BIANCA'S POINT OF VIEW "God, she's so damn hot." bulong ni Aljon sa sarili sabay tunga ng tequila sunrise. Nakunot ang aking noo habang sinusundan kung nasaan nakatirik ang kaniyang titig. Masyado siyang naka-concentrate sa kaniyang tinititigan kaya hindi niya napansin na nasa likod niya lang ako, at narinig ko ang bulong niya sa sarili niya. Huh? Napangiwi na lamang ako nang mapagtantong si Jane ang kaniyang tinititigan. Wait, what? Si Jane ba ang tinutukoy niya sa 'damn hot' niya? Hmm. "Huli ka!" panggugulat ko sa kaniya. Mukhang effective naman ang ginawa ko dahil napabalikwas siya sa gulat. Nabuhos pa ang tirang tequila sunrise sa macho niyang katawan. Nakakalaglag ng panga ngunit hindi ko iyon pinansin, I mean, pinigilan kong h'wag malaglag ang panga ko. Saglit ko lamang sinundan

