CHAPTER 5: Angel, the Devil

2376 Words
GRACE'S POINT OF VIEW "Oh, don't tell me you don't know his name?" taas kilay na sinabi ni Angel sa akin habang nakatingin sa papel na hawak ko. I was jotting down our names para sa topics and lessons na i-aassign ko sa amin, individually. I already put Angel's name at nahinto ako dahil hindi ko naman alam ang pangalan ng lalakeng kasama namin. I just shrugged in innocence, "Hindi naman siya nagpakilala." wika ko. Angel rolled her eyes and took the pen and paper from me, "Gosh, I don't really know what kind of student you are. That is a pride, girl, gusto mo na ikaw lang ang kilala ng lahat? No, no, no." she muttered as she write something on the paper. Napasimangot na lamang ako habang nagsusulat siya, eh hindi ko naman talaga alam ang pangalan niya eh, bakit nagco-conclude na siya kaagad na gusto ko na ako lang ang kilala ng lahat? Where in fact hindi ko naman hinangad iyon. "Here, seal this name in your memory, forever." suplada niyang bigkas sabay lapag ng papel sa harap ko. "Winston.." pagbasa ko sa isinulat ni Angel. "Yeah, that's my name." wika ng lalake naming kasama habang tutok na tutok sa laptop niya. Napakunot ako ng noo, I think, I heard that name before. Kanino ko kaya ito narinig? And what is his connection to that person who mentioned it to me? Who was that person? Ugh. Ang slow ko talaga pagdatig sa pag-aalala ng mga bagay. Ang dami ko kasing iniisip eh. Minsan nga pati pangalan ng mga taong nakasalimuha ay nakakalimutan ko na. Ngunit hindi ko naman nakakalimutan ang mga lessons na naituro sa akin dati, that's so weird. I shrugged, "Okay." sabi ko. We then resumed our review. We just recapped some lessons we've tackled since elementary up until college. That's a big thing, you know? Hindi siya madali. And we also went beyond our past lessons, syempre kinakailangan naming magdagdag ng panibagong kaalaman. "Son, mind of inviting your teammates to have lunch?" isang makinis na babae ang pumasok sa silid kung saan kami nag-rereview. She is Winston's mother ngunit parang magkapatid lang sila. Sana all young looking. Ako nga eh nagkaka-wrinkles na. --- "Off limit, baka maka-damage ka." bulong ni Angel sa akin sa supladang tono habang kami ay naglalakad patungong silid-kainan. "All are expensive." dagdag niya. I was just gazing at these fancy paintings on walls, ang OA naman niya! I didn't even touch them, nakaka-damage ba ang tingin? Ugh. Talagang nakakairita na 'tong si Angel. She is the opposite of her name. Buti nga in-unfriend siya ni Jane. Jane doesn't deserve this devil. Sinamaan ko siya ng tingin but she just smirked at me. "What do you want for lunch?" Winston asked the two of us as we reached their luxurious dining area. I gulped as I stroll my eyes around, napakalaking silid-kainan "Hmm," Angel bit her pointing finger, "Let's go for veggies, I'm on my diet kasi," she said in a maarte tone. Duh. Tumango si Winston at saka tumingin sa akin, "Ikaw ba, Grace?" tanong niya sa maamong boses. Wow. Didn't know he can be this angelic. Nagkibit-balikat ako, "Anything." I said and smiled. Tumango siya ulit at saka tinawag ang kasambahay nila. They had a little talk and after that, he requested me and Angel to sit down. So, we did. "Is your sister here?" tanong ni Angel kay Winston habang hinihintay naming maihain ang pagkain. "Yup, she's not feeling well right now." sagot ni Winston. "Absent again? You better warn her of her grades. You should infect your sister with your intelligence." wika ni Angel sabay flip ng hair. Luh, ang sama niya talaga. Mabait lang siya sa publiko eh. Napabuntong hininga si Winston, "Me and my sister never really get along. I wanna help her out, and be her kuya but she doesn't let me. Sa palagay niya ay alam na niya ang lahat at hindi na niya kinakailangan pang kumunsulta sa akin." ramdam ko ang lungkot ni Winston habang sinasabi ito. Nalungkot din ako no'ng marinig ko ang kaniyang salaysay, "Baka kulang kayo ng time sa isa't-isa. Try niyo mag-bonding minsan." nagulat na lamang ako nang biglang bumuka ang aking bibig. Nako! Why am I advising him? Nakalimutan kong hindi pala kami close. Kita kong kumunot ang noo ni Angel sa aking pagsasalita, hays kontrabida talaga. Ngunit tumango naman si Winston sa aking sinabi. "What do you know—" hindi nakumpleto ni Angel ang kaniyang sinasabi nang biglang magsalita si Winston. Buti nga sa kaniya. "Yeah, right. Sa palagay ko ay diyan ako nagkulang sa kaniya. I sold myself to my studies at hindi ko na inalala na may responsibilidad pala ako bilang isang nakakatandang kapatid." he sincerely said, and I felt his sincerity. Nakakaawa naman siya. Angel rolled her eyes again, ang suplada niya talaga. Ugh. "The problem is not with you, it's with her! You are just striving for your future at dapat niya intindihin iyon." wika niya at saka flip na naman ng kaniyang buhok. Sa palagay ko ay busy person ang mga magulang nila, and Winston's sister might be a spoiled one, lagi namang nangyayari iyan as a result of not having enough time with their children. I can't also blame his sister and I can't also agree with her behavior because at some point, she is right and at some point as well, she is wrong. Magsasalita pa sana si Winston ngunit may biglang pumasok sa kusina, "Ugh. I need lukewarm water, please." nanghihinang wika no'ng pumasok. Nilingon ko kung sino iyon and was shocked nang makitang si Shang iyon. Anong ginagawa niya rito? Winston hurried to her spot at tinulungan siyang makaupo, "You should've stayed in your room, pwede mo namang utusan ang mga katulong. You are just torturing yourself." Winston scolded Shang na para bang kapatid niya ito. Wait, is she... is she his sister? "Ugh! K-Kuya lukewarm water." namimilipit sa sakit si Shang habang hawak ang kaniyang puson. This is a confirmation na magkapatid nga sila. Amazing, what a small world. So, si Winston pala ang tinutukoy nila na pride of the university noon ngunit nawala iyon nang dumating ako. Hmm, ngayon ay unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit gusto ni Shang na lampasan ko ang average ng kuya niya, that's because they don't get along. Shang isn't that spoiled naman, mabait siya at palatawa. Maybe she is a different person when she's outside and a different person in their own home, marami ang may ganitong personality. Lalo na kapag puro lungkot lamang ang kanilang nararamdaman sa mismo nilang tahanan. Anyway, nabanggit ni Jane sa akin kahapon na sumakit ang puson ni Shang, didn't know na hanggang ngayon ay sumasakit pa rin. Ano kaya ang nangyayari sa kaniya? At... Nako po, mag-isang magla-lunch si Jane ngayon. Kawawa naman. Agad namang binigyan ng maligamgam na tubig si Shang. She felt a relief and they brought her back to her room, she unbelievably didn't notice me. Malamang ay sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman kaya hindi niya ako napansin. We already went back to studying and reviewing after taking our lunch. Napaka-flexible lang ni Winston, he absorbs things easily unlike Angel. Kinakailangan pang ulit-ulitin para makuha niya at maisaulo. My gosh. "Ugh! My head is spinning." reklamo ni Angel sabay hawak ng kaniyang ulo habang nagbabasa ng libro. Ngumiti ako upang tuksuhin siya at sinabing, "Kulang pa 'tong ginagawa natin upang mabasura mo ang average ko." I joked. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niyang ibabasura niya raw ang average ko, what a joke. Sa ganito pa nga lang eh nahihirapan na siya. Duh. She rolled my eyes on me, "Duh, I am not feeling well, that's it, kanina pa 'to noh. Stop assuming na nahihirapan ako sa ginagawa natin, ew." palusot niya kahit naman obvious na nahihirapan siya. I just shrugged na lang at natawa nang mahina. She speaks like a kid, at hindi dapat pumapatol ang mga matured sa mga bata. --- "Bye, Winston. See you tomorrow, bid my goodbye to your mom and dad. Thank you!" matamis na pamamaalam ni Angel kay Winston at saka siya pumasok sa magarbo niyang sasakyan. It is already 7pm, inabutan kami ng gabi and still, hindi pa kami nakakalahati sa target namin. Sobrang pagod na ako, hindi dahil pagod sa kaka-study, kundi pagod kakaturo kay Angel tapos ayaw niya pang i-admit sa sarili niya na tinuturuan ko siya. Napakataas talaga ng pride niya. Gusto niya talagang palabasin na mas mataas ang knowledge niya kaysa sa akin, like helloooo, is she serious? "May magsusundo ba sa'yo?" biglang tanong ni Winston nang mawala na sa aming paningin ang kotse ni Angel. I shook my head, "Wala, magta-taxi na lang ako. I'm independent." proud na proud ako habang sinasabi ito at saka ngumiti. Kumunot ang noo niya, "Hindi ba't may trabaho ka ngayon? Baka ma-late ka niyan." he said. "I am off for one month, nagpaalam na ako sa manager namin and besides, mas dapat kong pagtuunan nang pansin 'tong competition na ito." Wika ko. He nodded at natahimik nang limang segundo, "It's still late for you to go home alone kahit na magta-taxi ka pa. Let me drive for you." he said at agad na lamang lumisan sa harap ko kahit na hindi pa ako nakakapagsalita. What on Earth?! I will not let this happen. Hindi naman kami close para ihatid niya ako ah, at isa pa, gaya nga ng sabi ko, I'm independent. Bakit ba pabigla bigla na lamang siya nagiging mabait sa akin? He was not that good naman ah. Nagsimula na akong maglakad palabas. I think, this will take me ten minutes to reach the highway. Paloob at private area na kasi 'yong mansyon nila Winston eh. Kailangan ko nang makaalis kaagad bago ako maabutan ni Winston. Ayaw ko magkaroon ng utang na loob sa taong hindi magaan ang loob ko. And, a light behind me produced a shadow of me. Nahinto ako sa paglalakad at saka inikot ang mata ko. "Ugh. Winston." I said to myself. How can boys get so fast? Bakit parati na lang nila akong nahahabol? He stopped the car in front of me and he went out of it, "Come on now, Grace." wika nito at saka pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ko alam kung ano ang naiisip ko sa oras na 'to, pero sa palagay ko ay oras ito ng pagsusuplada. I crossed my arms, "Didn't I told you that I am an independent person? Hindi ko naman kailangan ng hatid mo." sabi ko nang pabagsak at muling naglakad. He was frozen when I overpassed him, at no'ng siya ay nasa likuran ko na, I heard the car's door locked. "Why are you like that?" nagulat na lamang ako nang biglang nasa gilid ko na ang kotse niya at ang bagal ng takbo nito. Sinasabayan ang lakad ko. I grimaced and I shrugged, "Maybe because I am an independent person?" hindi tiyak kong sinabi. Inikutan niya ako ng mata, "Pumasok ka na nga lang dito, I am being kind." wika niya. Inikutan ko rin siya ng mata, kala mo ha. So, dapat ba akong magpasalamat kasi nagpapakabait-baitan siya sa akin? psh. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. "Oh, really? Thank you." I said sarcastically. Narinig ko na napabuntong hininga siya at agad niyang binilisan ang takbo ng kotse at saka huminto mismo sa harap ko. Muntik pa nga ako mabangga. Kumunot nang husto ang noo ko at pakiramdam ko ay umusok ang aking ilong dala ng galit, "Are you gonna kill me, stupid?!" tanong ko saka sinipa ang kotse niya. Ugh. He went out of the car again, "Ipapahamak mo ba sarili mo? Alam mo namang gabi na at malayo pa ang dormitory mo." wika nito at saka muling pinagbuksan ako ng pinto. "I'm not going inside!" I shouted. "Get inside!" sinigawan niya rin ako. Aba, ang lakas naman ng loob na utusan at sigawan ako ah. "Bakit mo ba ako pinipilit? Why don't you just go back to your mansion?!" iritado kong sabi. "Magiging kasalanan ko kapag may masamang nangyari sa'yo." "Nothing bad will happen to me, and don't act as if you care." I flipped my hair. "H'wag nang matigas ang ulo, Grace. I'll drive you to your dormitory, please, let me." "I will not!" "Isa!" "Aba, binibilangan mo pa ako ha. Gusto mo ba tulungan pa kitang magbilang?" "Dalawa!" "The hell with you, Winston. H'wag ka ngang magkunwari, alam kong pakitang tao mo lang 'tong pagiging mabait mo. I'd rather take taxi than your fancy car." "Ugh. D*mn Grace! Why are you so hard to get? Gusto ko lang naman na ihatid ka dahil alam ko na delikado ang gabi at malayo pa ang uuwian mo. Bakit ba kung anu-ano na ang pinag-iisip mo?" Inikutan ko siya ng mata, "Psh, salamat na lang, I appreciate it very much." wika ko saka muling naglakad. Malalampasan ko na sana siya kaso agad niyang hinawakan ang aking pulso at hinila ako palapit sa kaniya. The hell with this man? "Let me drive you or spend your night in our mansion? You only have two choices, Grace." sabi niya sa nakakatakot na tono at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking pulso kaya napalunok na lamang ako. Is he gonna eat me alive? "No, I really want to—WAAAAAAAAAAAAAAAH!" natigil ako sa pagsasalita at tumili nang napakalakas nang bigla kami atakihin ng asong malaki! Galit na galit, gustong manakit. Napakalakas ng tahol nito habang tumatakbo papunta sa aming dako. Kaninong aso ba ito? OH MY GOSH! MY HEART! Akala ko ay katapusan ko na... "Jackie, stop." utos ni Winston sa aso at agad naman itong huminto sa pagtatahol at umupo. Is this his dog?! "Pwede ka nang bumaba," Winston said to me. Ang lapit ng mukha niya sa akin... teka... WHAT THE HECK?! BUHAT-BUHAT NIYA PALA AKO! What the fudge! what the fudge! Sobrang nakakahiya. Hindi na ako nakapag-isip kaagad kung anong gagawin dala ng takot. I didn't expect na balikat niya pala ang kakapitan ko. My goodness! Pwede bang kainin na lang ako ng lupa ngayon?! --- CRIPTICA_G
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD