Hindi ito ang unang gabing ganito. Busy na tao si Santel kaya wala siyang gaanong panahon. Hindi rin naman matrabaho rito sa hotel room niya kung saan siya naka-extended stay. And when he needs help, the room service is always available. Pero ayaw niya yata talaga sa mga tao, dahil mukhang bihira lang siyang magpatawag sa room service, bukod sa hindi na rin naman gaanong kailangan. Sanay ako sa paglilinis kaya kahit hindi niya inuutos, ginagawa ko na. Wala akong magawa rito kaya ‘yon na lang ang pinagtutuunan ko ng pansin. At iyon lang din naman talaga ang pwede kong gawin! Tutal ay ito rin ang magiging trabaho ko kung sakaling ituloy niya ang sinabi. “Ano na namang ginagawa mo?” pagalit niyang tanong habang nandoon sa gilid ng kama at tinutupi ang kaniyang long-sleeved shirt. Iniw

