SHANG'S POINT OF VIEW Nag-taxi lang kaming pareho dahil wala naman dito 'yung kotse ko, nasa tahanan namin, eh tapos wala ring kotse si Angel. No choice kami. At first, naisip kong pumunta na lamang sa isang restaurant pero ayaw niya raw. Gusto niya sa RCV mall, isang kilalang mall dito sa lungsod at napakalaki nito. Bukod sa may mga restaurant sa loob, marami ka pang makikita do'n. Paniguradong mawiwili ang iyong mata. Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lang sa gusto nitong lukaret. Kung wala lang siyang disorder baka kanina pa ako umayaw. Hays. Never in my life naisip na magiging ganito ako, na magiging sunod-sunuran sa iba. 'Coz hell! I always get what I want since birth. Ini-spoil ako ng mga parents ko. TAPOS NGAYON, magiging sunod-sunuran ako sa bruhang sumira sa buha

