Tuluyan kong inangat ang tingin sa lalaking nakasalubong ng aking mga mata. Ngumiti siya sa akin. His smile was so nice, and maybe the overall of his face is deceiving, kung kaya’t kahit sino, maaaring maloko sa kaniyang tipid na ngiti.
Pero hindi ako.
Lalo pa’t alam kong kinuha niya lang ako bilang pambayad-utang! He got me in exchange for a debt. He accepted a woman as payment! Kaya paano pa ako maniniwala sa mapanlinlang niyang ngiti?!
Hindi ko maiwasan ang may galit siyang tingnan. Sumenyas siya sa mga lalaking nagdala sa akin at sa isang kumpas lamang ng kaniyang daliri nang hindi inaalis ang mga titig sa akin, kumilos na ang mga ito upang pulutin ako sa sahig.
“I want her unharmed.”
Sinubukan kong pumiglas ngunit tuluyan na nila akong dinala paalis sa harapan nito at diniretso sa isa pang silid. Sinundan ako ng tingin ng lalaki, hanggang sa tumayo siya at unti-unting inalis ang kaniyang necktie.
Tuluyan akong pinasok sa isang kwarto. Pagtapos ay sinara din nila iyon habang patuloy ang aking mga luha. May galit kong inihampas ang aking mga kamay roon.
“Palabasin n’yo ako! Please… h-huwag n’yong gawin sa ‘kin ‘to!” Panay na ang kalabog ko sa pinto at pati ang seradura ay ilang beses kong pinihit.
Tumahimik sa paligid at kahit anong pakiusap ko ay walang nakinig.
Sa pagod ay napadausdos ako sa pinto. Namumula na ang mga mata ko sa kakaiyak habang naiisip ang ginawa sa ‘kin nina Tita Hilde at Tito Samuel.
Pagtapos ng lahat… pagtapos ng lahat ng kabutihang pinakita sa kanila ni Daddy, pagtapos silang tulungan, at makuha nila ang mga pera at mga pinaghirapan ni Daddy, itinapon nila ako nang ganito!
Niyakap ko ang aking mga tuhod habang humihikbi pa rin at nakasandal sa likod ng pinto. Sa aking harapan ay ang isang malaking kama na may puti at malinis na malinis na bedsheet at dalawang unan na magkatabi.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagpihit ng doorknob ng pinto. May nagbukas doon kaya napaangat akong muli ng aking tingin. Napaurong ako nang kaunti kaya nagawa niya itong mabuksan.
Pagtapos ay nagtama ang paningin namin. Nag-angat ako ng mga mata at hindi maaaring magkamali. This is the same guy from outside.
Nakita niyang nakaupo ako sa likod ng pinto. Nang tumayo ako para harapin siya at nang sa gano’n ay makaalis, tuluyan niyang binuksan nang malapad ang pinto. His eyes are filled with amusement and he remained standing at the doorway.
“A-Ano bang kailangan mo sa ‘kin? Nagmamakaawa ako, a-ako na lang ang… m-magbabayad ng utang. Nakikiusap ako…”
Halos wala siyang reaksyon doon. Sa halip ay nakatingin pa siya nang magaan sa akin.
“Higit limang milyon… kaya mo bang bayaran iyon?” ngiti niya.
Natutop ang aking bibig. Limang milyon?! S-Sigurado bang si Daddy ang may utang niyon? Hindi siya mangungutang ng ganoon kalaking halaga ng pera.
Hindi ako nakasagot kaya bahagya itong natawa. He started unfastening his cufflinks. Napaatras agad ako.
“Hindi mo kayang bayaran… at ayaw ko ng niloloko ako.” He smiled again.
“H-Hindi… tutupad ako, pangako. Magtatrabaho ako at babalik para mabayaran ang halagang iyon—”
“Tutubo ang interes,” ngisi niya at tuluyang pumasok. Ni hindi niya sinara ang pinto at sa katahimikan, mukhang wala nang ibang tao sa paligid.
Tuluyan akong napaupo sa kama nang naglakad pa siya palapit. Doon ako nahulog at sa takot sa kaniyang gagawin ay hindi ko maalis ang tingin sa kaniya.
He closed the distance shamelessly. Halos napatukod na ako sa kama para lamang makalayo sa kaniya.
Binalot ako ng takot. Sinikap kong tingnan pa rin siya upang ipaalam ang aking pagprotesta. I wasn’t breathing anymore especially when his hands landed on either side of me.
Lalo akong napaatras. Sa dibdib na halos sasabog, mahigpit akong napakapit sa bedsheet. Niyuko niya ako at lalong nilapit ang kaniyang sarili habang nakatukod ang mga braso sa magkabilang gilid ko.
Nanliliit na ako sa aking sarili sa bawat pag-atras. Tears welled in my eyes as he drew nearer. Hinawakan niya ang baba ko at pinagmasdan ang aking mga labi.
“Stop shaking,” the man ordered.
Takot na takot na ako. I have never been treated this way, at kailanman hinding-hindi ako mahuhulog sa ganitong tao. Kailanman hinding-hindi ko gugustuhin ang isang lalaking ganitong takot ang dinadala sa aking sistema.
Iniwas ko ang aking mukha bago pa tuluyang lumapat ang kaniyang mga labi. I gripped the sheets tighter, habang sunod-sunod na bumagsak ang luha sa mga mata kong tahimik na nagprotesta.
Naiwan ang hawak niya sa aking panga. I heard his sharp sigh. At bago ko pa muling ibalik ang tingin, tuluyan niya akong binitawan.
Napapikit ako sa takot at halos nilubog ang sarili sa kama. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin upang salubungin ang natitiyak kong galit niya.
“Fix yourself. Gusto ko ng kasamang kumain sa labas mamaya,” walang gana niyang sinabi. “I don’t want to bed a woman who trembles like a scaredy-cat.”
Inayos niya ang suot at kalaunan, tinungo ang pintuan. Nanatili ako sa pinag-iwanang pwesto, parang nabunutan ng tinik dahil sa kaniyang paglayo!
Ngunit bago pa siya tuluyang lumabas sa pintuan, binalikan niya ako ng tingin at nilagay sa labi ang isang sigarilyo.
“I want you to come with me for dinner later. So you better stop crying,” dagdag nito.
Saka lamang lumipad ang tingin ko sa pinto nang pasara na iyon. At nang tuluyang sumara at nawala ang presensya ng lalaking iyon sa kwartong ito, lalong nagbagsakan ang mga luha ko.
Gusto kong ilabas ang galit na nararamdaman ko ngayon. I wanted to be violent. Pero wala akong magawa kundi ang halos punitin sa aking mga kamay ang puting bedsheet habang nag-iinit ang mga mata at lalamunan ko sa labis na galit.
Who is that man even? Anong klaseng tao siya para tumanggap ng isang babae bilang bayad?
Akala ko ay maiiwan akong mag-isa sa buong sandali ngunit hindi nagtagal, may dumating din, may dalang damit at kung ano-ano para sa akin.
Hindi ako tumalima sa bawat tanong at pangungumusta. Para na akong estatwa.
“Ako nga pala si Pilar,” pakilala ng babae. “Heto ang isusuot mong damit at heto naman ang heels. Mamaya lamang din ay darating ang mag-aayos ng iyong makeup at buhok.”
Hindi ako nagsalita. Nakaupo lang ako at nag-oobserba. Hindi ko alam kung sino ang babaeng ito. Hindi ko kilala ang lalaki at wala talaga akong kaalam-alam sa bawat nangyayari ngayon.
Hindi naman nito hinintay ang aking pagsagot at hindi nagtagal, mayroong dalawang dumating na siyang nag-ayos sa akin.
Nagtanong-tanong ako sa kanila, ngunit wala silang sagot at tingin ko, alam nila kung sino ako rito.
Ni walang pagkagulantang sa kanila kahit nang sinabi ko ang lahat-lahat. Nagtitinginan lamang sila at binalik ang atensyon sa kaniya-kaniyang ginagawa na halos nagpabagsak sa natitira kong pag-asa.
Mabilis natapos ang pag-aayos sa akin at sa isang iglap, dinala ako palabas ng kwarto. Kasabay ng pag-alis ng mga iyon ay siya namang pagdating ng lalaking kanina’y nilisan ang silid.
Hawak ng dalawa sa mga tauhan ang aking mga braso nang muling iniharap sa lalaki kanina. Sa pag-angat ng aking tingin ay ang kaniyang paninitig.
Nagbalik sa akin ang takot at huling beses na nasulyapan ang sarili ay kanina sa harap ng salamin. Isang bagong dress ang aking suot. Tinakpan ng makeup ang mga matang pagod sa bawat pag-iyak bago pa man ako makarating dito.
My hair is in an old vintage style. Glamorous in almost a half-up bouffant, like the young Priscilla Presley in the 60s. Ganoon din ang maitim na eyeliner sa aking mga mata at magarang lipstick.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ng lalaki.
“Nice…” He smirked.
Hindi nagtagal, dinala niya na ako palabas sa establisyemento. I realized that this is a private club somewhere, at bawat tao ay nagmimistulang nakakatakot!
Naglalakad pa lamang kami, halos hindi ko maihakbang ang mga paa. Kailangan pa akong hawakan ng mga tauhan at bantayan sa magkabilang gilid upang siguraduhing naglalakad ako.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ni hindi ko siya kilala. Hindi ko rin alam kung anong klase ng tao siya.
Sumakay kami sa isang kotse at sa pagkakataong iyon, hindi na sumama ang mga bodyguards. I was seated in the backseat. Ganoon din ang lalaki habang mayroong nagda-drive.
Mabilis ang patakbo ng sasakyan at parang daplis ng hangin ang bawat dinaraanan namin. Halos pumikit na lamang ako upang maiwasan ang pagkahilo.
“You can shut your mouth like that, unless we’re in bed. Cause I don’t want an unresponsive bed partner,” saad nito habang nagsisindi ng sigarilyo.
Nadismaya ako sa kaniyang salita. Sunod ko na lamang na namalayan ay nasa isa na kaming mamahaling restaurant. The place looked so luxurious that I couldn’t even put it to name. Nagmistula na itong isang kastilyo dahil sa bawat disenyo, especially with a big old clock at the lobby.
Tinungo namin ang isang table at nakita ko roon ang ilan pang mga lalaki. They all looked equally scary, sa kanilang bawat tabi ay mayroon namang tig-iisang babae. Lahat sila ay may kapares.
Pinaghatak niya ako ng upuan at nang tiningnan ang mga mata ko, pasimple siyang bumulong sa isang seryosong boses.
“You’re my lover tonight, Cassandra. So you better act like one.”
His voice was dangerous. Na hindi ko alam kung paanong sa kaniyang pag-upo, nagawa niyang agad ngumiti sa lahat. Mukhang magkakakilala na sila at may mahalagang pag-uusapan. Pati ang mga lalaki, mukhang sanay na sanay sa mga babae.
Inabutan siya ng alak. Inangat niya iyon upang inuman habang binalik ang tingin sa akin. Pinagmasdan niya pa ako ilang sandali habang ngumisi sa kausap.
I sat like a statue, unable to move. Sa takot kong makagawa ng mali sa table na iyon at gawan niya ako ng masama, tahimik ako at paminsan-minsan ay ginalaw ang pagkain dahil na rin sa gutom at para na rin hindi mapansin dahil hindi ako gumagalaw.
Buong gabi ay nagsilbi lamang akong dekorasyon at kapares ng lalaking iyon. Ni hindi ko nga siya kilala! Naririnig ko ang kanilang usapan ngunit mahirap unawain ang lahat. Siguro dahil nga hindi ko naman siya kilala at hindi ko alam ang uri ng mundong mayroon sila.
Hindi ko na rin namalayang natapos na ang dinner na iyon. Naubos ko ang iced tea, at kahit naiihi na ako, hindi ako nagtungo sa banyo.
“Walang anuman, Mr. Lian… handa akong tumulong sa oras ng pangangailangan,” may kahulugan ang sinabi nito lalo pa’t napapaibabawan ng isang ngisi.
Ngumiti ang matandang lalaki at natutuwa naman.
They shook hands. Pagtapos ay napatingin sa akin ang may katandaan nang lalaking iyon. He was with a younger woman. Nang sinulyapan ko ang daliri nito, nakita ko ang isang singsing. Nang sinulyapan ko naman ang sa babaeng kasama nito, wala itong singsing.
I looked up again, and concluded that they are having an affair. He looked like a married man, and the woman was his mistress.
Ngumiti ang lalaki sa akin. Pagtapos ay umalis na rin sila.
Pagtapos ng lahat ng kaganapan sa dinner na iyon, naiwan na lamang kami.
“Hindi ka kumain nang maayos.” Nagtaas siya ng kilay at nagsindi ng sigarilyo nang pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
Hindi ako sumagot sa kaniyang sinabi at yumuko na lang. Iniling niya ang ulo at nang naupo na rin sa loob ng backseat ay nagsalita.
“Sa coastal market tayo,” sabi niya sa nagmamaneho na nakuha naman ito agad.
Sa puntong iyon ay napatingin na ako sa kaniya. Nakatingin siya sa labas ng bintana. His lips resting against his knuckles.
“Naiihi ako…” marahan at kabado ko pang sinabi.
Naagaw ko ang kaniyang atensyon.
“Pwede bang huminto muna? I-Ihing-ihi na kasi ako… naubos ko ang iced tea.” Napayuko at hinayaan siyang iproseso ang aking sinabi.
“You should’ve used the restroom there,” saad niya.
Hindi ako sumagot. I heard him sigh after a while.
“Pakitigil ang sasakyan sa pinakamalapit na gas station,” utos niya.
Tumango ang nasa unahan at ramdam ko pa rin ang tingin sa akin ng lalaking katabi. Napayuko na lamang ako at kabadong-kabado na, lalo na nang unti-unti nang humihinto ang sasakyan sa nahagilap na gas station.
Maliit lang iyon at sa malapit ay isang convenience store.
Bumaba nga ako sa sasakyan. Nanatili naman ang lalaki sa loob ngunit ang tingin ay nakatuon pa rin sa akin at ramdam ko ang bawat kaseryosohan doon.
Isasara ko na sana ang pinto nang bigla siyang nagsalita at matiim ang tingin.
“I’m going with you.” Bigla siyang bumaba dahilan para nanlamig ako!
Wala na akong nagawa. Ang kaba ko ay doble-doble na!
Nakigamit nga ako ng banyo roon. Mabuti na lamang at mayroon. Tiniis ko nga lang ang amoy at kalumaan. Sinubukan kong maghanap ng kahit anong daanan. Doon sa cubicle ay mayroong maliit na bintana ngunit imposibleng madaanan.
Sinukat-sukat ko pa ang maliit na espasyo at baka sakaling magkasya ako roon, ngunit masiyado nang imposible!
Hindi ko na alam ang gagawin ko at magtataka na iyon kung bakit ang tagal ko rito sa loob! Kaya bago pa siya maghinala nang lubusan, lumabas na rin ako dahil wala akong mapapala sa loob.
He was waiting just outside. Napatingin siya sa akin nang lumabas na ako sa restroom ng gas station. Naninigarilyo pa rin siya na ikinakurap ko.
“B-Bawal ‘yan dito…”
He just smirked. “Hindi pa tayo umaabot sa kama, kaya wala ka pang karapatang sabihin sa akin ang bawal at pwede.”
Natutop ang aking bibig. Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na sa kaniya pabalik sa kotse, ngunit hindi pa kami nakarating doon, bumigay na ang mga paa ko. Napadaing ako at sinadyang mapaupo pa!
He stopped, nandoon na siya sa may kotse nang binalikan ako ng tingin at nakita ang aking pagkakasadlak sa lupa habang tinitingnan ang banda ng paa ko kung saan mayroong bakas ng sugat dahil sa heels. Mahapdi iyon.
Hindi ko siya narinig, pero nakita ko ang paghawi niya sa kaniyang suit jacket at namaywang. Tumingala siya sandali at mukhang gumuhit ang iritasyon sa kaniyang mukha.
“Ganiyan ka ba kalampa?”
Natatakot man, hindi ako nagpatinag. “P-Pasensya na. Masiyadong magaspang ang strap at nakakasugat,” saad ko lalo pa’t nakita niya naman ang paltos sa aking paa.
Mukhang nagtitimpi na lamang siya. Napatingin ako sa convenience store sa gilid lamang at kalaunan, nagsalita siya.
“Tayo. Bago ako mapikon sa iyo at ihagis na lang kita sa kama,” nababagot niyang sinabi.
Pinalampas ko ang kaniyang bawat sinasabi. He’s been talking about bed since we met and I know what he exactly wants, kaya nga hindi ko maatim ang umaandar na oras.
Nauto ko naman siya. Binigay niya sa akin ang suit jacket at hindi tumigil sa paninigarilyo. Kinausap niya ang driver. Mukhang sinabing dito na lang at hindi na pupunta sa coastal market.
Hinayaan ko na lamang ang kaniyang itim na suit jacket na siyang sinuot ko. Pumasok kami sa convenience store at mangilan-ngilan lamang ang customer.
He looked really bored and mad at the same time. Kumuha ako ng band aid habang siya naman ay nandoon sa tapat ng cashier at doon bumibili. Panay ang kaniyang bantay sa aking gawi kaya lalo kong binagalan ang pagpili ng band aid.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Hindi ko rin alam kung magtatagumpay ako. Ngunit nang napatingin doon sa counter, and I saw him get a pack of condoms, umabot ang lamig sa aking sikmura.
Nakatalikod na siya sa bandang gawi ko. Humigpit ang hawak ko sa band aid at habang abala siya roon, lalo pa’t nagsalita ang lalaking cashier, nagawa kong bitawan ang kahon ng band aid. Napatingin din ako sa kotseng nasa labas at nakitang malayo iyon at mas malapit sa gas station.
Dahan-dahan kong hinubad ang heels na suot. Sa isang iglap, kasabay ng walang humpay na t***k ng aking puso at nanginginig na kamay, nagawa kong makarating sa pinto ng convenience store. Mabuti na lamang at may lumabas ding customer na kakatapos lang sa counter!
Walang lingon-lingon akong tumakbo. Nasa labas na ako nang nahagip pa ng aking paningin ang paglingon niya sa aking gawi, pati na rin ang cashier na nagulantang sa aking nagmamadaling pagtakbo at marahas na mura ng kaniyang kaharap.
I saw the glimpse of rage in his expression. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang tuloy-tuloy na tumakbo at sinuong ang kakahuyan sa tawid. Ni hindi ko pinansin ang mga sasakyang naantala, basta ay tinakbo ko na lang ang kakahuyang kanina pa pasimpleng pinagmamasdan!
Before I even faded into nothing, nakita kong marahas din ang paglabas ng lalaking iyon mula sa convenience store. Nag-akma pa ang driver kanina na susunod at hahabulin ako! But then, for a reason, for some reason I can’t understand, he stopped him!
Hindi rin siya nangahas na sumunod. Nanuot sa bawat ugat ko ang takot na baka ay may naghihintay rin sa akin sa dulo ng gubat na ito. Na baka hindi rin ako makakatakas kaya ganoon na lamang ang kaniyang paghinto at hinayaan ako!
Pumatak ang luha sa aking mga mata at ininda ang bawat sugat sa aking mga paa at binti. I no longer cared how sharply they cut into my skin. Basta’y tumakbo na lamang ako at nilalagpasan ang bawat mga puno sa gitna ng kadiliman.
I changed directions. At hindi ko akalaing sa gabing ito, magiging kakampi ko ang dilim upang hindi ako mahanap, at ang buwan para magsilbi ko namang liwanag.
My eyes glistened as I ran faster. Tanging mga tuyong dahon lamang ang naririnig sa aking bawat pagtakbo kasabay ng paghalik ng malamig na hangin sa aking mga pisnging luhaan.
Panay lamang ang aking iyak sa bawat pagtakbo. Dad, please help me… and if I die, please take me with you! Take me with you, Dad… a-ayaw ko na po rito.
No one will care if I die… no one will even notice I’m gone.
And if that happens, I hope the sky will cry for me at least. So I would know… at least… that the heavens actually cared about my existence…