SHANG'S POINT OF VIEW Marahang napadilat ang aking beautiful eyes nang hindi ko na makayanan ang ingay ng bunganga ni Angel. Umiling ako at napakamot sa batok. Nadapo ang tingin ko kay Angel na mahimbing na natutulog at humihilik pa nang napakalakas. Ano ba yan! Hindi na nga ako makatulog nang maayos dahil mesa lang ang sandigan ng ulo ko at inaalalayan lang ng upuan ang pwetan ko, tapos mas lalong hindi pa ako makatulog sa nakakabingi niyang hilik. Hays. Samantalang siya eh himbing na himbing sa malambot na kama. Ugh, kairita. Tumayo ako at nagtungo sa bag ko. Hinalungkat ko ang cellphone ko sa loob at maglalaro na lang ako ng Mobile Legends hanggang sa antukin ako. Walang hiya 'tong si Angel, hindi ako makakatulog sa hilik niya. Hindi naman siya pagod pero grabe ang hilik. Jusmio. Pat

