Zederina's Pov.
***
Naglalakad ako sa school ground ngayon. It's monday today. Wala namang masiyadong nangyari nitong mga nakaraang araw at na-prove ni Zendrix na he's from the fantasy world or should I say w*****d world.
I checked the story at nandon nga ito sa works ko at nandon din yung ibang mga nangyari sa'min from the nighmare up to now. Yung nangyari sa nightmare na 'yon nandon sa story. 'Yon pa talaga ang simula.
Ewan ko pero hanggang ngayon ayaw mag process ng lahat sa utak ko. Parang hindi totoo at panaginip lang. Parang anytime magigising nalang ako tapos panaginip lang pala lahat. Iniisip ko tuloy na masiyado na talaga akong naaadik sa libro kaya naghahallucinate na ako. But no! Denny and Sab met him personally.
"Kamusta girl? Parang stress na stress ka ah?" Denny started asking habang naglalakad kami.
I almost forgot that I'm still with them. That's how preoccupied I am because of that guy in our house.
"Okay lang." Tipid na sagot ko kahit ang totoo ay halos mabaliw na ako.
Sino ba namang hindi mababaliw? Iniisip ko na nga na magpa book ng kwarto sa mental anytime soon dahil pakiramdam ko doon naman ang bagsak ko.
"You don't look fine." Sab commented. "Bakit? Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" Dugtong niya na mas ikinalumo ko.
Kinareer talaga nila yung pagiging boyfriend/girlfriend thingy namin nung aroganteng lalaki na 'yon.
Hindi ko naman siya sinagot dahil napadako ang tingin ko sa direksyon kung nasaan si Marverick kasama si Roxanne. They are even looking at me.
"My angel!!"
Alam niyo yung parang tumigil sa pag-ikot ang mundo? Yung parang 'yon nalang ang namayaning ingay sa buong mundo?
Natahimik ang lahat dahil sa sigaw ng isang napaka gwapong boses. The voice is very familiar to me kaya sabay-sabay kaming tatlo ng mga mga kaibigan ko na lumingon, and there he is smiling widely while walking towards us. And the last thing I knew ia he's already in front of us, agad niya akong hinalikan sa labi. Dampi lang 'yon pero ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
Nagsimula ang bulungan na dinig na dinig ng dalawang tenga ko. Nahagip pa ng mata ko ang gulat na gulat na mukha ng ex-boyfriend at ex-bff ko kaya naman pinanindigan ko na. Siniguro kong hindi ako mahahalata na pinilit ko lang ngumiti.
"Hey!" I greeted him at agad na ngumiti ng matamis bago humalik sa pisngi niya.
I felt him stiffened pero agad naka bawi at kinuha nito ang mga librong dala ko saka iniakbay ang isa naman nitong kamay sa akin.
Agad nalipat ang tingin namin sa dalawa kong kaibigan nang pekeng tumikhim si Denny habang si Sab ay may nanunuksong ngiti din sa amin.
"Hi girls!" Bati ni Zendrix sa kanila nang naka ngiti din.
"Hi Rixx!" Bati naman nila dito at ngumiti pa.
Nagtakha pa ko kay Sab. Kahit kailan hindi ngumiti si Sab sa kahit sino bukod sa'min. Kahit kay Florence ay madalang at matipid pa pero ngayon parang ang supportive niya na parang botong-boto siya dito.
"Anong department ka?" Tanong ni Sab kay Rixx.
"Same as my angel." Maiksing sagot nito at tiningnan pa ako sa mata.
Para akong matutunaw sa tingin niya. Jusko lord!
"Oh? Pareho lahat ng schedule niyo?" Tanong ni Denny.
Tumango naman si Rixx at sumagot. "Yeah! I made sure na pareho kami ng schedule." Naka ngiti siya sa'kin kaya ngumiti na din ako.
"Ayiiieehh~" Pangaasar nila kaya ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko lalo.
"Hi!" Biglang may tatlong humarang sa daan namin at walang iba kundi sila Arlene, Pauline at nica.
Sila ang tatlong pinaka spoiled brat dito sa University. The trying hard bitches.
"Hey!" Bati din naman pabalik ni Zendrix.
Naningkit naman ang mga mata ko sa way ng tingin ni Arlene kay Zendrix. Alam na alam ko kung anong ibig sabihin ng malalanding tingin na 'yon.
"Uhm.. I'm Arlene." Malanding pakilala niya.
‘Hello! Nandito ako at inaakbayan ng lalaking nilalandi mo!’
Gusto kong sabihin 'yan pero pinigilan ko ang sarili ko.
"I'm---" Natigil siya dahil agad ko siyang siniko ng pasimple at tinaasan ng isang kilay nang tingnan niya ako. "I'm sorry but me and my fiance have to go."
Nagulat pa ako sa sinabi niya. ‘Fiance?!’
"Fiance?" Taas kilay na sabi ni Arlene at tiningnan pa ako na parang nanghuhusga.
Tinaasan ko din siya ng kilay. Ano bang akala niya? Na uurungan ko siya?
"Yes! This gorgeous princess here is my fiance and my soon to be queen." Sagot niya dito na parang proud na proud.
I smiled mentally. ‘Ano ka ngayon malanding spoiled brat!?’ I proudly said mentally.
"Let's go angel." Aya nito sa akin na agad kong tinanguan.
Nang makalayo sa mga ito ay agad nagtawanan ang dalawa kong kaibigan.
"Ang gandang scene non! Patok sa readers ng story mo 'yon, Rare. Sigurado yan!" Sab said.
Napa irap naman ako. Tama ba namang tawanan ako eh naiirita na nga ako sa babaeng 'yon! Lahat ata ng lalaki sa mundo gustong akitin!
"R-rare"
Napa-tigil kami sa paglalakad at natahimik din sa kakatawa ang mga kaibigan ko nang harangin kami ni Florence na kasama si Roxanne na tinititigan pa si Zendrix pero agad naman na hinawakan ni Rixx ang kamay ko. He intertwined our hands na agad pang tiningnan ng dalawa.
"May kailangan ka sa fiance ko?" Tanong ni Rixx kay Florence na tiningnan pa ang mga kamay namin at tila nagulat pa nang marinig ang salitang fiance.
"Pwede ba kitang makausap, Rare?" Diretsong sabi nito na hindi pinansin si Rixx.
Ngayon ko lang napagtanto na may ugali din ang lalaking 'to bukod sa kakapalan ng mukha. I should've known.
"I'm sorry but I'm sure my fiance wouldn't like that." I said casually at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
Kinakabahan kasi talaga ako sa totoo lang. Ramdam ko ang pag-higpit din ng hawak nito sa kamay ko. I think he's trying to calm me.
Nakaka suffocate ang sitwasyon na ito. Idagdag pa ang mga estudyanteng pasimpleng mga nakiki usyoso.
"Please? Kahit saglit lang." Pakiusap niya pa na tila umaasang madadala ako ng pagpapaawa ng mga mata niya na madalas niyang gamitin sa akin noon.
"Ano ba Florence? Respeto naman kasama niya ang fiance niya oh!" Sabat ni Sab na tila hindi na din napigilan ang inis.
Halata naman na galit talaga ang mga kaibigan ko sa dalawa eh. Nahuli ko namang naka titig si Roxanne kay Rixx na agad ikinainit ng ulo ko.
"Stop staring at my fiance, Roxanne. Stare at your boyfriend." Agad kong sabi sa kaniya na nagulat pa.
"He's like a gold. Matibay at hindi maaagaw, pero nakaka akit." Denny said na halatang may pinakakahulugan.
I can see Roxanne blushing and it's irritating the hell out of me. How could she?!
"At huwag ka na din magbalak na landiin pa 'yan. Iba ka panaman." Sab stated knowingly. "Parang gayuma ang kalandian mo, nakaka bulag."
I never tried to stop them dahil deserve nila 'yon. Kita ko ang pagkapahiya sa mukha ni Roxanne na ngayon ay naka yuko at mariin ang kapit sa braso ni Marverick.
"Sorry dude but my fiance will not talk to you. Not even once dude." Rixx smirked saka muling nagsalita. "At oo nga pala. Salamat dahil niloko mo ang pinaka magandang anghel mula sa langit. Because of your foolishness. The most beautiful angel from heaven is now mine. Kung balak mo siyang bawiin, pasensya na pare. Hindi ko na hahayaang makuha mo siya at masaktan, Hindi kasi ako tanga para gawin 'yon. Hindi ko hahayaang mawala pa ang pinaka magandang anghel sa buhay ko."
He even look direct into my eyes making me blush. Sobrang init ng mukha ko dahilan para makisubsob ko ang mukha ko sa bandang dibdib niya dahil napaka lapit niya na din naman sa akin. Nakakahiya ang pamumula ko at wala akong choice kundi itago ito hanggang sa maramdaman ko ang pagalalay sa akin ni Rixx palakad.
"Now you know what you've lost, jerk!" Pahabol ni Sab saka sila sumunod sa amin.
Naka hinga naman ako ng maluwag. Hindi naman sa nasaktan ako, yung tension kasi kanina between Rixx and Marverick parang magsusuntukan sila anytime.
"I thought you will punch him na!" I commented.
Tumawa naman siya ng mahina.
"Bakit ko naman siya susuntukin? Masasayang lang ang lakas ko pag ginawa ko yun. At nakita mo naman di'ba? Sobra pa sa suntok ang ginawa ko." He even wink at me.
Napa iling nalang ako. Nakita ko naman eh, I even saw him clenched his fist kanina.
Tss! Deserve niya 'yon!
"ANONG gusto niyong kainin?" Tanong ni Rixx sa'min habang naka upo kami.
"Kahit ano nalang." I said with a smile.
Tumango naman siya at humalik sa ulo ko saka umalis na para bumili ng pagkain. I know he's doing this because we are in public at lahat ng atensyon ay nasa amin.
"Huy girl in all fairness ang sweet niya ah! Kahit nasaktan ka blessed ka parin may kapalit agad sobra sobra pa!" Tili pa ni Denny ng mahina.
Loka-loka talaga. Hindi na ata niya alam ang ibig-sabihin ng peke at too.
"He's good, Rare. Why don't you consider him as your boyfriend? For real? Tutal ikaw naman ang gumawa sa kaniya." Seryosong sabi naman ni Sab na naka pangalumbaba. "You definitely have the right to own him."
"You think he's good?" I ask while watching him buying at the counter while the girls and even gays are watching and drooling over him.
‘He is good.’
"Oo naman. Try mo lang, be good to him. Malay mo naman di'ba? May mapagbibigyan ka na nung necklace." Denny said.
Napa isip naman ako. Pero hindi pwede. He's just a fictional character I made. How can I fall for him? He will just vanish into thin air once his mission is done.
'Baka naman nafall kana talaga mula pa nung napanaginipan mo siya? Yung tinatawag mo pang nightmare!'
What?! Noway!
'Defensive much girl? Tsk! Masama na 'yan!!'
Shut up! Argh!! Bakit ba ako nakikipag-usap sa sarili ko?!
Hindi ko na napagalitan ang sarili ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"R-rare!"
Mahina lang 'yon pero kilalang kilala ko ang boses. Lumingon ako at tama nga ako, It's Florence.
"What do you want?" Tanong ko gamit ang malamig na tinig.
Bakit ba kinakausap nanaman ako nito?
"C-can we talk? Kahit saglit lang?" Medyo nauutal pa niyang sambit.
Sakto namang dumating si Zendrix. ‘Right on time fake-fiance!’
"Wala tayong dapat pag-usapan. Sorry pero nandito na kasi ang fiance ko at hindi niya gugustuhin na may kausap akong ibang lalaki especially you."
Tahimik lang si Rixx ngayon at tumabi sa'kin. Tila nakikinig at nakikiramdam katulad nila Sab at Denny.
"Please, Rare? Saglit lang may kailangan lang ako---"
"Sorry pero ayokong pati ito pag-awayan pa namin ni Rixx. Ayoko din naman na pagselosan ako ng girlfriend mo." 'Yon na ang huli kong nasabi nang hawakan ni Rixx ang kamay ko at sinama ako sa pag-tayo niya.
Akala ko aalis na kami pero naka-tayo lang kami at naka tingin siya sa mga mata ko. Yung tingin niya parang matutunaw na ako.
Hanggang sa nalaman ko nalang na hinahalikan na niya ako. Nakita ko sa Peripheral vision ko na ikinuyom ni Florence ang kaniyang kamao. Hindi ko alam kung bakit.
Naka ngiti si Rixx sa'kin nang humiwalay siya sa pagkakahalik. Naririnig namin ang tilian ng mg mga estudyante hanggang sa marinig naming muli ang tinig ng galit na Marverick.
"Is he good?" Napa-lingon ako kay Marverick at nakikita kong galit nga siya. "Masarap ba siyang humalik? Akala ko panaman iba ka sa ibang babae, pero ngayon nakikita ko na. Akala ko dati isa kang malinis dahil kahit halik lang sa labi hindi mo ako pinagbigyan pero sa lalaking kakikilala mo palang walang tutol kang nagpahalik!"
Nag-pantig ang tenga ko nang marinig ko ang mga sinabi niya pero ikinalma ko ang sarili ko.
"Edi lumabas din? Kaya ka pumatol sa bestfriend ko kasi hindi mo makuha ang gusto mo sa'kin? Well, guess what Marverick?" I stared at him with disgust. "I don't care about your nonsense speech and complains anymore because that moment that I saw you kissing my bestfriend like a hungry animal? My love for you already vanished."
I flashed a sarcastic smile.
"And one more thing," I stared at him like he's nothing.
"You.Don't.Deserve.Any.Of.My.Firsts" Idiniin ko ang bawat salita ko para maramdaman niya ang galit ko.
Pagkatapos ay nagsimulang ligpitin ang gamit ko. Nakita ko pa ang masamang tingin ni Rixx kay Marverick kaya agad kong hinawakan ang kamay niya dagilan para mapunta sa'kin ang atensyon niya.
"Let's get out of here. Ang sama ng hangin dito masiyadong Polluted!" Pagaaya ko at bumaling kay Sab and Denny. "Tara na."
Tumango naman sila at agad na tumayo. Umalis na din kami agad doon kahit na gutom na talaga ako.
"Let's eat somewhere else." Rixx suggested with his famous wide smile.
Tumango naman ako at ngumiti na din na parang walang nangyari. Hindi nila pwedeng sirain ang magandang araw ko.
"ALAM MO? Bwiset talaga yung dalawang traydor na 'yon eh! Parang nageenjoy sa pamemeste ng buhay!" Inis na inis na sabi ni Denny habang naka upo sa kama ko.
"Bagay na bagay sila! Parehong panira. At nakita mo ba huh Rare? Kung tingnan si Rixx parang gustong lamunin ng buo! Ano 'yon balak niya nanamang agawin? Ang kapal!" Galit na sabi ni sab.
Seems like the always bored and silent Sab can't help but to burst out now.
Ako naman ay tahimik at nakikinig lang sa paglalabas nila ng galit. Natigil lang sila dahil bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa non si Rixx.
"Zeil." tawag niya sa'kin.
Zeil ang tawag niya sa akin dahil daw madrmi nang tumatawag sa'kin ng Rare.
"Oh?" Walang ganang sagot ko.
See? Ibang-iba kami sa bahay.
"Labas tayo." Pacool na sabi niya.
Nangunot naman ang noo ko sa kaniya. Gabing-gabi na nagaaya pang lumabas anong trip nito?
"Bakit?" I asked instead of asking myself.
"Nothing, Maglalakad lakad lang." simpleng sagot niya.
I look at my friends and they just smiled widely at nagkaniya-kaniyang exit para umuwi.
"Ngayon na ba?" I ask while getting up.
"Yah! But change your clothes first. Malamig sa labas."
Tumango nalang ako at dumiretso sa closet ko. Hindi ako maka hanap ng susuotin kaya nag maong shorts na hindi naman sobrang iksi lang ako tapos yung malaking Jacket ko na kulay Itim na panda and then pinartneran ko ng slipper na panda rin.
"Tara na." Pagaaya ko pero tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa tila sinusuri ako.
"Bakit naka shorts ka? Malamig eh."He asked with his furrowed forehead.
"Eh okay lang 'yan. Naka jacket naman ako eh." I said dahil nakakatamad magpalit ulit.
Tumango nalang naman siya saka kami umalis.
NANDITO KAMI ngayon ni Rixx sa Park. Dito kami dinala ng mga paa namin. Pasado alas-otso na kaya wala nang masiyadong tao at kung meron man ay 'yong mga magkasintahan na naguuwian nalang.
Naka upo kami ni Rixx sa Ilalim ng Malaking puno dito sa park. This part is my favorite spot in this park. Kapag mag-isa ako at ayoko ng magulo dito lang ako pumupunta dala ang gitara ko. I love being alone kapag gusto kong mag-isip o pag nalulungkot ako. Mas nakakapag-isip kasi ako ng maayos.
"Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na totoo ka." I broke the silence between us.
I don't like silence especially when it's an awkward silence.
"Too good to be true?" He ask kaya sinimangutan ko siya dahil nagyayabang nanaman siya.
"Nah. It's just that." I tried to think of the perfect words to say. "I can't believe my fantasies is happening. All my life I've been living with my imaginations. My fantasies. And now you're here, live and clear."
"And because of your uniqueness, I am here." Rixx said with admiration in his voice.
Napa tango-tango nalang ako. Yeah! He's here.
"You know what? We should make a deal since you're so eager to help me with this heartbreak." I said while looking at him.
Actually hindi ko nga alam kung heartbreak pa 'to dahil first of all, wala na akong maramdaman kapag nakikita ko siya. I can't feel anything kahit pag nakikita ko silang magkasama ni Roxanne. Disappointed siguro oo?
"What deal?" Kunot noo niyang tanong na humarap din sa'kin at interesadong naghintay ng sasabihi ko.
"You should promise me that you will not kiss me again especially on the lips!" Seryosong sabi ko na may pagbabanta ding tono at tingin.
"That's impossible Zeil. Kissing is normal with couples. Paano sila maniniwala kung walang kiss?" He said as if it is really normal.
"Tatlong taon naging kami ni Marverick at walang kiss sa lips kahit isa 'no! Hindi naman sa halikan napapakita kung totoo ang relasyon." Inis at naka simangot kong sabi na hinampas pa siya sa balikat.
"So ako ang first kiss mo?" He said teasingly.
Ramdam ko na ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Mabuti nalang at madilim dito kaya hindi niya makikita ang pamumula ko.
"Basta no kissing unless it's necessary, okay?" Seryosong sabi ko nang makabawi sa hiyang naramdaman ko.
"Fine! Ano pa ba?" Rixx asked.
Bakit parang disappointed pa ang mokong na 'to?!
"Hmm? You should not take advantage of my weakness!" I said threatening him with my voice.
Tumawa naman siya agad non at binigyan ako ng 'seriously?' look.
"And! Last!" Tiningnan ko siya sa mata. "Don't you dare fall in love with me."
Napa irap naman ako dahil sa pag-ubo niya matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Akala mo naman eh 'no!
"Confident na confident?" Pangaasar niya kaya inirapan ko siya.
"Basta yun lang!" pagtataray ko at tumayo na.
"Maghahanap nga pala ako ng trabaho sa weekend." Biglang sabi niya habang naglalakad kami pauwi dahil late na din.
"Bakit naman?" Kunot ang noong tanong ko na nabibigla.
"Para hindi nakakahiya sa inyo. Lalaki ako kaya dapat mag-trabaho ako para sa sarili ko. Tutal I know a lot of things in your world dahil parehong pareho naman sa kwentong ginawa mo. Kapag nakahanap ako ng maayos na trabaho hahanap ako ng maayos na bahay pansamantala habang nandito pa ako sa mundo mo." He explained with sincerity.
Lalong nangunot ang noo ko sa mga sinabi niya.
"Akala ko ba responsibility kita? Bakit ngayon parang naging independent ka naman? Bipolar ka ba?" Natatawa kong tanong.
What's with this guy? Parang nung isang araw lang ay pinagpipilitan niyang responsibility ko siya tapos ngayon? Anong nangyari?
"Yeah, but I need to do this dahil nakakahiya sa magulang mo." Seryosong sagot niya.
Ngumiti naman ako at tumango-tango bilabg pag-sangayon sa kaniya.
"If you want pwede mo munang gamitin yung condo unit ko sa isang condominium namin? Malapit lang sa school at dito 'yon. Hindi ko pa nagagamit kaya pwede mong gamitin." Suggest ko para naman hindi na siya mangupahan at hindi siya mahirapan masiyado.
After all, I'm the reason why he's stuck here in my world. I should at least make sure that he's not living a hell of a life here.
"That would be great! Thanks." He said with a genuine smile.
O____________O
‘B-bakit ang gwapo naman ata niya sa ngiti niya ngayon?’