Chapter 3 (Truth Hurts)

2063 Words
Chapter Three [Dominique Pov] “ Nicky? Is that really you? What are you doing here?” Malakas na tanong ni Marcus. Humarap ako sa kanya at kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya ng makita niya akong umiiyak at hawak hawak ko pa ang aking nasaktang kamay. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ng marahan ang aking kanang kamay. Narinig ko pa ang malakas ng pagmumura nito. “ What the hell happened to your hand?! Namamaga na yan, baka nabalian pa yan ng buto Nicky?!” Malakas na sigaw niya. Lalo tuloy akong napaiyak dahil sa mga sinabi niya. Ang tanga -tanga ko naman kasi bakit ba sinuntok ko pa siya? Hindi ko na lang sinampal eh di sana walang injury ang kamay ko. “Hey, stop it. Shet! Sobrang sakit ba? Ano ba kasing nangyari at nagkaganyan ang kamay mo?!” Puno ng pag aalalang sabi niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha kong pumapatak sa aking mga mata. Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang malamig na tinig niya. “ Kung maglalampungan kayo, wag dito sa harapan ko. Do it on private! Mas mabuti pang dalhin mo na siya sa ospital at ipatingin mo yang kamay niya. Baka nabalian pa yan maging kasalanan ko pa! Now get out of my sight both of you! Nakakaistorbo kayong dalawa!” Malakas na pagkakasigaw niya sa aming dalawa. Lalo tuloy uminit ang ulo ko dahil sa mga sinabi niya. Lampungan? Nakakaistorbo pala ha kaya pala halos makipagsex na siya sa ibabaw ng lamesa kanina. Kung hindi ako dumating malamang may ginagawa na silang milagro kanina. Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya------- “ Ang kapal talaga ng mukha mo! Ikaw na nga may kasalanan kung bakit nagkanito ang aking kamay, ikaw pa itong may ganang magalit! Para sabihin ko sayo kung makikipag s*x ka naman wag dito sa loob ng opisina mo! Matuto ka naman mahiya, pasalamat ka nga ako lang ang nakakita dahil kung ibang tao pa ang nakahuli sa inyo malamang lamang pinagpepyestahan na kayo ng mga tao! Kakaiba ka talaga! You’re such a manwhore!” Galit na galit na sigaw ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako ng maunahan ako ni ng kanyang kapatid. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. “ What?!!” “ She punched me on the face! Wala akong kasalanan sa kanya, siya pa nga ang nanakit sa akin. Look at my lips dumudugo dahil sa amasonang babaeng yan! Umalis na nga kayong dalawa dahil marami pa akong gagawin, nakaka istorbo kayo!” Pagtataboy niya sa aming dalawa. Why did I love this man too much? Kung wala naman siyang ginawa kundi ang saktan ako. Why did I gave my heart to him? Kung hindi naman niya ako pinahahalagahan. Kaya ko pa ba? Tama pa bang ipilit ko ang gusto ko? Yan ang mga tanong nasa isip ko habang umaalis kami ni Marcus sa opisina ni Nate. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin bago ako lumabas. Hindi ko alam kung ano ba ang mas masakit ang kamay ko ang puso ko. Tahimik lang ako habang naglalakad kami ni Marcus, hindi na rin siya nagsalita dahil alam niya ang ugali kong ganito kapag tahimik ako ayaw na ayaw ko ng tinatanong at kinakausap ako unless ako ang naunang magsalita. Malapit na kami sa entrance ng patigilin ko si Marcus at sinabi kong pakidala ang mga bagahe ko kitang kita ko ang pagkagulat niya ng makita niya ang mga dala ko. “ Wag mong sabihin sa aking dumiretso ka dito pagkaling mo ng airport?” May halong inis na pagtatanong niya sa akin. Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya. Ayaw kong magsalita dahil any moment now, tutulo ang luha ko at mahihirapan na naman akong huminga dahil may asthma ako at mahirap pahintuan ang mga luha ko kapag nasimulan na. Napabuntong hininga na lang ito at inakay ako papasok sa sasakyan niya. Tahimik lang kami sa byahe, pasulyap sulyap lang siya sa akin habang nagdridrive siya. ============== hospital “ You are lucky walang nabaling buto base sa result ng X-ray mo. Kaya lang siya namamaga dahil nalamog ito. Ano bang nangyari sa kamay mo Ms. Ilustre?” Tanong sa akin ni Doctor Romualdes. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya mabuti na lang talaga walang nabaling buto. " Ahh, kasi po may sinuntok ako sa mukha sa sobrang galit ko po hindi ko na napigilan ang aking sarili.” Seryosong pagkakasabi ko sa kanya pero nakita ko ang amusement sa mga mata niya, hindi lang siya tumawa ng malakas pero napangiti ko siya. Marahan niyang hinawakan ang mga kamay kong namamaga. “ Ohh, nakakatakot ka pang maglait kung ganoon Ms. Illustre. Kawawa naming iyong lalaking nasuntok mo kung ganoon. Siguro may pasa na siya ngayon. Mukhang ibinigay mo lahat ang pwersa mo sa suntok na iyon.” “ Mga ilang weeks aabutin bago tuluyang gumaling ang kamay niya, doc?” May diin na pagtatanong ni Marcus na mapansin niyang hindi pa rin binibitawan ng doctor ang aking kamay na may pinsala. Tila naman napasong binitawan niya iyon ng mapagmasdan niya ang itsura ng lalaking aking katabi. “ Ehem, 1-2 weeks. At para mas mapabilis ang paggaling niyan. Iwasan mong pwersahin. Resetahan kita ng pain reliever para kung sumakit iyan mabilis na mawawala. 3 times a day mo siyang iinumin. Then ibabad mo sa palanggana na puno ng yelo ang kamay mong may pinasala, mga 5 minutes mong gagawin iyon para ma-lessen ang pamamaga.” Sabay abot sa amin ng reseta. Si Marcus na nga ang umabot noon. “ Okay, maraming salamat po, doc. Babalik na lang po kami dito 2 weeks from now.” Sabi ko at umuna na akong lumabas sa pintuan. Naglalakad na kami sa hallway ng magulat ako sa tanong niya sa akin, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. “ Why did you came home this early, Nicky? What is the real reason kung bakit nandito ka na ngayon? Hindi ka man lang nagpasabi sa akin para nasundo kita o kaya sa amin ni Mommy at Daddy. At saka totoo ba iyong sinabi mo kanina, na nakita mo si ku-------- Dahan dahang nagpapatakan ang mga luha ko sa mata kilalang kilala talaga ako niya ako. At talagang hindi niya ako titigilan hanggang hindi ko sinasabi sa kanya ang dahilan ng pagdating ko ng biglaan. Nakakaramdam ako ng hirap sa paghinga pero hindi ko iyon pinansin. Tumingin ako sa mga mata niya ng maramdaman kong nakahawak na siya sa magkabila kong pisngi, pinupunasan niya ang mga luha ko pero hindi iyon maampat ampat. “ I-I j-just want to get what is really mine. And that’s your big brother! Kinukuha ko lang iyong akin. Dahil akin siya! Siya ang magiging asawa ko. 6 months na lang ikakasal na kami pero wala akong nakikitang effort na tutupad siya sa ipinangako niya. Hinayaan ko naman siya sa pambabae niya, sa mga paglalaro niya dahil gusto kong magsawa siya--------pero ano iyong dinatnan ko? A-Ang s-sakit sakit lang------ sana sinampal na lang niya ako ehh.” Paputol putol kong sabi sa kanya habang lumuluha. Niyakap niya ako ng mahigpit mabuti na lamang at walang gaanong dumadaan sa hallway. Mangilan- ngilan lang, mga nurses na panaka- nakang sinusuyapan kami. “ Nagising ka na ba, Nicky? Kasi kung hindi pa, hindi lang iyan ang mararansan mo sa kanya. Sa kapatid ko kung ipipilit mo pa yang pagpapakasal niyo. Hindi pa nga kayo nakatali sa isa’t isa ganyan na ang ginagawa niya sayo ano pa kung mag -asawa na kayo? Patawarin ako ng diyos pero talagang mapapatay ko na si Kuya dahil sa ginagawa niya sayo! Wake up, Nickita! Madaming nagkakandarapa sayo! Nandyan lang sa paligid mo! Stop loving someone who don’t give a damn about you! Stop loving him because he always hurt you and made you cry!” Galit na galit niya sa akin ng bitawan niya ako mula sa pagkakayakap niya. Natulala ako sa mga sinabi niya. Ito ang kauna unahang sinigawan niya ako. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nurses na nagdadaan. Napamura lang ito, hawak hawak nito ang kanyang batok habang nakatingala sa itaas ng kisame. Huminga ito na maraming beses para kalmahin ang sarili nito. “ Sana ganun lang kadali Marcus, kasi kung utak ko lang masusunod, ayoko na. Pero itong pesteng puso ko ----- ayaw pa ring sumuko kahit pira-piraso na. Am I pathetic now? If I am loving someone who don’t care about me? Kung paulit ulit man niya akong saktan at patuloy ko lang siyang minamahal at tinatanggap, mukha na ba akong kaawa-awa sa iyong paningin, kuya Marcus? Kung pwede ko lang iuntog ang sarili ko ginawa ko na. Tell me, how can I unlove him? How?” Hirap na hirap na sabi ko. “ Love yourself first. Magtira ka para sa sarili mo Nicky. Wag mong ibigay lahat dahil sa bandang huli ikaw lang ang lalabas na talunan. Bata ka pa, marami ka pang makikilala. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Mas marami pang deserving sayo kaysa kay Kuya Nate, explore you world. Wag kang magmakaawa sa kanya dahil sinasabi ko sayo maraming magmamahal sayo kung bibigyan mo lamang sila ng pagkakataon------ kung imumulat mo lang ang iyong mga mata. Pumili ka ng taong mamahalin ka ng higit pa sa sarili n------- Napatigil ito sa pagsasalita ng mapansin niyang nahihirapan na akong huminga. Paputol putol na ito nakahawak na rin ang kaliwang kamay ko sa dibdib ko. My eyes start to water again, damn asthma attack again! “ Shet, Nicky! A-Asan ang inhaler mo?!” Nagpapanic na tanong niya sa akin habang pinapaupo ako sa upuan sa hallway. Tinuro ko ang bag ko at hinalungkat niya iyon agad nang makita niya iyon agad niyang itinapat sa bibig ko. 2 puffs, I hold my breath hanggang sa unti unting umayos ang paghinga ko. Nanghihinang napapikit ako. Naramdaman kong may mabining humaplos sa buhok ko, hindi ko mapigilang mapangiti. “ Damn Nicky! Y-you always made me worry with you. Mamamatay ako sayo ng maaga. Damn! Are you ok now? Kasi kung hindi magpa-injection ka na tutal nasa ospital pa naman tayo.” Umiling iling lang ako. Sobrang pagod ang nararamdaman ko. “ Take me home, sa condo mo. Doon na lang muna ako pansamantala tutuloy. P-Please, I want to rest. Samahan mo ako ha, kuya.” Pakiusap ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. “Ikaw pa, alama mo naming hindi kita kayang pabayaan eh.” Nakangiting sabi niya sa akin. [Nate Pov] Pagkalabas na pagkalabas nilang dalawa hindi ko mapigilang mapailing. Damn! That woman can punched! Shet! Nagulat ako doon hindi akalain na magagawa niya sa akin iyon. A very very unpredictable woman she is. And god she’s beautiful. I never thought that she will grow like that. Those hazel eyes of her that always captivated me when she was young, those natural red lips of her na parang kay sarap sarap halikan and those body of hers------------ god she's damn sexy as hell. Ang laki laki ng ipinagbago but nothing can change the fact that I don’t want to marry her. Dahil hinihintay ko siya. At nangako siyang babalik siya----------- Walang nakakaalam sa pamilya ko ng tungkol sa kanya. It was a secret relationship between me and her. The day she left to study abroad she promised me that she will come back and she will marry me. Until then hinihintay ko siya, dahil alam kong babalik siya. Alam kong nasasaktan ko na si Nicky. Sinasadya ko talaga siyang saktan para siya na mismo ang kusang bumitaw at umatras sa kasal na iyon pero-------- ang tibay tibay niya. I am literally hurting her kaya mas binabandera ko sa mga tao at media na marami akong babae at alam kong nakikita niya iyon. I am such a bastard by doing that to her. This is mess up. Sana bumalik na siya. 4 years, it’s been too long. Reece come back to me, baby. She’s a well known fashion designer in Paris. We have communication, actually I am visiting her twice a year or kung may pagkakataon lamang ako. Palihim iyon ng hindi nalalaman ng aking mga magulang. We kept it secret dahil siya ay anak ng lalaking kalaban ng aking ama sa negosyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD