“Simula sa araw na ito, kami na ng tito mo ang bahala sa iyo,” marahang sinabi ni Tita Hilde habang hinahaplos ang aking balikat.
Umihip ang malamig na hangin habang nanatili ang tingin ko sa lapida sa aking harapan. Bagong-bago lang at malinis na malinis. My father’s full name and his birth and death dates are written on the grave.
Inukit iyon sa paraang hindi kayang burahin ng kahit ano.
Sometimes, I still wish this is just a dream. Na bukas paggising ko, nandito pa siya. Na bukas pagmulat ko ay isa lang itong bangungot.
“Tara na, Cassandra,” sabi ni Tita Hilde at marahan na akong inalalayan paalis doon. Her black dress matched his husband’s formal suit, ang aking tiyuhin at nakababatang kapatid ng aking ama.
Hinuling tingin ko pa ang lapida ni Daddy bago tuluyang sumama kay Tita Hilde. Naghihintay na si Tito Samuel sa labas ng kotse ni Daddy na ngayon ay siya na ang gagamit at naninigarilyo pa.
“Ang tagal n’yo namang matapos sa drama na ‘yan.”
“Nagluluksa pa ang bata sa pagkamatay ng ama niya, Samuel,” sabi ni Tita Hilde habang napapayuko pa rin ako.
I’ve been crying since the night we found out that Daddy is dead. Na hindi niya na kaya ang lahat-lahat kung kaya’t kinitil niya ang sariling buhay. Matagal na rin siyang may sakit at para tapusin ang lahat-lahat, sa pag-iisip sa bayarin at paggalaw sa perang matagal niyang pinundar para sa akin, siya na mismo ang tumapos sa sariling buhay.
I still can’t accept it. Hindi ko pa rin matanggap na nagawa iyon ni Daddy at ang dahilan ay ako. Because he doesn’t want to leave me with no money, kung gagastusin ang lahat-lahat sa mga pagpapagamot niya!
I’ve always wanted to grow up fast so I could help him, pero paano ko pa gagawin ang lahat ng iyon kung wala na siya?
“Tama na nga ‘yan. Nangangati na ako sa suot kong ito, Hilde. Umuwi na tayo at nang makakain na!” iritadong sabi ni Tito at panay ang kamot sa leeg.
Tita Hilde rolled her eyes. Nang napatingin ako sa kaniya, agad dumahan ang kaniyang ekspresyon at ngumiti sa akin sabay hagod sa aking balikat.
“Sige na, Cassandra. Sumakay ka na. Nagpahanda na kami ng pagkain sa bahay para makakain agad tayo pag-uwi. Tapos magpahinga ka agad! Bukas na bukas at maaasikaso na ulit natin ang bahay ninyo.”
“Salamat po, Tita…”
Tumango siya at tinulungan pa akong makasakay nang maayos sa loob ng kotse. Hindi siya agad pumasok at mukhang nag-usap pa sila ni Tito Samuel sa labas. Seryoso ang kanilang ekspresyon at mukhang nag-aaway. They’re always fighting.
Sabi ni Dad, may pagkamainitin kasi ang ulo ni Tito Samuel. Buti na lang talaga at nakapag-asawa pa raw.
Umandar ang sasakyan at nakauwi rin agad kami sa bahay. Alam kong sinabi nila kanina na nakapaghanda na para pag-uwi namin galing sa libing ay makakain na agad at makapagpahinga, pero hindi ko inaasahan ang maaabutan sa hapag.
“Wow, Sabel! Sabi ko na nga ba at hindi mo talaga ako bibiguin sa luto mo!” sabi ni Tita Hilde habang manghang-mangha at tinitikman na agad ang mga niluto nila Yaya Sabel.
Akala ko ay iyon nang lahat iyon kaya noong may dumating pang delivery ng isang buong lechon ay hindi ko na napigilang matigilan at labis na magtaka.
“Hay, sa wakas, makakakain na rin. Pesteng sementeryo iyon. Napakasama ng amoy!” saad ni Tito Samuel habang napahawak sa tiyan.
“Sige na! Kain na!” Naupo na agad si Tita Hilde at kumuha na ng mga plato at kubyertos. Si Tito Samuel naman ay sa dulo ng hapag naupo kung saan laging nauupo si Daddy.
They were loud and everyone is busy. Habang ako ay halos natuod sa bungad ng kusina. Umangat ang mga kilay ni Tito Samuel nang nakaupo na at ako na lang ang naiwang nakatayo.
“Ano pang hinihintay mo riyan, Cassandra? Hindi lalapit sa ‘yo ang grasya!” sabi ni Tito Samuel at nagpapasandok na sa kasambahay ng pagkain.
Para akong nanlalamig at hindi alam kung ano ang mararamdaman sa bagay na ito. Punong-puno ng pagkain ang mesa. Para bang may piyesta at masayang handaan. And I don’t understand…
Sa buong pagtatrabaho ni Daddy, hindi kami gumastos nang ganito. Even when I graduated as valedictorian in elementary school, dahil para kay Daddy, mas magandang itabi ang pera para sa mas mahahalagang bagay.
Masiyadong marami ang pagkain nila. Iilan lang kami.
“Tita? A-Ano pong meron?” hindi ko mapigilang tanong.
Nagtitipid kami dahil sabi nga nila ay nabaon si Daddy sa utang kaya nagkasakit ito. Wala na kaming pera. The business is failing quickly, and Dad just died. Kahahatid lamang namin sa kaniyang huling hantungan.
“Ah, ito ba? Hinanda talaga namin ‘to para sa ‘yo, Cassandra! Ang papa mo kasi hindi ka na napapakain ng ganito! Napabayaan ka na talaga! Hayaan mo na’t minsan lang naman! Halika na, maupo ka na rito! Oh, sasandukan pa kita,” sabi ni Tita Hilde na pinapalapit na ako at pinakuhanan pa ng plato.
Gusto ko nang tumanggi at agad na tumakbo sa aking kwarto bago pa sumabog ang aking emosyon. Ni hindi ako makapaglakad palapit doon.
“M-Mamaya na lang po siguro, Tita… m-medyo masakit po ang tiyan ko.”
“Hayaan mo na ‘yan, Hilde, nag-iinarte pa ‘yan. Hayaan mo munang magdrama at mapapagod din iyan kaiiyak! Bababa rin ‘yan kapag nagutom! Sige na, Cassandra, doon ka na sa kwarto mo,” istriktong sabi ni Tito Samuel at nagsimula nang kumain.
He’s really scary. Sa tuwing nagsasalita ay laging nakasigaw. Si Tita Hilde naman ay nagkibit-balikat na lang at nagpatuloy roon.
Hindi ko pa maalis-alis ang tingin sa kanila habang nilalantakan nila ang pagkain. Ayaw ko na lang isipin kung magkano ang ginastos sa lahat ng iyon.
Hindi na ako nakababa at nanatili na lang sa aking kwarto. Ngayon lalong nagsi-sink in sa akin na wala na si Daddy, and that from this day on, Tita Hilde and Tito Samuel will be living in this house.
Hindi man kasing laki ng mga magagandang mansyon ay maayos naman ang bahay namin. Binili ito ni Daddy noong kasagsagan ng swerte sa negosyo. But maybe it’s really like this sometimes… things don’t always stay on top.
Simula nang namatay si Daddy, lumipat na sina Tita Hilde at Tito Samuel sa bahay.
Noong unang mga taon, kaya ko pang tiisin ang mga salita ni Tito Samuel lalo na tuwing lasing. Si Tita Hilde naman, habang tumatagal ay nagbabago na rin.
Madalas niya akong pagbuntungan ng galit tuwing natatalo sa sugal. Hanggang sa umabot ako sa first year college at dumating ang araw na kailangan ko na ng pambayad ng tuition. The school notified me about my balance, at laking-gulat at dismaya ko nang nalamang hindi pa pala binabayaran ni Tito Samuel gayong sinabi niyang ayos na.
“Ang sabi ni Daddy, may tinabi naman po siyang pera para sa ‘kin. Lagi niya pong binibilin—”
“Sabing wala na nga! Iyang tatay mo ay malaki ang pinagkakautangan, hanggang ngayon malaki pa rin ang nababawas sa pera niya. Masakit ang ulo ko, tigilan mo muna ako!” sabi ni Tito Samuel at lalango-langong tinungo ang sala.
“Pero, Tito, hindi po ako makakapag-take ng exam—”
“Wala akong pakialam, Cassandra! Ni hindi nga ako nakapag-aral kaya anong alam ko sa ganiyan! Aba, tumigil ka na lang at magtrabaho ka nang magkapera ka. Hindi ‘yong hingi ka nang hingi!”
“Tito, tinabi po ‘yon ni Daddy para sa pag-aaral ko.” Nagsisimula nang mangilid ang luha sa mga mata ko, hindi matanggap ang usapang ito.
“Pinangkain na natin! Wala na akong pampaaral sa ‘yo, Cassandra, kaya tigilan mo na ‘yan. Ang magaling mo kasing tatay, mamamatay na lang, iiwan ka pa at utang niya!”
Magtatatlong taon na kaming magkakasama. At sa mga unang taon, ang ganda ng buhay nila. They were able to fund their own business and buy the things they wanted! Pero dahil kaunting kita, ginagalaw agad nila para sa sari-sariling bisyo, nawala rin agad.
“Ano bang ingay ‘yan? Ang aga-aga pa, ah?” naiinis na tanong ni Tita Hilde na kakagising lang. “Ano na naman ba ‘yan?”
“Tita, kailangan ko na po kasing mabigay ‘yong sa tuition fee. Hindi raw po ako makakapag-exam kung—”
“Ano? Tuition na naman? ‘Yan na lang ang laging bukambibig mo, Cassandra.” Bakas ang inis sa tinig ni Tita nang kumuha ng malamig na tubig.
“Iyan ang sinasabi ko sa batang ‘yan. Walang utang na loob. Puro na lang hingi, hindi marunong tumulong! Walang kwenta tulad ng ama niya, mamamatay na lang, isangkatutak pa ang utang. Mga walang silbi!” Si Tito Samuel na ikinailing-iling ni Tita Hilde.
“Mamaya na ‘yang tuiton tuition na ‘yan. Kokompyutin ko pa ang bills natin. Pumasok ka na roon, sige na! Ang aga-aga nagagambala ang tulog ko!” inis na sabi niya at kumuha ng barya.
Tulala ako sa room at nag-iisip kung paano magkakapera. Totoo nga kayang… wala akong kwenta? Because I can’t earn my own money?
I just turned eighteen.
I don’t know. Dad never let me work before. Binibigay niya ang kailangan sa abot ng kaniyang makakaya.
Pinagkatiwala niya ako kina Tita Hilde at Tito Samuel pero ngayon, nalulustay na nila ang pera. Ayaw rin naman nilang ibigay iyon sa akin at siguradong magagalit sila kung subukan kong sabihin.
“Tita, ano pong ginagawa n’yo?” tanong ko nang pumasok sa bahay at nasa bungad pa lang ay nakita na ang pagkuha ng mga kasambahay sa ilang gamit. “H-Huwag po ‘yan! Pinaghirapan po ‘yan ni Daddy!”
Agad akong tumakbo papasok ng sala at nakita ang mga painting ni Daddy na tinatanggal nang lahat at inaalis mula sa pader!
Nakatayo si Tita Hilde sa gilid, maganda ang damit, maayos ang buhok, at kumikinang sa mga alahas.
“Wala nang kwenta ‘yan, Cassandra. Kailangan na natin ‘yang itapon at panggulo lang dito sa bahay! Isa pa, nagpakamatay ang papa mo. Kaya tayo minamalas dahil nandito pa ang mga gamit niya!”
“Tita! This is Daddy’s house! He bought this! At pinaghirapan niya ang mga ito.” Hindi ko napigilan ang mga luha ko.
Halos yakapin ko ang mga gawa ni Daddy. He couldn’t achieve his dream of becoming a painter because he had to earn more money for me!
“Huwag mo akong galitin, Cassandra,” giit ni Tita at hinablot ang braso ko upang itayo. I cried and didn’t let the paintings go. “Sige na, ilabas n’yo na ‘yan at nang masunog na!”
“Tita, please! H-Huwag po! Pinaghirapan ‘yan ni Daddy!”
Nagmakaawa ako at halos lumuhod. Hinabol ko rin ang mga likhang iyon, ngunit huli na. Dinala silang lahat at agad nang sinindihan hanggang sa natupok ng apoy.
Napaluhod ako sa entrada ng bahay at naglabo ang mga mata sa luha. Durog na durog ako. Halos pumikit na lang dahil pakiramdam ko, si Daddy mismo ang tinutupok ng apoy. Those are the masterpieces he brought to life, and now they’re all burning right in front of me!
Panay ang aking iyak nang araw na iyon at yakap ang mga tuhod sa dulo ng kama.
Minsan naisip ko… tama si Tito Samuel. Sana hindi ako iniwan ni Daddy. Sana sinama niya na lang ako!
Ano pang saysay ng lahat ng ito kung wala na siya? Ang kaisa-isang tao na totoong may pakialam sa akin? Sinayang ng mga taong pinagkatiwalaan niya ang mga pinaghirapan niya, ang mga ipinundar… lahat ng ‘yon ay naglaho na lamang na parang bula.
“Nagdadrama ka na naman ba?” ang taas-kilay na tanong ni Tita nang binuksan ang pinto ng aking kwarto.
Pinagmasdan ko ang isang painting na natira. Nasunog na ang kalahati nito at hindi na rin maisasalba. It’s a painting of a garden beside the sea. Ginawa ito ni Daddy noong nasa elementary pa lang ako at napangalagaan hanggang sa namatay siya, pagtapos… pagtapos ay sinunog lang nila…
“Bumaba ka na at huwag ka nang mag-inarte pa. Huwag mo akong galitin,” saad ni Tita Hilde nang mabilis niya akong nilapitan at agad hinablot ang aking panga upang iharap sa kaniya. “Mga basura lang ‘yan! Huwag kang umastang—”
“Basura?! Pinaghirapan ‘yan ni Daddy at—”
“At natututo ka na talagang sumagot?!” sigaw niya at pabalang akong binitawan.
Napatukod na lang ako sa sahig at hindi pa rin maawat ang mga luha ko at ang galit sa aking dibdib.
“Para lang sa painting, nagkakaganiyan ka na! Walang utang na loob! Nag-iisa ka na lang sa buhay, Cassandra, kaya huwag kang magmamalaki!” sigaw niya at hinila ang buhok ko. “Huwag mo akong ginagalit. Tumigil ka na kakaiyak at sumunod ka sa baba!”
Those are the days that everything felt like a nightmare. Pero hindi ko alam na ang bawat bangungot pala na iyon ay siya ring magdadala sa akin sa isang panibagong buhay—buhay na wala mang kasiguraduhan, malaya naman ako mula sa mga kamay ng nagtaksil kay Daddy.
Nilustay nila ang pera namin. I was still in high school when they started handling Dad’s money after he died. Nagkunwari silang mabait sa akin para linlangin din ako, pero ang totoo, pera lang ni Daddy ang habol nila. They really don’t care about us!
“Handa na ba, Samuel?” seryosong tanong ni Tita Hilde noong minsan ko silang narinig na nag-uusap ni Tito Samuel.
Nasa sala sila at nagbibilang ng pera. Nakita ko kung gaano iyon karami at kung gaano kasaya ang ngisi ni Tita.
“Oo. Bukas nang gabi, kukunin niya na si Cassandra. Mawawala na rin sa landas natin ang anak ni Emil,” seryoso at mapanganib ding sabi ni Tito Samuel.
Bigla akong nanlamig. Nanigas ako sa kinatatayuan nang mga sandaling iyon at agad napagtanto ang kanilang pinag-uusapan.
They were… talking about me. Ibibigay nila ako? Kanino? At bakit may ganoon sila kalaking pera?
“Malaki rin ang bigay nila, ah? Tamang-tama, napakaganda at sexy ni Cassandra at mukhang matitipuhan talaga ng De Alba na iyon. Hinding-hindi tayo lugi. Nabayaran natin ang pagkakautang ni Emil sa angkan nila at may malaki pa tayong nakuha,” nakangising sabi ni Tita Hilde at nilalawayan pa ang pagbibilang ng mga pera.
Nanginginig kong natakpan ang aking bibig. Tatalikod na sana ako ngunit nasanggi ko ang isang babasaging pigura sa ibabaw lamang ng cabinet.
Natumba iyon at muntik nang mahulog sa sahig. Mabilis ko iyong nasalo upang hindi mabasag.
“Cassandra?” ang naalarma at may kalakasang tanong ni Tita Hilde, tila nangungumpirma kung may tao o wala!
Hindi ko alam kung paano ko nagawa na sa kabila ng kaniyang mga hakbang palapit sa pinagtataguan ko, mabilis kong binalik ang figurine at dali-daling umakyat sa taas saka bumalik sa aking kwarto. Narinig ko pa ang kaniyang boses nang nagbuga ng hangin.
“Punyeta, ang pusa na naman. Shoo!” Inis na tinaboy ni Tita ang puting pusa na saktong nandoon sa ibaba lamang ng hagdan.
Doon lamang ako nakahinga at nanginginig na napaupo sa aking kwarto! Ibibigay nila ako bilang pambayad! They sold me. They sold me already! Pinagkakitaan nila ako…
Para akong nanghina. I felt like I was trapped in a place where I couldn’t breathe. Nakakalunod ang bawat hawak ng mga taong ito, nagpapanggap na mabuti nang una at ngayon, wala na akong ibang gusto kundi ang kumawala.