Trenz' (Renz) POV "No credit cards, no gadgets, no condo, no party, no cars and no GIRLS. Wala na akong paki kung saan ka pupulitin ngayon. I need to see you stand like a man. Not a boy. Raise your own self." Sabi ni Dad. Ano?! "What-" naputol ang sasabihin ko dahil sa matandang ito. "Don't worry, son. Maga-aral ka parin. So.. Get out of my sight before those lips kiss the floor." Kinuyom ko ang aking mga kamay at tuluyan ng umalis sa kanyang kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang isang brown na luggage. Kinuha ko iyon. Ganito na lang ba kadali sa kanila ang palayasin ang isang anak? "Goodluck, sweetheart." Malungkot na salubong sakin ni Mom. "Thank you, Mom." I hugged her. Dito na magsisimula ang buhay ko. Iikot ng wala sila sa tabi ko. Ang mga magulang ko. Wala naman yata s

