GRACE'S POINT OF VIEW
Month had passed.
"A round of applause please," wika ng aming guro matapos akong sumagot. Nagsipalakpakan naman ang aking mga kaklase.
Napalingon ako sa tumusok sa aking likuran, "Walang kupas talaga ang best friend ko," natutuwang bulong ni Jane sa akin habang pumapalakpak.
Napangiti na lang tuloy ako. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may taong nasisiyahan at proud sa mga ginagawa mo at sa mga achievements mo kahit na maliit na bagay lang ito. Ang huling nagparamdam sa akin nito ay ang papa ko eh. But he is in good hands now.
"Anyway class, mayroon pala tayong sit-in ngayong araw mula sa ibang section." Anunsyo ng guro.
"Sino po, Ms.Guin?" Ito ang halos tanong ng lahat.
"Si Ms.Angel Tine," the teacher answered.
Everyone gasped when they heard Angel's name. I don't know who she is pero parang narinig ko na dati ang pangalan niya. Sa tingin ko ay famous siya, only I don't and can't get to know all of the students here in our university because I am a busy person. Sa trabaho pa lang eh busing-busy na ako. Kaya hindi talaga ako masyadong updated sa mga nangyayari rito sa university.
"Sa mga hindi nakakakilala sa kaniya, siya ay anak ng isa sa mga best contributors ng university na ito." wika ng guro.
"Nonsense Ms.Guin, sino ba naman ang hindi makakakilala kay Angel Tine? Goodness! She is literally an angel!" wika ng kaklase kong babae na halos mamatay na kaka-compliment kay Angel.
Ang bastos naman no'n.
Ginatungan naman siya ng mga kaibigan niyang nasa tabi niya lang, "Precisely! She is my idol." Wika ng isa.
"She is the campus crush and I envy her."
"She is sexy like hell!"
"Her hair is so amazing because no one can afford to have a hairstyle like hers."
Kaniya kaniya silang paruri sa Angel na iyon habang kami ni Jane ay tahimik lamang. I don't care about that Angel Tine. Can you please resume the discussion? Enough of this nonsensical thing. Hindi naman nakakaasenso sa buhay iyang si Angel Tine.
"Are you aware that Angel is my ex?" nagulat ako sa biglang binulong ni Jane sa akin.
Lumingon ako sa kaniya at kinunot ang noo ko, "What?! Bisexual ka?" seryoso kong tanong. Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala parang ang sweet niya sa akin!
Tumawa siya sa sinabi ko at muling bumulong, "No, ex-best friend." she clarified.
Hays, nakahinga kaagad ako nang maluwag, "Ikumpleto mo kasi, iba tuloy pagkakaintindi ko." wika ko.
Tumawa lamang siya sa sinabi ko. Timang talaga 'tong si Jane. Hmm, bakit naman kaya ex-best friend niya na 'tong si Angel? What happened to them?
"Okay, okay, okay, calm down now class. Malapit na mag-eleven am. Eleven am papasok si Ms. Angel sa class natin. Ten more minutes before hitting the eleventh." Pagpapakalma ng guro habang tinitingnan ang relo niya.
"OH MY GOSH! I THINK I'M HAVING A HEART ATTACK!" wika ng over acting kong kaklase. May pa hawak hawak pa siya sa dibdib niya, kunwari hina-heart attack talaga.
"Oh no, I need more, more, more air!" wika naman ng babaeng nasa tabi niya sabay paypay sa sarili. Yeah, they are my classmates but I can't remember their names dahil nga busy ako, and I don't care about them anyway.
Bakit ba ang o-oa nila? Gaano ba kaganda 'tong si Angel na 'to ha? Mas maganda pa ba 'to sa mga artista sa TV? Hay nako, iniistress nila ako.
"Ikukwento ko sa iyo mamaya ang nangyari sa amin," muling bulong ni Jane na siyang ikinatango ko.
After ten minutes ay may pumasok na nga sa loob ng aming silid. Maganda naman siya but not that beautiful, mas maganda pa nga si Jane eh. Actually, nadadaanan ko na siya dati but she did not caught my attention. Ito na pala ang kinababaliwan nila? For real?
'Yung mga kaklase ko sa harap nagpipigil lang ng tili, pati mga lalake kong kaklase ay ganoon din. My goodness, anong oras ba aalis 'tong si Angel? Naiistorbo ang klase namin eh.
"Hello, everyone! My name is Angel Tine and I will be your classmate for this day." Nakangiting bungad nito.
Her angelic voice made the whole class go crazy! Well, except for me and Jane. We're calm as paradise.
"Choose your seat now, Ms. Angel." Wika ng guro namin.
Many of my classmates had offered her seat but she chose to sit beside me, may vacant na chair naman sa side ko. Maybe she noticed that I did not show interest on her kaya niya naisipang umupo sa tabi ko.
Hmm, hindi pa rin ako magkakainteres sa kaniya kahit na tabihan niya pa ako matulog.
Marami ang sumimangot nang siya ay maupo na. Some even glared at me, oh ano kasalanan ko? Kunin niyo na 'tong si Angel, 'di ko naman gusto 'to eh.
The class resumed but I am so uncomfortable. Sino ba naman ang makokomportable eh panay lingon ang mga kaklase ko. It really distracts me a lot! Ugh!
The teacher asked a question at kaming dalawa lamang ni Angel ang nagtaas ng kamay. Napatingin ako sa kaniya at napatingin rin siya sa akin. Nginitian niya ako kaya binigyan ko rin siya ng pekeng ngiti.
"Ms. Angel," pagtawag ng guro.
Tumayo si Angel at sumagot, "It is an energy that comes from the splitting and combining particles of an atom."
Nag-ingay ang klase matapos niyang masagot ang tanong ng guro. They clapped so loud and even shouted, "Ang galing mo!" repeatedly.
Okay, move on.
Muling nagtanong ang guro at kaming dalawa lamang muli ang nag-alsa ng kamay. Nagkatinginan at nagkangitian ulit kami, ngunit peke lang talaga ang aking ngiti.
"Ms. Grace," pagtawag sa akin ng guro.
Tumayo ako at sumagot, "It is also called atomic energy, energy that is released in significant amounts in processes that affect atomic nuclei, the dense cores of atoms."
Umupo ako at isa lamang ang pumalakpak sa akin, si Jane. I don't go after the claps anyway.
"Good job," mahinang sabi sa akin ni Angel at saka ngumiti. Sobrang hina ng pagkakasabi niya, sapat lang upang ako lamang ang makarinig.
Ngumiti ako at sinabing, "Small thing," ang yabang ko hahaha.
Nawala ang ngiti niya sa labi dahil sa aking sinabi at saka muling ibinaling ang atensyon sa guro. Why would she be like that? Is she jealous?
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko ngayon, some part of me says I hate her and I don't have the reason why. Am I already being a cuckoo brained for slighty hating someone for no reason?
Nagpatuloy ang klase at gano'n pa rin ang set up namin ni Angel. Kami lamang ang sumasagot and it feels like we are in a war. The fire between us is so hot! She has everyone's hands and I only have Jane's but I don't care. What matters most is that I know I am certain in every answers I have given whenever I raise my hand, unlike her. I don't know if the subject teacher noticed her wrong answers, but hell! I completely noticed it.
Natapos na nga ang klase, finally. Nagsitayuan na ang lahat pati na rin ako. I took my bag at saka humarap kay Jane, "Sa cafeteria lang ba maghihintay si Shang?" tanong ko.
"Yeah, come on." walang emosyong sagot ni Jane.
Nauna siyang lumabas at sumunod naman ako, I am just two steps late to reach Jane's walk, but somebody grabbed my arm and caused me to turn around.
Si Angel ang bumungad sa akin.
"What?" I coldly asked.
"Did I challenged you?" tanong niya saka binitawan ang aking braso.
I smirked and said, "Not a pinch, why?" may dalang tanong na rin.
Kumunot ang noo niya at sinabing, "Ang taas ng tingin mo sa sarili mo, just wait until I trash your average." lumisan na rin siya matapos niyang sabihin iyon.
Some heard it and some did not because again, sinabi niya ito sa mahinang tono.
She is not intimidating, seriously! Hindi ako natakot. Napatawa na lamang ako deep inside. As if she can do it.
Lumabas ako at napansing nasa malayong dako na si Jane, oh no, 'di niya pala napansing tumigil ako sa paglalakad. Malamang akala niya ay nakasunod lang ako sa kaniya.
Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa naabutan ko na siya. Hinihingal akong tumigil sa harap niya.
"Goodness, where have you been?" Tanong niya.
"'Yung lokaret na Angel kasi kinausap pa ako." Sagot ko.
"Ano naman ang sinabi niya?" Kunot noo niyang tanong.
"Ita-trash niya raw average ko," natatawa kong sabi kaya natawa rin siya.
"Ambisyosa talaga 'yang si Angel."
Pumasok na kami sa loob ng cafeteria at naabutan si Shang na nakaupo na sa table, same table pa rin, as usual. Umorder na kami at nagkwentuhan tungkol sa araw namin. Kinwento rin namin kay Shang ang tungkol sa araw namin with Angel. Hay jusko.
"Bakit pala 'di na kayo bati ni Angel?" tanong ko kay Jane nang maalala ang kwento niya kanina.
"Because of her attitude. Habang tumatagal, mas lalong sumasama ang ugali niya, ibang-iba na siya. At ayaw niyang mapagsabihan ha. Kaya mas pinili ko na lang na lumayo sa kaniya kaysa mahawa sa pagkamaldita niya." sagot nito.
"Hindi ba't siya 'yung partner ng kuya ko no'ng pageant no'ng december?" tanong ni Shang habang kumakain ng fries.
Hindi ako sumagot dahil wala naman ako no'ng pageant. Hmm, nagpa-pageant din pala itong si Angel at ang kuya ni Shang.
"Oo, siya nga." sagot ni Jane.
"Ah okay. Famous 'yang si Angel ah." wika ni Shang.
"Halata naman kanina," sabi ko.
"Nako, jusko sarap talian 'yung mga kaklase namin kanina. Diyos ang tingin nila kay Angel eh, hindi nila alam na napakamaldita no'n. Tapos nagkaroon pa ng riot sa pagitan ni Angel at Grace kanina." nangigigil na ikinukwento ni Jane habang umiinom ng four season.
Humalakhak si Shang, "Baka kaya mainit si Angel kay Grace, dahil isa rin siya sa pride ng university dati simula pa lang no'ng high school, tapos nabura no'ng dumating si Grace." natatawa niyang sinabi.
Napangiwi na lamang ako, "So dapat bang hindi ko na galingan para wala nang mainit sa akin?" Nanunuya kong tanong.
"Hell no, proud na proud kami sa iyo noh." Sabi ni Jane. Natigil tuloy siya sa pag-inom.
"Oo nga, ngayon na nga lang may nakatalo sa kuya ko eh." si Shang na naman ang nagsalita.
Tumawa ako, "Biro lang syempre. Anyway, ayos lang ba sa iyo na ahead average ko sa kuya mo?" Tanong ko.
"Oo naman! Gusto ko nga na taasan mo pa average mo para 'di ka niya maabutan eh. Gigil na gigil na 'yun sa'yo." wika ni Shang at tumatawa pa rin.
Natawa ako dahil sa sinabi niya, "Eh, bakit gigil na gigil?" tanong ko.
"Kasi gusto ka niyang higitan. Alam mo ba na gabi-gabi siya nagre-review? Graduating na kasi 'yung kuya ko eh, tsaka para sa kaniya isang sampal ang magkaroon ng kakumpitensyang mas mataas ang average sa kaniya tapos mas ahead pa siya sa year level." wika niya.
What? So, hindi pala namin ka-batch ang kuya niya?
"What? Graduating na pala ang kuya mo? Uy, baka gusto mong hindi ko muna galingan ah, bigyan muna natin ng chance ang kuya mo. Tutal matagal pa naman tayo gagraduate eh." sabi ko.
Nakakakonsensya tuloy. Feeling ko tuloy grabe ang galit sa akin ng kuya niya. Teka, bakit ba nila ako pinag-iinitan eh, nag-eexcel lang naman ako because that is my only key to this university.
Inikutan niya lamang ako ng mata, "Gusto ko nga lamangan mo eh, hahaha. Sawa na ako makarinig ng mga papuri ng mga tao para sa kuya ko." sabi ni Shang. Aba, malditang kapatid 'to.
At 'yon, nagchikahan lamang kami hanggang sa natapos na kaming kumain. Bumalik na kami sa aming silid at saktong malapit nang magsimula ang klase.
"Hoy, Grace. Pwede bang ibigay mo na muna kay Angel ang floor? Magparaya ka naman minsan."
"Oo nga, puro na lang ikaw."
"Tama, ipa-feel mo rin na may worth kami," halaka?
"Kahit hindi na kami, kahit kay Angel na lang."
Ganito kaagad ang bungad sa akin ng mga kaklase kong babae. Halaka? Oh, ngayon hate na nila ako. Sobra akong nabigla sa ibinungad nila sa akin dahilan upang ma-speechless ako. Bakit ba ganito sila? I am just doing my part as a student.
"Hoy bitches, kung matalino, matalino talaga. H'wag kayong hihingi ng favor sa mga matatalino na tulad ni Grace na maging bobo for the mean time, h'wag niyo namang ipahalata na bobo kayo tsaka h'wag niyong idamay si Grace sa kabobohan niyo. Tsaka bakit naman ibibigay kay Angel ang floor? matalino ba siya tulad ni Grace upang magkaroon ng floor? Ha? Ha?" Banat ni Jane. Oh, shoot.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Jane. Si Jane ba talaga 'to? I can't believe na may ganito pala siyang tinatago. Napakastrikta ng dating niya.
Kumunot nang husto ang mga noo nila dahil sa sinabi ni Jane, magsasalita pa sana ang isa sa kanila ngunit saktong dumating na ang professor namin.
Nako, mahirap pigilan ang galit baka matatae nang wala sa oras hahaha.
"Your sit in classmate won't be around because she is not feeling well," bungad kaagad ng prof kahit wala pang bati sa amin.
Tiningnan ako nang masama ng aking mga kaklase, as if they are blaming me. Uhhh? Am innocent, Hindi ko na kasalanan kung sumama ang pakiramdam niya, so please stop blaming kiddos.
Ilang oras na ang lumipas at natapos na nga ang klase namin; dali-dali kaming lumabas ni Jane dahil baka abangan kami sa gate ng mga warfreak kong kaklase.
Tuwang-tuwa kami habang tumatakbo. This is her first time to be like that, according to her. First time ko rin naman ma-experience itong ganito.
---
CRIPTICA_G