“Bumaba ka na at kakain na tayo. Magagalit na naman ang Tito Samuel mo sa ‘yo.”
Maaga pa lang sa sumunod na araw pagtapos ang narinig kong usapan nina Tita Hilde at Tito Samuel, ginising na agad ako para sa agahan.
Gusto nila na sumalo ako sa breakfast habang ako ay halos hindi na mapakali. Hindi na rin ako nakatulog kagabi pagtapos ng narinig ko mula sa kanila, ang pinag-usapan nila at binabalak.
Umangat ang mga kilay ni Tita Hilde at matalim ang kaniyang tingin. Ni hindi niya na yata kayang plastikin ang kaniyang pagiging maamo sa akin. Hawak niya ang door knob habang nandito pa rin ako sa loob ng kwarto.
Kanina ay hindi ako mapakali, nag-iisip na tila sasabog na ang utak ko. At nang narinig ko ang malalakas na katok, agad akong bumangon para magpanggap na ayos lang.
Ngayon ay tiningnan ako ni Tita Hilde. She was reading my expression, nakatingin din siya sa mga mata ko. Siguradong naghihinala pa rin siya na narinig ko ang usapan nila ni Tito Samuel kagabi.
Tinago ko ang aking panginginig at kaba.
“M-Mamaya na lang po, Tita,” malamig at kunwari ay walang gana kong sinabi.
“Hindi ka pa rin ba tapos magdrama sa mga painting ng papa mo? Tama lang na sunugin iyon, Cassandra! Kaya tayo minamalas dahil hindi pa natin sinunog agad! Tatlong taon na ang nakalipas!” giit niya na tila iyon nga ang dahilan kaya ngayon ay nagkakandaloko na ang buhay namin.
Hindi na ako sumagot lalo pa’t hindi ko pa rin ‘yon matanggap. At hindi ko rin matatanggap kailanman.
“Bilisan mo at bumaba ka agad!” inis na utos ni Tita na parang sawang-sawa na sa akin at gusto na akong mawala sa paningin.
Nang umalis siya, nahulog na naman ako sa pag-iisip. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang sa gano’n ay hindi magtagumpay ang plano nila!
Pero kung aalis ako at tatakas, wala akong pera. At saan ako pupunta? I don’t know any relatives. I have nowhere to go!
Gusto na namang pumatak ng aking luha. Wala na akong matatawag na bahay. Wala na akong kasama sa mundong ito at tama sila, nag-iisa na lang ako…
Pinilit kong sumabay sa hapag dahil ayaw ko na maghinala sina Tita Hilde at Tito Samuel na may alam ako sa binabalak nila.
“Galit ka pa rin ba sa mga basurang ‘yon, Cassandra? Aba’y buti nga at sinipag-sipag pa itong si Hilde at naitapon na ang mga panggulo na iyon! Ang sakit sa mata! Tigilan mo na ang kaiiyak mo riyan lalo pa’t may lakad tayo mamayang gabi!” sabi ni Tito Samuel habang lumalantak sa pagkain.
Halos hindi ko ginalaw ang pagkain ko. Tumigil ito at tinuro ako, naiinis na.
“Narinig mo ba ako, Cassandra? Ang sabi ko ay may pupuntahan tayo ngayong araw kaya magsuot ka nang maayos. Magpalagay ka ng kolorete sa mukha rito sa Tita Hilde mo. Dapat handa ka! Kaya tigilan mo na ‘yang pagdadrama mo nang hindi ka maputla at namumugto ang mga mata!”
Doon napaangat ang tingin ko sa kanila. Si Tita ay kumakain habang nagbibilang ng pera.
“S-Saan po tayo pupunta, Tito?” I tried to ask.
“Huwag kang maraming tanong. Sundin mo na lang ang sinasabi ko at nang wala tayong maging problema!”
Sinubukan kong gumawa ng iba’t ibang dahilan, ngunit lahat ng iyon ay hindi umubra at sa halip ay nanlilisik na sa iritasyon ang mga mata ni Tito Samuel. Hindi ako nakatakas sa kanilang gusto.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan pero pagbalik sa kwarto, kumuha ako ng bag at naglagay ng mga damit doon. I also put some of my belongings pero nagtira pa dahil kung sakali ay ayaw ko na maghinala agad sina Tita Hilde kung sakaling magawa ko ang binabalak!
I’m not sure about this. Ang tanging alam ko lang ay ayaw kong mangyari ang gusto nila!
Ngunit hindi pa ako tapos sa ginagawa, narinig ko na nga ang katok ni Tita Hilde at sinasabayan ng iritadong pagtatawag sa aking pangalan.
“Cassandra! Buksan mo nga itong pinto!”
Nagtatambol na ang dibdib ko dahil sa labis na kaba. Nakakabingi ang t***k ng puso ko habang napatingin sa pintuan at tuluyang sinara ang zipper ng may kalakihang bag.
Mukhang hindi na nakapagtimpi si Tita Hilde at walang sabi nang binuksan ang pinto ng kwarto ko gamit ang spare key.
Saktong pagbukas niya ay naitago ko pa ang bag sa kabilang gilid ng kama at basta ko na lang ding nilagay para makatayo nang tuwid at maharap siya.
“Ano bang problema mo?! Kanina pa kita tinatawag! Nananadya ka ba?” galit na tanong ni Tita.
Umiling ako kahit pawisan sa kaba.
“H-Hindi, Tita. Pasensya na po, m-masama po kasi ang pakiramdam ko—”
“Sinungaling!”
Tuluyan akong hinawi ni Tita Hilde at tinungo ang kabila ng kama kung saan ko nilagay ang bag. Nang nakita niya iyon, agad bumalatay ang galit sa kaniya at halos nagsiklab ang apoy sa kaniyang ekspresyon.
“Aba’t walang hiya ka talagang bata ka? N-Nagbabalak ka pang maglayas, ah?!” marahas niyang sinabi at tuluyang hinila ang braso ko.
“Tita—”
“Halika rito! Wala ka talagang utang na loob! Wala kang kwenta!”
Galit na galit siya nang nalaman ang balak kong gawin. Ilang beses akong nakiusap na bitawan niya ako pero patuloy niya akong kinaladkad palabas ng kwarto. She was so mad that when I protested, buhok ko na ang kaniyang pinagdiskitahan at tuluyan akong hinila pababa ng hagdan.
“Halika ritong bata ka, tuturuan kita ng leksyon!” giit ni Tita habang tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha ko.
Si Tito Samuel na umiinom lang ng tubig sa kusina ay napapailing na lang, walang pakialam kahit panay na ang pagmamakaawa ko. My head hurts, and the way my aunt pulled my hair felt so painful. Para nang matatanggal ang buhok ko mula sa anit.
“Walang hiya ka! Tingnan natin ngayon!” sigaw niya at dinala ako sa banyo kung saan mayroong malaking water drum na kulay asul.
“Tita! Huwag po! Tama na!” umiiyak kong pakiusap.
“Bwisit ka! Ginagalit mo talaga ako!”
Tuluyan niya akong dinala roon. Halos sumubsob ako sa lakas ng kaniyang paghila sa aking buhok para lang mailublob ang ulo ko sa drum na punong-puno ng tubig at halos umaapaw na.
Nakulob ang sigaw ko nang tuluyan niya akong nilublob sa tubig, along with it was the fading of her voice. Tuluyang nilamon ng tubig ang aking pandinig. It silenced my scream, and it was as if the world went quiet.
Sinubukan kong idilat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay humalo na ang aking luha sa tubig habang napapakapit sa magkabilang gilid ng drum at inaabot ang kamay ni Tita na mahigpit ang hawak sa aking buhok.
I tried to speak but it only created bubbles.
“Ano?! ‘Yan ang gusto mo, hindi ba?! Sige, iyan!” Patuloy pa rin ang nagsisiklab na galit ni Tita Hilde nang sandali niya akong inahon.
I gasped. I had no air to breathe. Ni hindi niya ako hinayaang makahinga o mapawi man lang ang tubig sa aking mukha.
“Tita, please!—”
Nilublob niya ako ulit at mas marahas sa pagkakataong ito. I tried to stop her, hindi na talaga ako makahinga. I was going frantic because it made me so scared, na para bang kaunting segundo na lang ng pagkakalubog sa tubig ay tuluyan akong babawian ng paghinga.
Unti-unti akong napatigil sa pagpipilit na makaahon. I saw how dark the drum was, at sa isang iglap pakiramdam ko ay nasa dagat ako at kitang-kita ko ang kadiliman na lumalamon sa akin.
Naisip ko na agad si Daddy. If I ever die, m-magtatagpo kaya kaming muli… Kung mawala na rin ako sa mundong ito?
Nasa dulo na ako ng pag-iisip nang bago pa ako tuluyang makahinga sa ilalim, inangat ako ng isang malakas na pwersa.
Agad akong napasagap sa hangin. Hinang-hina ako at mabilis na kumalat ang panlalamig sa aking buong katawan.
“Ano ba, Hilde! Mapapatay mo na!” sigaw ni Tito Samuel na siyang humila sa akin at nag-alis sa kamay ni Tita Hilde sa aking buhok.
My lips parted. Basang-basa ang buong mukha ko at ang aking buhok. Even my clothes are soaked. Mabilis na namula at naghapdi ang sulok ng mga mata ko sa pangingilid ng luha, at tuluyan nang nagbagsakan ang mga ‘yon kasabay ng halos pagkakaluhod ko sa malamig na sahig at nakakapit sa drum.
“Bwisit ang batang ‘yan!” sigaw ni Tita Hilde at nanggigigil pa rin sa akin.
Tuluyan silang nag-away at naiwan na lamang ako sa banyo.
I hugged my knees and rested my head against the drum, tuluyan akong napahagulgol. Ang kaninang dahilan para halos bawian ako ng paghinga ay naging sandalan ko na lamang sa aking panghihina.
Panay ang tulo ng aking luha at hikbi, takot na takot. Habang naririnig ko pa rin ang sigawan sa kusina at ang nagsisiklab na galit ni Tita Hilde.
Pagtapos ng nangyaring iyon, nagawa pa nila akong isabay sa hapunan. Maaga iyon dahil mamayang gabi rin ay isasagawa nila ang plano sa akin. Mahigpit nila akong binabantayan dahil sa pag-iisip kong makatakas, at mukhang alam na nilang alam ko.
“Pasensya na sa nagawa ko, Cassandra. Mainit lang ang ulo ko,” kalmadong sabi ni Tita Hilde noong nasa hapag kaming tatlo at tahimik ang buong mesa.
Halos hindi ako kumain at nakayuko lang, my eyes hurting from what happened.
Muntik niya na akong mapatay…
“Sige na, Cassandra, tigilan mo na ‘yang pagdadrama mo at kumain ka na. Pagtapos ay magbihis ka na agad at mag-ayos!” saad ni Tito Samuel.
Katahimikan ang sumunod doon kaya nang napatingin ako kay Tita Hilde at nakita ang galit niya na namang mga mata, dahan-dahan ko nang pinulot ang kutsara.
Pagtapos naming kumain, tuluyan akong pinagbihis ni Tita Hilde. Sa takot na gawin niya ulit ang ginawa kanina at mas malala pa, sumunod ako.
“Alam kong alam mo na ang binabalak namin, Cassandra. At ako na ang nagsasabi sa ‘yo, baka maging buhay reyna ka roon kung napaibig mo ang lalaking ‘yon,” giit ni Tita Hilde habang nilalagyan ako ng makeup.
I felt like an object, a doll…
“Maganda ka at sexy kaya natipuhan ka niya agad. Sundin mo lang ang mga gusto niya nang hindi ka mapahamak.”
Nag-akma akong magsasalita ngunit marahas na akong tiningnan ni Tita. Mahigpit niyang hinawakan ang panga ko habang nilalagyan ng pulang lipstick ang aking mga labi.
“Huwag ka nang magmatigas, Cassandra. Kung ayaw mong patayin na talaga kita! Naiintindihan mo?” giit niya. “Mayaman ang lalaking ‘yon kaya siya na ang bahala sa ‘yo!”
Hindi ko alam kung sinong tinutukoy nila. I don’t care how rich he is.
Hindi ko kakayanin na ito lang ang mangyayari sa akin pagtapos ng lahat ng pagsisikap ni Daddy. He worked so hard just to be able to give me a decent life. I can’t imagine… kung gaano siya masasaktan kung nalaman niya ang lahat ng pinagdaanan ko mula nang mawala siya.
They made me wear a red dress. Napakaikli niyon at kitang-kita ang mga hita ko. Hapit na hapit din sa katawan, that made my breasts stand out. Panay ang aking hatak at halos takpan ang dibdib sa aking mga braso.
Pagtapos ng lahat ng ‘yon ay bumyahe kami. Iyon na naman ang lakas ng kabog ng aking dibdib na nakakabingi, takot na takot na at nanlalamig ang mga kamay ko.
“Tita, please... huwag n’yo po sanang g-gawin sa ‘kin ‘to,” pakiusap ko ngunit panay lamang ang irap ni Tita Hilde sa passenger seat.
“Ginagalit mo na naman ba ako? Baka gusto mong itulak na lang kita sa bangin, Cassandra?” mataray na sinabi nito.
“T-Tito Samuel—”
“Tumigil ka na!” agad na sinabi ni Tito.
Hindi ko na maintindihan kung bakit ganito na lang siya. Kapatid pa naman siya ni Daddy pero bakit wala siyang kaamor-amor dito o sa akin. Ngayon ay ramdam ko ang totoong pagkatao nila. Gusto lang nilang makuha ang pera ni Daddy at mapakinabangan kahit hindi naman nila iyon pinaghirapan.
“Hindi ko maintindihan, Tito, b-bakit ba parang galit na galit kayo kay Daddy? Bakit ninyo—”
“Sinabing tumigil ka na, eh! Gusto mo rin bang malintikan sa ‘kin?” sigaw niya na talagang nilingon pa ako sa backseat kaya halos gumewang pa ang sasakyan. Galit niya akong dinuro. “Wala kang karapatang tanungin ako ng ganiyan!”
Napapitlag na lamang ako sa rahas ng kaniyang sigaw na parang nagalit nang todo. Napailing at ngisi na lamang si Tita Hilde.
“Itikom mo na ang bibig mo riyan, at tigilan mo na ‘yang pag-iiyak mo. Mahiya ka sa makakaharap mo,” saad ni Tita at nilabas ang mamahaling cellphone. “Oh, heto na pala! Nag-text na sila, Samuel! Naku, mabuti naman at marunong ‘tong sumunod sa usapan.”
Gusto ko pang magsalita ngunit dala ng takot dahil na rin sa nagsisiklab na tingin ni Tito, tuluyan na akong natutop sa kinauupuan.
Dinala na nila ako pababa nang nakarating kami sa isang establisyemento. Puno ng pambabanta ang tingin ni Tita Hilde sa akin habang pumasok kami roon. Hawak niya ang braso ko at pilit na ngumingiti sa ilang nakakasalubong. Halos nanlamig ako nang nakita ang isang dance floor kung saan may makukulay na mga ilaw at may babaeng sumasayaw sa isang pole. Mayroon ding mga upuan sa paligid, sa bawat gilid na tila nilalamon ng dilim, at tila mayayamang mga tao lang ang nakakaupo.
“Tita…” My heart pounded, hindi naisip na ganito ang paglalagyan ko.
Hindi niya ako pinansin, may kausap na isang babae at nakangiti sa akin.
Ganoon din si Tito Samuel na kausap naman ang isang lalaking nakaitim at may nakakatakot na itsura.
“Okay na, Samuel?”
“Ayos na,” seryoso ring sagot ni Tito. Ganoon din si Tita Hilde at parang nagkasundo na sila. Nanlamig ako nang nakita ang pag-abot ng pera kina Tita at Tito!
“Halika na.” Isang lalaki ang umabot sa aking braso. Seryoso ang boses. He looked so scary, at may earpiece sa kaniyang tenga.
“Tita… Tito, p-parang awa n’yo na po!” pakiusap ko pa rin. Hindi ko na alam kung saan ba ako mas magiging ligtas, kung sa kanila nga ba o sa lalaking hindi ko naman kilala.
Ngunit sa bawat pagsubok na pumiglas na ginagawa ko, tuluyan na akong nilalayo bago pa tuluyang makagawa ng eksena. Wala na akong pakialam!
“Tita, m-maawa na kayo sa ‘kin. G-Gagawin ko po lahat, huwag lang ganito!” umiiyak kong pakiusap at halos lumuhod sa kaniyang paanan. Nanlisik na naman ang kaniyang mga mata at nais pa akong pasimpleng sitahin na tila nakakahiya ang ginagawa ko.
Ngunit kasabay ng aking mga pakiusap at iyak, tinakpan na ng lalaking iyon ang aking bibig para hindi makaagaw ng atensyon.
“Sige na, kunin n’yo na siya,” malamig na sinabi ni Tita. Dalawa nang lalaki ang humawak sa magkabilang braso ko!
“Huwag! Tita, please!” I cried, nakukulob na lamang ang sigaw at wala nang makarinig.
“Paalam, Cassandra…” sambit niya. Ngumisi naman si Tito Samuel na tila nabunutan ng malaking tinik.
“No! B-Bitawan n’yo ako!”
Pilit akong humulagpos pero sadyang malakas sila. Hanggang sa tuluyan nila akong nadala sa mas tahimik at pribadong lugar.
“P-Pakiusap, b-bitawan n’yo ako!” I cried.
Isang malaking kwarto ang tinungo nila at nang binuksan ang pinto ay agad na akong tinulak doon.
Napasadlak ako sa sahig. Naramdaman ko ang hapdi sa aking mga tuhod.
“Nandito na po, Sir,” sabi ng isang lalaking nagdala.
Hinanap ko agad ang kaniyang kausap sa aking nanlalabong mga mata at umaagos na mga luha, at doon ko napagtanto kung anong klaseng kwarto ang kinaroroonan ko.
Sa aking harapan ay isang malapad na sofa kung saan nakaupo nang tahimik ang isang lalaki. May mga ginintuang disenyo at kasing tingkad ng pulang damit ko ang kulay nito. It looked so soft yet bloody. A man with a dark gaze stared at me as I fell right in front of him.
Nakaupo siya roon at nakasandal, niyuyuko ako habang ang isang binti ay nakapatong sa isang hita.
Puno ng luha ko siyang tiningala. He’s still young I could tell. Tuluyang tumakas ang hikbi sa aking labi nang unti-unti siyang yumuko habang pinagmasdan ako at dinaanan ng kaniyang mga mata. Then, he reached for my chin.
“You are?” tanong niya habang tinititigan ako.
“H-Huwag… nakikiusap ako. P-Pakawalan n’yo ako,” nanginginig kong usal.
Hindi niya iyon pinansin at sa halip ay pinasadahan ng tingin ang katawan ko. May nag-abot ng papel sa kaniya na kinuha niya habang hindi inaalis ang tingin sa aking katawan. He barely paid attention to my face. Tinikman niya ang kaniyang labi.
“Maria… Cassandra…” he whispered followed by a whistle. Pagtapos ay muling binalik ang tingin sa akin at unti-unting ngumisi. “Nice to meet you, Cassandra… I’m Santel De Alba…”