman ang buo mong pagkatao pero..." lumawak ang kaniyang ngiti pero sa oras na ito ay tunay na ang kaniyang ngiti. "Nang sabihin mo ang dahilan mo, pakiramdam ko nasa harap ko lang si kamatayan." mahina akong natawa at muling nilingon ang kalsada. Naramdaman ko ang pag uga ng bench kaya nilingon ko ang gilid ko. Napagtanto ko na umupo na pala si Azrael sa gilid ko.
"Tungkol nga pala sa nangyari kanina..." napababa sya ng kaniyang tingin. "Gano'n ba talaga ang trato sa'yo ni Cindy noon pa man?" marahan siyang umiling.
"Maayos ang relasyon namin noong nag uumpisa kami, pero habang tumatagal, nagbabago na ang ugali nya na tinanggap ko naman. Pero..." bumuntong hininga sya at nilingon ang maingay na kalsada, "Mas lalong lumala ang ugali niya ngayong buwan. Minumura na niya ako, sinasampal, sinasabunutan, pinapahiya, at sinisigawan. Mas lalo ring nagiging makasarili sya at sa t'wing may magagawa akong mali kahit na mababaw lang ay nagwawala siya." gusto kong humalakhak pero baka masapak lang ako ni Azrael kaya kinimkim ko nalang ang lahat sa loob ko. Pareho talaga sila ng nanay niya. "Pilit ko siyang iniintindi dahil baka nga stress lang siya sa school o may problema ang pamilya nila. Pero nang pahiyain niya ako sa harap ng maraming tao at... tratuhin niya ako na para ba'ng hindi niya ako nobyo-" Napahawak siya sa kaniyang dibdib at paulit ulit itong pinagpapalo. Iniyuko niya ang kaniyang ulo at maka ilang saglit ay narinig ko ang malakas niyang paghikbi. Sinilip ko ang mukha niya at natanaw ko ang sunod-sundo na pagtulo ng kaniyang luha.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kaniya. Hindi ako magaling sa pag advice ng tao o pag comfort ng isang tao dahil katulad nga ng sinabi ko, hindi ako mahilig sa drama.
'Pero 'di ako mapakali!'
Unti-unti kong ini-angat ang braso ko para sana himasin ang kaniyang likod nang may marinig akong pamilyar na boses na nanggagaling sa gilid ni Azrael. Pag lingon ko ay bumungad sa akin si Izel na hawak-hawak sa bewang si Cindy at mukhang papunta sila sa gawi namin.
Agad akong napalingon kay Azrael dahil inaalala ko na baka angatin niya ang ulo niya at makita ang dalawa.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" malambing na tanong ni Cindy kay Izel. Agad ko namang iniyuko ng bahagya ang ulo ko para hindi nila ako makita. Tumigil ang dalawa sa tapat namin tsaka hinarap ni Izel si Cindy at hinawakan sa magkabilang pisngi.
"'Diba nga sabi ko surprise?" nakangiting sabi ni Izel. "Let's go," akala ko'y makakahinga na ako ng maluwag dahil aalis na ang dalawa pero unti-unting iniangat ni Azrael ang kaniyang ulo at kung aangatin niya ng tuluyan ang kaniyang ulo, siguradong makikita niya ang mukha ni Cindy. Kaya bago pa man niya iangat ang kaniyang ulo ay hinila ko ang manggas niya palapit sa akin at ikinulong siya sa bisig ko.
'Okay, kailangan kong magtiis'
Naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng kaniyang puso. Malamang hindi niya inaasahan na yayakapin ko siya pero kung hindi ko gagawin ito, baka mamaya magwala na siya sa gitna ng daan.
Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko patungo kay nila Izel na dire-diretso ang paglalakad hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
Nang masiguro kong nasa likod ko na sila ay agad kong tinulak palayo si Azrael at dali-daling bumalik sa loob ng lugawan.
"Tagal niyo ah? Anong pinag usapan niyo?" tanong ni Patrick sa akin. Hindi ko siya pinansin hanggang sa hindi ako nakakaupo.
"Tungkol lang sa nangyari kanina." pagdadahilan ko tsaka nilingon si Azrael na naglalakad papasok sa lugawan habang tulala ang mukha.
"L.A." nilingon ko si Tristan na nasa tabi lang ni Patrick. "Pinapaalala ko sa'yo, may Cindy na 'yang si Azrael." aniya sabay tingin sa paupong si Azrael. "Oh, 'tol bakit mukhang tulala ka diya'n?"
"H-huh?" nauutal na sabi ni Azrael. Nilingon niya ang kaniyang kasamahan hanggang sa ako naman ang kaniyang nilingon. Natigilan pa siya nang magtama ang paningin namin kaya matunog akong ngumisi.
' Gano'n ba ako sobrang nakakatakot para umarte siya ng ganyan?'
Makalipas ang limang minuto ay nagpaalam na kami sa isa't-isa para umuwi. At si Azrael? Ayun, naiilang pa rin sa akin. Kung alam lang niya ang dahilan kung bakit ko ginawa 'yon sa kaniya, baka maglumpasay siya diya'n sa sahig sa kakaiyak.
"LET'S GOOO!" pahiyaw na sabi ni Letson. Nakaka dalawang hakbang pa lang ako nang biglang tumunog ang telepono ko. Huminto rin naman sina Patrick at Letson at sinenyasan na sagutin ko ang tawag ko.
Kinuha ko ang telepono ko na nasa loob ng bulsa ng palda ko. Bumungad sa akin ang pangalan ni Professor Zhaiminous. Nag aalinlangan pa ako kung sasagutin ko ito pero mukhang emergency ang dahilan ng pag tawag niya dahil minsan lang niya ako tawagan at kadalasan ay kapag kailangan niya ng tulong mula sa akin.
Pinindot ko ang kulay green na buton tsaka tinapat ko ang phone ko sa tenga ko. Lumayo ako kay nila Patrick at Letson at nang ibaling nila ang paningin nila sa akin ay pilit na lamang akong ngumiti.
"L.A, I need your help."
"Wala na ba'ng bago sa linya mo'ng 'yan?" naiinis na tanong ko.
"Remember the killings that are happening in your school?"
Saglit akong natigilan. Ano namang koneksyon no'n sa pagtawag niya? "Oo... bakit?"
"There's someone plotting a heinous crime to destroy the world."
Nanliit ang mata ko. "Seryoso ka diya'n?" natatawang sabi ko. Mukhang nasosobrahan na yata siya sa kababasa niya ng libro.
"Geez, L.A! I'm freaking serious here! We need to meet in person, so I can tell you the details. Hurry up!"
"Sanda—" naputol ang pagsasalita ko nang ibaba na niya ang linya. Inis kong binaba ang telepono ko at pilit na kumalma sa pamamagitan ng sunod-sunod na pag buntong-hininga.
'That old man!'