GRACE'S POINT OF VIEW
"I am so bothered." reklamo ko at hinayaang mahulog ang aking katawan sa malambot na kama ni Shang. Today is Sunday at walang pasok pero tuloy pa rin ang aming pagre-review. Pagkatapos naming mananghalian ay napagdesisyonan muna namin na magpahinga at sakto namang bumisita si Jane rito kila Shang.
Napakamot na lamang ng ulo si Jane, "Gwapo naman siya hindi ba? Hayaan mo na." at saka siya humiga sa tabi ko. Naikwento ko sa kanila ang tungkol sa Marco na iyon, o Supremo, o kung ano pang tawag sa kaniya.
Inikutan ko siya ng mata, "Gwapo nga, psycho naman." wika ko.
Pinaandar ni Shang ang kaniyang blower at hinayaang sumayaw ang kaniyang mga buhok, "Baka kaibigan mo siya no'ng mga bata pa kayo, baka nakalimutan mo lang. Makakalimutin ka pa naman." wika nito. Kakaligo niya lang.
"Hindi, kayo lang naman ang naging kaibigan ko sa buong buhay ko."
Pareho silang natigilan, and their eyeballs are on me.
"Wow, we are blessed."
"Really blessed."
Natawa na lamang ako sa kanila. Totoo naman na sila lang 'yung tinuring ko na kaibigan sa buong buhay ko at sigurado ako na hindi ko kilala ang Marco'ng 'yon.
---
The calendar ran too fast. Napakaraming nangyari, Angel continued her evil doings and Winston started hating her as well and he began protecting me whenever Angel does something on me. It was weird and awkward, ngunit nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay nakatulong siya sa akin.
Angel's fans didn't stop on ruining our days and that made us tougher. Gaging Angel 'to, hindi talaga marunong lumaban nang patas. Ewan ko ba kung anong meron kay Angel, galit na galit sa akin eh. Baka mapatay na siya ng sarili niyang inggit.
Hindi na nagparamdam muli si Supremo kaya bumalik na ang aking ngiti sa labi sa tuwing bubuksan ko ang aking pintuan dahil alam ko na walang Supremong bubungad sa akin.
At ito na nga, Battle of Brains came. Isang napakalaking seremonya ang naganap. Pinagtipon-tipon ang pride ng iba't-ibang paaralan, ang iilan ay mula pa sa ibang bansa. Bago magsimula ang kumpetisyon, ang lahat ng mga kalahok ay tinawag upang pumunta sa backstage. At doon ay kinausap kami ng emcee.
"Ladies and gentlemen, bago magsimula ang kumpetisyon, nais ng mga hurado na magkaroon muna ng pagkakataon ang lahat upang kilalanin ang isa't-isa." anunsyo nito at saka iniwan kaming mga kalahok.
Nagkibit balikat ako at umupo sa gilid, I don't wanna waste my time with this. Hindi ko rin naman maaalala ang pangalan nilang lahat, it's useless. Mas mainam na ilaan ko ang oras na ito upang magdasal.
Kakaupo ko pa lamang nang lapitan ako ng babaeng nakasalamin, "Are you Ms. Grace Fiveash?" tanong nito sa maamong tono. Mukhang mabait naman siya kaya ngumiti ako.
"Yup," sagot ko. Malamang ay nakita niya sa list of participants ang pangalan ko.
Nalaglag ang panga niya na para bang nabigla at nagalak, hindi ko maintindihan. Napatakip siya ng bibig at tinawag ang dalawa niyang kasama, "We finally met the great Grace Fiveash." rinig kong binulong niya.
Her friends did the same at nagpa-picture sila sa akin. I don't know what they think, ang alam ko lamang ay grabe ang tuwa nila no'ng sila ay makakuha ng litrato kasama ako. Nakakataba naman ng puso. Maya-maya pa'y nasundan na naman ng panibangong grupo, naku po, hindi pa ako nakakapagdasal nito. At nasundan na naman ng iba, at ng iba pa, hanggang sa silang lahat ay nakapaligid na sa akin. My gosh. I don't understand. Bakit sila nagkakagulo?
'Yung iba ay nagpapa-autograph na, para bang artista ako. Hindi ko gets. 'Yung iba naman ay ayaw nang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin. Ang gulo nila, sumasakit na ang ulo ko.
"That's enough guys, get off her now." This is Winston talking. Pinilit niyang makapasok at ipagsiksikan ang sarili niya upang maabot lamang ako. No'ng mahawakan niya ang pulso ko ay saka naman niya ako hinila nang pwersahan paalis sa mga nagkakagulong estudyante.
Hindi ko maintindihan ang mga 'to. Baka may kamukha akong artista. Hehe. My sight accidentally landed on Angel's face at grabe ang simangot sa mukha niya.
"I really don't like you." she said for no reason.
Kumunot ang noo ko at nagkibit balikat na lang. Does she envy me? Gusto niya bang pagkaguluhan? Edi sa kaniya na ito. Ayaw ko naman sa magugulong tao.
Ilang minuto pa ay nagsimula na nga ang pinakainaabangan ng lahat. I felt so distracted sa mga ngiti at titig ng kapwa ko kalahok, mas lalo akong distracted sa pagmumukha ni Angel na laging magkasalubong ang kilay sa tuwing nagtatama ang aming tingin. Ugh. Gayon pa man, pinilit ko ang sarili ko na magpokus dahil nakasalalay sa kumpetisyon ang buhay ko.
I heard Shang and Jane's voices, cheering me up. Para bang mas nangingibabaw ang kanilang boses sa lahat. Iyon ang naging rason ng pagkakaroon ko ng ngiti sa labi habang sinasagutan ang mga katanungang binabato sa amin.
Umabot ng limang oras ang kumpetisyon at sa wakas ay may resulta na. Hawak kamay kaming lahat, unfortunately, I was holding Winston's soft hand. Parang marshmallow ang kaniyang palad, sarap pisapisain but I have to act normal.
"AND THE WINNER IS, PARTICIPANTS NUMBER 34!"
Isang masaganang hiyawan ang nabuo nang anunsyohin ang nagwagi. Hindi ako makapaniwala. Sa sobrang galak ay bahagyang pumatak nang kusa ang aking luha. Salamat! Salamat! Kami ang number 34.
Kahit bawal ay umakyat sa entablado sina Shang at Jane, at binigyan ako ng mahigpit na yakap at saka inalog-alog ako.
"GRACE FOR THE OVERALL TOP!"
"GRACE FOR THE OVERALL TOP!"
"GRACE FOR THE OVERALL TOP!"
Hindi ko masukat ang saya nila, sobrang saya. Kinikilig ako sa ginagawa nila. Ramdam ko 'yung pagka-proud nila sa akin.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Angel, kahit labag sa kalooban ko ay nakipag-shakehands ako sa kaniya sabay bigay ng pekeng ngiti, "Congratulations!"
"Congratulations!" nagpakita naman siya ng ngiti pabalik.
Pagkatapos ay nakipag-shakehands din ako kay Winston, "Congratulations!" sabi ko.
Inabot niya ang aking kamay, "We made it because of you " sobrang lapad ng ngiti niya.
Medyo hindi ko marinig ang boses niya dahil sa ingay ng paligid, kaya nilakasan ko nang kaunti ang aking boses at nilapit ang aking mukha sa kaniya. "We did our part, you did great, Winston."
"I don't know how to say this, pero matagal ko nang gusto na makatrabaho ang isang Grace Fiveash at salamat sa Diyos dahil pinagbigyan niya ako bago ko lisanin ang ating unibersidad."
Natawa na lang ako sa sinabi niya, anyway, hindi na ako ganoon ka-galit sa kaniya, nawala na rin ang inis ko para sa kaniya. Sa kalagitnaan ng aming pagre-review ay natutunan kong makipagsabayan sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Hindi naman pala talaga siya suplado, slight lang.
"Baliw ka, don't act as if I am somebody." natatawa kong sabi.
"You are somebody, nakikita mo ba sila?" tinuro niya ang kapwa namin kalahok na ngayon ay nagwawala dahil sa sobrang saya.
"Oo, ano namang meron?"
"Hindi mo ba napapansin? They are your fans."
"H'wag ka nga magpatawa,"
"I'm not."
Mas lalo ako natawa. Fans ba ka niya? Fans from what? I'm just nobody, I'm broke, I'm ugly, I don't have talents, basta, I am nobody. Ang talagang famous sa amin ay si Angel Tine.
"Bakit naman ako magkaka-fans?"
Natawa siya at napakamot sa batok, "Talaga bang hindi mo alam na kalat na kalat ang pangalan mo dahil sa talino mo?"
Nalaglag naman ang panga ko, whuuut? Akala ko ang universidad lamang ang nagpapahalaga sa kakayanan ko, hindi ko inakala na aabot pala ito pati sa ibang paaralan.
---
We then celebrated our championship. Wala na ako dapat na ikatakot pa, secured na ang aking grado, ang kinakailangan ko na lamang atupagin ay ang pagbabalik trabaho ko.
Ginanap ang selebrasyon sa mansyon nina Winston, all staffs and admins will be there and some of our schoolmates. Doon na rin kami magpapalipas ng gabi, yes! Makakapag-bonding kami ng mga kaibigan ko.
Masiglang masigla ang paligid hanggang sa ngumiti na ang buwan. Napakaraming "Congratulations!" ang aking natanggap, sobrang nakakataba ng puso.
"Grace, tara!" hinatak ako ni Shang patungong karaoke room. Gagi 'to.
"Baliw, hindi ako kumakanta."
"Anong hindi? Dapat kang kumanta, para sa pagkawagi niyo ito."
Nang buksan niya ang pinto ay agad na bumungad sa amin si Angel na kumakanta, sa likod naman ay iilan sa mga schoolmates namin na nakaupo sa sofa at suma-shot. Ang galing pala kumanta ni Angel.
"Uy, Grace. Dito ka." naroon din pala si Jane. Tinawag niya ako sabay tap ng sofa.
Umupo kami at itong baliw na Shang ay kumuha ng gin, "Let's celebrate!" sigaw niya sabay tunga ng gin sa baso at nagiba-giba kaagad ang kaniyang mukha dahil sa lasa nito.
"Hoy, gaga, hahaluan pa 'yan." binatukan naman siya ni Jane.
Napakamot sa batok si Shang, "Ay gano'n pala 'yon? Sorry, first time." natatawa niyang bigkas.
Mga baliw talaga ang mga 'to. Ako nga eh walang alam sa mga ganiyan.
"Oi, Bryan, pahingi nga niyang shina-shot niyo, patikimin natin 'tong si Shang." sabi ni Jane sa katabi niya, he is our schoolmate.
Inabutan siya nito ng isang maliit na baso pero bago niya pa ito tuluyang maibigay kay Jane, binalaan niya muna ito.
"This is a Bowmore, dahan-dahan dahil baka mamaya ay sumabog na kayo kaagad." wika nito.
Tumango si Jane at kinuha iyon, "Shang, shot."
Nag-inuman na silang dalawa at hindi ko alam kung saan ilulugar ang sarili ko, hindi naman ako umiinom eh. Pero ayaw ko naman maging killer joy, minsan lang mangyari 'to kaya naman sumakay na lamang ako sa enjoyment nila. Nakiinom na rin ako.
Habang patagal nang patagal ay hindi ko na nalalasahan ang lasa ng Bowmore, parang tubig na lamang. Medyo masakit na rin ang ulo ko pero keri lang! Napuno kami ng tawanan, hindi ko na maalala ang mga pinagsasabi naming tatlo basta may sarili kaming mundo sa loob ng karaoke room at tawa lamang kami nang tawa.
Si Angel naman ay halos ayaw na bitawan ang mikropono, siya raw kakanta sa lahat ng kanta. Psh.
"Oh, si Grace naman."
Nagulat ako nang biglang ihagis sa akin ni Angel ang mikropono, buti na lang nasalo ko iyon kaagad. Gagi. Mapang-asar na ngumisi siya sa akin at saka umupo sa tabi ng mga lalake.
"Kaya mo 'yan." bulong ni Shang sa akin.
Anong kanta 'to? You're still the one? Medyo hindi na malinaw ang aking vista. Nagsimula nang tumugtog ang intro nito kaya naman hinanda ko na ang aking sarili. Hindi ako kumakanta, pero para bang bet ko kumanta ngayon. hehehe.
"Looks like we made it,
Look how far we've come, my baby," I started singing.
"We mighta took the long way,
We knew we'd get there someday," nagulat ako dahil may ibang kumanta sa linyang ito, at boses lalake.
Kumunot ang noo ko at napatingin kay Shang, "Sino iyon?" tanong ko gamit lamang ang mata.
She rolled her eyes and pointed somewhere. I looked at where she was pointing and saw Winston holding another microphone, singing. I raised a brow, gusto ba niya ng ka-duet?
"You're still the one I run to,
The one that I belong to,
You're still the one I want for life,
(You're still the one)
You're still the one that I love,
The only one I dream of,
You're still the one I kiss goodnight,"
At kumanta kami nang sabay hanggang sa natapos na ang kanta. Puro panunukso kaagad na ibinato ng lahat sa amin.
"Ayiiiee,"
"Mukhang may namumuo,"
"ACETON!"
"Bagay kayo! Siguro genius ang magiging anak niyo!"
"Pamilyang matatalino ang mabubuo niyo!"
Ganito ang mga panunukso nila sa amin. Bahagyang tulak, tusok, at alog ang natanggap ko mula sa mga schoolmates ko at pati na rin kina Shang at Jane. Ugh.
---
"Sh*t , hindi ko na kaya, naiihi na ako." reklamo ko sabay hawak sa puson ko. Maraming baso na ang dumaan sa akin at nagmamanhid na ang labi ko. Paniguradong malapit na ako malasing, pero hindi pa naman ako lasing. Nakakapag-isip pa ako nang tama.
"Samahan na kita, Grace." pagboboluntaryo ni Shang na halos nakapikit na. Naku po, lasing na ang isang 'to.
I shook my head, "Hindi na Shang," wika ko. "Jane, pakibantay si Shang ah? Wiwi lang ako."
Tumango si Jane at nagtungo na ako sa comfort room. Medyo sumasayaw na ang paligid at hindi ko na maramdaman ang mga yapak ko, pero hindi pa ako lasing, aware pa ako sa mga pinagsasabi ko. Promise hindi pa ako lasing.
"Grace?"
May kung sinong kulangot ang nagsalita no'ng nakapasok na ako sa loob ng comfort room.
"Hmm?" tiningnan ko 'yung tumawag sa pangalan ko, ugh, si Winston na naman. Why does he keep on appearing?
"Lasing ka na," sabi niya.
"Naiihi ako," I spoke and I unzipped my pants.
"No, no, no," He panicked. Hinawakan niya ang mga kamay ko kaya hindi ako natuloy sa pag-uunzip.
"Iihian kita, gusto mo?"
"Tsk, teka nga, tatawagin ko si yaya para i-assist ka,"
"Yaya? I don't need yaya, umalis ka nga. Naiihi na ako." tinulak ko siya at tinuloy ko na ang pag-uunzip sa pants ko.
Tumalikod naman siya kaagad, "D*mn Grace, nandito pa ako."
"So what?" I sarcastically asked as I sit on the toilet bowl.
"W-What is that? Shower ba 'yan?" tanong niya habang nanatiling nakatalikod.
"Gaga, ihi ko 'yan."
Pagkatapos ay inayos ko na ulit ang pants at saka binuksan ang pinto upang lumabas ngunit dumudulas lamang ang aking kamay, para bang wala na akong lakas.
"Ako na magbubukas," he insisted. Lumapit siya at binuksan ang pinto.
Laking gulat ko nang bumungad sa amin si Angel, halatang nagulat rin siya na makita kami. Halos malaglag ang panga niya eh.
"Sinasabi ko na nga ba! May namamagitan sa inyo! How can you do this to me!" sigaw ni Angel, halos maluha na.
Luh?
"Angel, stop. Walang namamagitan sa amin." dipensa ni Winston.
Tinaasan ko ng kilay si Angel, "Ano naman ngayon kung may namamagitan sa amin?" wala sa pag-iisip kong nasabi. Basta ba eh, nangibabaw ang inis ko sa kaniya. I hate how she hates me.
She gasped and looked at Winston, "You will end up with me, Winston, no matter what!" at padabog siyang tumakbo palayo sa amin.
"Nababaliw na ba siya?" tanong ko.
"Ikaw ang baliw, bakit mo naman sinabi iyon?" tanong niya habang naglakad patungo sa harapan ko.
Nagkibit-balikat ako, "Wala lang, gusto ko lang na inisin siya. Teka, may gusto ba siya sa'yo?" tanong ko ulit.
"Oo, matagal na."
Napangiwi ako, "Ah, kaya pala. Edi ligawan mo na siya."
"Ayaw,"
"Ikaw bahala," sabi ko saka naglakad na pabalik sa karaoke room but he suddenly grabbed my hand.
"Ayaw ko sa kaniya,"
Tons of question marks are popping again in my head, "Share mo lang?" tanong ko.
"She will never be my type,"
"Ah, okay." walang gana kong sinabi sabay bawi ng kamay ko sa kaniya at muli nang naglakad.
"Because it's you," he said behind me.
Nahinto ako sa paglalakad, at humarap sa kaniya, "Me?" tanong ko habang nakaturo sa sarili.
"I like you, " kitang-kita ang pamumula ng kaniyang pisngi matapos niyang sabihin ito.
I, on the other hand just felt awkward. Nagkibit balikat na lamang ako at muling naglakad.
"Didn't you hear me? I like you, I like you, I like youu!" parang bata na inulit-ulit niya para lamang maagaw niya ang atensyon ko.
Sobra akong natatawa sa ginagawa niya, ito ang pangalawang beses na may nagtapat sa akin pero ang isang 'to ay kakaiba, nakakatawa, nakakakilig. At walang kasiguraduhan kung totoo nga ba. Ano sa tingin niyo?
"Make me like you back," I said without looking back.
"Will you let me?"
I stopped walking and I turned, "Why not? Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan." nakaramdam ako ng kilig no'ng sinabi ko ito. I don't even know how I pulled the guts out of me. Siguro ay dahil ito sa ininom namin.
Tumalon-talon siya sa tuwa at ako naman ay natatawang bumalik sa karaoke room. Pagkapasok ko ay umupo ako kaagad sa tabi nina Shang at Jane at saka na-knock out.
Marahan kong binuksan ang aking mga mata, dahan-dahang bumangon at nabigla ako dahil nasa kwarto na ako ni Shang. Hindi ba't sa karaoke room ang huling lugar na pinuntahan ko kagabi?
Shang and Jane are still sleeping, they are still on their make ups, hindi na sila nakapaghilamos kagabi. Siguro nakatulog na din sila. Teka nga, how did we got here?
Naglakad ako patungong salamin at napahawak sa kumikirot kong ulo. Ugh, nahihilo ako, ang bigat ng katawan ko, at pakiramdam ko ang punong-puno ang tiyan ko. I need water.
Binuksan ko ang pinto at dali-daling nagtungo sa kusina nila, "Ate, pwede po pahinging maligamgam na tubig?" tanong ko sa kasambahay.
"Osige, sige," agad niya ako dinalhan ng maligamgam na tubig ngunit parang walang pagbabago sa aking nararamdaman.
Mabigat pa rin ang aking katawan at sa tingin ko ay sasabog na ako, hindi ko maintindihan. Hangover ata 'to. Maya-maya pa ay naramdaman ko na para bang lalabas na ang lahat ng nasa loob ko. Dali-dali akong tumakbo sa comfort room at nilabas ang lahat ng dapat ilabas.
Huhu, napaluha ako sa sobrang sakit. Ayaw ko na sa Bowmore! Ayaw ko na uminom!
"What's happening to her?" medyo malayo ang boses na ito ngunit alam ko na si Winston iyon.
"Hangover po ata," rinig kong isinagot ng kasambahay.
"Prepare a soup,"
"Masusunod po, sir."
Patuloy pa rin ako sa pagbubuga at patuloy na pumapatak ang luha ko. Ang sama ng pakiramdam ko. Parang mabibiyak na ang ulo ko.
"Yaya, pakuha nga ng ointment." utos ni Winston.
"BWAAAAAAAAH!"
"Sobrang dami mong nainom, Grace." ngayon ay nasa tabi ko na siya.
"BWAAAAAAAAH!"
"Sige, ilabas mo lang."
"BWAAAAAAAAAH!"
"Anyway, Grace. Naaalala mo ba ang napag-usapan natin kagabi? O lasing ka lang?"
"BWAAAAAAAAAH!"
"I would really be a good man to you,"
"BWAAAAAAAAAH!"
What the hell is he talking about? Bakit ba kinakausap niya ako eh alam naman niyang hindi ako makasagot dahil nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Gusto ko na lang mag-hand gesture sa kaniya pero hindi ko kaya, mas lalo akong naghina.
Ano ba kasi ang pinagsasabi niya? Ano ba ang napag-usapan namin kagabi?
---
CRIPTICA_G