BIANCA'S POINT OF VIEW "Babe, h'wag ka nga palakad-lakad sa loob ng mansion nang naka-two piece. Mag-bathrobe ka." nakangusong sita sa akin ni Marco sabay hagis ng bathrobe. Kaagad itong lumanding sa mukha ko. I knitted my forehead at sinamaan siya ng tingin, "Aba! Nanghahagis pa!" sigaw ko. Tatlong araw na rin ang nakalipas magmula no'ng malaman ko ang mga kasinungalingan nila. Inaamin kong medyo nasasaktan at galit pa rin ako, ngunit nilalabanan ko iyon. Pinipilit kong kalimutan iyon. Aminado naman ako na na-carried away ako sa emosyon ko no'ng gabing iyon. Presko pa rin sa akin ang pangyayari eh, masakit pa rin. Pero kailangan ko ang kapangyarihan ni Marco upang makapaghiganti sa dalawang taong nanakit sa akin. Lalo na kay Winston. Anyway, tungkol kay Sebastian, kasalukuyan pa rin s

