JANE'S POINT OF VIEW Kitang-kita ko ang apoy sa mga mata ni Bianca habang ang labi niya'y nakangisi. Kasalukuyan siyang naka-upo sa upuang siya lang ang tanging makaka-upo. Para lamang ito sa First Lady. Ngayon ay panibagong araw na naman, at sa araw na ito isasagawa niya ang panibagong plano niya tungo sa kaniyang paghihiganti. Actually, no'ng marinig ko ang plano niya na ipatalsik si Winston sa posisyon nito, nagalit ako. Kasi, ever since pa lang 'yun na ang pangarap ni Winston. I know how much effort he had exerted to be on that position tapos sa isang iglap lang mawawala ito sa kaniya. Alam kong makapangyarihan si Marco, sobra. Alam kong kayang-kaya nilang patalsikin si Winston. Nakakaawa siya ngunit mas nananaig ang aking galit tungo sa kaniya kaysa sa awa. In fact, kulang pa nga i

