"Maeve anong sabi mo na mukha akong palaka?" ang galit na turan ni Abegail sa kanya.
"Nagkakamali ka Abby, sila yung sinabihan ko, hindi ikaw siyempre pinsan kita e." pagdedepensa niya pa sa sarili.
"So sinungaling ang mga kaibigan ko?" nakapamewang na ito sa harap niya.
Di nalang siya nagsalita dahil ayaw niya din naman na magkasagutan pa sila.
Bigla nitong hinila ang buhok niya at namilipit siya sa sakit. Hinahawakan niya ang sarilinh buhok upang mapigilan ang pwersang paghila nito sa kanya at baka matuklap pa ang anit niya.
"Aray ko Abby, masakit" umiiyak na siya. Di rin niya kayang gawin ang ginagawa nito sa kanya.
"Bagay yan sa iyo! Hampaslupa ka! Feeling maganda! You took my shine sa mismong birthday ko!" ang galit na turan nito sa kanya.
"Go Abby! go Abby!" ang rinig niyang sigaw ng mga kaibigan nito. Pawang lahat ay masaya ng makitang sinasaktan ako ng pinsan ko.
Binitawan nito ang buhok niya at malakas siya nitong itinulak kaya humandusay siya sa semento. Nagasgasan ang maputi niyang tuhod at nagdugo iyon ng bahagya. Tumulo ang masaganang luha niya habang binabato siya ng mga candies ng kaibigan nito.
"Hoy jusko, anong ginawa niyo sa anak ko. Abby! Ikaw ba ang may gawa nito sa pinsan mo?" ang tanong ng nanay niya. Mabuti na lamang at dumating ito ngunit napansin niyang nakasuot ito ng apron at basa pa ang mga kamay nito ng yumakap sa kanya.
"I don't have a pinsan na mahirap just like her!" ang malakas na sigaw nito sa nanay niya.
Dumating naman si Tita Nelit at si Tito Anton at bigla nalang umiyak si Abby sa harapan nila.
"Mom, Dad she call me I am like s frog" humihikbing turan nito sa magulang.
Sa nadinig ay biglang namula si Tita Nelit sa galit.
"Pagsabihan mo naman yang anak mo ate na wag maging mapanlait sa kapwa! Porket may lahing italyano yan e pagsasalitaan nalang niya ng ganyan ang anak ko! Walang delikadesa! Ganyan ba ang tinuro mo sa kanya? Nakikikain na nga lang kayo dito ganyan pa ang asal ng anak mo!" ang mahabang paliwanag nito. Si Tito Anton naman ay hinihimas ang likod ng asawa na tila ba pinapakalma ito.
Tumayo ang nanay niya at siya nama'y nagtago sa likurang bahagi nito. Tila ba'y takot na takot sa nangyaring gulo sa birthday ni Abegail.
"Bakit Nelit? Hindi ko ba pinagtrabahuan ang pagkain namin dito? Diba ako ang inatasan mong maghugas ng mga pinggan? Tiniis ko lahat Nelit, ang lahat ng pang aalipusta mo sa akin dahil alam ko sa ating dalawa ako yung mahirap at walang pinag aralan! Ito ba ang sukli mo sa pagpapa aral ko sa iyo? Ha? Kaya kung tiisin lahat wag lang ang anak ko Nelit!" ang galit na turan nito sa kapatid. Umiiyak na ito habang dinuduro ang kapatid. Sa unang pagkakataon ay nagkalakas na siya ng loob na sumbatan ito. Ang kanina'y galit na mukha ng Tita niya'y bigla na lamang napayuko at natahimik, wala ni isang salitang ang lumabas sa bibig nito.
Hinila siya ng kanyang inay palabas ng bahay ng Tita niya. Ni hindi na nga nito nilingon pa ang pamilya.
__
Lubos na nasaktan si Aling Rosa sa nangyari sa pagitan nila ng kapatid niya. Ito ang unang pagkakataon na nagkabangayan sila sa harap pa talaga ng mga anak nila.
Si Nelit nalang kasi ang tanging pamilya niya. Dalawa lang silang magkakapatid at maagang namatay ang mga magulang nila dahil sa aksidente. Nasa dise-otso na siya noon ng mapagpasyahan siya na lamang ang tatayo bilang ama't ina sa nakakabatang kapatid. Ayaw niya din naman kasing umasa sa mga kamag anak nila na may sarili na ding buhay at hindi pa nilang lubos na kakilala. Naghanap siya ng trabaho hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ang kapatid. Ngunit ng mabuntis siya ng isang foreigner ay inamin din nitong nagdadalawang tao sa nobyo nitong si Anton. Mabuti na lamang at pinanindigan siya ng lalaki't may kaya din ito sa buhay kaya medyo gumaan ang pamumuhay nito samantalang siya ay malas sa pag ibig. Pero ng makita niya ang anak na si Maeve ay nangako siyang itataguyod niya ang anak sa abot ng kanyang makakaya at palalakihin niya itong maging mabait na bata.
__
"Nay, I'm sorry po. Hindi naman po si Abby yung sinabihan ko po ng palaka ang mukha e, yung mga kaibigan niya po kasi inaaway nila ako e" ang paliwanag ni Maeve sa ina. Sinisisi niya ang sarili dahil dito sa gulong nangyari.
Yinakap siya ng ina at hinagkan sa ulo.
"Anak, tama lamang ang ginawa mo. Sa susunod dapat maging matapang ka, wag mong hayaan na apihin ka ng iba. Pag nawala man ako dito sa mundo, di na ako mababahala dahil alam kung pinalaki kitang matatatag." nagsimula na naman itong umiyak. Nakakaramdam siya ng awa sa ina dahil palagi nalang itong stress kaya niyakap niya nalang ito pabalik at pinapadama na mahal niya ito.
"Nay, anong mawawala po sa mundo? Iiwan niyo po ako? ang inosente niyang tanong dito.
"Of course, di kita iiwan lagi akong nakabantay sa iyo. Pangako yan." anito.
Matapos ang insidenteng nangyari sa birthday ni Abegail ay wala na silang contact pa sa Tita Nelit. Nabalitaan nalang nila na lumipat na daw ito sa siyudad para doon na manirahan.
Pinagbutihan ni Maeve ang kanyang pag aaral sa elementarya. Minsan nga ay niyayaya siya ng mga kaklase niya na makipaglaro pero pilit siyang tumatanggi dahil mas gugustuhin pa niyang magbasa nalang ng libro sa gilid.
"Maeve ano na dun tayo sa may sliding area oh" yaya pa ng kaklase niyang si Mauren. Di niya makalimutan ang pagmumukha at pangalan nito dahil ito ang nagpahiya sa kanya sa klase ng minsang sardinas ang ulam niya for lunch dahil katapusan at gipit sila sa pera.
"Ayoko kayo nalang" ang tanggi niya.
Tumingin si Mauren sa tatlong kasama at iniutos na kuyugin siya. Hinawakan nila ang magkabila niyang braso at pilit na hinihila papuntang children's playground. Tinutulak naman siya ng isa kaya napapasunod na lamang siya dito.
Kinakabahan na siya dahil sa totoo lang ay wala siyang suot na panty ngayon. Nasa labahan ang dalawang panloob niya at nakalimutan pa iyon labhan ng nanay niya dahil nakatulog ito pagkauwi sa bahay dahil sa sobrang pagod. Kahit mahirap lang sila ay di naman siya ini obliga ng nanay niya na tumulong sa mga gawaing bahay. Iniaako nito ang lahat kaya ng makita niyang di nito nalabhan ang panty ay nagmamadali na siyang pumanhik na lamang sa paaralan dahil ayaw niya din namang ma late sa klase. Di rin niya naisip na magsuot na lamang ng short dahil hanggang tuhod naman ang palda nila.
"Mauren, sabihin mo naman sa kanila na bitawan na ako! Maawa ka!" pagmamakaawa niya dito.
"Maeve, wag ka puro libro. You should be thankful to me dahil gusto ko na mag enjoy ka!" aniya. Nauna na itong umakyat sa hagdan ng slides.
"Everyone, today ay makikipaglaro na sa atin ang pinakamatalino sa klase natin" anunsiyo pa nito ng nasa taas na. Napatingin naman ang lahat ng mga bata sa kanya kabilang na ang pinakabully nilang lalaking kaklase na si Gino.
Nauna na nga itong nagpadausdos sa slides.
"Guys, isunod niyo na si Maeve" ang masayang sigaw nito sa mga kasama.
Nang nasa taas na sila ay di niya maiwasang kabahan dahil lahat ng mga bata ay nakatingin lamang sa kanya. Pinagpapawisan na siya ng malamig. Aatras na sana siya pero nakaharang ang tatlo kaya wala na siyang kawala pa dito.
"Go Maeve, go Maeve!" ang rinig niyang pag che cheer nila.
"Okay Fine! Isang beses lang ah Mauren!" pag sangayun niya dito. Nakita niya pang pumalakpak pa ito sa tuwa. Iipitin na lamang niya ang palda para di ito liparin ng hangin. ang bulong ng isip niya.
Naka pwesto na siya para sana pumadausdos na pero hindi niya inaasahan na itutulak pala siya ng isa sa tatlong nasa likuran.
Bigla ay nagulat siya sa ginawa at sa bilis ng pangyayari ay hindi naipit ng kamay niya ang palda at pagkalapag niya sa ibaba ay nawalan pa siya ng balanse dahilan upang mawaksi ang palda niya't nakita ang p********e niya.
Biglang tumahimik ang paligid. Ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Walang panty! walang panty! walang panty!" narinig niya na lamang ang sigaw ng mga bata. Mas dumami pa iyon at nagkumpulan sa gawi niya, pinapalibutan na siya ng mga ito. Narinig niya ang mga tawanan na may halong pang aasar sa kanya.
Di niya na mapigilan at mabilis siyang tumakbo paalis sa lugar na iyon. Tinatakpan niya din ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan na natamo.
Tinungo niya ang kanilang silid at agad na kinuha ang kanyang bag dahil naisipan niya ng umuwi.
Di niya alam na nakasunod pala sa kanya si Mauren.
"Maeve, I'm so sorry hindi ko alam na.. na.. " hindi nito maituloy tuloy ang sasabihin
"Na wala akong panty? Oo na Mauren! Sinabi ko naman sa iyo diba na ayokong maglaro? Pero pinilit mo ko! Tama na Mauren! Wag mo na akong ipahiya pa! I hate you for the rest of my life!" bumagsak na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Tinalikuran niya na ito at bago paman siya makalayo ay nilingon niya ulit ito. Nakita niya si Mauren na malamlam ang mga mata na nakatingin sa kanya.