Zederina's POV.
***
"RARE!!"
Inis na inis kong hinablot ang unan na nasa tabi ko at itinakip sa mukha ko nang marinig ko ang malakas at nakaka rinding boses ni Denny.
Nakakainis talaga! Puyat ka na nga tapos ganyang kaingay pa ang gigising sa'yo? Oh come on! Ang sakit sa ulo!
"Rare, wake up!" She again spoke.
Niyuyugyog na niya ako ngayon kaya naman iritang-irita kong inalis ang unan sa mukha ko at pinilit imulat ang mga mata ko. Kahit pagmulat ng mga mata ko ay halos hindi ko na magawa.
"Ano ba kasi, Denny? Can't you see that I'm sleeping?! Gosh! I still haven't had enough sleep." I said irritated.
Ang aga-aga naman kasi mambulabog eh!
"I can see that, clerly.." She said with her right eyebrow raising. "Pero baka nakakalimutan mong may kasal pa tayong pupuntahan ngayon? Sino bang nagsabi sa'yong magpuyat ka? "
Agad nanlaki ang mga mata ko at napa bangon ng wala sa oras nang maalala kong kasal nga pala nila Roxanne at Erick ngayon.
'Ohh god! How can I be so stupid!!"
Oo.. Kasal nila ngayon, pero wala naman na iyon sa akin. Tanggap ko na 'yon. I'm not bitter. Pero ang weird din kung bakit ganon. Kung paano ko natanggap lahat, basta nagising ako isang umaga na okay na ako. Pero pakiramdam ko may malaking part sa buhay ko na nawala. Yung parang may mga namissed akong pangyayari sa buhay ko? Ewan ko pero 'yon yung pakiramdam. Pero hindi ko nalang iniisip iyon dahil sumasakit lang ang ulo ko tuwing iisipin ko ito.
"Nakita mo na ba yung partner nung necklace mo, Rare?" Tanong ni Sab habang nasa kotse kami at on the way papunta sa simbahan.
"Hindi nga eh. Pero hayaan na, wala naman akong pagbibigyan nun eh." Sagot ko nalang.
"Ano ka ba! Paano mo mabubuksan yang kwintas mo kung wala yung isa? Malay mo may maliliit na diamonds palang laman yan." Sab said with a glint of excitement in her eyes.
Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Abnormal talaga ang babaeng 'to eh. Ano namang gagawin niya sa diamonds eh mayaman naman siya.
Ang tinutukoy niya kasing kwintas ay yung binili ko sa mall that day that we saw Roxy having an argument with the saleslady. Hindi pa kami okay non. Ewan ko ba kung saan ko nailagay yung kapareha, I'm so clumsy. I know that now.
So ayon nga. Naging okay naman yung wedding. Naging successful and perfect naman siya. Napapa iling nalang nga ako kapag naiisip ko ang mga nangyari sa amin. But now heto sila at kinasal na . Masaya ako para sa kanila. Bagay naman sila. Maybe everything really happens for a reason.
And of course after the wedding is reception.
"Congrats, Roxy. Good luck sa new chapter ng buhay mo!" Bati namin kay Roxanne nang masolo namin siya.
"Thank you, girls!" Mangiyangiyak niyang pasasalamat kaya niyakap agad namin siya.
Masiyado talaga siyang emotional. Sabi nila epekto din daw ng pagbubuntis iyon.
"Pagbutihan mo mamaya ah!" Sabay kindat pa ni Denny.
Namula naman agad si Roxanne. Baliw talaga 'tong si Denny eh. Walang preno ang bibig.
"Oh ito, gift namin sa'yo. Gamitin mo yang mga 'yan mamaya ah?" Sabay abot ni Sab ng tatlong regalo na galing sa amin.
"Thank you" Roxy said and hugged us.
Maya-maya lang ay kinuha na din siya ng kaniyang asawa.
"Oh? Sino na kayang next!" Biglang sabi ni Denny na parang nagiisip pa.
'Abnormal talaga.'
"Baka si, Rare." Sab answered Denny's question.
Agad akong napa tingin sa kanila dahil sa gulat.
"Anong ako? Wala nga akong boyfriend eh! Baka kayo!" I said and I know I sound defensive.
I don't know why.
"Psh! Lalo naman kami 'no! Nasa states ang boyfriend namin kaya paano kami magpapakasal? Ikaw? Bakit kasi hindi ka pa maghanap?" Sab said.
Nag shrug nalang ako dahil di ko din naman masagot ang tanong niya. Marami namang nanliligaw sa'kin but they always end up getting rejected. Ewan ko ba, pero kasi parang may ibang hinahanap ang puso at isip ko. Para siyang naghihintay at pakiramdam ko hindi pa kumpleto ang pagkatao ko. It feels like there's a big part of me that I still need to find? Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay hindi pa talaga ako handa para sa bagay na iyon.
THE DAYS, weeks and months went well. Lumalaki na ang tiyan ni Roxy at kami naman siyempre dahil kami ang pumapasok ay tinutulungan namin siya para sa pagho-home study niya.
Nakilala ko na din ang boyfriend ng dalawa ko pang kaibigan. Si Razer Ryle Cruis ang boyfriend ni Sab at si Landrick Lint Frost naman ang boyfriend ni Denny at twin brother ng boy-bestfriend namin na si Xyron.
Ipapakilala pa daw nila ako sa isa pang kaibigan nila. Ewan ko ba sa mga loko-lokong 'yon.
"So, ano girl? Payag ka na ba na ireto nila sa'yo yung gwapong-gwapo nilang friend?" Excited na tanong ni Denny habang si Sab naman ay busy sa pagdutdot ng phone niya at ako naman busy sa pagtatype sa laptop.
"Hindi na kailangan." Simpleng sagot ko ng hindi inaalis ang tingin sa laptop ko.
"Ano ka ba, girl? Mag-isip ka muna! Next week na sila uuwi eh. Para naman maging okay na ang Ikot ng life mo di'ba?" Pangungulit ni Denny.
Siya talaga ang pinaka persistent sa kanilang dalawa ni Sab lalo na pagdating sa ganitong bagay,
"My life is just fine. I don't need a guy at isa pa," I looked at her and continue. "Sinabi ko naman sa inyo na hindi pa ako ready di'ba?" I said and once again focused on my laptop.
"Sayang naman kasi ang date. Kahit try lang?"Denny persistently asked.
Umiling nalang ako.
Ayoko nang dumagdag pa 'yan sa iniisip ko kaya ayokong tanggapin ito kahit na anong pilit nila. Even Roxanne pushes me to do it. Tsk! Hanggang ngayon nga problema ko pa yung sinabi nila mommy na ipapakasal na nila ako this year eh. Magtu-twenty palang ako tapos ipapakasal na.
"Pagbigyan mo na kami, Rare. Bago ka makasal iexperience mo muna ang makipag date sa iba di'ba? Malay mo naman pasok sa banga yung guy. Masiyado ka naman kasing pihikan!" Si Sab naman ngayon. "What if magustuhan mo siya at ganon din siya sa'yo? You can easily say no to tita and tito about the arrange marriage."
Napa buntong hininga nalang ako at wala na ring nagawa kung hindi pumayag. She actually have a point. If the date goes well, I have a chance to say no to mom and dad. At tungkol naman sa Kasal? Yes! A month after Roxanne's wedding they talked to me.
Katatapos ko lang maligo at pababa na ako dahil magdi-dinner kami nila mom and dad ngayon. Kakauwi lang nila from Hongkong at ewan ko pero parang kinakabahan ako, although hindi naman ito yung first time na magdi-dinner kami after their long business trip ay hindi ko nparin maiwasang kabahan sa hindi malamang dahilan.
"Good evening mom" I kissed mom on her cheek and did theb same to dad after greeting him.
"Good evening my princess. Maupo ka na." Dad said with a smile.
Ngumiti naman ako kahit na kinakabahan talaga ako. Meron talaga akong nararamdamang kakaiba sa kanila.
Habang kumakain kami, dad spoke..
"Princess" tumingin naman ako kay dad matapos niya akong tawagin.
I knew it!
"Yes, dad?" I said habang patuloy sa pag-kain kahit na ang totoo ay kabado na ako.
'Chill, Rare!'
"Since you are our only daughter and you are the heiress of the family." He paused and look at my mom before he continue. "We've decided na ipakasal ka na sa nagiisang tagapagmana ng pamilyang Cross."
I caughed after hearing what dad said. Nalunok ko nalang basta ang tubig na iniinom ko nang marinig ang sinabi ni daddy kaya agad silang napa tayo pero itinaas ko lang ang kamay ko para sabihing okay lang ako.
"Is this some kind of a joke dad?" I said with a light fake laugh. "Should I laugh?"
"Anak, alam namin na may usapan tayo. But we made sure naman that you will marry the right person and we assure you na hindi ka niya sasaktan." Mom said with a pleading look.
I started pinching the bridge of my nose at mariing pumikit. Ayokong mag burst out nalang bigla lalo na at magulang ko ang kaharap ko.
"Princess, please? Isa pa,' Dad looked at me with a worried look. "You're turning 20 this year kaya pwede na naman di'ba?" Dad said as if he's just asking for a bread.
'YON ANG naging usapan namin. Wala akong nagawa kundi ang umoo nalang, pero nagbigay ako ng Kondisyon na bago ang kasal kailangan makilala ko muna ang 'fiance' ko at makasama para kahit papano ay makilala ko siya. Ewan ko ba sa parents ko kung bakit naisipan nilang ipakasal ako agad-agad.
Sa pagkakaalam ko hindi pa naman lagpas sa kalendaryo ang edad ko para sila mismo ang humanap ng pakakasalan ko. Naging mabait naman ako mula bata ako. Hindi nga ako nakikipag away sa kahit sino eh. Hindi rin ako nagrerebelde o nagpapaka spoiled brat. Pero bakit parang pinaparusahan ako?
Marrying someone I barely know? Sobrang parusa naman yan. Nagkatotoo talaga ang sinabi nila Sab na ako na ang susunod kay Roxy.
"Ano, girl? Ready ka na?" Denny asked me while I'm in front of the mirror.
Huminga muna ako ng malalim saka tumango. Ngayon daw kasi ang date na sinet nila kaya ngayon ko makikilala yung friend daw ng boyfriend nila.
I'm wearing a simple white dress. Fitted yung upper part niya hanggang sa waist kaya kitang-kita ang hubog ng katawan ko, Malapit na sa tuhod ang haba niya kaya hindi naman ako nakikitaan pag nililipad siya, pinaresan ko lang ito ng white flat shoes. Messy bun hair and simple makeup for the final look. Hindi na din ako nag-abalang maglagay ng contact lense at hinayaan nalang ang kulay berde kong mga mata.
WHEN WE arrive at the restaurant, a formal looking guy led us somewhere in the restaurant and motioned his hand to the where three good-looking men are sitting.
"Hey!" Biglang bati nila sa mga lalaking mukhang hindi agad napansin ang paglapit namin.
My friends' boyfriends are good-looking, pero nakuha agad ng lalaki sa gitna nila ang atensyon ko. His brown tantalizing eyes, naturally curled long eyelashes, sharp nose and his red lips. And of course, his very manly body-built is a plus.
I think I almost drooled if not for Sab who spoke.
"This is Rare, our bestfriend." Sab introduced me to the guy in the middle.
"And this is Daemien Lorenzo Ruxell Cross." Sab introduced the guy.
Agad nangunot ang noo ko nang may pumasok sa utak ko pagkarinig ko ng apelyido ng lalaking ipinakilala ni Sab. 'Cross?'
Why does it sound familiar? I just can't recall where I first heard it from.
"Huy! Upo na!" Bulong ni Denny na bahagya pa akong hinila paupo sa gitna nila ni Sab.
"A-ahh, yeah." nasabi ko nalang saka naupo.
Napapagitnaan ako nila Denny at Sab kaya katapat ko si Mr.Cross na tinititigan pa ako sa mata. Okay? Nakaka conscious at napaka awkward nito sa part ko. He's just there staring at me.
"Your eye colors are green?" Biglang tanong niya.
Ahh? Kaya pala. So it's my eyes.
"Ahh, yeah. As you can see." Medyo nahihiya kong sagot.
This is so awkward!
"Cool" he said at tinitigan pa ako.
Ohh god! Kailangan ba talaga niya akong titigan ng ganon? Is he planning to stare at me the whole night?!
"Wag mong titigan 'tol! Nahihiya eh!" Dinig kong bulong ni Ryle sa kaniya.
Buong ba talaga 'yon?
"So, ano? Order na tayo?" He said that we all agreed.
Kaya naman nagkanya-kanyang order na kami. Pare-parehong Beefsteak ang order namin nila Denny tapos tubig at at wine.
"Pare-pareho pa ata kayo ng paboritong pagkain ah?" Natatawang puna ni Lint.
"Actually ginaya lang nila ako." I said bago pa nila ipasa sa'kin.
Sab and Denny have this habbit of ordering the same food as mine. They always do that since we were kids.
Naka tanggap ako ng siko mula sa kanila na agad kong ikinanguso.
"Totoo naman kasi!" I whispered, but it seems like they still heard me.
Natawa kasi ang boyfriend nila habang si Mr.Cross naka titig nanaman sa'kin. And because it really feels awkward, I spoke.
"Stop staring, Mr.Cross" I said.
"You just look so perfect." Sagot niya kaya naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. "I can't help but admire your perfection."
Tumikhim naman ang mga kasama namin matapos ang halos limang minutong katahimikan pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nakakahiya!
-////////////-
"Rest room lang ako." Paalam ko saka tumayo.
Nang aalis na sana ako bigla naman akong hinila ni Mr.Cross na ikinagulat ko.
"Hey! What the hell are you doing?!" Singhal ko dahil ayaw niyang tumigil sa paghila.
Good thing naka flat shoes ako kung hindi kanina pa may gasgas ang mukha ko!
"Getting you out of this place. Gusto ka nang hubaran ng mga lalaki dun." He said and I can see his jaw tightened.
Napa tingin naman ako sa suot ko.
"Hey! What are you saying? Disente naman ang suot kong damit ah!" Inis na sabi ko at pinilit alisin ang kamay ko sa pagkaka hawak niya.
'The hell is this guy's problem?!'
"Alam ko, pero kahit disente ang suot mo yung mga mata nila halos lumuwa parin. Hindi mo ba napansin?" Pa-cool niyang sabi habang tila pinagaaralan ang mukha ko.
"N-no?" Alanganing sagot ko kahit napansin ko naman talaga ito. kaya nga ako pupunta sana sa rest room para tingnan kung may mali sa suot ko o sa mukha ko.
"Yes, you did. That's why I'm doing you a favor. Halata naman kasing naiilang ka." He said saka nagsimulang maglakad. "Follow me, itutuloy natin ang date natin." he said when I didn't move from standing.
Sumunod naman ako dahil ayoko na din namang bumalik sa loob ng restaurant. Tama naman siya eh, naiilang talaga ako. At isa pa, I want to give those lovers a room. Soguradong maghihiwa-hiwalay na din ang mga iyon kapag hindi na kami bumalik at magkakaniya-kaniyang date.
Well? Might as well enjoy this night. Nandito na rin lang naman ako.