GICCA'S POINT OF VIEW Nahirapan pa akong umalis sa silid ni Marco matapos ko siyang dalhin do'n. Nagpupumilit talaga siya na tabihan ko siya. Napilitan pa akong bigyan siya ng sleeping pill nang palihim. Hindi ko ba alam diyan kay Marco, para bang obsess na bosess siya sa akin. Hindi ko naman alam ang tunay na dahilan. 'Yung mga sinabi niya no'ng nakaaraan ay hindi pa sapat para sa akin upang ma-obsess ang isang tulad niya sa isang tulad ko na mula sa mahirap. Matapos ko siyang painumin ng sleeping pill ay hindi pa siya kaagad nakatulog, ilang minuto pa ang aking hinintay bago tuluyang pumikit ang kaniyang mga mata. No'ng naisigurado kong tulog na nga siya, saka pa ako umalis ng kwarto at bumalik sa pool, subalit nakakalaglag panga ang aking nadatnan. Si Jane, Marvin at Aljon na lamang

