Chapter 1
Mate of the Werewolf King
Becka P.O.V
"Anak wag mong kalilimutan na iba ang syudad dito sa probinsya dapat mag-ingat ka doon." Sabi ng Nanay ko habang nagpupunas ng luha sa mga mata niya
"Nay, pag-aaral naman kasi ang ipupunta ko doon kung makaiyak po kayo ay para bang hindi na ako babalik dito sa atin." Sabi ko sabay tawa ng mahina at punas sa mga luha nito
"Nag-aalala lang si Nanay sayo anak malayo pa naman doon at tayo lang dalawa paano nalang kung may mangyaring masama sayo." Nababugtong-hininga nalang ako, alam ko naman kasi na grabe mag-alala ang Nanay simula nong mamatay ang Tatay niya.
Pinatay ito ng mga lobo kaya kahit ano paman ang mangyari ay kakamuhian niya ang lahing iyon. Madamay na ang lahat na madamay pero gusto niyang mahanap ang pumatay sa Tatay niya.
Tao silang puro isang magsasaka ang Tatay niya at mahilig mangaso. Libangan na niya ito. Pero bigla nalang isang araw nakita ang Tatay niya na hindi na halos makilala. Punit ang damit nito at nagkalasog ang katawan na parang kinagat ng isang aso. Doon ko nalaman na pinatay siya ng isang lobo.
"Sige na po at babyahe pa ako, nandiyan na din ang bus na maghahatid sa akin doon sa papasukan kung skwelahan."
Hinalikan ko na siya sa noo at sumakay sa bus na huminto sa terminal. Naghanap na ako ng mauupuan malapit sa bintana at kumaway sa nanay ko. Umusad na ang bus kaya tumingin nalang ako sa mga tanawin sa harapan.
Masmaigi na siguro to dahil makakapag-aral na ako.
Ang dami ko ng nasabi pero hindi pa ako nagpapakilala, Ako si Becka Anna Taneza, 17 na taong gulang at papasok bilang freshmen sa Dark Moon Academy. Hindi naman kami mahirap pero sa probinsya lang talaga kami nakatira para malayo sa gulo.
After 5 hours
"Dark Moon Academy" basa ko sa napalaking letra na nakalagay sa gate ng school.
"Miss, ikaw ba si Becka Anna Taneza?" Tanong sakin ng isang babaeng mukhang dyosa kahit na madami siyang dalang mga gamit ay hindi siya nagmumukhang panget.
"Ako ng po" sabi ko sabay ngiti kahit obvious na natulala ako sa ganda niya
Ngumiti din naman ito sabay lahad ng kamay kahit madami siyang dala "Hi! I'm Krisha Glarmoore and I'm the president of our class department. Wala kasi yong ibang member ng council kaya ako nalang ang sumalubong sayo."
Napatango nalang ako sabay tanggap ng kamay niya. Lumakad naman ito kaya sumunod nalang ako sa kanya habang itinuturo ang lahat ng mga buildings at kung para saan ang mga iyon.
"Dito naman ang dorm" ani nito sabay turo sa isang building na kulay cream. "Cream para sa lahat ng freshmen na papasok sa school. Ito ang I.D mo at password sa sarili mong kwarto at sa kahit anong facilities. May kanya-kanyang password ang mga estudyante dito kaya kailangan di mo yan mawala. Pero kung mawala man lapit ka sa registrar at bibigyan ka niya ng bago."
Huminto naman siya sa isang kwartong may cream na pinto. Ito na siguro ang magiging kwarto ko.
"Ok, I'll better go. Dadating pa mamaya ang ibang mga freshmen kaya aalis na muna ako. Nakalagay sa Ipod na yan lahat ng schedule mo at gagawin kaya goodluck sa first day mo next week."
"Salamat Miss Krisha" yon nalang ang nasabi ko sa lahat ng sinabi niya
"Just Krisha and you're welcome, magpahinga kana malayo din ang binyahe mo para makarating dito." Ani nito sabay alis
Binuksan kuna ang pinto gamit ang card na bigay ni Krisha at bumukas naman ito agad.
Napakalawak ng kwarto at nakuha nito ang gusto kong kulay. Inilapag ko na muna ang mga gamit ko at umupo sa kama. Nakakapagod din pala bumiyahe ng 5 hours hinubad ko muna ang sapatos ko sabay higa sa kama.
Nakakapagod naman sabi sabay inat ng katawan. Nakakapagod din pala ang bumiyahe ng malayo. Nakakangalay umago.
I felt my eyelids starting to close and let myself sleep.
Matutulog na muna ako.
Ano kaya ang mangyayari bukas? Bahala na.