EIGHT:

2333 Words
Zederina's POV. *** Walang kagana-gana lang akong naka pangalumbaba ngayon habang naka dapa sa malambot kong kama. Hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga na ang nagawa ko simula kanina pa. "Huy girl! Ano ba't kanina ka pa bumubuntong hininga! Anyare?" Puna ni Denny na naka upo sa sofa katabi ni Sab. Tiningnan ko naman sila at agad ibinagsak ang ulo ko pasubsob sa kama. I feel so irritated and bored at the same time. "Bagot na bagot na 'ko!" Sagot ko habang naka subsob parin sa kama ang mukha ko. Wala naman si Rixx dito. Grabe nga eh! Isang buwan na mula nung napunta siya sa mundo namin. At hindi na kami masiyadong nagkikita dahil busy siya sa pagtatrabaho niya. Hindi niya din ako dinadalaw dito! Mukhang wala ngang balak eh! Kairita talaga ang lalaking 'yon!! "Ang sabihin mo namimiss mo lang ang boyfriend mo!" Pangaasar naman ni Sab, pero inikutan ko lang siya ng mata. ‘Namimiss ko ba siya?’ Siyempre hindi! Bakit ko naman mamimiss yun eh hindi nga niya ko magawang dalawin manlang o kahit tawagan. Anong silbi ng brand new cellphone niya kung hindi niya naman ginagamit? Tss! "Oh! I know na!!" Bulalas ni Denny na parang may naisip na bright Idea. I'm really hoping that her idea will make me feel better this time or else mas maiirita lang ako! "Ano?" Sabay na tanong namin ni Sab sa kaniya. "Why don't we apply nalang din kaya sa pinagtatrabahuan niya? Tutal ang boring boring na ng buhay natin. Let's try naman to work and then we can make ipon ipon for our vacation di'ba?" Parang excited na sabi ni Denny using her conyo side. Nagkatinginan naman kami ni Sab at agad napa-ngisi saka kami nag-unahan sa pag-pasok ng closet ko para mag bihis. This is going to be fun!! PAGKABABANG-pagkababa namin ng kanya-kanyang kotse namin ay halos sabay-sabay pa naming itinaas ang shades namin at nilipad pa ng hangin ang mga buhok namin. Kapansin-pansin tuloy kami kahit na simpleng ripped jeans lang ang suot namin at t-shirt na naka tuck in. Design siya. plain white lang 'yon kaya para kaming mga kambal tapos sapatos na puti. Gumuhit na agad ang ngiti ko nang makita kong nagseserve si Rixx sa costumer. Pero agad din akong napa-simangot dahil todo ngiti pa siya kahit halatang nagpapacute na ang mga babae sa loob ng home cafe na pag-aari namin. "Easy lang girl." Natatawang sabi ni Sab na tinatap pa ang balikat ko. Dumiretso na kami papasok at agad pang yumukod ang manager ng cafe dahil kilala kami nito. "Good afternoon young lady." Bati niya kaya tinanguan ko siya. Binaling ko ang tingin ko kay Rixx na saktong napa-tingin din sa gawi namin at halatang nagulat pa kaya agad akong ngumiti. "Wait for me at my office, Phil." Seryosong sabi ko kay Phil, ang manager ng cafe, saka ako naglakad papunta kay Rixx na naka tayo lang sa tapad ng pinaghatiran niya ng order. Hindi niya alam na kami ang may-ari ng coffee shop kaya siya natanggap agad. But according to Phil, he is doing a great job. He deserve the job. "Happy first monthsary, Hon." Agad kong bati sa kaniya at siniil ng halik ang labi niya. Ang totoo niyan hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Basta ang alam ko lang nakaka badtrip na ang mga babaeng pacute ng pacute sa kaniya. "Uhh.. Huh?" Hindi mawaring sabi niya. Parang bigla siyang natense na ewan. ‘Cute’ "You forgot?" Binigyan ko siya ng nagtatampong tingin. He looked affected making me smirk mentally. "Ahh, s-sorry angel naging busy lang ako. Happy monthsary. Ilalabas nalang kita mamaya, hindi muna ngayon may trabaho pa kasi ako." Nagaalangan pa niyang sabi. Agad naman akong ngumiti. Ngiting pang sophisticated. "Silly, I just came here to personally greet you and not to demand for a date." Malambing kong sabi at bahagyang hinimas ang pisngi niya saka siya kinindatan. “And please! Don't smile too much especially for other girls.” Saka ako naglakad palapit kay Sab at Denny na halatang natatawa pa. "Hindi ko alam na may ganon kang side Girl!" Kumento ni Denny na parang hindi pa makapaniwala at natatawa. "Parang ikaw yung sa mga movies na maarteng girlfriend eh." Dagdag naman ni Sab kaya tinawanan ko nalang sila saka nagsimulang maglakad papunta sa sarili kong office dito sa cafe. Zendrix's POV. Naka tayo lang ako ngayon dito sa tapat ng counter habang hinihintay ang order ng costumer at pinapanood ko si Zeil na nagseserve sa mga costumer. Naka suot siya ng pang waitress at kitang kita ang magandang hubog ng katawan niya dahil fit na fit ang uniform na pang waitress dito. Kitang-kita ko kung paanong lumuwa ang mga mata ng mga lalaking costumer sa kaniya at sa dalawa niya pang kaibigan. Hindi ko alam kung bakit naisip ng mga 'yon na magtrabaho dito basta ang dahilan nila bored na bored na sila at they want to try something new. Mula nung araw na ‘yon noong binati niya ako dito at hinalikan pa ako ng hindi ko inaasahan iba na ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso tuwing nakikita ko siyang nakangiti kaya madalas ko nalang idinadaan sa pangaasar. "Huy 'tol! Ito na yung order ng costumer! Trabaho muna! Baka matunaw na si Miss Rare niyan." Pukaw ni Vin sa aking atensyon na natatawa pa. Nalaman ko din na pag-aari nila ang cafe na 'to kaya mas lalong hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa mga utak nila at nagtatrabaho sila dito. Halata ko din na naiinis siya kapag may nagpapacute sa akin at nagpapa picture. Ewan ko pero natutuwa talaga ako pag naiinis siya dahil nahahalata kong nagseselos siya kahit na todo deny siya. "Kuya papicture naman oh!" Biglang sabi ng tatlong babae na sa hinuha ko ay nasa 16 o 17 na. "Ahh٫ s---" "Hindi naman artista ang boyfriend ko para magpa-picture kayo di'ba? Baka naman magpa autograph pa kayo? Sorry pero ako lang ang pwedeng magpa picture sa kanya so f*ck off!" Inis na sabi ni Zeil. Halata namang nasindak ang mga ito at napa yuko pa saka nagsibalikan sa mga pwesto nila matapos mahinang humingi ng pasensya. "Ang taray---" "Humanda ka sa'kin mamaya." Banta niya saka naglakad palayo. ‘Damn!’ Zederina's POV. “Ikaw talagang lalaki ka! Obvious na obvious na nga na nagpapacute sa’yo ay nginingitian mo pa!” Singhal ko kay Rixx. Naiinis ako? Hindi! Nagagalit ako!! "Hey! Easy! I'm just being kind! Akala ko ba ayaw mo na nagsusungit ako tapos ngayon nagagalit ka naman na nagiging mabait ako? Ano ba talaga?" Pagdadahilan niya, pero kitang-kitanaman ang pag-ngisi niya na parangnasisiyahan pa sa nangyayari! Napa-hawak nanaman tuloy ako sa bridge ng ilong ko sa pagpipigil ng inis. “But I never said that you should be kond to everyone!” Galit na sagot ko not minding Sab and Denny watching us. Nandito kasi kami sa condo ni Rixx. Yah! Binigay ko na sa kaniya itong condo kaya naman sa kaniya na ito but I still have access to this unit. “Hindi na—“ he suddenly stopped what he was about to say and looked at me with a teasing smile. “W-wait... Are you jealous?" O///////////////////////O Ramdam ko nang namumula na ako pero agad ‘kong inayos ang sarili ko para lang hindi mapahiya sa harap niya. "O-of course not! Why would I? Hindi mo naman ako g-girlfriend! Wala akong k-karapatan na magselos!" ‘Really Rare? Ngayon ka pa talaga nautal?!’’ "Then why are you blushing?" He teasingly asked not minding me being embarrassed in front of them. “Ewan ko sa’yo! Bahala ka nga diyan!!” Inis na sagot ko dahil lalo lang akong namumula habang tumatagal. Maglalakad na sana ako papuntang kusina para magluto para sa hapunan nang biglang may nag doorbell. "Are you expecting someone?" Tanong ko kay Rixx habang naglalakad papunta sa pinto para buksan ito. "No, hindi naman nagsabi si Vin na pupunta siya dahil magkikita sila ng girlfriend niya." Sagot niya habang naka sunod sa akin. Nagulat ako nang buksan ko ang pinto at bumungad ang isang taong hindi ko inaasahang makikita ko dito mismo sa condo unit ni Rixx. "Roxanne." I utter with my shocked expression. Narinig ko pa ang mga yabag ng paa nila Sab na sumunod na pala. Halatang nagulat din siya nang makita ako. "G-gusto ko lang sanang kausapin s-si Rixx." She said making me irritated. Agad kumunot ang noo ko at tumaas ang kilay ko kaya naman binalingan ko ng nagtatakhang tingin si Rixx dahil sa pagkakaalam ko eh hindi naman sila close. Pero sa nakikita kong tingin niya sa’kin ay parang wala naman siyang kahit anong ideya sa nangyayari. "I'm sorry? The last time I checked hindi naman kayo close ng boyfriend ko para mag-usap kayo. Ano namang gusto mo at talaga namang pinuntahan mo pa siya dito?" Taas kilay kong tanong. I can’t help but to give her this kind of attitude. "Importante lang. I-it’s private." She shamelessly said. Lalo namang tumaas ang kilay ko pero tumawa ako ng marahan nang makabawi ako. "Hon? Do you know her? May tinatago ka ba sa’kin at may kailangan pa kayong pag-usapan in private?" I ask him emphasizing the last two words. "Wala naman akong natatandaan na pwede naming pag-usapan." Sagot niya naman na may nagtatakhang ekspresyon din. "Are you trying to make an excuse to flirt with my boyfriend again Roxanne?" Diretso kong tanong. Napansin ko naman ang inis sa mukha niya. ‘Sige lang Roxanne, mainis ka lang.’ "I told you, It's private at sa aming dalawa lang. So," Bumaling siya kay Rixx na mas ikinainis ko. "Can we talk?" Umikot naman ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi manlang ba siya nahihiya? "I'm sorry but you can't talk to him." Agad na sagot ko pero parang wala siyang narinig at nananatili ang tingin kay Rixx. "Please?" She pleaded. Agad humawak sa balikat ko si Rixx na mas ikinakunot ng noo ko. "Mabilis lang ‘to hon." He said sweetly at mabilis pa akong hinalikan sa labi saka lumabas kaya wala na din akong nagawa kundi ang pumunta sa sala at umorder nalang ng dinner. Nakaka walang gana ang nangayayari. Mas nakaka walang gana pa ang ginawang pag-payag ng Rixx na iyon kahit alam niya naman ang nangyari sa pagitan namin! "Okay ka lang girl?" Denny asked with a worried expression, same as Sab’s. Napa hinga naman ako ng malalim. Okay! I admit, naiinis na ako! Nagseselos na ko at oo na!! I think I like him. Pero hindi ko siya mahal! Magkaiba ang like sa love! "Bruha talaga yung babaeng ‘yon! Sabihin mo lang Rare susugurin ko na talaga ‘yon!" Inis na sabi naman ni Sab. Gustohin ko mang gawin ‘yon ay ayoko namang ibabaang sarili ko sa lebel niya. IT’S BEEN two weeks since that night na nag-usap si Roxanne at si Rixx in private. At ngayon tinataguan ko siya. Hindi ko din alam kung bakit pero hindi ko lang talaga feel na makita siya. Kahit na inaamin ko naman na namimiss ko na talaga siya at ang mga pangaasar niya. Pero hindi ko mapigilan na magtago dahil nalalaman ko na madalas daw silang nag-uusap ng ahas kong ex-bestfriend! Madalas daw silang nakikita sa school na magkasama o kaya sa paggagala at pinupuntahan pa daw siya ng babaeng ‘yon sa trabaho niya sabi ni Vin. Naiinis na nga daw si Vin kay Roxanne dahil todo kapit daw sa kaibigan niya. Ako din naiinis! Bumalik lang sa realidad ang utak ko nang maka rinig ako ng tatlong malulumanay na katok mula sa pinto ng kwarto ko. "Bukas ‘yan." Walang gana kong sabi. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at lumitaw ang ulo ni Ate Kaye. "May bisita ka." Naka ngiting sabi ni ate Kaye. Hindi nalang ako sumagot. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto. "Zeil," Napa tayo ako bigla mula sa pagkakadapa at pagkaka subsob ng mukha ko sa unan nang marinig ko ang boses na niya. "What are you doing here?" Malamig kong tanong nang makabawi sa pagka gulat. "Pinagtataguan mo ba ‘ko?" He asked as if he doesn’t know. ‘Obvious ba?’ "No. Why would I?" Malamig ko paring sagot. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at lumapit siya sa’kin. "Zeil, seriously? Kausapin mo naman ako ng maayos." Parang ubos ang pasensyang sabi niya. Siya pa talaga ang may karapatang maubusan ng pasensya? "Maayos naman akong sumasagot ah? Ano bang kailangan mo?" I said in a bored tone. “Paki bilisan nalang dahil may mas importante akong gagawin.” "Zeil. Ano bang nangyayari?" He asked He seem irritated but I don’t care. "Nothing. At kung itatanong mo ang problema ko, wala. Masaya nga ako eh." Ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko. "Masaya ako kasi mukhang masaya ka na with Roxanne." Ramdam kong anytime ay tutulo ang mga luhang nagbabadya mula sa mga mata ko kaya mabilis akong tumayo at tinalikuran siya kasabay ng pagtulo na nga ng mga luha ko. ‘Come on Rare! Not again!!’ I wanted to scold myself for crying and feeling this way. I wanted to blame myself because for the second time, nagiging tanga nanaman ako. "Zeil. There's nothing going on between me and Anne." Agad lumabas ang pekeng tawa mula sa bibig ko nang marinig iyon. "So, Anne na ngayon? Parang nung mga nakaraan lang sinasabi mo pa sa’kin na tutulungan mo ako tapos ngayon close na kayo? Wow Zendrix! Wow!!" Hindi ko na napigilan na mapaharap sa kaniya at nahalata ko pang nagulat siya na makita akong lumuluha. ‘Damn you Zendrix! Damn you!!’ "Nagseselos ka ba?" Seryoso niyang tanong kaya umiwas agad ako ng tingin. There’s no point on denying but there’s no way I would say it too. "Umalis ka nalang." ‘Yan nalang at nasabi ko at dumiretso sa CR para hindi na niya makita pa ang mga luha ko. ‘Damn that fictional character!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD