NINE:

2414 Words
Zederina's POV. *** It's been two weeks mula nung huli kaming nag-usap ni Rixx. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako pag nakikita ko siyang kasama si Roxanne. Nitong mga nakaraang araw inisip ko kung bakit at anong nangyayari, but when I confirmed my feelings for him. Everything got more complicated for me. Naging mas mahirap sa akin ang lahat at naging mas masakit. How stupid of me right? Nasaktan na ako pero hindi parin ako natuto at umulit pa. If only there is a cure for heartbreaks, I would be willing to buy every stock the world would have. Natigil ako sa pagdadrama nang marinig ang katok sa pinto ng kwarto. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko saka nagsalita. "Pasok" I said in a soft tone. Nang bumukas ang pinto ay parang gusto ko nanamang umiyak dahil si Roxanne iyon. Naging malamig ang tingin ko at sinigurong walang mga luhang tutulo. Siya ang huling taong gugustuhin kong makita ngayon ngunit pinaglalaruan ata ako ng tadhana dahil nandito siya ngayon sa aking harapan. "R-rare" mahina niyang tawag. Nakikita ko ang pinaghalong hiya, guilt at lungkot sa boses ang sa kaniyang mga mata. "What are you doing here?" Malamig na tanong ko. I sound weird. Kahit ako ay hindi ko ata makilala ang sarili ko sa mga oras na ito. "Ahh.. I just wanted to talk to you." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. 'She wants to talk to me?' "Paki bilis nalang dahil busy ako at walang panahon para sa mga walang---" "I'm Pregnant." I was left lost of my words when I heard that. It echoed and echoed inside my head, over and over again. Parang gumuho ang mundo ko. Yung puso ko parang sinasaksak ng paulit-ulit at walang tigil. "Y-you're..." Tila hindi nagpoproseso ang lahat sa utak ko. "W-what?" My tears are ready to escape from my eyes nang magsalita siyang muli. "S-si F-florence ang tatay." She said along with her tears. Nagulat ako. May parte sakin na parang masaya at gustong mag party dahil sa kung anong dahilan pero may parteng naaawa kay Roxanne na ngayon ay umiiyak sa aking harapan. Nang makabawi sa pagkagulat ay inalalayan ko agad siya at agad na pinaupo sa kama ko. "Okay relax, Roxanne. D-don't cry." Pagaalo ko sa kaniya. Yes, galit ako sa kaniya pero naging kaibigan ko parin siya. I can't let her be like this. "W-what happened? A-alam na ba niya? Anong sabi niya? Pananagutan ka naman niya di'ba?" Sunod-sunod kong tanong, pero lalo lang siyang umiyak at agad akong niyakap. I can feel the need from her. The need for a friend. "B-break na kami. H-he left me, Rare. W-we b-broke up. H-he said he want you back." Umiiyak siya at patuloy ang paghikbi sa bawat salitang binibitiwan I was shocked at what I heard and I can feel may anger rising. "What?!" I burst out. Damn that jerk! Una ako'Great timing girls.' "Girls, samahan niyo muna si Roxanne dito. May tatawagan lang ako." After saying that ay lumabas na ako ng kwarto para gawin ang dapat kong gawin. Zendrix's POV. Naka upo lang ako sa paboritong spot ni Zeil dito sa park ngayon. Nagiisip kung anong gagawin ko para sabihin kay Zeil lahat. Wala naman kasi talagang namamagitan sa amin ni Anne. Sinabi lang niya sa'kin na kilala niya ako pero ako, hindi ko naman siya maalala. At alam ko na din na buntis siya. Pero balita ko naka takda na daw ang kasal nila ni Marverick ilang buwan mula ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang maalala ang sinabi ni Roxanne at ang pagkukwento niya ng pagbabati nilang apat na magkakaibigan. "Ang lalim ah?" Napa tayo pa ako mula sa pagkakaupo at pagkakasandal ko sa puno nang marinig ko ang pamilyar at mala-anghel na boses niya. "Ginulat mo ako." I said. Thankfully, hindi ako nautal dahil nasa harap ko na siya. Ngumiti lang naman siya saka naupo at sumandal sa malaking puno. 'Those smiles on her face..' Tahimik lang ang paligid at tanging ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag namin dahil ang mga lamp post ay may kalayuan na mula sa aming pwesto. Hindi na ako nakatiis kaya naman nagsalita na ako. "Zeil," Mahina kong tawag sa kaniya. Nakikiita ko sa peripheral vision ko na naka tingala siya at naka tingin sa mga bituin sa langit. "Hmm?" Mahina niyang sagot ng hindi inaalis ang tingin sa kalangitan. I sighed. I' trying to find my strength to tell her everyting. "About me and Anne---" "She already told me." Putol niya agad sa sinasabi ko. "I'm sor---" "Its okay Rixx---" "Can you please let me finish first?" Napa hilamos pa ako sa mukha ko dahil parang hobby niya nang wag akong patapusin. It's frustrating because I'm trying my best to be strong enough to tell her everything. "Okay, okay! Sorry, relax." Malumanay niyang wika, tila natatawa pa. Humarap naman ako sa kaniya kaya napatingin siya sakin. Agad kong hinawakan ang kamay niya. "Zeil. You need to know three things about me." Paninimula ko. Magsasalita pa sana siya pero agad ko nang nilagay ang pointing finger ko sa malalambot niyang labi. "Wag kang magsasalita okay? All you have to do is to listen." Bumuntong hininga naman siya at sunod-sunod na tumango. "First," Ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero kailangan niya nang malaman. "I am a real human." Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya at pagtitig niya sa'kin na parang sinasabing hindi siya tanga at alam niya 'yon kaya nagsalita na agad ako. "I mean, I'm not really from the fantasy world. Pinarusahan ako ng isang fairy dahil sa mga nagawa ko daw noon but I don't really know kung sino ako." I said. Alam kong gustong-gusto na niyang magsalita base sa nakikita ko sa facial expression niya. "Second, yes! Totoong kailangan kitang tulungan pero kapalit non ay ang pagbalik ko sa normal kong buhay. Ibig sabihin pabor sa'tin 'yon pareho but," Agad kong pinutol ang sinasabi ko at tinitigan siya mata. "Ang pangatlo. I think, magiging mahirap ang lahat ngayon dahil..." I paused at halatang naiinip na siya. "I think I like you--- Ahh, no! Scratch that, I don't like you." Mas pinakatitigan ko pa ang mga mata niyang ngayon ay may mga luha na. "I think.. I've fallen in love with you." Wala nang tigil sa pagtulo ang mga luha niya ngayon pero hindi siya nagsasalita na agad ikinakunot ng noo ko. Zederina's POV. Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko kasabay ng bawat t***k ng puso ko. Walang tigil na parang mga presong binigyang laya ang mga ito. 's**t!' "Z-zeil.." Kinakabahan siya. Nervous and sincerity is very visible in his eyes. "Zeil, please talk." he said, nervous. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya mahigpit nalang akong napayakap sa kanya habang patuloy na umiiyak dala ng kasiyyahan dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. I'm Speechless... "I love you too, Rixx." I whispered lovingly. I felt him stiffened pero agad ding nakabawi at inilayo ako sa kaniya. "A-ano? Paki ulit nga?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Halatang hindi niya inaasahan ang naging sagot ko. Natawa ako ng bahagya dahil sa kaniyang reaksyon. "Walang ulitan sa bingi." I said pero agad na dumampi ang mapupula at malambot niyang labi sa labi ko. He's kissing me passionately. His lips are brushing my lips gently and full of love. I can feel it. The so much love and care from him. Napa mulat ako mula sa pagkaka pikit ng tumigil siya at tinitigan ako sa mata ng puno ng pagmamahal. "Thank you." Ngumiti ako, at nang may maalala ako, agad kong kinuha ang isang box mula sa sling bag ko. "What's that?" Tanong niya, but nstead of answering his question ay binuksan ko nalang ang box. Napa ngiti ako nang masilayan ang laman nito. This would look perfect around his neck. "A couple necklace?"He said kaya ngumiti ako at kinuha ang necklace na may pendant na maliit susi Isinuot ko iyon sa kaniya at napa ngiti. Mahaba ang lace nito at obviously ay pang lalaki talaga. He did the same, isinuot niya din sa akin ang kapares na kwintas. "Mag promise tayo sa isa't-isa. This is our tree and this tree will witness our promises." I said with a wide smile. "Seriously? Ang corny naman." He said not minding me, heariong him. Sinamaan ko agad siya ng tingin kaya naman tatawa-tawa din siyang pumayag. "Ikaw ang mauna." Utos ko sa kanya. Agad naman niyang kinuha ang dalawang kamay ko at tumikhim bago magsalita. "Zeil, I promise to be loyal and stay faithful to you. I promise to be a better guy and the best boyfriend for you. And this tree is the witness of my unconditional love for you." He pause then flashed a smile. "And from this night, I will spend my remaining days with you and will make good memories of you and me, together, that we will cherish for the rest of our life." My tears are falling nonstop while listening to him. He kissed the back of my hands and wipe my tears. Tumikhim ako saka ako naman ang nagsalita. "Rixx, I Zederina Xeuzeil Rare Lanchenco, promise to be loyal and stay faithful to you. I promise to be a better woman and the best girlfriend." Napatigil ako dahil sa mga hikbing hindi ko mapigilan. "I promise to cherish each and every moments we'll spend together, and I promise to love you every single day of my life. I love you to infinity and beyond." And now, this tree is the witness of our unconditional love for each other. AFTER THAT night ay hindi kami nagsayang ng kahit kaunting oras. We spent a lot of time together at wala kaming pinalampas na oras, minuto o segundo at sinigurado naming magiging masaya kami sa bawat araw na magkasama kami. Pero wala ding araw na hindi kami naaapektohan sa katotohanang darating ang araw na mawawala siya at walang kasiguraduhan na muli pa kaming magkikita. Sa bawat araw na lumilipas mas nagiging mahirap sa amin na tanggapin ang lahat. Masaya kami ngayon pero paano bukas? Paano sa mga susunod pang araw? Hanggang sa dumating na nga ang araw na kinatatakutan namin. It's exactly 12 in the midnight, the exact time that we've been officially together. Naka upo kami sa favorite spot namin na tinatawag naming 'Tree of love'. Nilagay pa nga namin ang pangalang iyon sa puno, pati ang exact time and date noong gabing nagkaaminan kami. Naka ngiti kaming naka tingala sa langit at pinapanood kung paano magning-ning ang mga bituin sa langit. Napaka ganda at hindi nakakasawang pagmasdan. Wala na atang makakatapat sa sobrang sayang dulot ng mga oras na ito. Not until makita ko kung paanong unti-unting naglalaho ang taong mahal ko. My tears started falling habang pinapanood ko kung paanong tumatagos ang tingin ko sa kaniya. He's becoming transparent each seconds. "R-rixx?" Sambit ko sa pangalan niyang ako mismo ang gumawa at naka isip. "H-hon? N-no!" Umiiling-iling ako habang pinapanood ko siyang unti-unting naglalaho. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya ang pait ng mga ngiting naka guhit sa mga labi niya. Nakikita ko siya pero hindi ko magawang hawakan siya at yakapin. "R-rixx, m-mahal na mahal kita. Please! D-don't l-leave me!" Sinasabi ko 'yan sa pagitan ng mga hikbi. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang pinapanood kong mawala ang taong mahal ko. Hanggang sa tuluyan na nga siyang maglaho na parang bula. I can feel the suffocating pain inside my chest. It was suffocating me and I can feel the heavy pain inside me. 'He's gone...' The guy who helped me to forget the pain I had from my ex-boyfriend is gone and now.. Siya naman ang nagbibigay ng sobrang sakit sa puso ko at sa buo kong pagtao. Unti-unting nadudurog ang puso ko sa bawat segundong lumilipas. Pakiramdam ko ay dala niya ang malaking bahagi ng puso ko sa pagkawala niya. I can feel it. Wala na siya... Wala na yung taong naging dahilan kung bakit ako naging masaya. Wala na yung taong naging dahilan kung bakit ako tumanggap ng sakit. Wala na siya at dobleng sakit ang idinudulot niya. "Zendrix!!" I shouted nang tumayo ako at maglakad papunta sa gitna ng Park. "ZENDRIX!"mas malakas ko pang sigaw, trying to call him dahil baka nagtatago lang siya. I'm still hoping that this is all just a joke and we will still end up together. "Zendrix! Nasaan ka na ba?!" Sigaw ko habang patuloy na lumuluha. Umiiyak ako ng walang tigil, dahil hindi ko kayang tumigil. I'm trying to convince myself that this is just a nightmare at magigising nalang ako na nasa tabi ko pa siya. "Zendrix!" It was almost a whisper. "Sabi mo tutulungan mo ako, di'ba? Sabi mo tutulungan mo akong mawala yung sakit." I said in-between my sobs. "Pero nasaan ka ngayon? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito pagkatapos mong alisin ang sakit at palitan ito ng saya? B-bakit?" Napa luhod na ako mataos sabihin iyon. Hinang-hina ako at ramdam ko ang malapit nang pagsuko ng aking katawan. "Hon, bumalik ka na sa akin. Please!" Tumingala ako sa langit kung saan nakikita ko ang kinang ng bawat bituin at liwanag ng bilog na buwa. 'I'm begging you. Ibalik mo na siya. Hindi ko kayang mawala siya." Mahina na ang boses ko ngunit naroon ang sakit at hinanakit. Nanghihina ako at pakiramdam ko wala na akong lakas kaya nanatili akong naka luhod at naghintay nalamang na bumigay ang aking katawan. "Bumalik ka na, please." And then I felt the dizziness, I feel numb and I can't move... Until I felt myself falling and everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD