CHPATER 2

365 Words
Trisha's POV Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong magalit. Gusto kong umiyak. Gusto kong magselos. Kaso wala naman akong karapatan. I know all about him. About his past. About his ex. About his favorites. Because I'm his stalker s***h fan s***h friend? Ang tingin nya nga lang yata sakin ay isang kaklase. At hindi kaibigan. It's Saturday, kaya walang pasok. I scrubbed my legs using shower scrubber. Dapat ko ng kalimutan ang nangyari sa school. Dapat alisin ko na sa utak ko ang nakita kong eksena. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ilang yapak sa loob ng aking condo. Agad akong napatayo sa tub kahit may bula pa ang katawan ko. Kinuha ko ang tuwalya at ipinalupot sa aking katawan para matakluban ang aking pinakaiingatan. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng CR. Pagkalabas ko ay kinuha ko ang aking tsinelas na may design na bunny. Ang isa kong kamay ay nasa dulo ng tuwalya na nakapulupot sakin. Ng makarating ako sa pinto ay nakabukas. Sino naman kaya ang nakapasok sa condo ko?! Paanong.. "Hoy! Labas!" I'm like frightened child here. s**t. Pumasok sa pinto si Trenz. Ang aking asong lalaki. Binigay sakin to ng kapatid ni Trenz na crush ko kaya naman ipinangalan ko na kay Trenz. Isa syang poodle na may halong chow-chow. "Ikaw lang pala, Trenz!" Napabuga ako ng hangin. Akala ko kasi kung sino na. Binitawan ko ang hawak kong tsinelas.Pumunta ang aso sa likod ko. Tumalikod naman ako para maharap sya. Kinuha ko sya at tumayo para isara ang pinto pero laking gulat ko ng pagbaling ko dun ay nakasara na. Jusko, wag naman kayong ganyan. Nanginginig na ang laman ko sa takot. Baka hangin lang. Huminga ako ng malalim at umakting na parang wala lang. Pumunta ako sa kwarto at dun inilagay si Trenz. May kaba parin sa dibdib ko. Paano mabubuksan ng isang aso ang pinto? Trisha, kalma. Kalma lang. Lumabas ako ng kwarto para ipagpatuloy ang aking pagligo. Nakatayo at nakaharap parin ako sa pinto ng aking kwarto. Natatakot na ako. Ipinaling ko ng konti ang aking ulo. Nakita kong may anino ng isang... lalaki?! Gustong bumuka ng bibig ko sa takot. "AAAAAAHHH!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD