GRACE'S POINT OF VIEW
"Yes sir, can I have your contact number, please?" I asked over the phone.
Kumuha ako ng ballpen at papel sa ilalim ng desk ko upang i-jot down ang mga numerong ibibigay ng customer. Tonight is my duty at ilang minuto na lang ay out ko na.
"It is 09*********," sagot ng aking customer.
"Thank you sir, can I also have your complete address?" I asked again.
"I am staying at the hotel named Skies, room number 435." he answered.
"Thank you sir. I will repeat your information, You are Mr. Marco Gray, your contact number is 09*********, and you are currently staying at Skies hotel room number 435, did I get it right sir?" tanong ko habang nakatingin sa kaniyang information na nakasulat sa aking papel.
"Yeah, right."
"Okay sir, since your location is just minutes away from here you will be able to receive your orders by tomorrow, expected time is 9 o'clock in the morning." wika ko habang tina-transfer sa computer ang kaniyang information.
"Got it," sabi niya.
"Thank you so much, sir. Thank you for choosing McLaughlin. Have a blessed night!" wika ko saka binaba ang telepono.
Time check, alas dose na. Out ko na.
Ni-log out ko na ang aking account sa computer at tinawag ang kapalit ko.
"Our baby is done." wika ng kapalit ko at saka umupo.
"Kayod," natatawa kong sinabi and I tapped her back. Baby ang tawag nilang lahat sa akin dahil ako ang pinakabata sa lahat ng agents.
Umuwi na ako kaagad pagkatapos no'n, antok na antok na rin ako tsaka maaga pa ako bukas para sa klase. My dormitory is just 2 minutes away from here, nalalakad ko lang.
Pagkapasok ko sa aking dorm ay agad akong napahiga sa kama ko. Ang bigat talaga ng aking katawan at pagod na pagod ako kaya nakatulog na ako kaagad. Hindi na ako nakapagpalit pa.
Sumapit na ang umaga, naghanda na ako at pagkatapos ay pumasok na ako sa school. Nag-usap kami saglit ni Jane, just a little chika dahil dumating na ang aming subject teacher.
We had our class for one hour and 30 minutes, the next subject will be in but then a sudden announcement excused me for the next subject.
Tumunog ang speaker sa ibabaw ng aming white board, "Calling the attention of Ms. Grace Fiveash, please go to the Administration's office right now. Again, calling the attention of Ms. Grace Fiveash, please go to the Administration's office right now. Thank you." at saka nag-off nang kusa ang speaker.
"Ms. Grace?" pagtawag sa akin ng guro.
"Yes, ma'am?" tanong ko saka tumayo.
"Go now, makakahabol ka lang naman sa ituturo ko for this day." she stated.
Tumango ako at kinuha ang aking bag. Nang makalabas na ako sa classroom, nilingon ko muna si Jane at sumenyas na sabay kami magla-lunch. She gave me a thumb's up, which means na nakuha niya ang ibig kong sabihin.
Bakit naman kaya ako pinatawag ng mga Admin?
Naglakad ako patungo sa administration's office saka kinatok ang pinto nang matapat na ako rito, "It's me, Grace." Sabi ko habang kumakatok.
They opened the door for me and let me in. Tatlong babaeng admins ang nasa loob at may isa ring estudyanteng lalake.
"Please have a seat," wika ng isa sa kanila at saka tinuro ang sofa kung saan nakaupo ang lalakeng estudyante.
Umupo ako sa tabi ng lalake at saka tumahimik lang. Hinihintay kong sabihin ng tatlong admins na 'to ang kanilang pakay, ngunit parang may hinahanap pa sila sa laptop.
"Just click this," wika ng isa.
"No, this." Wika naman ng isa.
"This ain't working," wika ng admin na may hawak ng laptop.
Mukhang hindi sila nagkakaintindihan, ano ba kasi ang kinakaabalahan nila? At bakit nila ako pinatawag?
Napatingin ako sa lalakeng katabi ko dahil sa hindi maipaliwanag na rason at nagulat ako dahil nakatingin din pala siya sa akin. Ngumiti ako ngunit hindi siya ngumiti pabalik. Ay? Suplado naman.
"Okay, pinatawag namin kayo dahil may magaganap na battle of the brains, at alam niyo naman na kayo ang pride ng university na ito, hindi ba?" wika ng isang admin.
"Tama, kaya pakiusap, sana huwag niyo kami bibiguin." Wika naman ng isa.
I understood it clearly. Pride of the university rin pala 'tong lalakeng katabi ko, how come I didn't know him?
"I won't," sabi ko at saka ngumiti.
Alam kong napatingin sa akin ang lalake dahil sa sagot ko but I didn't look back, I wanna play it cool and intimidate him.
"That's the power! I know you won't let us down, Ms. Grace." sabi ng isang admin, sabay bigay ng kaniyang ngiti sa akin.
"Nga pala, you won't go against each other ah? You are not competitors in this competition. You will work as one." anunsyo naman ng isa.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng admin. What? How can I work with someone? I mean, sanay akong mag-isa at mas kumportable ako mag-isa lalo na kapag utak ang labanan. Just what if kapag itong katabi ko ang tinanong tapos hindi niya alam ang isasagot pero alam ko yet I am not allowed to speak? Edi minus points 'yun. Damay pa ako. Tsk.
"How possible is that?" nag-aalanganin kong tanong.
"Well.." nagkibit balikat ang admin, "Just work by group." pagtuloy niya.
"That won't be easy," sabi ko.
"You have much time to study together, work together and be comfortable with each other." wika ng isang admin.
"She's right." pagsang-ayon ng isa pang admin.
Hindi ko alam ang mga pangalan nila eh, bagong admins kasi ang tatlong ito. I just know them by their faces.
Well anyway, enough ba ang time na sinasabi nila upang maibahagi ko sa lalakeng ito ang lahat ng nalalaman ko? Para naman hindi kami lugi! Hays, sa tingin ko talaga one brain is better than two.
"My house will be open for reviews and studies." sa wakas ay nagsalita na ang estudyanteng lalake. His voice is so husky and manly, bagay na bagay siya maging DJ.
Tumingin ako sa kaniya at sinabing, "Malayo ba ang bahay mo?" me, emphasizing the word 'mo'.
"Walking won't bring you to my house. Kakailanganin mo ng service." he coldy said.
Napataas ako ng kilay, "Malayo pala eh, then, I prefer having the reviews here in university." sabi ko sa inggratang paraan.
"It is much comfortable there," supladong wika naman niya. Aba.
"Look, I don't have much time to waste some of it. I'm a working student. A-attend pa ako ng klase, magtatrabaho pa tapos time consuming pa ang pagta-travel." pagpapaliwanag ko.
"It is okay, ija. I-eexcuse ka namin sa lahat ng klase mo for the whole month. Ayos lang na hindi kayo pumasok basta ang mahalaga ay makapag-study kayo at makapag-review. This competition really mean something to the university." sabi ng isang admin.
Nakunot ang aking noo, "What about my subject quizzes? Exams and participations? Sayang po ang mga iyon, baka bumaba ang aking grado." alalang-alala kong sinabi. Hindi ako maaaring mawala sa top.
"We will give you 99.99% of average each subject kapag kayo ang nanalo sa competition na ito." wika ng admin.
My jaw dropped.
Whaaaaat?! 99.99% for real?! Ang taas naman no'n.
"W-What? a-a-are you serious?" Nauutal kong tanong.
"What if hindi kami manalo?" sabay na itinanong ng katabi ko.
"Yes, seryoso kami at kapag hindi kayo mananalo, edi, walang 99.99%." kinabahan ako sa sinabi ng admin.
"Kaya dapat niyong isigurado na mananalo kayo." Wika ng isa.
Kumunot ulit ang aking noo, I am really not sure if I can make it lalo na kapag may kasama ako. Having a teammate would just make it heavy for me. I can't lose my avarage.
"No, hindi na lang po ako sasali sa competition." sabi ko at saka tumayo.
"What? Alam mo ba na kapag tinanggihan mo kami ay pwede ka naming ipatanggal sa university? At kapag magta-transfer ka naman sa ibang school ay babalik ka sa zero. It only means, na lahat ng panahon mo rito sa university ay masasayang." nakakasindak na sinabi ng admin.
Napalunok ako at muling napaupo, "Kung ganoon, maaari bang ako na lang mag-isa ang isalang niyo sa competition na iyon?" I asked a favor.
Napatingin sa akin ang lalake, "How can you be so selfish?" tanong niya saka binuo ang kaniyang kamao.
Is he gonna punch me?
Tiningnan ko rin siya at saka tinaasan ng kilay, "Are you sure you can make it? Baka magpapabuhat ka lang sa akin." suplada kong sabi. I won't be good to someone who ain't good at me at the first place. Imagine, hindi siya ngumiti pabalik kanina, nagmukha tuloy akong ewan. Ays! ang suplado niya.
Kumunot ang noo niya at magsasalita pa sana ngunit naunahan siya ng admin, "No, actually tatlo ang dapat na sasalang sa kompetisyong ito. May hinihintay pa tayong isa, ang tagal niya lang talaga." wika ng admin.
Napatingin ako sa tatlong admin sa nanlalaking mata, "What? Tatlo kami?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"You don't know the rules of the competition so stop being so confident, as if you are that smart." muling nagsalita ang lalake pero hindi ko na siya sinagot pa, inikutan ko na lamang siya ng mata. Time na rin siguro para makapaghiganti ako sa pag-iignore niya sa akin.
"Yes, tatlo kayo and I am pretty much sure na maipapanalo niyo ang kompetisyong ito. Kayong tatlo na ang pinakamatatalinong estudyante rito sa university. I know you won't let us down." Wika ng admin. Masyadong mataas ang expectation nilang tatlo sa amin at natatakot ako dahil baka hindi namin iyon ma-meet.
Well in fact natatakot na talaga ako, talagang-talaga, I know this would be difficult for us. At sino naman kaya ang isa? Sana naman may pakinabang silang dalawa at sana totoo silang matatalino. I CAN'T LOSE MY AVERAGE! I CAN'T LOSE THIS UNIVERSITY! NOT MY TOP!
Walang dapat na mawala sa akin.
Napalingon kami sa pinto nang bigla itong bumukas, "Hello, good morning." Pagbati no'ng pumasok at nagulat ako nang makita kung sino ang pumasok.
It's Angel Tine!
No way!
Nakangiti siyang pumasok at nawala naman kaagad ang kaniyang ngiti nang madapo sa akin ang kaniyang tingin. "Sorry I'm late," wika niya sa mga admins.
Nagsimula ulit mag-discuss ang admins tungkol sa kompetisyon dahil wala si Angel no'ng pinag-uusapan namin ang tungkol doon. Angel and this man beside me seems to know each other. Ako lang ata ang alien dito, walang kilala sa mundo.
So ayun nga, we all agreed to start our study tomorrow, at this man's house. I didn't bother myself to ask for his name, wala akong interes sa lalakeng ito.
---
Natapos na nga ang discussion namin at napagdesisyonan nang i-dismiss. Saktong lunch time na. Malamang nasa cafeteria na si Jane.
Agad na akong nagtungo sa cafeteria at naabutan nga si Jane na mag-isang lumalamon, "Grace nandito ka na pala, maupo ka." wika niya sabay turo sa upuan.
Umupo ako at nagtanong, "Where is Shang?" tanong ko.
"Nag-text sa akin. Sumakit daw ang puson niya kaya umuwi siya, hindi raw muna niya tayo masasamahan." Sagot niya, "Anyway, in-orderan na kita ng lunch. Kumain ka na diyan." dagdag niya.
Napangiti ako habang nakatingin sa mesa, my gosh nahahawa na siya kay Shang. Ang dami na ng kinakain niya at ang dami pa ng binili niya para sa akin, "Nako Jane, babayaran ko talaga 'tong mga pinamili mo. Ayaw ko na sa libre." sabi ko sabay inom ng juice.
"Eh? Hindi mo ba ako friend? Nakaka-hurt ka ng feelings." wika niya sabay puppy eye.
"Lah?"
"Totoo kaya, kainin mo na 'yan. Kapag binayaran mo ako talagang friendship over na tayo." she even threatened me hahaha.
Nanlaki ang mga mata ko, "Grabe ka naman. Sige next time ako naman ang magli-libre ha?" sabi ko.
"No probs, anyway, ano ang napag-usapan niyo ng admin?" she asked then she bit the fried chicken. I even heard the crunchiness.
"May competition na magaganap daw, and there will be a collaboration. Tatlo kaming magco-collab at alam mo ba na isa si Angel do'n?" I said and rolled my eyes.
"For real? Eh sino naman 'yung isa?" hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Hindi ko kilala eh, he did not mentioned his name pero kilala mo lang siya for sure." I said.
"Anong klaseng competition ba 'yan?"
"Battle of brains," sagot ko.
"So, magiging busy ka na niyan?"
"Oo, actually I'll be missing tons of classes for this month." Malungkot kong sabi.
"But why?" nalungkot din siya sa sinabi ko.
"Dahil kailangan namin ilaan ang mga araw na iyon upang mag-review and to be comfortable with each other daw. Upang madali naming maintindihan ang isa't-isa. I don't really know kung kaya ko maging kumportable sa dalawang iyon."
"Ibig sabihin, mag-isa na naman ako?"
I tapped her back, "Sorry Jane ah, kayo muna ni shang ang magsasama habang wala ako. Promise babawi ako kapag natapos na 'tong competition." sabi ko.
"Magsasama pa naman tayo every lunch, hindi ba?"
I shook my head, "Actually no, dahil hindi kami rito magre-review. Do'n kami sa bahay no'ng lalake." I said.
Mas nalungkot siya, "Just be sure to be okay and update us ha? Susuportahan ka namin." sabi niya and she gave me a hug.
It feels so nice to have someone like Jane. 'Yung pakiramdam na importante ka isang tao at concern siya sa'yo, ang sarap talaga sa feeling.
"Thank you, Jane." me thanking her.
"No worries. That's what best friends do. Hindi bale, ako na ang magsasabi kay Shang." wika niya.
Tumango ako niyakap siya ulit.
---
CRIPTICA_G