Chapter 2 ( surprise visit)

2426 Words
[Dominique Pov] Wow I miss this place! Hindi ko akalain na kahit mainit ang klima dito sa Pilipinas hinahanap hanap pa rin ng katawan ko ang klima dito. This is the place where I truly belong. I am back and I am going to claim what is truly mine. Hinayaan ko siya sa lahat ng gusto niyang gawin . 6 years I think its enough time para magawa niya ang lahat ng kalokohan niya, ang lahat ng mga pambabae niya na nababalita sa mga magazine. Hinayaan ko siyang gawin niyang lahat yun kahit nasasaktan ako dahil alam kong sa bandang huli magiging akin siya dahil tutuparin niya ang ipinangako niya. Biglaan ang uwi ko dito sa Pilipinas ni hindi nga rin alam nina tita at tito idagdag mo pa si Marcus. I know mabibigla sila. I was here para sa one month vacation ko pero ang one big reason ko kung bakit ako umuwi ay para makausap ko ng masinsinan si Nate. Yeah my fiancée, 6 months from now Im turning 23. It only means kailangan na naming pag usapan ang kasal naming dalawa. I don’t care kung anong sasabihin niya, kung tatanggi siya but a promise is a promise ipapaalala at ipapakita ko sa kanya kung ano at sino ang pakakasalan niya.. Nandito ako sa NAIA napansin kong maraming napapatingin at napapalingon sa akin. Sa bawat daanan ko nakikita kong nakakakuha ako ng atensyon. Who wouldnt be? I am a beautiful woman. I have the height and a face that can turn your world upside down. I slowly walk like a model kaya mas lalo akong pinagtitinginan ng tao. Hindi ko na lang sila pinansin sanay na rin naman kasi ako sa New York. Sabi ng mga employees ko agaw atensyon daw ako. Hindi nga daw ako mapagkakamalang photographer mas mukha daw akong model. I did that when I was in college. I did the part time modelling para kahit papaano magkaroon ako ng sariling income, para kahit papaano hindi lang ako umaasa sa ibinibigay na tulong nga mga Montefalco, kay Nate. Mabilis akong tumawag ng taxi, mabuti na lamang at dalawang maleta lang ang dala ko at isang shoulder bag kung saan ang laman ay ang unang camerang binili para sa akin ni Nate noong 16th birthday ko. It’s funny because kahit saan ako magpunta lagi kong dala dala ito. Pinakaingat- ingatan ko ito dahil siya ang nagbigay. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makababa at makita ko ang kompanya ng mga Montefalco dito ako nagpahatid sa taxi driver. Tinitiyak kong magugulat sila lalong lalo na si Nate kapag nakita niya ako. Kailan ba kaming huling nagkita? It was my 18th birthday thats the last time we saw each other except nakikita ko siya sa mga magazine dahil pinagtchichismisan ng mga reporter ang buong buhay niya kasama ang ibat ibang babae niya. Hindi ko mapigilang mapailing dahil kung magpalit ito ng babae akala mo nagpapalit ito ng damit, linggo linggo iba- iba. Mabilis akong lumapit sa dalawang security guard sa main entrance ng buiding, kitang kita ko ang pagkatulala nila sa akin ng makita nila ako. Kinuha ko ang atensyon nila. “ Ahhmm, manong guard pwede po bang pakitulungan niyo akong buhatin yung dalawang maleta ko? Medyo mabigat kasi. “ sabi ko sa kanila habang nakatulalang nakatingin sa akin. “ Ahh maam, hindi po ba kayo nagkamali ng pinuntahan? Hindi po kasi hotel ito. Kompanya poi to. Kung gusto niyo po itatawag ko kayo ng taxi para maihatid kayo sa pinakamalapit na hotel dito." magalang na sabi sa akin ng isang security guard habang kumakamot kamot pa sa ulo nito. Napangiti ako doon at nakita ko pa silang namula ng makita nila akong ngumiti. " Hindi po ako nagkamali ng pinuntahan. Hindi ba manong guard Montefalco ang may-ari nito? Si Nathaniel Montefalco ang CEO ditto hindi ba? Wag po kayong mag alala kilala po nila ako, lalong lalo na ng CEO niyo. Kaya ang mabuti pa po pakibuhat na lang yung mga maleta ko papasok ditto at pakibantayan na lang. Aakyat po kasi ako sa CEO Office, pwede po ba?” tuloy tuloy kong sabi habang pumapasok sa loob at iniwan ko silang nakatingin sa isat- isa. Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy tuloy ako sa reception area. May dalawang magandang babae na nakatayo doon busy sila dahil may kausap sila sa telepono. Lumapit ako sa kanila at nakita ko silang natigilan at nagkatitigan. “ Good morning, can you please tell me what floor is the CEO’s office?” magalang na tanong ko sa kanila. Pero bigla akong nakaramdam ng pagkairita ng makita kong tumaas ang kilay nila sa akin na parang --------- “ Do you have an appointment maam? Can I have your name para po ma-confirm naming kung ngayong araw na ito ang appointment niyo?” mataray na sabi sa akin ng babaeng mukhang nakalunok at uminom yata ng dalawang galong glutathione. Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit ako sa lamesa nila. Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa. Ito ang pinaka ayaw ko yung tinatarayan ako dahil kung tarayan lang ang pag uusapan wala pang nanalo sa akin. “ What’s your name you two? Kailangan ko pa bang sabihin ang pangalan ko at humingi ng appointment sa inyo para Makita ang fiancée ko?” mataray na sabi ko sa kanila pero laking gulat ko ng tumawa sila ng malakas kaya lalong nag init ang ulo ko. “ Sorry maam laos na po yang style niyo. Bumenta na po yan, halos lahat ng babaeng pumupunta ditto para Makita ang boss naming iyan ang sinasabi nila. Kaya kung ayaw niyong ipakaladkad naming kayo sa security guard ditto mas mabuti pang umalis nap o kayo bago magkaroon ng eskandalo.” matapang na sabi sa akin ng babaeng mukhang kawayan. Aba at napagkamalan pa talaga nila akong sinungaling at desperada. Nakakainis talaga ang damuhong lalaking iyon. Siguro kung sinu-sino ang babaeng pinapupunta niya ditto. Haaissst, makakatikim talaga sa akin ang lalaking iyon oras na magkita na kami. “ You know what why don’t you call your boss right now at sabihin mo na naghihintay dito sa ibaba si Martina Dominique Illustre!” medyo tumaas na ang boses ko dahil sa nakakaasar na ipinapakita sa akin ng mga babaeng ito.. The moment na binanggit ko ang pangalan ko natigilan sila at nakita ko ang takot sa mga mukha nila, ang pamumutla nila. Mukhang nakilala na nila ako dahil kilala ako sa buong mundo dahil sa pagiging Photographer ko. Alam kong ilang beses na akong nai- feature sa magazine at sa mga news kaya hindi nakakapagtatakang mamukhaan nila ako.” M-Martina D-Dominique Illustre po? I’m sorry maam, nasa 25th floor po ang CEO’s office. Gamitin niyo nalamang po yung private elevator para diretso na kayo. Iyang pong elevator na nasa kanan.” nauutal pang pagkakasabi sa akin nung babaeng sobrang puti. Nang marinig ko iyon mabilis akong naglakad papunta doon at pumasok ako sa private elevator na sinabi nila. Hindi ko na tiningnan ang reakyon nila at ang sasabihin nila dahil wala akong oras sa mga ganung klaseng tao. 23 24 25 "ting" Napabuntong hininga ako ng magbukas ang elevator. This is it, makikita ko na rin siya sa wakas ng personal. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako? Pagkalabas na pagkalabas ko sumalubong sa akin ang isang babaeng may edad na, siguro mga late forties na siya. Mukha siyang mabait kumapara doon sa dalawang babaeng nandoon sa reception area sa lobby. “ Good morning maam, what can I do for you? Ohh silly me for asking that, ah may appointment ba kayo ngayong araw na ito?” na tanong niya sa akin. “ No, actually I just got here straight from the airport para makita sana si Nate. I am Martina Dominique Illustre. I just want to surprise him sana.” kitang kita ko ang pagkabahalang sa mukha niya na para bang may itinatago siya. Patingin -tingin din siya sa pintuan ng opisina ni Nate. Bago pa ako makapagtanong nagsalita na siya. “ Illustre? The famous photographer? Ah maam may kausap pa po siya ngayon sa office niya. Would you mind if you wait here for a minute, matatapos na rin naman po sila. Please have a seat maam. What would you like to drink juice, water or coffee? “ medyo kinakabahang tanong niya sa akin. “ Orange juice na lamang po. I’ll just wait here na lang hanggang matapos yung pakikipag usap niya sa taong nasa office niya” kitang kita ko ang relief sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Ngumiti uti sa akin bago tuluyang tumalikod para kumuha ng orange juice. Pero pagkatalikod na pagkatalikod niya mabilis akong tumayo at walang sabi sabi kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Nate. And guess what? gusto kong tumawa dahil sa eksenang nadatnan ko. Gusto kong manakit at hatakin ang buhok ng babaeng nakikipaglampungan sa lalaking magiging asawa ko. Nakahiga lang naman ang babaeng iyon na halos hubad na sa ibabaw ng lamesa ni Nate habang ang poncio pilatong lalaki na ito ay hinahalikan niya kung saan saan ang babaeng iyon. Kitang kita ko ang pagkagulat nila ng makapasok ako. It’s epic halos hindi sila magkandatuto sa pag aayos ng sarili nila at halos umusok ang ilong ko dahil sa sinabi ng impaktang babaeng iyon. “ Hey b*tch, wait for your turn. Akin siya ngayong araw na ito baka nakakalimutan mo! So you better get out of here bago kita kaladkarin palabas ng opisinang ito!” galit na pagkakasabi niya sa akin. Napatingin ako kay Nate at kitang kita ko ang pagkabigla, pagkamangha sa mukha niya ng makita niya ako. Parang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. Aba at talagang may lakas pa siya ng loob na tawagin akong 'b*tch'. Ginaya niya pa ako sa kanya ehh kung tutuusin wala pa siya sa kalingkingan ng kagandahan ko. Tinaasan ko siya ng kilay at ano ang ibig sabihIn niya na ngayong araw na sa kanya si Nate? Ibig sabihin by day? iba -ibang babae ang----- napailing ako ng ilang beses dahil sa nakikita ko sa isipan ko. What a manwhore?!! the fvck !! “ Hey b*tch! I am not like you, so kung may natitira ka pang hiya sa mukha mo aalis ka ditto dahil iyang lalaking nilalandi mo ay ang lalaking pakakasalan ko! So para mas maintindihan mo, I am her fiancée! So you better get out right now! Kung gusto mo pang may matira pang buhok sa ulo mo!” galit na galit na sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay at nakapameywang. Hindi ko akalain na ganito pala ang mga tipong babe ni Nate. Parang clown sa kapal ng make up sa mukha, mukhang galing sa mayamang pamilya dahil lahat ng suot nito ay designers label. Pero mukha silang mga cheap, di hamak naman mas maganda ako sa kanila. “ F-Fiancee? You mean i-ikaw a-ang finacee niya?” nahihintakutang pagkakasabi niya. “ Tama ako nga. Kaya umalis ka na ngayon din. Kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga security guard sa labas!” kitang kita ko ang pagkataranta niya habang isinusuot niya ang stilettos niya at nagmamadali itong lumabas sa opisina ni Nate. Nagkatinginan kami. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya dahil pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang isa akong mikrobyo sa isang microscope. Galit na galit ako, to the point gusto kong gumanti dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga nadatnan ko. My god, ganito ba lagi ang ginagawa niya? Kaya ba ganoon na lang ang sinabi sa akin ng receptionist sa ibaba kanina? Ganito ba talaga katalamak ang pambabae niya? Hindi ko namalayan na nakalapit na ako sa kanya halos ilang pulgada na lang agwat namin. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin kung bakit ko nagawa sa kanya iyon. "booooooogggsssshh" Sinuntok ko siya sa kanang pisngi niya at dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya halos naramdaman kong namanhid at nawalan ng pakiramdam ang kanang kamao ko. Napaatras siya ng bahagya dahil sa ginawa ko at kitang kita ko ang pagdugo ng labi niya. Hindi ko napansin na may tumutulo na pa lang luha sa mga mata ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. “ What the hell! Why did you punched me, Nickita!!” galit na galit na sigaw niya. Nickita, that's my pet name kapag galit na galit siya sa akin. Dati kapag naaasar at napipikon siya sa akin nung mga bata pa kami. At talagang siya pa ang may ganang magalit sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya at talagang kailangan pa niya akong tanungin kung bakit ko ginawa iyon? Bago ako makasagot nakarinig ako ng pagkabasag ng baso sa likuran ko. Kaya napalingon ako at kitang kita ko ang pagkagulat at pagkabigla sa mukha ng sekretarya niya, siguro nasaksihan nito ang ginawa ko. Mabilis akong humarap kay Nate. Pinunasan ko ang mga luha ko sa mukha ko, pero ang pesteng mga mata ko ayaw tumigil sa pag luha. Ang dibdib ko naninikip dahil sa nararamdaman kong sakit. This is what I get all those years of missing him badly. Ito talaga ang isasampal niya sa akin. Ang katotohanang wala akong halaga sa kanya. Nang magpasiya akong umuwi ditto sa Pilipinas nakahanda akong ipaglaban kung ano ang akin. Pero bakit ang sakit sakit? “ You deserved it! You a**hole! For doing this to me! For hurting me!! For hurting me over and over again!!” umiiyak na sigaw ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagbabago bago ng emosyon sa mukha niya. Pagkabigla, galit, at pag aalala. Napatingin siya sa kanang kamay kong hawak hawak ng kaliwang kamay ko.. Nakakaramdam na rin kasi ako ng sakit doon, pakiramdam ko nabali ang mga buto ko doon dahil sa lakas ng impact ng pagkakasuntok ko sa kanya. Tiningnan ko iyon at bahagya na itong namamaga . Napakagat labi ako dahil doon. s**t and damnation. Bakit kasi ginalit ko pa ang kanang kamy ko. Ito pa naman ang pinagkakakitaan ko. Ito ang ginagamit ko sa pagkuha ng pictures. I think na-sprain k oito. s**t lang! Parehas pa kaming nagulat ng marinig namin ang malakas ng boses na iyon. “ Nicky? Is that really you? What are you doing here?” tanong ni Marcus. Humarap ako sa kanya at kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya ng makita niya akong umiiyak at hawak hawak ko pa ang aking nasaktang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD