Chapter 1 (the promise)

2261 Words
[Dominique POV] Masama bang umasa ka na mahalin ka ng taong matagal mo ng minamahal? Masama bang asamin mo na tatapunan ka niya ng pansin kahit sulyap lang? Ano ba ang wala sa akin na nakikita niya sa iba? Maganda naman ako, matangkad kaya nga ako nag papart time model dito sa amerika minsan dahil sa tangkad ko na 5'8. Isama mo pa ang magagandang hubog ng katawan ko. I'm not just a typical model actually photography ang hilig ko at trabaho ko talaga and I am a well known photographer here in New York. I am Martina Dominique Illustre. Maraming kumukuha sa akin dahil sa kakaibang pagkuha ko ng litrato, many other people said that buhay na buhay ito. Para bang nasa loob ng litrato ang lahat ng kinukuhanan ko. I can't explain what they're talking about. Basta ang alam ko kapag kumukuha ako ng picture. I am capturing their greatest emotions at iyon ang lumalabas sa aking mga picturesko. And I also love what Im doing kaya rin siguro ganoon bata pa ako passion ko na ito. Malakas kong ibinato ang magazine na kabibili ko lang sa mall kanina. Tumama iyon sa dingding at bumagsak iyon malapit sa pintuan. Nagagalit ako dahil sa mga nakalipas na taon kung sino sino ang nakikita kong kasama niya sa picture. Kung sino sino ang kasa - kasama niya sa lahat ng events na pinupuntahan niya and goddammit! Lamang na lamang naman ako sa kanila! Bakit ba hindi niya ako mapansin? Sa bagay ni hindi nga niya ako tinatawagan, ni hindi niya ako pinapasyalan. Mabuti pa si Marcus, ang kapatid niya lagi na lang present sa lahat ng okasyon sa aking buhay. Walang kapalya palya minsan nga naiisip ko siguro may gusto sa akin ito pero napakalabong mangyari noon. He's like a brother to me. We used to be close noong mga bata pa kami. Ako ang bunso nila ni Kuya Marcus. Since namatay ang kapatid nilang babae na si Princess. Itinuon nila sa akin ang pagmamahal at atensyon na dapat ay para sa kapatid nilang namatay. Pero nagbago ang lahat ng magbinata si Kuya Nate at ng mapunta ako sa Amerika. It changes everything between us. Actually kinakapatid ko sina Nate at Marcus. Ninong ko si Tito Bernard at magkaibigang matalik ang mga magulang namin pero maaga akong naulila and worst nawalang parang bula ang lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko. They died in a car accident. Dead on arrival si mommy sa hospital ng makarating doon. But my daddy nakausap ko pa siya bago siya mawalan ng buhay. I was only 5 years old then while Nate is 10. I remember that tragic day it was my graduation day in nursery. Nauna kami ng yaya ko sa school dahil sa office magmumula sila dad and mom but-------- ============================================== [NATE POV] I don't know kung bakit ako napasok sa ganitong sitwasyon. I was a kid for christ sake when I promised to Tito Johnny that I will marry her daughter and I will take care of her. Habang nabubuhay ako. Bata pa ako ng mga panahon na yun. At napakalaki ng pagsisisi ko ngayon dahil malapit na siyang umedad ng 23, six months na lang babalik na siya dito at Damn! hindi ako makakapayag na mangyari yun. Sapat na ang pinag aral ko siya at nagpapadala ako ng sustento sa kanya! Sobra na kung papakasalan ko pa siya! dahil ayaw ko pang magpatali. Wala pa akong balak lumagay sa magulong buhay. No, I don't want that. flashback 18 years ago----- " Nicky.!" malakas na tawag ko sa batang babae na inaanak ni Mom and Dad. I find her cute and bubbly. She's pretty too, mataas din ito sa edad na 5 taon. Pero hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at sakit para sa kanya. Magkaibang matalik ang aming mga magulang kaya medyo sa amin halos lumaki si Nicky. Alam kong iiyak at masasaktan siya kapag nalaman niya ang nangyari sa kanyang mga magulang. Nakita ko ang pamimilog ng mga mata nito ng makita niya kami. Halos madapa pa nga ito dahil sa pagtakbo kaya sinalubong ko na ito. " Kuya, ano pong ginagawa niyo dito? Papanoorin niyo po ba akong sabitan ng medal kasi po first honor ako." puno ng pagmamalaking sabi niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako. " Why are you crying kuya? May sakit ka ba? May masakit ba sayo?" mausisang tanong niya sa akin habang masuyong pinapahid ng maliliit niyang kamay ang aking mga luha. I felt sorry for her, para ko na rin siyang kapatid. Bago pa ako makasagot, nakalapit na sina MOM at DAD " Come on Martina, may pupuntahan tayo at pinapasundo ka ng Mommy at Daddy mo. Sabi nila kailangan ka na nilang makita kaya palalagpasin muna natin ang graduation mo. Pwede ba yon lil' Princess." pagpapaliwanag ni mommy kay Nicky. " Ay, ganoon po ba? Kung importante naman po talaga sige po sasama na ako. Marami pa naman pong darating na graduation sa buhay ko kaya------ tara na po.! " masayang pagsang ayon nito. Ang hindi niya alam malaking trahedya ang nangyari sa mga magulang niya. Nang makarating kami sa ospital agad kaming sinalubong ni Yaya Lucing pati na rin si Marcus. Alam kong nagtataka na si Nicky kung bakit kami nandito sa hospital pero wala pang may kakayahang magsabi sa kanya ng katotohanan na naaksidente ang mga magulang niya. And her Mom died at ang Dad niya ay nasa ER pilit na isinasalba ng doctor para mabuhay pa. " Lil' princess, ahh alam ko mahirap paniwalaan ang lahat ng sasabihin ni Tita but I want you to know na kahit anong mangyari nandito lang kami para sayo ha? Kasi anak ang m-mommy at daddy mo------ naaksidente. W-Wala na ang m-mommy mo p-pero-------- Kitang kita ko kung paano nagbago ang masayang mukha ni Nicky from happiness to sadness and she was crying silently. Walang katunog tunog tulala siyang nakatingin kay mommy habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha nito. Ang sakit sakit lang ng nararamdaman ko dahil pakiramdam ko dinukot ang puso ko dahil sa nakikita kong pag iyak niya. Niyakap siya ni mommy, umiiyak na rin ito habang inaalo alo niya si Nicky pero wala akong naririnig na tunog sa kanya. She's in shock. Inalog alog ni mommy ito para matauhan pero wala pa rin. Nagsisimula ng kabahan silang lahat pero Ako----- nilapitan ko siya at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tinitigan ko siya sa mga mata saying. " Nickita umiyak ka lang, umiyak ka lang ng umiyak. Wag kang mag alala nandito si Kuya Nate para magpahid ng mga luha mo. Nandito sina mommy at daddy para yakapin ka at si Kuya Marcus para patahanin ka. Umiyak ka lang ng malakas. Walang magagalit sayo kasi masakit hindi ba? Alam ko masakit kasi nasasatan din ako para sayo. " lumuluhang sabi ko. At doon lang namin narinig ang mahinang paghikbi niya na lumakas ng lumakas parang bigla siyang natauhan sa mga sinabi ko. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. " Mommyyyyyy b-bakit b-bakit? Iniwan na niya a-ako? P-Paano si N-Nicky k-kuya Nate? W-Wala n-ng m-magmamahal s-sa akin. W-Wala n-na s-si m-mommy." paputol putol niyang sabi habang umiiyak. It breaks my heart seeing her like this. Naramdaman ko na lang may yumakap sa aming dalawa. Its dad and he was crying too. " Lil' princess, nandito pa kami nila tita at kuya Marcus mo at saka si daddy mo buhay pa siya kaya wag kang malungkot. Kasi malulungkot din si mommy mo kapag nakita ka niyang ganyan. Kung nasaan man siya ngayon alam kong binabantayan ka na niya ngayon. She's your guardian angel now, kaya wag kang malungkot." Nag angat siya ng mukha dahil doon umiiyak pa rin ito pero pinipilit nitong ngumiti kaso patak ng patak ang mga luha nito." Talaga po tito? guardian angel ko na po si mommy? Sana po hindi siya malungkot kasi na niya kami kasama ni daddy " Sasagot pa sana si dad ng marinig namin ang tinig ng doctor. " Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Mabilis kaming lumapit doon. " Ako po ang matalik niyang kaibigan. Kumusta na ang lagay niya doc?" kinakabahang tanong ni dad. " He's stable right now. Pero hindi ko po maipapangako na magtatagal pa ang buhay niya dahil masyado pong malala ang naging tama niya sa ulo. Maaaring kaunting oras na lang din ang nalalabi sa kanya. Kaya I'm sorry to tell you this but I want you to prepare yourself kung anuman ang mangyari. At isa pa nga po pala sino po si Nathaniel at Martina? Gusto po silang makausap ng pasyente." Agad akong lumapit sa doctor habang hawak ko ang kamay ni Nicky. Sinabi kong kami ang hinahanap ni tito Johnny. Mabilis na pinasunod niya kami sa kanya para makita na namin si tito habang nakasunod din sa amin si dad. Gusto kong maaawa sa kanya ng makita ko siya maraming nakakabit sa katawan niya. At narinig ko na ang malakas na pag iyak ni Nicky marahil dahil nabigla siya sa nakita niya. Who wouldn't be? kung ganito ang makikita niya. Nakakaawang tingnan ang daddy niya, agad na binuhat ng aking ama ito at inalo sa kanyang balikat. " Nate-----m-my b-boy. I-I w-want y-you t-to p-prmose m-me t-that y-you w-will t-take c-care o-of my d-daughter k-kahit a-anong m-mangyari. W-Wag n-na wag m-mo s-siyang p-pababayaan." hirap na hirap na sabi niya sa akin, ng makalapit ako sa gilid niya habang hawak ko ang kanan niyang kamay. " Don't worry tito no matter what happened hinding hindi ko po hahayaang mapahamak ang prinsesa natin. I will take care of her hanggang sa lumaki siya. Mahal na mahal ko po siya dahil para ko na po siyang kapatid. Umasa po kayo na nasa mabuting kamay siya." Ngumiti siya sa akin ng bahagya. Tumingin siya kay dad. " Bernard, y-yung n-napagkasunduan n-natin. S-Sana h-hindi m-mo s-sirain ang p-pangakong i-iyon. I-Ikaw n-na ang b-bahala s-sa l-lahat. S-Sayo k-ko i-ipinagkakatiwala a-ang munti kong prinsesa. S-Sayo k-ko na i-ibinibigay ang karapatan na a-alagaan s-siya, p-parang a-awa m-mo na w-wag na wag mong hahayaang m-masaktan siya." " Makakaasa ka sa akin Johnny. A promise is a promise. At hindi na iba sa amin si Martina, anak na naman ang turing namin sa kanya kaya rest assured she will be safe." " D-Daddy, iiwan mo na rin ba ako? Pa-paano na si Nickita? d-di ba a-aattend ka pa ng g-graduation k-ko? Pa-paano na po yung m-mga birhtday n-na darating s-sa akin? malungkot na iyon k-kung w-wala kayo ni mommy. D-daddy wag mo po akong iwan------ kasi kawawa naman ako. Di ba promise mo sa akin kapag ikinasal ako ikaw ang maghahatid sa akin altar--- sa s-simbahan? Paano na po iyon? HIndi mo na ma-makikilala a-ang mapapangasawa ko. Gaya ng kinukwento m-mo sa akin. P-Paano na po iyon? Hindi mo na makikilala ang mga magiging a-apo mo sa akin. Da-daddy wag mo akong iwan-----wag!" umiiyak na pagkakasabi niya sa daddy niya habang karga pa rin siya ng aking ama. Gusto kong matawa sa mga sinabi niya dahil akala mo ang tanda na niyang mag isip at magsalita. Biruin mo naisip niya iyon kasal, asawa at anak. Kakaiba talaga siya pero naisip ko siguro pinag uusapan nila iyon sa tuwing sila lang dalawang mag ama at hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang pangakong iyon------- "Don't worry Nicky pakakasalan kita, ako ang magiging asawa mo pag lumaki ka na. Kapag nasa tamang edad ka na, kapag tapos ka ng mag aral. Ipinapangako ko ako ang magiging asawa mo." seryosong pagkakasabi ko. Hindi ko nakitaan ng pagkabigla si daddy. Para bang inaasahan na niya ang sasabihin ko. May naglalarong ngiti sa mga labi niya dahil sa mga binitawan kong salita. Namilog ang mga mata ni Nicky dahil sa sinabi ko. " Ibig sabihin fiancee nakita? Talagang papakasalan mo ako kapag lumaki na ako, kuya? Pangako yan ha? Hinding hindi mo na mababawi yan kasi narinig na yan ni daddy at tito. Pinky swear natin yan." sabi niya sa akin ng makababa siya mula sa pagkakabuhat ni daddy. Kinuha niya ang hinliliit ko at idinikit niya ito sa hinliit niya. Lumapit sa hospital bed si Nicky at hinawakan niya ang kamay ni tito " Ayan daddy, natupad na po ang isang pangarap natin. Kilala mo naman pala ang magiging asawa ko. Si Kuya Nathaniel Montefalco, kaya wag ka na pong mag alala kung napapagod ka na po------ipinkit niyo na po ang mga mata niyo at magpahinga na kayo. Basta daddy mahal na mahal ka ng munting prinsesa mo." sabi niya pa. Tapos dinampian niya pinong halik ang kamay ni tito. Hindi ko mapigilang humanga sa batang babaeng nasa harap ko. Parang hindi siya 5 years old kung magsalita. Akala mo matanda na. Nakakatuwa talaga siya. Napakalakas niya, matatag. Naglakad ako palapit sa kanya at kinuha ko ang kamay ni tito na hawak niya. Napatingin sa akin ito. And I saw he's happy. " Tito, I promise you I will marry your daughter. Hindi ko po kayo bibiguin. Saksi po si daddy sa pangakong binitawan ko. " " I am very happy dahil sinabi m-mo yan Nathaniel, k-kung mawawala man a-ako s--sa m-mundo. Alam k-kong nasa mabuting m-mga kamay ang munti k-kong prinsesa. T-Tuparin m-mo ang p-pangako mo, aasahan k-ko yan. Mahalin at alagaan mo siya p-para sa akin." sabi niya habang tinatapik tapik pa ang kamay ko na nakahawak sa kanya. " I promise, tito Johnny."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD