Gusto ko mang magalit nang husto kay Santel sa kaniyang mga sinasabi, I didn’t want to drive him mad. Ayaw kong ubusin ang pasensya niya kaya pinili ko na lamang tumahimik kahit ang dami kong gustong sabihin. Iniwas ko ang aking tingin at hindi na siya muli pang nilingon. Hindi ko na rin alam kung paano pa natapos ang gabing ‘yon. Binalik ni Santel ang cellphone sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mga ginawa niya roon at hindi rin naman ako gaanong interesado. Bago magtanghalian sa sumunod na araw, nasa isla na ulit ako. Iyon palagi ang routine, kapag pinapatuloy niya ako sa hotel niya, kinaumagahan ay hahayaan niya rin akong umuwi. Then, he’ll call me some nights again. Hinihintay ko na lang ding mapagod siya sa ganoon. Siya rin naman ang napapagastos! At siguro, darating din ang

