CHAPTER 1
"Inay, nasan po ang tatay ko?" ang inosenteng tanong ni Maeve sa kanyang ina ng minsan pagkagaling sa school.
Anim na taon gulang na siya at nasa unang baitang na. Napansin niya na halos sa mga kaklase niya ay hatid sundo ng mga magulang samantalang siya ay naging independent sa murang edad dahil wala din namang maghahatid sundo sa kanya dahil ang kanyang ina ay late nang umuwi sa bahay dahil lagi itong nag oovertime sa trabaho. Sa murang edad ay na appreciate niya ang ginagawa ng kanyang inay. Hindi din naman kasi biro ang maging single mom kaya naiintindihan niya ito kung kailangan kumayod kalabaw para lamang mabuhay silang mag iina.
Natahimik naman bigla si Aling Rosa sa tanong ng anak niya. "Maeve, iniwan na tayo ng tatay mo dahil mas pinili niya ang legal niyang pamilya. Pasensya ka na anak kung naranasan mo ang ganito, patawarin mo ako anak nagmahal lamang si nanay." umiiyak na ito habang yakap yakap niya na ang anak.
"Nay, wala po kayong kasalanan. Yung tatay ko po ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Bad siya" ang sabi niya sa kanyang ina. Hinahaplos niya ang likod ng nanay niya upang hindi na ito umiyak pa.
"Anak wag ka sanang magtanim ng galit sa tatay mo ha? Ipangako mo yan sa akin." Tumayo ito at nagtungo sa kwarto, pagkabalik nito'y may dala na itong litrato. Nakita niya doon ang nanay niya kasama ang isang lalaki na unang tingin palang ay isang banyaga. Kuha ito sa isang sikat na beach dito sa Pilipinas.
Nakalagay doon ang pangalan at address pa nito sa America.
"Levi Lendberg." nasambit na lamang niya ang pangalan ng ama niya.
Matalino siya. Kahit nasa grade 1 pa lamang ay alam niya na kung paano magbasa at magsulat. Isa siya sa mga paborito ng kanyang teacher dahil bukod sa matalino ay bibo pa siya na bata. Observant din siya at matured na mag isip kumpara sa mga kaklase niya.
Pumanhik na siya sa kwarto niya at maingat na itinago ang litrato sa lagayan at isiniksik niya pa iyon sa mga damit niya.
"Maeve, magbihis ka na diyan dahil pupunta tayo sa Tita mo, birthday ng pinsan mo na si Abegail." sigaw ng nanay niya.
"Opo Nay" sigaw niya pabalik dito.
Nakita niya ang cute na pink dress. Regalo ito ng nanay niya nung nakaraang buwan na kaarawan niya. Ngunit di na sila naghanda pa dahil sapat lamang ang sahod ng kanyang ina sa pang araw araw na gastuhin.
Isang buwan lamang ang tanda niya sa pinsang si Abegail. Ngunit hindi lamang sila magka klase sapagkat nag aaral ito sa pribadong paaralan samantalang siya ay sa public lamang.
"Ay ang ganda naman talaga ng anak ko, mana sa ama niya. Di ako nagsisi na nabuntis ako dun sa tatay mo sobrang gwapo din naman kasi yun. Oh tignan mo naman ang anak ko. Napaka diyosa." masayang sambit ng nanay niya pagkalabas niya ng kwarto. Inikot ikot pa siya nito na para bang isa siyang prinsesa.
"Nanay, paglaki ko po gusto kung maging isang sikat na modelo po para matulungan ko po kayo" sambit niya sa ina.
"Ang swerte ko talaga sayo anak. I love you so much" niyakap't hinagkan siya nito.
"Oh halika na't baka mahuli pa tayo sa handaan" natatawang sabi pa nito.
Excited naman si Maeve na makita si Abegail at maibigay niya ang ginawa niyang paper doll dito. Mayroon pa itong kasamang mga damit na idrinawing niya lamang at ginupit gupit.
"For sure magugustuhan to ni Abegail diba Nay"? pinakita niya pa sa ina ang gawa niyang dalawang paper doll. Balak niya kasi na maglaro sila mamaya pagkatapos ng party nito.
"Oo anak! Napaka talented mo talaga" She patted her head habang nakasakay sila sa bus patungo sa bahay ng kapatid.
-
"Nelit pasensya kana kung wala akong regalo kay Abegail ah, pinambayad ko na kasi sa upa ng bahay tsaka kuryente't tubig yung sahod ko" narinig niya ang sabi ng kanyang inay sa nakababatang kapatid nito na si Tita Nelit.
"Sinabi ko naman kasi sayo, mag asawa ka ulit at siguraduhin mong walang pamilya! Lalandi pa kasi sa may asawa pa! Ay naku di ginagamit ang utak!" pagkasabi ay umalis ito't nagtungo sa kusina. Kinuha na nito ang mga pagkain at inilipat sa mahabang lamesa. Iba't ibang putahe ng pagkain ang nakahanda doon at mayroon pang malaking cake na may nakasulat na "Happy 6th Birthday Abegail from Mama &Papa"
Di niya maiwasang mainggit sa pinsan dahil kumpleto ang pamilya nito.
"Maeve, tawagin mo na nga yung pinsan mo andun sa kwarto niya" utos ng Tita Nelit niya sa kanya kaya umakyat na siya sa hagdan at ng nasa harap na siya ng pinto ay kumatok muna siya.
"Pasok!" rinig niyang sambit nito.
Ipinihit niya ang doorknob at nakita niya si Abegail na nakasuot ng napakagandang gown na parang isang prinsesa. Kulay pink din ito at may suot suot pa itong korona.
"Maeve, pasok ka!" sambit nito pagkakita sa kanya.
"Nakahanda na daw sa baba sabi ni Tita Nelit. By the way Abby may gift ako sa iyo." Inilahad niya ang gawa niyang paper doll sa pinsan pero nakita niya sa mukha nito na parang di niya ito nagustuhan.
"Maeve, ano ba yan! Ang pangit naman niyan! I have plenty of barbie dolls received today noh? Itapon mo nalang yan!" ang maarteng sambit pa nito.
"Ah sige" mahinang sambit niya. Gusto niyang umiyak dahil kahit anong pilit niya na mapalapit dito ay tila ba ayaw nito sa kanya. Nauna na itong bumaba at iniwan siyang nakatulala lang sa kwarto nito. Totoo naman na marami talaga itong mga laruan sa kwarto gaya nga ng sabi nito.
"Close the door okay paglalabas kana." sigaw pa nito at tuluyan ng bumaba. Narinig pa niya ang masayang bati ng kanyang Tita Nelit sa anak.
Hindi niya itinapon ang regalo niya para kay Abby bagkus ay maayos niyang inilagay ito sa vanity mirror kung saan mabilis lang itong makikita ng pinsan.
Bago bumaba ay sinarado nga niya ang pinto. At ng pagkababa niya ay marami na ang mga bisita nila Tita Nelit. Di niya mahanap ang kanyang inay kaya naupo na lamang siya sa may gilid ng bakuran nila. Maganda ang pagkaka decor dito. Maraming balloons at candies. At nakita niya pa ang paborito niyang Disney Princess na naka display sa harapan.
Masayang nakikitawa si Maeve sa clown ni hinire ng Tita niya. Amaze na amaze siya kung paano bigla nalang lumitaw ang kalapate sa suot nitong jacket.
She saw Abegail na masaya ding nakikipag usap sa mga kaibigan nito na pawang mayayaman din.
"Little girl at the back, come here iha sa harap" ang turo pa ng clown sa kanya. Lumapit naman siya sa rito. Lahat ay nakatingin sa kanya habang naglalakad siya paharap.
"Anong pangalan mo?" tanong nito.
"Maeve po" magalang niyang sagot.
"What a nice name, bagay sa iyo ang ganda ganda mo naman little girl. Okay may tanong ako sa iyo. Pag nasagot mo ito ay may candy akong ibibigay sa iyo. Magbigy ng hayop na dalawa lang ang paa, Go!" tanong nito sa akin.
"Chicken po" mabilis niyang sagot.
"Very good, maganda na matalino pa" nagpalakpakan naman ang mga ibang bata bukod kay Abegail na marahan siyang tinitignan. Nakita niya pa umirap ito sa kanya bago siya bumalik sa pwesto niya.
Habang kinakain niya ang napanalunang candy ay biglang may lumapit sa kanyang tatlong babae.
"Ano ba yan! bakit ka nandito? Di ka naman belong sa amin kasi poor ka daw sabi ni Abegail!" ang panunukso nila sa kanya.
"Wala akong pakialam kung poor ako, e maganda naman ako noh di tulad niyo na mukhang palaka!" pagtatanggol niya sa sarili niya. Sa oras na iyon ay nagpapasalamat siya sa ama dahil sa magandang genes nito.
"Mukhang palaka pala ah, isusumbong kita kay Abegail" pinandilatan pa siya nito.
Nagsisi naman siya sa mga nasabi niya. Dapat pala ay di nalang niya ito pinatulan. Ngayon, ay mas lalong lalayo ang loob ng pinsan niya sa kanya.