Zederina's POV.
***
"Nagkiss kayo?/He's your first kiss?" Denny and Sab asked in unison.
Mariin naman akong napapikit. hindi manlang ba niya alam ang salitang privacy at secret? The last time I checked hindi naman tatanga-tanga ang main male character na ginawa ko!
"Yes/No!"
Nagkatinginan kami ni Mr.Fictional Character dahil sabay pa kaming nagsalita ngunit magkasalungat ang sagot.
"I-it was just part of the story. Ginawa niya y-yon para magsimula ang kwento!" Dipensa ko.
Yun naman kasi talaga ang sabi niya kanina eh. Oo nga at hindi parin ako ganoon kakumbinsido pero 'yon nalang ang naiisip kong dahilan para malusutan ang kahihiyan na ibinibigay sa akin ng lalaking 'to.
"Defensive much?" Pangaasar naman ni Denny kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Ano pa ba ang aasahan ko kay Denny? She won't be Denny if she's not annoying.
"Umuwi na nga kayo!" Pagtataboy ko sa kanila saka bumaling sa lalaki sa tabi ko. "Ikaw! Umuwi kana din!"
Tiningnan niya din naman ako saka sumagot.
"Dito ako titira kasama ka."
My eyes immediately widened at what he just said. Pakiramdam ko tatakasan ako ng bait at magiging kriminal ako ng wala sa oras. Is this guy for real?!
"A-anong---" mariin akong napa pikit habang pilit humahanap ng tamang salita. "Ano bang sinasabi mo diyan, huh?" I unbelievably said.
'Nababaliw na ba siya?'
Maloloka ako dahil sa lalaking 'to. Hindi ko pinangarap tumira sa mental.
"You made me. You should feed me, give me a comfortable home and be a good girlfriend." He said as if he is really my responsibility to take.
Hindi makapaniwalang tumawa ako. A sarcastic laugh. Naffrustrate na ako at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin ng matino.
"S-seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang sarkastikong usal ko. "Ikaw? Dito? Titira?" Itinuro ko pa siya at ang sahig.
"Eh kung lunurin kaya kita sa bathtub?" Inis na sambit ko.
Hindi ako makapaniwalang may mas makapal pa palang mukha kesa sa mukha ng ex ko.
"I'm serious. Tutulungan kita at ako naman, aalagaan mo bilang bayad sa tulong ko." He said it like it was a normal thing to do.
Parang gusto ko siyang sipain anytime sa mga sinasabi niya. Napaka kapal!
"Noway!!" I shouted out of frustration and annoyance. "Hoy mister! Hindi ko hiniling sa'yo na pumunta ka dito sa earth at umalis sa kung saan mang planeta ka nagmula kaya wala akong obligasyon sa'yo. At isa pa! Kapag nakita ka nila mommy baka mapasubo pa tayo sa hindi magandang pangyayari!" Mahabang letanya ko dito.
Hindi ko mapigilang magtaas ng bahagya ang boses dahil sa sobrang stress na binibigay niya sa'kin. Hindi ko malaman kung anong klaseng kasalanan ang nagawa ko at binigyan ako ng ganitong klaseng problema.
"Wala ang parents mo. At kung nandito man pwede mo naman akong ipakilala bilang boyfriend mo o kung gusto mo bilang fiance mo na." Simpleng sabi niya na parang walang mali sa mga sinasabi niya.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata habang siya naka ngisi lang. Jusko! Mababaliw ako ng wala sa oras dahil sa lalaking 'to!
"Bwiset ka! Hindi kita boyfriend at lalong hindi kita fiance! At anong wala ang parents ko? nandi---"
Napa lingon ako sa pinto nang marinig ko ang malumanay na katok mula rito na pumutol sa mga sasabihin ko pa. Agad akong naglakad palapit saka binuksan ito, pero hindi ko tinodo ang pagbukas dahil baka makita ang lalaki sa loob ng kwarto ko. Ayokong madagdagan pa ang problema ko kung may makakita sa kaniya at makarating ito sa parents ko.
I saw ate Kaye standing outside my room kaya lumabas muna ako ng kwarto at isinara ito just to be safe.
"Bakit po ate Kaye?" I ask respectfully.
Ate Kaye is one of our maids but we don't actually treat them as maids but a part of the family kaya naman lahat ng nandito sa bahay ay taon na ang itinatagal dahil wala namang reklamo mula sa kanila.
"Umalis ang mommy at daddy mo. hindi ka na nila nahintay na umuwi kanina dahil baka daw mahuli sila sa flight kaya nagbilin nalang na matatagalan daw sila." Ate kaye said.
Napa hinga nalang ako ng malalim dahil tama ang lalaki na nasa kwarto ko. Wala nga ang magulang ko. Psychic ba siya?
"Ahh.. Sige, salamat ate Kaye." Naka ngiting wika ko.
Umalis na din naman si ate Kaye pagkatapos niyang magbilin na bumaba na din daw ako mamaya kasama ang tatlong kaibigan ko.
I was about to go back inside nang biglang parang nag flasback sa utak ko ang huling bilin ni ate Kaye.
'Tatlong kaibigan? Alam niya na may iba pa kaming kasama?'
Agad akong pumasok sa kwarto nang may mapagtanto.
"Rixx!" Bungad ko pagka pasok ko kaya nabaling ang atensyon nila sa'kin na kanina lang ay may mga sariling mundo. "Nakita ka ba ng mga tao dito sa bahay kanina?"
"Yes! Of course they saw me. Umalis ako kanina ng hindi nila ako nakikita and then bumalik ako at sinabi kong boyfriend mo 'ko."
My eyes automatically widened after hearing his last statement.
"What the hell?!" I burst into shock. "Why on earth did you tell them that you are my boyfriend?! For pete's sake, Zendrix!!" Napa pikit pa ako ng mariin sa sobrang kunsomisyon sa lalaking kaharap ko.
Pakiramdam ko anytime puputi ang buhok ko at magiging uugod-ugod ako. Kung ganitong klaseng responsibilidad ang meron ako baka wala pang singkwenta ang edad ko ay puti na ang mga buhok ko sa sobrang kunsomisyon.
"Because that's what the truth is." Kalmadong sabi nito at dinugtungan pa talaga. "Natuwa naman si manang. Sabi niya ang gwapo ko daw saka mabuti naman daw at may boyfriend ka nang bago."
Pakiramdam ko hihimatayin ako dahil sa lalaking 'to. The last time I checked this is not the fictional character I made. Hindi 'yon mayabang. Mabait 'yon kahit cold pero mukhang kabaliktaran ang kaharap ko.
"Seriously? Saan ka ba talagang planeta nagmula huh? Dahil sa natatandaan ko hindi naka sulat sa kwentong ginawa ko na magaspang ang ugali at arogante ang character sa kwento ko!" Inis na inis na sabi ko.
Paubos na ang pasensya ko at konti nalang ay sasabog na ako.
"What? What do you want me to do? Eh sa ganito ako eh." Walang ganang sabi niya pa.
Parang gusto ko na siyang sapakin anytime! Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nasasayangan ako sa makinis pero makapal niyang mukha.
"Whatever! Just get out and stop fooling around, will you?!" I shouted nang hindi na ako nakapag pigil pa ng inis.
"Tss!"
I pinch the bridge of my nose nang wala manlang siyang ginawa. I'm freakin' trying to control my anger. Damn this guy!
"Ohh! Easy lang, Rare. Kumalma ka nga baka naman kasi totoo? Kung hindi man tingin mo ba makaka pasok yan dito without anyone knowing it eh ang higpit higpit ng securities niyo lalo na sa gate ng subdivision." Sab said trying to calm me down.
Napa buntong-hininga ako. May point naman siya pero hindi non maiaalis ang inis na nararamdaman ko dahil sa pagiging arogante ng kaharap ko.
"Oo nga girl. Saka ano namang problema sa ugali niya? He's pretty cool actually." Denny said making me more annoyed.
Pinakatitigan ko naman ang lalaking kumportableng naka upo sa couch. Lahat ng physical features ng fictional character ko ay nasa kaniya pero ang ugali naman ay ibang-iba. Although may ibang tugma sa ugali ng ginawa kong main male character at sa ugali niya. Malapit na 'kong maniwala pero napaka imposible ng lahat ng ito.
I mean, yes. I am a believer of fantasies and magical worlds but I never thought na mangyayari ito sa akin kung totoo man ang mga sinasabi ng lalaking 'to.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ulit nagsalita ng kalmado.
"Tara na. The dinner is ready." Pagaaya ko nalang dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako anytime.
Pagkababa namin ay naabutan namin na matatapos na sa pagaayos ng hapag-kainan sila Manang.
"Oh! Sakto ang baba niyo maupo na kayo." Sabi ni Ate Thess na naka ngiti nang makita kami.
"Oh hijo kumain ka lang diyan huh? Ituring mong bahay mo din ang bahay na ito." Magiliw na sabi ni manang sa lalaking kaharap ko saka bumaling sa akin. "Ipinaalam ko na din sa mommy at daddy mo na nandito ang Nobyo mo Hija."
"Po?!" Gulat na gulat kong naisatinig kaya nagtatakaha akong tiningnan nila manang. "Ahh! A-ano pong sabi nila?" Pag bawi ko nalang.
Ayokong maka halata sila at mabuko ang totoong relasyon ko sa lalaking kasama namin. Telling them the truth will never be a good option for us. ‘Just calm down and go with the flow, Rare.’
"Wala naman. Natuwa naman sila dahil okay ka na at may bago kang nobyo." Naka ngiting sabi ni manang. "Dito ba matutulog ang nobyo mo?"Tanong ni manang.
"Uhm? Di'ba manang bakante ang kabilang bahay?" I ask her with respect.
Ang tinutukoy ko ay ang isang bahay na katabi lang nitong bahay namin. We own the subdivision kaya may isa pa kaming bahay dito na hindi pinapatirhan. Madalas iyong ginagamit sa family gatherings or important celebrations. Doon pinapatuloy ang mga bisnita o kamag-anak namin na mula pa sa malalayong lugar.
"Oo hija. Bakit?" Manang answered and asked back.
"Dun nalang po muna siguro siya---"
"Sabi ng Mommy mo hindi pwede dahil wala daw siyang makakasama don kung doon mo patutulugin. Nabanggit ko kasi na galing pa siya sa ibang bansa at pinuntahan ka kaya asikasuhin daw siya ng mabuti. May isa pang kwarto sa tabi ng kwarto mo doon nalang siya." Manang said cutting my words off.
Pakiramdam ko gusto nang mag collapse ng utak at katawan ko pero pilit kong inayos ang sarili ko sa harap nila manang.
"Ahh sige po. Sumabay na kayo sa'min manang." Pagaaya ko sa kanila.
Tumango naman si manang at pinaupo na din sila Ate kaye at Ate Thess. Ang ibang katulong naman ay sa kabilang kusina kumakain dahil may sarili talaga silang kusina. Kadalasang nakakasabay ko lang talaga ay silang tatlo.
"Ano nga palang pangalan mo hijo? Rixx lang ba?" Umpisa ni manang sa usapan habang kumakain.
"Zendrix Daemon Xyruz Lexuz po." Magalang niyang sagot kay manang.
Nanatili naman kaming tahimik at kumain lang. That's exactly the name of the main male character of my story.
"Ahh. Ang mga magulang mo?" Muling tanong ni manang.
"Nasa states po sila. Masiyadong workaholic ang parents ko at hindi maiwan ang business." Sagot naman ni Zendrix.
Himala ang pagiging magalang niya. Napaka galing pang gumawa ng kwento. Ohh well, hindi naman iyon totally lies dahil sa kwentong isinulat ko ay ganoon nga ang description sa mga magulang niya.
"Mabuti at pumayag sila na nandito ka kahit wala kang pamilya dito na matutuluyan?" Tanong ni manang na halatang wala namang ibang gustong iparating at gusto lang kilalanin ang lalaki.
Katulad ng sinabi ko ay pamilya na ang turingan sa bahay na ito. Manang is the elder in this house. Para sa magulang ko ay magulang na nila si manang. That made her the elderly person in this house. The most trusted one na in charge sa bahay.
"Sinabi ko po na pupuntahan ko ang babaeng pakakasalan ko." He even look at me kaya pakiramdam ko uminit ang magkabilang pisngi ko sa hindi malamang dahilan.
Impit namang tumili sila Ate kaye at si Denny habang si Sab ay napapa iling nalang na naka ngiti. Ako naman ay gustong sampalin ang sarili dahil sa biglang pag init ng mukha ko.
"Pwede kang mamalagi dito sa bahay kung gusto mo. Walang masama don hangga't alam mo ang iyong limitasyon. Hindi naman mahigpit ang magulang nitong si Rare. Tutal wala ka namang makakasamang kakilala mas mabuti na dito ka muna at responsibilidad namin ang kaligtasan mo gayong itong si Rare ang sinadya mo." Mahabang paliwanag ni manang tila ipinapaintindi din ang sitwasyon at desisyon nilang patuluyin si Rixx dito.
Gusto ko sanang tumutol pero hindi ko nalang ginawa dahil tama naman si manang. Kung totoo man ang sinabi ng lalaking 'to ay responsibilidad ko nga siya.
PAGKATAPOS namin mag dinner ay nagpaalam na din sila Denny. Sa kabilang street lang ang bahay nila pero ipinahatid ko na din sila sa driver namin.
Kasalukuyan ko namang inaayos sa walk in closet ang mga damit na binili ko sa mall habang si Zendrix ay pinapanood lang ako.
"Your maids are so kind, you guys look like a big happy family." Biglang sabi ni Zedrix na naka upo lang sa isang couch na pabilog sa loob ng kwarto na pinaglalagyan ng mga gamit.
Hindi nalang ako sumagot hanggang sa nagsalita siyang muli.
"But too much kindness could cause you danger."
Tinapunan ko naman siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Ang tingon na 'yon ay may kasamang irap dahil sa hindi maitagong inis.
"Kung makapagsalita ka parang ang lalim ng pinaghuhugutan mo. Palibhasa masama ang ugali mo." Inis na sabi ko at naglakad na palabas ng walk-in closet.
Hindi ko alam kung paano kong pakikisamahan ang ganitong ugali niya. Wala akong interes sa mga taong hindi ko gusto ang ugali.
"Tsk! You made me but I still have my own personality in our world. We are like humans too but the difference is we are the fantasies of you, humans, from the book and humans made us from their imagination that's why we owe humans because they made us." He explained.
Nakikinig lang ako sa kaniya habang inaayos ko ang mga dapat ayusin sa magiging kwarto niya.
"Kaya mo 'ko tutulungan para kalimutan ang ex ko ganoon ba?" I asked nang wala na siyang sinabi pa.
"Parang ganon na nga. You made me kaya pagaari mo 'ko. Sa madaling salita you are my lord. Kung wala ka, wala din ako. Pero siyempre wala nang libre ngayon kaya in exchange you are responsible to feed me, give me home and make me feel comfortable in my stay here." He explained in the most calmed way he can.
Napa tango-tango nalang ako dahil para akong nananaginip ng gising.
"Pero hindi ko naman kailangan ng tulong mo dahil okay na ako. Kaya kong ihandle ang sarili ko." Tinitigan ko siya ng mata sa mata. "I appreciate the concern pero enough na yung bangungot na ginawa mo para maging ready ako." Kalmado kong paliwanag, sinusubukan ko kung magbabago pa ang isip niya at babalik na siya sa mundo niya.
Totoo din namang okay na ako ngayon. Kahit na medyo nasasaktan parin ako ay nakatulong talaga 'yong nightmare na 'yon at somehow naging ready ako.
"Misyon kong tulungan ka. Kailangan kong gawin 'yon kahit ayaw ko dahil iyon lang ang paraan para makabalik ako sa mundo ko." He said plainly.
Parang sinasabi niyang ayaw niya talaga akong tulungan ah? Laki ng problema nito sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ako pa ang dapat magpasalamat at siya pa ang walang choice kung hindi ang tulungan ako.
"Fine! Bahala ka. Sige matulog ka na. May pasok pa ako bukas." Paalam ko sa kaniya.
Pero bago pa ako maka labas ay nagsalita nanaman siya.
"Oo nga pala, first day ko sa school niyo sa lunes. I need to enroll to your school para maging madali ang lahat." He said in his bored tone.
Nagtatakha man kung paano siya nakapag enroll ay tumango nalang ako saka lumabas ng kwarto at dumiretso sa sarili kong kwarto which is katabi lang ng kwarto niya.
Until now I still can't believe that this is happening. He's real and I can't process everything in my mind. Parang sasabog ang utak ko anytime soon eh.
T_____________T