Prologue
Becka's P.O.V
Takbo
Takbo
Takbo
Hindi ko alam kong bakit hinahabol ako ng mga naglalakihang mga lobo ngayon.
Ang ginawa ko lang naman ay pumasok sa magandang gubat. Hindi ko naman kasalanan na lumagpas na pala ako sa pwede lang puntahan ng mga estudyante ng Dark Moon Academy. Ano ba naman kasi ang problema ng mga lobong to at pilit nila akong hinahabol?
Kainis....
Hinihingal na ako dahil sa pagtakbo. Pero ayaw pa din nilang tumigil sa paghabol sakin. Hindi naman ako ganoon ka taba para gawing pagkain, ang payat ko kaya!
Pagod na talaga ako. Gagawin na talaga akong pagkain ng mga lobong to. Nanlilisik kasi ang mata nilang kulay pula na para bang gusto na nila akong kainin. Pula ba ang mga mata ng lobo kapag gutom o may sore eyes lang?
Tumingin ako sa likuran dahil naririnig ko na ang mga malalakas na tunog ng mga tumatakbong yabag at mga alolong nila.
Pero pagtingin ko ay puro mga puno lang ang nakikita ko dahil tumatakbo lang naman sila sa gilid ko at mga anino lang nila ang nakikita ko. Umaga palang naman pero sa loob ng gubat na to ay sobrang dilim at wala kang makikitang sikat ng araw.
May narinig akong parang may tubig na umaagos at parang may liwanag na akong naaaniag sa dulo ng tinatakbuhan ko. Narinig ko naman ang ungol nila kaya binilisan ko pa ang pagtakbo habang nagdadalangin na sana may dumating na tutulong sakin.
"Nanay ko po!" Pagtingin ko sa aking harapan ay ang bangin na pala ang nakikita ko at sa ibaba nito galing ang mga tunog ng malalakas na agos ng mga tubig.
Tumitingin pa kasi ako sa likod ko muntik na tuloy akong mahulog. Hindi nga ako makakain ng lobo pero bali naman ang buto ko kapag nahulog ako don.
Humarap ako sa mga humahabol sa akin dahil bigla nalang tumahimik ang paligid. Pagtingin ko sa aking harapan ay nakatanaw na sa akin ang mga naglalakihang mga lobo na siyang nagpatigil ng hininga ko.
Hindi ako takot mamatay. Pero takot akong makain habang buhay. Takot na takot ako. Hinihingal na din dahil sa pagod sa pagtakbo kaya alam ko na malapit na akong mahimatay.
Wala na akong ibang maisip na para. Inihakbang ko ang aking mga binti patalikod habang nakatingin sa mga lobong nag-aangilan.
May dalawa naman akong option. Una magpakain sa mga lobong to, Pangalawa tumalon sa bangin. No Choice. Tatalon na sana ako sa bangin ng makita ko siyang nakatingin sa akin. Nakita ko pa siyang nag-anyong lobo sa harapan ko at inatake ang mga lobong ang liit tignan pag siya ang kasama.
Hindi totoo to. Bakit siya? Bakit kailangan katulad din siya nila? Bakit ngayon pa? Ngayon na mahal ko na siya. Bago paman ako mawalan ng malay ay nakita ko siyang lumapit sa puwesto ko at binuhat niya ako sa mga bisig niya.
"Nandito na ako, ligtas ka na Baby."
Ligtas na nga ako sa kanila. Pero sayo naman hindi. Dahil katulad ka din nila. Katulad ka din nila na isang lobo.