GRACE'S POINT OF VIEW
Habang sinusuklay ko ang aking mahabang buhok ay natalsikan ako ng pabango ni Jane, "Thank you," natatawa kong sabi. I did not sprayed something on my body kaya blessing na iyong pabango niya.
"Ugh, I ruined it." reklamo niya habang inaayos ang sirang tip ng mamahalin niyang pabango.
"Hinila mo kasi eh, you should be gentle with it. Akin na." wika ko saka kinuha sa kaniya ang pabango niya. Nako, hindi na maaayos ito.
"Bumili ka na lang ng bago," sabi ko at muli nang nagsuklay.
napasimangot siya at sinabing, "Bigay ni Daddy 'yan."
Anyway, isang linggo na kaming nag-sstudy at nagre-review para sa competition. So far, so good, maayos naman kinalabasan ng aming pagte-teamwork ngunit hindi ko maipagkakailang madami pa kaming dapat pag-aralan. And then we decided to take a rest for just one day, napagdesisyunan naming pumasok muna. As a matter of fact, I missed having lunch with Jane and Shang. Sawa na ako sa pagmumukha ni Winston at Angel, nasisira ang timpla ko.
About last, last, last, last day, 'yong nakakahiyang pangyayaring iyon ay ibinaon ko na sa limot. I let Winston drive me to my dormitory because of his stupid bulldog, at pagkatapos no'n ay hindi na namin muling binanggit pa ang nakakahiyang eksenang iyon. Mas mabuti na sigurong hindi malaman ni Angel, baka kasi isipin niya na nilalandi ko si Winston, yuck! Alam niyo naman ang babaeng iyon, wala sa tamang pag-iisip. Baka ikalat niya pa sa unibersidad.
"Boo!"
Napabalikwas kami sa biglang pagsulpot ni Shang. Hay nako ang babaeng 'to, papatayin kami nang maaga.
"Got something for the both of you," dagdag niya at saka inilapag sa harap namin ang dalawang paper bag.
"What's that?" tanong ni Jane sabay turo sa bag.
Umupo si Shang sa tabi ko, "Perfume from italy," nakangiti niyang binigkas.
Napangiti nang bongga si Jane at agad na niyakap ang mga paper bag, "Just in time!" sobrang lapad ng ngiti niya habang sinasabi ito. Buti naman ay may pamalit kaagad sa nasira niyang pabango.
"Anyway, pinapabigay pala 'to sa'yo ni kuya." nakasimangot na iniabot ni Shang sa akin ang isang sobre. Ano naman kaya iyon?
Kinuha ko iyon at saka binuksan, "Credit card? Huh?" taas kilay kong tanong nang makita ang card sa loob ng sobre. Ano na naman kaya ang binabalak niya?
She rolled her eyes, "Ugh. I don't know what's with him. Trip niya lang siguro magwaldas ng pera." she said.
Napatingin naman si Jane sa sobre, "Ang bait naman ata ni Winston, anong nakain niya?" nagtataka niyang tanong which I can't answer.
I shook my head at binalik ang sobre, "I'm not accepting this." I said.
"Duh, accept it. Hayaan mong maubusan siya ng pera." said Shang na kala mo'y ang laki ng galit sa kuya niya.
"No way, ayaw ko magkaroon ng utang na loob." wika ko at malakas na hangin ang pumalo sa amin at inilipad no'n ang mga buhok ko.
"Grace's right, hindi niya kailangan ang pera ng kuya mo, noh. Baka mamaya singilin niya pa si Grace." pagsang-ayon ni Jane sa akin. Isa pa, never ako humingi ng tulong sa kaniya, and never will I.
Shang pouted, "Bakit ba kasi kinakailangan niyo pa magtrabaho nang sabay para sa competition? I hate him being close to you, Grace." sadly she said. By the way, alam na niya na ang tungkol sa competition at alam na rin niya na kasali si Angel at ang kuya niya roon.
Nagkibit-balikat lamang ako, "Ayaw ko rin naman, pero wala akong magawa. At isa pa, hindi kami close ng suplado mong kuya noh," bigkas ko sabay ikot ng mata.
Tinaasan niya ako ng kilay at inikutan rin ng mata, hays, I am thankful dahil magaling na siya. She was just suffering from premenstrual syndrome last time. "Eh, ano 'tong card na 'to? Bibigyan ka ba niya kung hindi kayo close?" tanong niya.
"Maybe he just misspoke a name, baka hindi para sa akin ang card na iyan." sabi ko naman.
"Hays, akin na nga 'yan." Jane interrupted and took the envelope from Shang. "Oh, Grace, nakapangalan sa'yo ang credit card tapos may bank book ka pa." dagdag niya habang binubungkal ang loob ng envelope.
Nalaglag naman ang panga ko, "Bakit ba nagbabait-baitan ang kuya mo sa akin?" kunot noo kong tanong. I really hate him being kind to me. Remember how cold he was on our first meeting? tapos bigla na lamang siya magiging mabait? Oh no, that's fake.
Napatakip ng bibig si Shang, "Oh no, maybe he is putting you in a trap!" nanggigigil niyang bigkas. Hindi malabo na trap nga ito. Alam kong gustong-gusto niya na mapunta sa top, knowing he is just the second.
"I will not myself to be his victim," sabi ko. Winston will do everything to be on top, I presumed, because this is his last chance! Graduating student na siya.
"GRACE FOR THE OVERALL TOP!" parang bata na sumigaw si Jane.
"GRACE FOR THE OVERALL TOP!" ginaya naman siya ni Shang. Mga baliw talaga ang mga 'to, na-miss ko sila.
Tila ba muling pumalo ang hangin at sa oras na ito ay mas malakas na, sabayan pa ng napakapangit na pakiramdam na para bang may masasamang espiritu na nakapaligid sa amin. Bakit naman kaya namin nararamdaman ito?
"Say what?!" isang supladang tinig naman ang nabuo sa aming likuran.
Lumingon kami at nakita ang isang dosenang mga tagasuporta ni Angel na kaklase lang namin. Kaya naman pala ganoon ang aming naramdaman, may mga demonyo palang papalapit.
"Sa tingin niyo ba ay hahayaan namin maging top 'yang manok niyo?" someone who looked like chicken spoke while crossing her arms.
Tinaasan ko siya ng kilay, did she just called me chicken?!
"Hey duck-like! Shut your mouth or I'm gonna break your jaw!" paghahamon ni Shang at ipinwesto ang kaniyang kamao sa paningin no'ng babaeng mukhang manok.
"Sa liit mong 'yan sa tingin mo kaya mo ako?" walang takot naman niyang hinarap ang kamao ni Shang.
"Suntukan!"
"Suntukan!"
"Suntukan!"
"Suntukan!"
All of the sudden, lahat sila ay paulit-ulit na sinabi ito, pushing the two of them to have suntukan. Just like what we mostly see on streets.
Nagkatinginan naman kami ni Jane and then we grimaced. Like seriously? How these rich kiddos attained this behavior? At mga babae pa ang gusto nila na magsuntukan. I can't believe it.
"Let's get out of here," bulong ko kay Shang.
Tumango siya, kinuha namin ang mga bag namin at nakahanda nang umalis ngunit agad kaming pinalibutan ng mga tagasuporta ni Angel. We were frozen for a moment. Ano ang binabalak ng mga ito sa amin? Mag-eeskandalo ba sila sa loob ng unibersidad? Seriously?
Nagulat na lamang ako nang biglang lumitaw si Angel sa harap namin, "Nowhere for you to go," wika niya sa paraan na gusto niya kaming sindakin. Is she on crazy thing na ikakasira ng pangalan niya?
"So what? Are you gonna torture us?" taas kilay kong tanong.
Napahalakhak siya, "I will kidnap you, upang hindi ka makapasok sa next class mo, in that way, bababa ang grado mo." nakakatawa niyang sabi.
Ako naman ay napahalakhak rin, "Hindi ka ba marunong lumaban nang patas para mahigitan ako? Quit acting like a child, Angel. Hindi ka na high school." nangigigil kong binigkas at naglakad, ngunit ang dambuhala kong kaklase ay kinaladkad ako pabalik. Ugh. They are so annoying!
"Angel, sumosobra na talaga 'yang ugali mo!" hindi na nakapagpigil si Jane.
Naagaw naman niya ang tingin ni Angel, "Shut up ex-bestfriend, you and Shang can go. Ngunit maiiwan si Grace." isang ngiti ang nabuo sa kaniyang labi at muling napunta sa akin ang titig niya.
"Wow, who are you to do that?" Hindi na rin nakapagpigil si Shang.
"Angel, I can't believe this."
Napunta ang aming tingin sa lalakeng nagsalita, it's Winston. Nakapamulsa siya at walang emosyon ang makikita sa kaniyang mukha. He is hundred percent serious.
Halatang nagulat si Angel at napalunok, "I-I-It's n-nothing, nothing a-at all, I was, I was just—" nauutal pa siya habang nagtatangkang magrason.
"What were you saying, Angel? You will kidnap Grace?" natatawang tinanong ni Jane upang marinig ni Winston ang sinabi ni Angel kanina. She did it on purpose.
---
"I really can't believe that she is that evil," Winston said as his sight landed on the side mirror. Pagkatapos ng klase ay nagtungo ako sa mansyon nila dahil may nakalimutan ako kapahon at personal na bagay iyon kaya kinakailangan kong kunin. And again, inabutan na naman ako ng gabi dahil sa traffic kaya wala na akong nagawa kundi magpahatid kay Winston since he insisted, at ayaw ko na ulit atakihin ng alaga niya noh.
"Duh, she is the opposite of her name." sabi ko.
"Ganoon na ba siya kadesperada para sa grado?" tanong niya na siyang nagpakunot ng aking noo.
Napunta ang tingin ko sa kaniya, "Hindi ba't ganoon ka rin?" wala sa pag-iisip na nasabi ko ang bagay na ito.
"Oo ganoon ako pero hindi ako gagawa ng bagay na magpapahirap sa'yo para lang umangat ako." he defended himself and turned the car left.
Natawa na lamang ako nang mapakla, "And what about this?" I asked as I took the credit card out of my bag. "Ano ba ang binabalak mo? Is this some sort of a trap?" karagdagan kong tanong.
He then smiled, this is my first time seeing him smiling genuinely. "That is for you, since ako naman ang nagsabi na sa bahay namin gagawin ang pagre-review at alam ko na malayo ito sa dorm mo at kinakailangan mo pa mag-commute at gumasto. Alam ko rin na you are living on your own. Tapos nalaman ko pa na you took an off to your job, for sure wala kang natatanggap sa sweldo. Isipin mo na lang na tulong ko 'yan sa'yo."
Mas lalong nakunot ang noo ko and tons of question marks are popping on my head right now, "You don't have to!" sabi ko sa diin na tono.
"I just want to."
"Bakit ba nagkukunwari kang mabait sa akin? Ano ba talaga ang binabalak mo?!" I pushed him slightly and that caused the car to be waggle.
"Stop that, woman! Gusto ko lang magbigay, nothing more!"
"I don't believe in you!"
"Well, I am not pushing you to believe in me, basta alam ko sa sarili ko na totoo ang pinagsasabi ko. Wala akong binabalak na masama."
"Hindi ka naman ganiyan ah, you are mean in the first place!"
"Please put into a consideration na weather weather lang ang mood ko."
At nauwi kami sa sigawan. I still don't believe in his words. This may still be a trap! Ibinalik ko nang pwersahan ang card at bank book.
---
The sun is shining and its rays are already strolling. Today is another day for our review, bago pa man ako Makalabas ng dorm ay may kumatok na nito. Napataas ako ng kilay, sino na naman ito? Don't tell me it's Supremo again! Ugh. I will not open the door.
Hinayaan ko lamang na kumatok nang kumatok ang tao sa labas hanggang sa, "Good day, ma'am. Delivery man po ito." nagulat ako sa sinabi niya.
A delivery man? Hindi naman ako um-order ng kahit ano ah? Is this a trap? Lumapit ako sa pinto, "What item are you carrying?" I asked as loud as I could upang marinig niya.
"A bouquet, ma'am." sagot nito.
A bouquet?
"Are you sure that it is for me?" tanong ko ulit.
"Yes, it is written here, deliver to Ms. Grace Fiveash."
Kumunot ang noo ko, who would give this to me? I opened the door, at isang delivery man nga ang bumungad sa akin hawak-hawak ang magandang bouquet.
"Here you go, ma'am. Kindly affix your signature here," iniabot niya sa akin ang bouquet at papel na hawak niya.
I signed it and asked, "Kanino naman galing ito?"
He just shrugged, "Hindi ko po alam, inutusan lamang ako na ipadala po iyan sa inyo." he said.
Tumango ako and he left. Kanino kaya galing ang bouquet na ito? Pinagmasdan ko ang mga preskong bulaklak at nadapo ang aking tingin sa sulat na nasa gilid nito. Umupo ako sa sofa at binasa iyon.
"To my future wife, to my beautiful future wife, lagi kang mag-iingat. Remember that I am always watching you from afar, and please don't cheat on me. H'wag kang ngumiti parati dahil baka magkaroon ako ng kaagaw. I love you!"
Napangiwi na lamang ako dala ng pandidiri. Wala na akong naiisip pang iba kundi si Marco na kilala bilang Supremo! Ugh. After a week ay nagparamdam na naman siya. Err, kinikilabutan ako sa kaniya. Ano ang gagawin ko sa bouquet na ito? I don't wanna receive something from him.
Nakakapanindig balahibo ang laman ng mensahe niya, ano raw? "Please don't cheat on me"? eww. Boyfriend ko ba siya? I should really call for a mental hospital's help.
---
CRIPTICA_G